ISANG oras pa lang kami magkasama ni Tony nagsisisi na akong nakipagkita ako sa kaniya. Sure, okay naman ang lunch namin pero hindi ko gusto ang titig niya sa akin. He’s looking at me as if he already owns me. Na para bang may relasyon kami. I hated it. But since I want to get laid today I let him guide me up to the hotel room that he already reserved before we met. Hinayaan ko siyang hubaran ako, halikan ang leeg ko pababa sa mga dibdib ko at itulak ako pahiga sa kama.
Hinayaan ko nang bumaba ang mga labi niya papunta sa tiyan ko hanggang makarating ang halik niya sa pagitan ng mga hita ko. Umungol ako, mariing ikinuyom ang mga kamay sa bedsheet at iniliyad ang likod. I let him lick me, eat me and fuck me with his fingers. I closed my eyes and I moved my hips to the rhythm that gets me closer and closer to orgasm. Sa isang iglap nagsanib ang kasalukuyan at ang eksena sa panaginip ko kagabi. Naging isa ang sensasyon at naging totoo. It made the pleasure build up inside me more intensely than before. And when I finally reached the peak, I screamed something. Naramdaman kong huminto si Tony sa ginagawa niya, humigpit ang hawak sa mga hita ko na nanginginig at nanghihina pa rin.
Hinihingal pa rin ako nang dumilat ako kasi naramdaman kong pumatong siya sa akin. Nakakunot ang noo niya. “What did you say?”
“Huh?” wala pa rin sa huwisyo na bulong ko.
Tumiim ang bagang niya at mahigpit ang naging hawak sa gilid ng leeg ko. Kumabog ang dibdib ko at nanlaki ang mga mata ko. Kasi galit ang nakikita ko sa mga mata niya. His cruel eyes reminded me of that time when I was fourteen. Na-tense ako at nanlamig sa takot. Ang utak ko, sumisigaw na kailangan ko na umalis doon. Ubod lakas ko siya itinulak hanggang makabangon na ako sa kama. Hinablot ko ang mga underwear at bestida ko sa sahig.
“I’m sorry. Nakalimutan ko na may kailangan akong gawin ngayon. Importante. Kailangan ko na umalis,” garalgal na sabi ko at mabilis na nagbihis.
“Alam ko na wala kang importanteng gagawin. Tinatakasan mo lang ako. Bakit? Kasi nagi-guilty ka ‘no? You screamed a name, baby,” galit na sabi ni Tony. “And it was not my name.”
Natigilan ako at lumingon sa kaniya. “W-what?”
Naningkit ang mga mata niya at humakbang palapit sa akin. Umatras ako hanggang nakahawak na ako sa doorknob ng pinto. Huminto siya sa paglalakad, mukhang nakita ang panic sa mukha ko. Huminga siya ng malalim at marahas na ginulo ang buhok. “Don’t look like that, for fuck’s sake! Hindi kita sasaktan! Gusto ko lang malaman kung sino siya.”
“Sino?” litong tanong ko.
Tumiim ang bagang niya at tinitigan ako. “Martin. You screamed his name when you came.”
Nanlamig ako at alam ko na tinakasan ng kulay ang mukha ko. No. No. Imposible…. pangalan niya ang isinigaw ko? Oh. Shit. Shit. Shit. Mabilis kong binuksan ang pinto. “Sorry. I have to go,” sabi ko. Tumatakbo na ako sa hallway bago ko narinig ang pagtawag sa akin ni Tony. Mag-isa lang ako sa elevator at frustrated kong inuntog ang noo ko sa malamig na pader ‘non.
Martin. Ginugulo niya ang utak ko. Ayoko nang ganito. Ayoko na wala akong kontrol sa sarili kong isip at katawan. I need to do something about this before it’s too late.
MEDYO kalmado na ako nang makabalik ako sa apartment bandang alas siyete ng gabi. Kinatok ko ang kuwarto ni Angel at saka ‘yon binuksan. Tunog ng tunog ang cellphone niya pero hindi tumitinag sa kama ang bestfriend ko, tulog na tulog. Tuluyan akong pumasok sa loob at kinuha ang maingay na gadget. Tumaas ang kilay ko nang makitang puro si Jack ang kanina pa tumatawag. Pagkatapos may text message din ang lalaki. Binuksan ko ‘yon. Isang linya lang ang nakalagay. I want to see you.
