MARAMING masarap tambayan sa paligid ng apartment building namin. Palibhasa nasa Katipunan at malapit sa ilan sa mga pinakamalalaki at pinakasikat na University at Colleges sa Manila. Gusto ko ang tinitirhan ko kasi malayo ‘yon sa Makati at Pasay kung saan ako madalas makipagkita sa mga customer ko. Mas maliit ang posibilidad na makasalubong ko ang mga lalaking isang gabi ko lang balak makita. Pero hindi rin naman talaga ako lumalabas maliban na lang kung may pupuntahang trabaho.
Kaso ngayong araw, nainip na ako sa loob ng apartment ko. Ilang beses na ako tinawagan ng agency kung saan ako affiliated at marami na nagre-request na VIPs para sa akin pero tinanggihan ko lahat. In fact, nagpaalam na akong magbabakasyon muna ako. Nagulat ang agency ko siyempre. Never kasi akong nagbreak sa trabaho mula pa nang magsimula ako noong nineteen years old ako. All these years palagi akong on-call. Kaya ngayon hindi sila nakatanggi sa request kong bakasyon. Take my time daw. So ‘yon ang balak kong gawin.
May resto-café na walking distance lang mula sa apartment building namin. Napansin ko ang opening event ‘non three days ago. Doon ako pumunta pagkaalis ni Angel para pumasok sa trabaho. I didn’t bother to dress up since wala naman ako balak makipagkita sa kung sino. Hinayaan ko lang nakalugay ang buhok ko, nag-apply ng manipis na make-up at nagsuot ng puting spaghetti strapped body hugging blouse at maiksing tattered maong shorts. Black wedges ang sinuot ko at nagbitbit lang ako ng wallet, cellphone at isang english novel na matagal ko na gusto basahin pero hindi ako makakuha ng tiyempo. Yes, even high class escorts like me read books. Actually I read a lot. Hindi lang novels kung hindi kahit anong artikulo sa internet. May nagdedeliver din ng diyaryo sa pinto ko tuwing umaga at binabasa ko ‘yon mula harap hanggang likod. Kailangan marami akong alam para may mapag-uusapan namin kami ng VIP customers ko.
Halos puro estudyante ang nakatambay sa resto-café kaya hindi ako out of place. Kapag hindi ako nakaayos at hindi nag-effort sa make-up papasa pa rin akong college student. May ilang mukhang mga professor at nagtatrabaho sa Universities na malapit. They all make me look under dressed. I don’t care. Lumapit ako sa counter, umorder ng kape at isang slice ng cheesecake at kinuha ang resibo. Dadalhin na lang daw sa lamesa ko ang order ko.
Pagharap ko sa kabuuan ng resto para humanap ng mapupuwestuhan nahuli kong nakatingin sa akin halos lahat ng mga lalaking customer. Ang iba mukhang napahiya na nahuli ko sila kaya binawi ang tingin. May ibang mas malakas ang loob – at makapal ang mukha – na ngumisi pa at pinasadahan pa ako ng humahangang tingin mula ulo hanggang paa.
Binalewala ko sila lahat kasi napunta ang tingin ko sa isang lamesa sa bandang dulo ng kainan, nakadikit sa glass wall at mukhang isolated. Pero hindi lang dahil magandang puwesto ‘yon kaya natutok doon ang tingin ko. It’s because of the man seating alone on that table. Nakayuko siya sa kung anong binabasa niya at may suot siyang reading glasses. He looks scholarly. Mukhang istriktong professor. Pero kahit na maliwanag ngayon at ibang iba ang hitsura niya may pakiramdam ako na ang lalaking nakikita ko ay si Martin.
Dapat ma-tense ako at umiwas. Kasi ayoko sa lahat ay ‘yong may makita akong lalaking nakilala ko bilang customer lalo na kapag ganoon kalapit sa tinitirhan ko. Three years ago may customer akong nakaalam kung saan ako nakatira at literal na naging stalker ko. Ayoko na mangyari uli ‘yon kasi gusto ko ang bago kong apartment at ayoko lumipat. Kaya dapat humanap ako ng lamesa na pinakamalayo sa puwesto ni Martin. Hindi ko siya dapat lapitan kasi baka nga hindi naman talaga siya ang lalaking nakilala ko sa hotel at kamukha lang.
Pero kahit kinukumbinsi ko ang sarili ko na hindi ko dapat gawin, narealize ko pa rin moments later na naglalakad na ako palapit sa lamesa niya. Fuck. Something is really wrong with me! Tapos ang bilis pa ng kabog ng dibdib ko na never ko naramdaman kapag lalapit sa isang lalaki simula pa noong nag-college ako. Hindi siya nag-aangat ng tingin, busy pa rin sa makapal na librong binabasa niya habang palapit ako sa kaniya. Nang huminto lang ako sa tabi ng lamesa saka lang siya natigilan at nag-angat ng tingin.
