“HE TELLS me a lot of things, James. At ganoon din ako sa kaniya. What? Do you think all we do is fucking each other’s brains out? Hindi si Martin ang tipo ng lalaking hanggang sex lang ang hahanapin sa isang babae. He’s not like you.”
Kumuyom ang mga kamao niya at mukhang malapit na mawala ang self-control niya. Baka sakalin na talaga niya ako kaya tinigil ko na ang pang-iinis sa kaniya. “I was a prostitute. Madali ang pera ‘ron at para sa isang tulad ko na naglayas pagka-graduate ng high school at kailangan maka-survive na mag-isa, sa trabahong ‘yon ako kumapit.”
Halatang na-caught off guard si James at hindi yata alam ang sasabihin. Ngumiti ako. “It’s not as bad as it sounds. I enjoy fucking so being a prostitute is a good fit for me. I am having sex and I am having money out of it. It was the perfect set-up.”
Hindi pa rin ngumingiti si James pero unti-unting nawawala ang coldness at cruelty sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. “Was? That means you already quit?” Tumango ako. “Kailan pa?”
Na-tense ako at sa unang pagkakataon mula nang sumulpot siya sa lamesa ko, nag-iwas ako ng tingin. Ayoko sagutin ang tanong niya kasi malalaman niya kung bakit at para kanino ako nag quit.
“You’re serious about him then,” sabi ni James.
Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. “I don’t want to be.”
Marahan siyang tumango at nasiguro ko na talagang naiintindihan niya ako. Sinabi ko na ba na magkapareho kami ni James Salgado? Matagal na natahimik lang kami, parehong umiinom ng order namin na kanina pa malamig.
“How old are you when you started?” bigla niyang tanong sa normal na tono.
“Nineteen. I was lonely and hungry for attention back then. May nakilala akong isang tao na umaktong savior ko. Mas matanda siya sa akin ng seventeen years. Sabihin na lang natin na… hindi siya magandang impluwensiya sa akin. He was the one who made me who I was before I met Martin.”
Tumiim ang bagang ni James, lumampas ang tingin sa akin. Pader ang nasa likuran ko kaya alam kong mga alaala ang nakikita niya ngayon. “You’ve been corrupted huh. But you’re right. It was the easiest way to earn money.”
Umawang ang bibig ko at napatitig sa kaniya. Ibinalik na rin niya ang tingin sa akin. Our eyes met. At narealize ko na napagdaanan din niya ang naging buhay ko bago ko nakilala si Martin.
Ngumiti ako at nagdesisyong pagaangin ang usapan namin. “Sigurado ka bang kayo ni Martin ang magkapatid? Parang mas marami tayong pagkakapareho eh.”
Umangat ang mga kilay ni James at tipid na ngumiti. “Masaya akong hindi natin siya katulad.”
“I agree.”
Sabay kaming tumayo. Tumingin siya sa wristwatch niya. “Well, I have to go. Tumakas lang ako sa trabaho.”
“Pumasa ba ako sa interrogation mo?” sarkastikong biro ko.
Naningkit ang mga mata niya. “I still don’t approve of you.”
“And I still don’t need your approval.”
Mukhang may sasabihin pa si James pero bigla para bang sabay namin naramdaman ang presensiyang papalapit sa amin. Awareness washed over my whole body and excitement fluttered inside my stomach even before I see him. Lumingon ako at nahigit ko ang hininga ko kasi naroon nga si Martin, naglalakad palapit sa amin. Uminit ang pakiramdam ko sa sayang umusbong sa dibdib ko. Ngumiti ako.
“Martin!” Hindi ko napigilan na lumapit sa kaniya. Masaya ko siyang niyakap at malutong na hinalikan sa lips. “Wala naman tayong usapan na magkikita ngayon, ‘di ba? Ang sabi mo may appointment ka sa doktor mo?”
Tinitigan niya ako. Pagkatapos hinaplos niya ang pisngi ko at tipid na ngumiti. “I want to see you.”
Tagos hanggang puso ko ang mga salitang ‘yon. Masuyo akong ngumiti. “I want to see you too.”
