Chapter SAVING GRACE: Chapter 21

KULANG ang sabihing nasorpresa ako sa mga nangyari sa araw na ‘to. Una kasi may ginawa akong bagay na ipinangako ko sa sarili kong never ko gagawin mula nang lumayas ako sa amin pagka-graduate ko ng high school. Tinawagan ko ang isang tao na related sa pamilya ko. Si ninong Diego.

Unang beses pa lang banggitin sa akin ni Martin si Joy naisip ko na tawagan si ninong. Lalo na nang malaman kong hindi niya alam kung nasaan ang babae o kung buhay pa ba o hindi. Sa tingin ko kailangan malaman ni Martin ang kinahantungan ni Joy. Mas maganda nga kung magkikita uli sila at magkakausap. Sa tingin ko kailangan niya ng closure para tuluyan na siya makalaya sa feelings niya para sa babaeng ‘yon. At kung nagkataon na single pa rin si Joy at marealize niya na gusto na niya si Martin ngayon? At kung si Martin ay in love pa rin kay Joy? Well, hindi ako aatras nang hindi lumalaban.

Pagkatapos ko pag-isipan ng husto ang sitwasyon, at knowing na imposibleng hindi makarating sa pamilya ko, tinawagan ko si ninong Diego. Nasa akin pa rin kasi ang cellphone number niya na pinilit niyang ibigay sa akin nang araw na malaman niyang nagdesisyon na akong umalis ng bahay. Huminga muna ako ng malalim saka pinindot ang call button. Matagal na nag-ring lang ‘yon. Inaasahan ko na ‘yon. Alam ko na sobrang busy siya ngayon. At least kung pagbabasehan ang halos gabi-gabi niyang appearance sa primetime news.

When my call finally connected my heart almost leapt out of my chest. Lalo na nang marinig ko na ang boses ni General Diego Cunanan, ang kasalukuyang director ng NBI.

Mariin akong pumikit at huminga uli ng malalim bago nagsalita, “Hi, ninong. Si Grace po ito.”

“Grace? Grace Zapata! Bakit ngayon mo lang ako tinawagan? You, young lady have a lot of things to explain to me. I heard something about you that I don’t like at all. Nasaan ka? Makipagkita ka sa akin. I will find time for you. You worry me, Grace.”

Ngumiwi ako kasi hindi pa ako ready makipagkita kay ninong. Hindi rin ako nagtataka na nakarating na sa kaniya ang tungkol sa pagiging high class escort ko. Actually, madalas may pakiramdam akong pinamamanman niya ako. Kung hindi siya, malamang ang mga magulang ko ang nagpapaimbestiga sa akin. Hindi dahil concern sila sa kapakanan ko kung hindi dahil malamang sinisiguro nilang hindi ko nadudungisan ang napakalinis at napakaganda nilang pangalan. That’s why I avoid telling anyone my surname.

“Sorry, ninong. Maybe next time I will have the courage to meet you in person. Pero sa ngayon, gusto ko pong malaman niyo na maayos ang lagay ko at kung ano man ang narinig niyo tungkol sa naging buhay ko sa nakaraang mga taon, promise na hindi ko na po ginagawa ‘yon. I already quit.”

“Really?” parang nagdududa pang tanong niya.

Huminga ako ng malalim. “Really, ninong.”

Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin sa kabilang linya, mukhang nakahinga ng maluwag. Sinamantala ko ‘yon at sinabi na ang totoong pakay ko. “Ninong, gusto ko sana humingi ng favor. I need to find the whereabouts of a person.” Pagkatapos sinabi ko sa kaniya ang pangalan ni Joy at iba pang impormasyon na nakuha ko sa mga kuwento ni Martin.

“Sino siya, Grace?”

“A… friend.”

“Okay. May picture ka ba niya? It will make finding her easier.”

Ngumiwi ako. “Wala po, ninong. Wala rin siyang social media accounts.” Nag-search na ako sa google.