Napatingin ako sa natutulog na mukha ni Angel. Naging bestfriend kami dahil marami kaming pagkakapareho pero ang pinakamatindi sa similarities namin ay deep inside, pareho kaming miserable. Pareho kaming may malalim na sugat na hindi nakikita ng iba at walang kahit anong nagpapahilom kahit anong subok namin. Pero sa nakaraang mga linggo nakita ko ang pagbabago kay Angel mula nang makilala niya si Jack. I realized last night that the wounds of my bestfriend’s soul are starting to heal because she fell in love. At kahit na hindi ko mapigilan makaramdam ng inggit at pangungulila sa isiping malapit na makamit ni Angel ang kaligayahan na hindi ko pa rin abot kamay, masaya pa rin ako para sa kaniya.
So nagreply ako sa text ni Jack. Ibinigay ko ang address ng isang restaurant. Pagkatapos ibinalik ko sa dating puwesto ang cellphone at inalog ko ang balikat ni Angel. “Wake up, sleeping beauty. Alas siyete na ng gabi!”
Bumangon si Angel, halatang disoriented pa rin. “Ha? Gabi na?”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Yes. Come on. Lumabas tayo at mag-dinner. Gutom na gutom na ako pero tinatamad ako magluto.”
Tumango siya at kumilos na para bumangon sa kama. Lumabas ako, nagpunta sa sarili kong kuwarto para magpalit ng damit at mag retouch ng hair at make-up. Mayamaya lang, gamit ang kotse ko bumiyahe kami papunta sa isang restaurant sa Ayala. Nagreklamo pa si Angel kung bakit ang layo pa raw ng pinuntahan namin. Hindi ko sinabi na kasi mas malapit kay Jack ang Ayala kaysa sa lugar namin sa Katipunan. Kasi malakas ang pakiramdam ko na hindi uuwi sa apartment namin si Angel ngayong gabi.
“May hinihintay ako,” sabi ko kay Angel nang maipark ko na ang kotse sa tapat ng restaurant at nakababa na kami pareho.
Kumunot ang noo ni Angel. “May inimbita kang iba?” Pagkatapos nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. “Oh, my God. May boyfriend ka ba? As in serious boyfriend na ipapakilala mo na sa akin?!”
Natigilan ako. May kirot akong nakapa sa puso ko kasi sa aming dalawa, siya ang nakahanap na nang seryosong boyfriend na alam kong pangmatagalan na. I am happy yet envious. Umiling ako. Then I rolled my eyes. “Tonight is not about me. Ikaw nga diyan ang dapat may ipakilala sa akin ng pormal eh.”
“Ha?” tanong ni Angel. Tapos lumampas ang tingin niya sa akin at nagbago ang facial expression niya. Nilingon ko ang tinitingnan niya. Pumarada ang isang SUV sa parking space kung nasaan kami. Bumaba doon si Jack.
Ibinalik ko ang tingin sa kaibigan ko. “Sorry, pinakielaman ko ang cellphone mo kanina.”
Kumurap si Angel at manghang tumingin sa akin. Pagkatapos mabilis niyang dinukot ang cellphone at kinalikot ‘yon. Kumislap ang mga mata niya nang mabasa ang text message. Kumirot ang puso ko. I wonder why I can be so happy for her yet so sad for myself. Ayokong kinakaawaan ako at mas lalong ayoko ng self-pity.
Niyakap ko siya at bumulong sa tainga niya. “Kausapin mo siya, Angel. Don’t let yourself be miserable by running away from someone you really love. Someone na mukhang malalim din naman ang feelings para sa’yo. Just don’t… be miserable.” Shit. Nanginig pa ang boses ko.
Pasimple akong huminga ng malalim bago bumitaw at nginitian ang bestfriend ko. Pagkatapos mabilis na akong sumakay uli sa kotse. Bago pa makapag-react si Angel pinaandar ko na ang sasakyan, kinawayan siya at pinaharurot ‘yon palayo.
Alas diyes na nang makabalik ako sa Katipunan. Bigla parang ayoko bumalik sa apartment ko. May pangungulilang humahalukay sa sikmura ko at baka kapag napag-isa ako magdrama lang ako. Kaya pumarada na lang ako sa parking space sa tapat ng resto-café na pinuntahan ko kahapon. Doon ko balak mag dinner.
