HINDI ko napigilan huminga ng malalim. I crossed my legs because sexual awareness washed over me. Hindi ko gusto ang attraction na nararamdaman ko para kay Martin. “Bakit? Obvious naman na hindi mo ako gustong makita rito. Sinasabi ko na sa’yo, hindi ko ‘to sinadya okay?”
Naningkit ang mga mata niya. “Why do you keep putting words into my mouth? Hindi ganiyan ang iniisip ko. So stop it, Grace.”
So now he’s calling my name. Mga mata ko na naman ang naningkit. “Eh ano ang iniisip mo nang makita mo akong nakatayo sa harap mo? Huwag mong sabihing wala kasi nakita ko kung paano mo ako pasadahan ng tingin, Martin.”
May kumislap na emosyon sa mga mata niya na nagpainit sa pakiramdam ko. “College student ka ba? Mas mukha kang bata ngayon kaysa noong nakita kita two weeks ago. Are you old enough for your job? At kung hindi, alam ba ng mga magulang mo kung ano ang ginagawa mo?”
Napanganga ako at na-caught off guard sa sunod-sunod na tanong niya. “Ganiyan karaming tanong ang nasa isip mo kanina?”
Tumiim na naman ang bagang ni Martin. Bakit ba parang galit siya?
“Yes,” tipid na sagot niya.
Tinitigan ko siya at narealize ko na hinihintay niyang sagutin ko lahat ng tanong niya. I crossed my arms against my chest tighter. Hindi dahil gusto kong ipakita sa kaniya ang cleavage ko kung hindi dahil bigla akong na-tense at nailang. Masyadong personal ang gusto niyang malaman tungkol sa akin. Kaya imbes na sagutin ang mga tanong niya pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang maabot ng tingin ko. “Ibang iba rin ang hitsura mo ngayon kaysa noong nagkita tayo. Hindi ka nakasuot ng eyeglasses at hindi ka mukhang… scholarly nang gabing ‘yon. What do you do, exactly? Siguro naman puwede ko malaman tutal alam mo na kung ano ang trabaho ko.”
Naningkit ang mga mata ni Martin at isinara ang makapal na librong binabasa. Sumandal siya. Lumunok ako at itinaas ko ang noo ko kasi alam kong alam niyang sinasadya kong ibahin ang usapan.
“I’m currently a professor in my alma matter.” Tinapik niya ang libro at bumaba ang tingin ko roon. May ‘Clinical Psychiatry’ ang title. “Kaya ko tinatanong kung estudyante ka. It is my moral obligation as a professor to lead the students to the right path. Kahit pa hindi ko direktang estudyante.”
A dirty thought came into my mind. Kung isa nga akong estudyante at naging professor ko si Martin, I’m sure hindi ako titigil hangga’t hindi kami nagkakaroon ng isang forbidden affair. He’s too hot and sexy not to seduce. Ngumisi ako. Itinukod ko ang mga siko sa lamesa at lumiyad hanggang mapalapit ang mukha ko sa kaniya. “Anong gagawin mo kung estudyante nga ako? Will you punish me for what we’ve done two weeks ago, sir?” mapang-akit na bulong ko.
Naningkit ang mga mata niya. “I know what you’re doing, Grace. Stop it,” inis na sabi niya.
Umismid ako at bumalik uli sa pagkakasandal sa kinauupuan ko. Inabot ko ang inorder kong kape, tumingin sa labas ng kainan at mabagal na uminom. Inilapag ko muna sa lamesa ang paper cup bago ako tumingin uli kay Martin. “Hindi ako estudyante. I stopped going to school when I turned nineteen. Twenty three na ako ngayon. At tungkol naman sa mga magulang ko… hindi nila alam kung ano ang ginagawa ko sa buhay ko. I ran away from home when I was sixteen. Hindi ko na sila nakita mula noon kasi hindi sila nag effort na hanapin ako at wala rin akong balak na bumalik.”
Natigilan si Martin. Nawala ang kalamigan sa facial expression niya at naging kakaiba ang titig niya sa akin. Parang nilamutak ang sikmura ko at may umusbong na pagrerebelde sa dibdib ko. “Huwag mo akong tingnan ng ganiyan. Ayokong kinakaawaan ako. Don’t be like everyone else, Martin,” matalim na sabi ko.
Kumurap siya. Mukhang nagulat sa galit na hindi ko napigilan ipakita. Ibinuka niya ang bibig na parang may sasabihin. Pero biglang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa tabi ng libro niya. Napunta roon ang tingin ni Martin at huminga siya ng malalim. Pinindot niya ang screen ng cellphone, ending the call. Pagkatapos tumingin siya sa akin. “Kailangan ko na bumalik sa campus. May klase ako in fifteen minutes.”
Pinilit kong itago ang disappointment ko na matatapos na ang encounter namin. Tumango ako, kinuha uli ang baso at uminom ng kape. “Go on. I plan to stay here to read.” Hindi siya kumilos para tumayo, tumitig lang sa akin. Ngumiti ako. “Are you planning to give me your number? Gusto mo uli ako makita?” biro ko.
Tumunog na naman ang cellphone niya. Sa pagkakataong ‘yon sinagot na niya ang tawag, binitbit ang suitcase at ang libro sa isang kamay, tinanguan ako bilang pamamaalam at saka tumayo at naglakad palayo. Hindi ako lumingon at uminom uli ng kape. Nawala na ang ngiti ko at parang bumigat ang pakiramdam ko.
Narinig ko ang boses ng tumawag kahit na hindi ko naintindihan ang sinabi. And the caller was a woman. I don’t like getting involved with committed men. They are a pain in the ass. So Martin, the clinical psychiatry professor, is clearly off limits. Kaya sana matigil na ang mga panaginip ko tungkol sa kaniya.