Matagal na hindi sumagot si ninong Diego at sa tingin ko nag-iisip siya. Mayamaya nagsalita na siya uli. “Fine. Itatalaga ko ang isa sa mga pinakamagaling kong imbestigador para hanapin siya. At kapag naibigay ko na sa’yo ang impormasyong kailangan mo, gusto ko naman na mag-dinner ka sa bahay. Matutuwa at mapapanatag ang ninang mo kapag nakita ka niya.”

Kahit hindi niya ako nakikita malungkot pa rin akong ngumiti. “Thank you ninong. Hihintayin ko po ang tawag niyo kapag nakita na siya. Sige na po, alam ko na busy kayo. Bye.” Alam ko na napansin niyang hindi ako sumagot sa imbitasyon niya. Bumuntong hininga si ninong Diego at pagkatapos mangako na tatawag as soon as matagpuan ng imbestigador niya si Joy, nagpaalam na rin siya.

Tapos na ang tawag mahigpit pa rin ang hawak ko sa cellphone ko at hindi kumilos mula sa pagkakaupo ko sa sofa. Narealize ko na ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Mariin akong pumikit. Pagkatapos tumayo ako at nagdesisyong lumabas. Kailangan ko i-distract ang sarili ko. Kasi ang naging pag-uusap namin ni ninong ay nagtrigger ng mga alaalang ayokong balikan. Kaya mabilis akong naligo at nagbihis at wala pang thirty minutes nakalabas na ako ng apartment ko.

DUMATING ang ikalawang sorpresa sa araw ko habang nagkakape ako at nakapuwesto sa paborito naming lamesa ni Martin. Nakatutok ang tingin ko sa screen ng cellphone ko, binabasa ang nakasulat sa website ng University kung saan ako nag-aaral dati para malaman kung ano ang requirement na kailangan ko ipasa kung babalik ako sa school. Iyon kasi ang napagdesisyunan kong gawin ngayong tumigil na ako sa trabahong ilang taon din nagsustento sa aking luxurious life. Isang taon na lang naman ang bubunuin ko para makakuha ng diploma. Kaya naman siguro ng laman ng bank account ko.

So, as I was saying, busy ako sa pagbabasa kaya nagulat ako nang may biglang lumapit sa lamesa ko. Humarang ang anino niya sa liwanag ng resto-café kaya tumingala ako. Nagulat ako pero hindi ko masyadong pinahalata nang makita ko si James Salgado. Nakangiti siya at kumikinang sa charm ang mga mata. May hawak siyang paper cup ng mainit na kape.

Guwapo at malakas talaga ang dating ni James. Nang sulyapan ko ang paligid napansin kong lahat ng babae nakatingin sa kaniya. I bet their panties are getting wet just staring at him. Hindi ko nga lang talaga siya type. May nararamdaman kasi akong vibes sa kaniya na nagsasabi sa akin na marami kaming pagkakapareho. I don’t really like myself so obviously, I don’t really like him too.

“Grace, right? It’s good to see you here.” Hinatak niya ang silya sa harap ko at umupo roon.

Gumanti ako ng tipid na ngiti pero hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko habang nakatitig sa mukha ni James. He looks so charming and flirty right now. Pero kahit hindi na masyadong halata, nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang kalamigan at karahasang nakita ko noong una ko siyang nakilala. Alam ko agad na talagang hindi ako gusto ni James. So bakit nandito siya ngayon at mukhang balak pa ako landiin?

Biglang bumaha sa akin ang reyalisasyon. Ibinaba ko ang cellphone ko, sumandal at humalukipkip. “So, this is how you get rid of Martin’s lovers in the past,” komento ko.

Hindi nawala ang ngiti niya pero naningkit ang mga mata. “What are you talking about?” pa inosenteng tanong niya.