Nagtama ang mga paningin namin at sigurado ako gusto niya akong halikan.
“Tsk. Tsk. Sinabi mo talaga sa kaniya lahat, huh?”
Napunta kay James ang tingin ni Martin. Inis na tinapunan ko rin ng tingin ang istorbong lalaki.
“Bakit nandito ka, James? Bukas na ang fashion show, ‘di ba?”
Nagkibit balikat si James. “May pinuntahan ako malapit dito. Nakita ko ang resto na ‘to at pumasok para bumili ng take-out coffee nang makita ko siya.”
We all know that’s just bullshit.
“Paalis na rin ako.” Tinapik niya sa balikat ang kapatid at mabilis na umalis. Sandaling sinundan namin siya ng tingin bago bumalik sa akin ang atensiyon ni Martin. He looks worried. “Anong pinag-usapan niyo?”
Ah. Nag-aalala siya para sa akin. Akala niya siguro binully ako ng kapatid niya. Hindi niya alam hindi ako ang tipong nagpapa-bully. Ngumiti ako at kumapit sa braso niya. “Marami.”
“Like what?”
Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, kinilig ako. Tumingkayad ako at mariin siyang hinalikan sa lips. Pagkatapos tinitigan ko siya at ngumiti. “I’ll tell you later.” Mukhang gusto pa niya magtanong pero inunahan ko na siya magsalita. “Not here. Let’s go somewhere else.” Hinila ko na siya palabas ng resto-café.
“Saan tayo pupunta?” tanong ni Martin.
May dumaang ideya sa utak ko at sandaling naghalo ang kaba, takot at pagkasabik sa dibdib ko. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Lumunok ako. “Sa apartment ko.”
Natigilan siya at kumurap. “Where?”
Huminga ako ng malalim kasi may part ko ang gustong bawiin ang imbitasyon ko. Kasi naloloka na yata ako para mag-imbita ng lalaki sa apartment ko. It’s too much for a simple ‘seeing-each-other’ relationship.
“Grace.” Pinisil niya ang kamay ko. “Tama ba ako ng narinig? You are inviting me in your apartment?”
Tumikhim ako at tumango. Ngumiti siya at kumislap sa katuwaan ang mga mata niya. Nahigit ko ang hininga ko. Suddenly I realized that I did the right thing to invite him. That smile is enough for me. Kaya gumanti ako ng pisil sa kamay niya at hinila na siya uli. After all, walking distance lang ang apartment building ko.
BIHIRA ako kabahan mula nang magpasya akong maging independent. Pero sobra ang tensiyon at nerbiyos na nararamdaman ko ngayon habang nakatingin ako kay Martin. Nakatayo siya sa gitna ng living room ko, nakapamulsa at kaswal na iginagala ang tingin sa paligid.
“Do you live alone?”
“Dati. Pero tumira na sa akin ang bestfriend ko ilang buwan pa lang ang nakararaan. Kaso mula nang magkaroon siya ng boyfriend halos hindi na siya umuuwi dito. Paminsan-minsan na lang kapag nauubusan siya ng isusuot o kaya kapag namimiss niya ako. Mas madalas siya sa bahay ng boyfriend niya.” Pinilit kong umaktong kaswal. Na para bang sanay akong may lalaking nagpupunta sa apartment ko. Naglakad ako papunta sa kusina at binuksan ang refrigerator. “Anong gusto mo inumin?”
Hindi siya sumagot. Yuyuko na sana ako para umabot ng softdrinks nang maramdaman ko ang presensiya niya sa likuran ko. Pagkatapos nahigit ko ang hininga ko at kumalat ang masarap na kilabot sa buong katawan ko nang maramdaman ko ang mga braso niyang pumaikot sa baywang ko. Lumapat ang likod ko sa matigas niyang katawan at napalibutan ako ng mabangong amoy niya. Naramdaman ko ang mga labi niya sa tainga ko. “Anything is fine. Mas gusto ko ng impormasyon kaysa maiinom, Grace,” bulong niya.