“FUCKKKKK,” gigil na ungol ko paggising ko kinabukasan. Nanginginig ang buong katawan ko at basang basa ako ng pawis kahit na nakabukas naman ang aircon. I am so aroused that it hurts.
Akala ko pagkatapos ng pagkikita namin ni Martin kahapon hindi na siya susulpot sa panaginip ko. Mali ako. Katunayan mas naging detalyado at makatotohanan pa nga. Hindi na lang niya ako hinahalikan, naramdaman ko rin ang mga kamay niyang humahaplos sa katawan ko. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko, mas alaala kaysa panaginip. I felt his fingers in my pussy, exploring and driving me wild.
Pagkatapos parang pelikula na tumalon sa eksena ang panaginip ko. Pareho na kaming nakahubad at nakapatong siya sa akin. He’s already thrusting inside me again and again as we stare at each other. I was so close to coming when I felt his whole body shudder. Umungol siya, isinubsob ang mukha sa leeg ko, may paulit-ulit na sinasabi pero hindi ko maintindihan. As he reached his climax inside me I realized what he was saying. He’s calling a name. But it wasn’t mine.
Kaya ngayon nagising akong sobrang sensitibo ang buong katawan. Kaunting kuskos lang ng balat ko sa bed sheet napapaungol na ako. My pussy is throbbing, begging me for the release that I wasn’t able to get in my dream.
Pinilit kong bumangon sa kama at kahit nanginginig ang mga tuhod ko nagdesisyon akong maligo na. Baka sexually frustrated lang ako at kailangan ko tumanggap kahit isang kliyente lang. Just to relieve myself from this burning desire. I don’t really like masturbating because it never makes me satisfied and only leave me feeling more empty and bothered. Mas gusto ko na may kapareha. Mas gusto kong nakikitang nababaliw sa pagnanasa ang lalaking katalik ko. Mas nakakakuha ako ng satisfaction sa sex kapag nakikita ko ang mukha ng lalaki at naririnig ko ang ungol niya na parang sinasakal. I get my own release whenever I see my partner fall apart.
Matagal ako sa ilalim ng shower at kahit papaano kumalma na ang katawan ko. Still, alam kong kailangan ko ng sex. Kung hindi baka mapanaginipan ko na naman si Martin mamayang gabi. Bigla kong naalala na may tinatawag siyang pangalan habang nasa ibabaw ko siya. Hindi ko matandaan ang pangalan at siguro hindi ko naman talaga naririnig sa panaginip ko pero sigurado akong hindi Grace ‘yon. So, anong ibig sabihin ‘non? Umiling ako. Whatever, ayoko nang isipin masyado at sasakit lang ang ulo ko.
Pagkatapos kong maligo nagbihis ako. Nagme-make-up pa lang ako may tumawag na sa akin. Number lang. Naningkit ang mga mata ko kasi pamilyar ‘yon. Sigurado akong naging kliyente ko na ‘yon. Ayoko sana sagutin pero ito ang kailangan ko ‘di ba? Bumuntong hininga ako at sinagot ang tawag.
“Hey, baby. This is Tony.”
Tony? Tony…. ah. Ang galanteng businessman na bigla akong iniwan sa ere kaya ko nakilala si Martin two weeks ago. Dalawang beses na kami nagkita at wala na akong balak makipagkita pa sa kaniya pero… well, he’s good in bed. Just what I need.
“Tony, hi!” masiglang sagot ko. Tinanong niya ako kung gusto ko ba raw makipagkita sa kaniya for lunch, kung okay lang daw ba sa akin na mas maaga kaysa karaniwan ang pagpunta namin sa hotel. Pumayag ako at sinabing magkita na lang kami doon.
Pagkatapos kong mag-ayos kinatok ko si Angel sa kuwarto niya. Pagbukas ko ng pinto nakahiga pa rin siya sa kama at nakatitig sa kisame. Day off niya at mukhang walang balak bumangon. Hindi ko naman siya masisi. Katunayan hindi ko mapigilan makisimpatya sa kaniya. Kagabi inaya ko siya mag clubbing para makarecover siya sa naging ‘break-up’ nila ni Jack. Kaso naroon din pala sa club ang lalaki, kasama ang pinsang si Blake at ang first love niyang si Dolly.
Worst, nang may lalaking sumubok makipagkilala sa bestfriend ko biglang sumulpot si Jack sa tabi niya at hinatak siya paakyat sa VIP area. Nagpanic ako sa totoo lang at natagalan pa bago ako makaakyat kasi hindi naman sila basta nagpapapasok ng kung sino lang sa ‘don. By the time na makuha ko ang atensiyon ni Blake at masabi sa kaniya na kaibigan ako ni Angel, halos thirty minutes na ang lumipas. Lumabas ang bestfriend ko sa isang maliit na kuwarto, nagulo na ang buhok at halatang distracted. Obviously she and Jack had sex. Malamang may pinag-usapan din sila kaya tulala si Angel hanggang makauwi kami sa apartment.
I’m sure sobrang tinding emotional stress ang naranasan ni Angel kagabi kaya hindi ako nagtatanong kung anong nangyari sa loob ng maliit na kuwarto na ‘yon. Alam ko kapag handa na siya, sasabihin din niya sa akin ang lahat.
“May lunch date ako. Tumawag ang isang kliyente ko. Okay ka lang mag-isa rito?”
Sinulyapan niya ako at tipid siyang ngumiti. “Oo. Have fun,” matamlay na sagot niya.
Bumuntong hininga ako at tumango. Pagkatapos isinara ko uli ang pinto ng kuwarto niya at lumabas na ng apartment.