Our gazes met and I realized instantly that he really is Martin. Hindi ko maipagkakamali ang mga matang ‘yon kahit pa nakasuot siya ng eyeglasses. Bigla siyang dumeretso ng upo at kumislap ang rekognisyon sa mga mata niya. Ibig sabihin nakilala din niya ako agad. Pagkatapos nawala ang focus ng tingin niya sa mga mata ko, napunta sa kabuuan ng mukha ko. Nahigit ko ang hininga ko at unti-unting kumalat ang init sa mga ugat ko nang dahan-dahang humagod pababa sa katawan ko ang tingin niya, bawat parte ng katawan kong nadadaanan ng mga mata niya nagiging sensitibo.
Yes, this is Martin. Siya lang ang may kakayahang iparamdam sa akin ang ganitong sensasyon sa pamamagitan lang ng tingin. Ngumiti ako nang bumalik ang atensiyon niya sa mukha ko. Hinawakan ko na ang sandalan ng bakanteng silya sa harap niya at hinila ‘yon. “Pa-share ng table, ha?” Saka ako umupo bago pa siya makapagsalita at bago pa magbago ang isip ko at maglakad palayo.
Naningkit ang mga mata ni Martin habang nakatitig sa akin. Tumaas ang kilay ko at humalukipkip. Bumaba ang tingin niya at alam ko kung bakit. Na-emphasize kasi ang cleavage ko sa ginawa ko. “Hindi kita sinusundan kung ‘yan ang iniisip mo. I am as surprised as you are,” sabi ko.
“Hindi yan ang iniisip ko.”
May nakakakiliting kuryente na humagod sa likod ko nang sa wakas marinig ko na uli ang boses niya. It’s as husky and manly as I remembered. Iyon lang, mas malamig at distant ang tono niya ngayon kaysa nang gabing magkita kami sa hotel. Katunayan, kahit ang facial expression niya ngayon ay malamig at matigas. Wala ang munting ngiti na palaging nasa gilid ng mga labi niya. Wala ang mapaglarong kislap sa mga mata nang sabihin niya sa akin na maganda ako bago niya ako hinalikan sa mga labi.
Alam ko agad na hindi siya natutuwang makita ako. Hindi ko naiwasan makaramdam ng pagkadismaya kasi mukhang mali ako nang bansagan ko siyang iba sa lahat ng mga lalaking nakilala ko na. He’s just like anyone else. Interesado siya sa akin nang gabing ‘yon kasi alam niya na hindi na niya ako makikita pa uli. Pero ako ang tipo ng babaeng obviously ay ayaw niyang ma-encounter sa tunay niyang buhay. Ako ang tipo ng babae na ayaw niyang makikita ng mga kakilala niya na kasama niya.
Oh, whatever. Sanay naman ako sa mga ganitong lalaki. Hindi ko rin siya masisisi kasi kung lalaki rin ako na matinong katulad niya, hindi ko rin gugustuhin mainvolve sa isang babae na katulad ko. Naiinis lang ako sa sarili ko na hinayaan ko siyang mahalikan ako. Na kahit ilang segundo lang, hinayaan kong makita niya ang vulnerability ko. Naiinis ako sa sarili ko na sa nakaraang dalawang linggo, paminsan-minsan siyang sumusulpot sa mga panaginip ko kahit ayoko. Well, at least after ng encounter namin na ‘to sigurado akong mawawala na siya sa sistema ko.
“Don’t worry, makiki-share lang talaga ako ng lamesa. Mas gusto ko ang puwesto na ‘to,” sabi ko sa kaniya. Hindi na ako nag-effort ngumiti at maging friendly. Para saan pa? Inalis ko ang tingin sa kaniya at nakita kong papalapit na ang isang barista sa amin, dala ang tray nang inorder ko.
“Here’s your order, ma’am,” sabi ng barista, nakatitig sa akin at halatang nagpa-pacute.
Matamis ko siyang nginitian at hinintay maibaba sa lamesa ko ang mga order bago ko siya marahang hinaplos sa braso. “Thanks.”
Namula ang mukha ng barista, bumaba ang tingin sa boobs ko at matagal na nanatili lang nakatayo sa tabi ko, parang ayaw umalis.
“Tapos mo na dalhin ang order niya. Now go away,” biglang sabi ni Martin, mahina ang boses pero matalim at mapanganib. Nanayo ang mga balahibo ko at medyo natakot ako. Lalo na ang barista sa tabi ko na biglang dumeretso ng tayo, namutla at pagkatapos mag-sorry sa nanginginig na boses ay naglakad palayo sa lamesa namin.
Napatitig ako sa mukha ni Martin. Matalim pa rin ang tingin niya sa barista kahit nakalayo na sa amin. Tumaas ang kilay ko. “Bakit ang sungit mo?”
Tumingin siya sa akin. Nagkatitigan kami. “I don’t care if you flirt with men. Pero huwag mong gagawin sa harap ko.”
“Bakit?”
Tumiim ang bagang niya at naging mainit ang titig sa akin. “I don’t like it.”