Unti-unting ginugulo ng pagnanasa ang utak ko. Pumikit ako at mahinang umungol nang maramdaman ko ang magaan niyang halik sa leeg ko. Humigpit ang yakap niya sa akin at tainga ko naman ang hinalikan niya. “I just need to know that he didn’t bother you or anything.” Sa pagkakataong ‘to narinig ko ang worry at takot sa tono niya.
Huminga ako ng malalim, isinara ang pinto ng refrigerator at pumihit paharap sa kaniya. Pinaikot ko ang mga braso ko sa leeg niya at idinikit ng husto ang katawan sa kaniya. We both took a deep breath when our fronts fit snugly against each other. Tipid akong ngumiti. “Wala kang dapat ipag-alala. Oo at sinadya niya ako para i-intimidate pero kung kilala mo ako alam mong hindi ako basta magpapatalo pagdating sa intimidation. Hindi ako papatalo sa mind games at lalo na sa trash talk. I’m awesome like that.”
Kumunot ang noo ni Martin. “Hindi niya dapat ginawa ‘yon. I am old enough to take care of my own personal matters. Hindi na kami mga bata at dapat alam niya ‘yon.”
Tumango ako kasi alam ko na hindi normal ang pagiging possessive ni James sa kapatid niya. Pero may pakiramdam din ako na mas malalim ang pinanggagalingan ng kakaibang attachment ng magkapatid sa isa’t isa. “He’s just worried about you. Pero para sa ikapapanatag ng loob mo, sasabihin ko sa’yo lahat ng mga pinag-usapan namin.” Well, aside from the fact that I already quit my job. Hindi pa ako ready alisin ang layer na ‘yon ng self-preservation ko pagdating kay Martin.
Tumango siya. Dahan-dahan akong bumitaw sa pagkakayakap ko sa leeg niya, hinawakan ang kamay niya at hinila siya pabalik sa living room. Magkatabi kaming umupo sa sofa at sinabi ko sa kaniya ang naging pag-uusap namin ni James. Tahimik lang siya at titig na titig sa mukha ko habang nagsasalita ako. Ang tanging reaksiyon lang na nakukuha ko sa kaniya ay kapag humihigpit ang hawak niya sa kamay ko. At nang matapos ako ang una niyang sinabi ay, “You are not fucked up inside. Both of you should stop thinking that way.”
Mapait akong ngumiti. “You know that we really are, Martin. But the most important thing is that we survived and still living, though not as normal as a person should. Pero isipin mo na lang, kung hindi sa sexual side ng buhay namin nagmamanifest ang pagiging fucked up namin, baka naging serial killer kami. We just chose the lesser evil.”
Kumunot ang noo niya, mukhang hindi gusto ang logic ng sinabi ko. Mayamaya nagulat ako sa sunod niyang sinabi, “Who corrupted you?”
“Ang tinutukoy mo ay ‘yung sinabi ko kay James na mas matanda sa akin ng seventeen years?”
“Meron pa bang iba?”
Para akong sinaksak sa sikmura. Oo, meron pa. Much worse than the guy who pretended to be my savior. Pero isipin ko pa lang ‘yon kumakalat na ang matinding sakit at pagkapahiya sa dibdib ko kaya binalewala ko na lang bago pa mapansin ni Martin na may bumagabag sa akin.
Tumikhim ako, paharap na tumagilid sa kaniya at itinaas ang mga binti sa sofa. Itinukod ko ang siko ko sa headrest ng sofa at nagpangalumbaba. Pagkatapos pinagtama ko ang mga paningin namin. “Noel ang pangalan niya. And he’s the kinky type, you know. He likes his girls young but legal enough to be safe from lawsuits. Gusto mo ba talaga marinig ang tungkol sa amin?”
Tumagilid din siya at itinukod ang siko sa sandalan ng sofa. He stared at me with an intensity and sincerity that tightened my throat. Hawak pa rin niya ang isang kamay ko at ngayon humahaplos na ang hinlalaki niya sa palad ko. “I want to get to know you, Grace. Gusto ko malaman lahat ng impormasyong kaya mong ibigay sa akin. So tell me about him,” malumanay na sabi niya.
Huminga ako ng malalim, tipid na ngumiti at marahang tumango.