Muntik na ako matawa. Hindi kasi bagay sa kaniya umaktong inosente. “Hindi ko alam kung paano mo nalaman na dito mo ako makikita pero hindi ako naniniwalang coincidence lang ‘to, James. Mas lalong alam ko na ngayon na hindi coincidence na lahat ng babaeng nainvolve kay Martin ay nainlove sa’yo. He has no idea that you seduced all his lovers, huh.”

Nabura ang ngiti ni James. Dumeretso ng upo at nawala ang charming aura. Napalitan ng kalamigan at panganib na nagpatayo sa mga balahibo sa batok ko. Pero hindi ko binawi ang tingin ko at mas lalong hindi ako natatakot. He might be obviously a predator but I had been inside a cage that is my childhood house before. Nagkaroon ng panahon sa buhay ko na naging matatakutin ako. Pero hindi na ngayon. Matagal na akong nakatakas sa buhay na ako ang mahina at naabuso.

“Masyado ka ba talagang obsessed kay Martin na sinira mo lahat ng naging relasyon niya?”

Dahan-dahan sumandal din si James, humalukipkip at tinitigan ang mukha ko na parang ngayon lang niya ako talagang nakita. “Hindi ako ang sumira sa relasyon niya. Those women ruined it. Besides, kung madali silang maakit at ma-in love sa iba – lalo na sa akin – then they don’t deserve Martin. I didn’t raise him all on my own just to give him to women like them.” Tumango ako kasi sangayon ako sa sinabi niya. Naningkit ang mga mata niya. “And I will not give him to you, either.”

Ngumiti ako. “Hindi ko siya hinihingi sa’yo. I don’t have to. Matanda na si Martin at may sarili siyang isip kaya makakapagdesisyon siya kung gusto niya ako o hindi.”

Naningkit ang mga mata ni James. “I don’t like you.”

“Good. Kasi hindi rin kita gusto.”

Nagtagis ang mga paningin namin. “You don’t deserve my brother. He’s too good for you.”

Ouch. But it’s the truth. Kaya hindi ko kinalaban ang komento niya. Sa halip ngumiti lang ako at sinalubong ng titig ang mga mata niya. “It takes one to know one, huh. I can clearly see through you, James. You look perfect on the outside but you are fucked up inside.”

Tumiim ang bagang niya. “Sabi mo nga, it takes one to know one. You are also fucked up inside, Grace.”

Kahit na ayoko hindi ko napigilan ang pait na humalo sa ngiti ko. “Alam ko. At huwag ka mag-alala. Alam din ‘yon ni Martin. He knows me too well, actually, that he might eventually get rid of me on his own in the future even if you don’t do anything.”

Matagal na natahimik kami pareho. Mayamaya inis na sinuklay niya ng mga daliri ang buhok at nagmura. Tumaas ang kilay ko nang may ibulong siya na hindi ko narinig.

“Anong sinasabi mo?”

Inis na tinitigan niya ako. “Hindi mo talaga kilala si Martin kung sa tingin mo iiwan ka niya basta. That guy has a fucking bad habit of getting attracted to broken girls. Maybe he thinks he can save them. But no one can really save a broken person other than themselves. He was even the one who made me realize that so I assume he didn’t forget that. Pero mukhang hindi pa pala siya nadadala.”

“At least he’s better than a man who is attracted to innocent girls and always has an urge to break and dirty them,” sagot ko.

Naningkit ang mga mata ni James at tumiim ang bagang. Sa tingin ko gusto niya ako sakalin pero nakakapagpigil pa. “So, what do you do for a living?”

Tumaas ang kilay ko. “Ah, so this is an interrogation.”

“Gusto ko malaman kung anong klaseng babae ang dinedate ng kapatid ko. The last woman he fell in love with broke him. Ayoko na maulit ‘yon.”

Umismid ako. “Sino ba ang dahilan kaya niya nakilala ang babaeng ‘yon in the first place?”

Nanlaki ang mga mata ni James, dumeretso ng upo at manghang tinitigan ako. “He told you.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.