Pagpasok ko pa lang lumingon na agad ako sa tagong lamesa kung saan ko siya nakita kahapon. Napahinga ako ng malalim nang makita kong naroon na naman siya. Kumakain na mag-isa. Hindi na siya nakasuot ng eye glasses at nakatupi hanggang siko ang long sleeved polo na suot niya. Bigla siyang nag-angat ng tingin, deretso sa akin. Nagtama tuloy ang mga mata namin bago pa ako maging prepared at maitago ang mga emosyong kanina ko pa nararamdaman nang iwan ko si Angel kay Jack.
Kumunot ang noo ni Martin. Huminga ako ng malalim at pinilit ngumiti bago naglakad palapit sa kaniya. Umupo ako sa katapat niyang silya, itinukod ang mga siko sa lamesa at medyo inilapit ang mukha sa kaniya. “We met again,” bati ko. “Bakit mag-isa ka kumakain? Busy ang girlfriend mo?”
“Girlfriend?”
“Iyong tumawag sa’yo noong huli tayong nagkita dito.”
“Hindi ko ‘yon girlfriend. Wala akong girlfriend. Co-teacher ko ang tumawag sa akin ‘non at fifty years old na siya, Grace.”
Oh. Nakahinga ako ng maluwag. He’s single. Ngumisi ako.
Kumunot na naman ang noo ni Martin. “What’s wrong with you?” seryosong tanong niya, titig na titig pa rin sa mukha ko.
Nawala ang ngisi ko at mabilis kong inilayo ang mukha sa kaniya. “I’m perfectly fine.”
Naningkit ang mga mata niya. “Liar.”
Mariin kong itinikom ang bibig ko. For a moment, we had a staring contest. Ang traydor kong isip, biglang naalala ang nangyari kanina with Tony. Martin. You screamed his name when you came.
Uminit ang pakiramdam ko. Hindi ako sigurado kung dahil sa inis o pagkapahiya. Lumunok ako. Maybe I should get him out of my system as soon as possible. Baka sakaling bumalik na uli ako sa normal na ako. Baka sakaling hindi na rin ako makaramdam ng inggit, lungkot at pangungulila sa susunod na makita ko si Angel na masaya sa piling ni Jack. Kasi baka unconsciously, umaasa akong ang encounter namin ni Martin ay matutulad din sa nangyari kina Angel at Jack. Na sa totoo lang alam ko namang imposible. I’m not as lovable as my bestfriend. And I don’t think I’m made for a happy-ever-after.
“Martin.”
“What?”
Inilapit ko ulit ang mukha ko sa kaniya. “Wanna sleep with me?” Parang huminto siya sa paghinga at nanlaki ang mga mata. “Hindi kita sisingilin. At ngayong gabi lang.”
Mahaba at tensiyonadong katahimikan bago kumibot ang mga labi ni Martin. “Hindi ba ako dapat ang maningil sa’yo since you’re the one asking for my company?” amused na tanong niya.
Napangiti rin ako. “Really? Anong gusto mong bayad?”
“Sabihin mo sa akin kung ano ang problema. Sabihin mo sa akin kung ano ang bumabagabag sa’yo.”
Sumimangot ako. “Kuwentuhan na naman ang gusto mo?”
Ibinalik ni Martin ang atensiyon sa kinakain. “Take it or leave it.”
Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. Ayoko talagang nagsasabi ng nararamdaman at naiisip ko sa kahit na sino at may palagay akong alam niya ‘yon. Huminga ako ng malalim at dumeretso ng upo. “Fine.”
Tumaas ang mga kilay niya. Tinaasan ko rin siya ng kilay. “Seryoso ako.”
At sa wakas, nakita ko uling umangat ang gilid ng mga labi niya. “It’s a deal then.”
Bumilis ang tibok ng puso ko. Kumalat ang excitement sa buong katawan ko. Tumikhim ako at tumayo. “Oorder muna ako ng dinner.” At kailangan ko kalmahin ang sarili ko. Tumalikod ako at mabilis na nagpunta sa counter. Bago ako maka-order, ngiting ngiti na ako.