MARTIN STAYED the night at my apartment. Sabi ng lohikal na parte ng utak ko hindi ‘yon magandang ideya. Kaso natibag ang natitirang pader ng self-preservation ko pagkatapos niyang haplusin ang pisngi ko, ngumiti at sabihing, “I really like you, Grace.” Kaya bago ko pa mapagana ng matino ang isip ko naalok ko na siyang manatili roon tutal hindi naman uuwi ang bestfriend ko. Ni hindi siya nagdalawang isip at pumayag agad. Siyempre napasubo na ako kaya hindi ko na binawi ang invitation ko. Okay, that’s a lie. Ayoko lang talaga bawiin kasi gusto ko talaga siyang makasama pa ng matagal.
Narealize ko na marami ka talaga malalaman tungkol sa isang tao kung makakasama mo siya sa iisang bubong kahit isang araw lang. Ako kasi maraming nalaman tungkol kay Martin. Katulad nang masarap pala siya magluto kasi siya raw ang palaging toka sa kusina noong magkasama pa sila ni James sa iisang apartment. Nalaman ko rin na kaya mukha siyang masungit ay dahil ang totoo naiilang siya kapag maraming tao sa paligid niya. Mukhang totoo kasi ngayong kaming dalawa lang ang magkasama ay mas relaxed ang hitsura niya, mas bumata.
Ang problema lang, dahil masyado akong komportable, nadulas ako at nasabi na sa kaniya na tumigil na ako sa dati kong trabaho at na sa kasalukuyan ay isa akong bum. Pigil ko ang hininga ko pagkatapos kong aminin ‘yon, hinihintay ang magiging reaksiyon niya. Akala ko magugulat siya, matutuwa, magtataka. Pero hindi ganoon ang nakita ko. Tumango lang siya, ngumiti at tinanong kung ano na ang plano ko ngayon. Na para bang hindi naman importante sa kaniya in the first place kung prostitute ako o hindi. Narealize ko na ‘yon nga talaga ang kaso. Martin didn’t care about my job because he likes me and accepts me, including the part of me that is so fucked-up.
Sumikip ang dibdib ko nang maisip ko ‘yon at bigla kong naisip na malamang, kahit malaman niya ang pinakatatago kong sikreto, matatanggap pa rin niya ako. Pero ayokong maging depressing ang gabing ‘yon kaya binalewala ko ang ideya na ‘yon at sinagot ang tanong niya. “Nagdesisyon akong bumalik sa school sa darating na semester. Malapit naman na akong matapos eh. Then I think I will really aim to be a psychologist. I think I will be good at it.”
Lumawak ang ngiti ni Martin at kumislap ang mga mata na para bang proud na proud siya sa akin. “I know you will.”
May bumara sa lalamunan ko at uminit ang pakiramdam ko kasi ngayon lang ang unang beses na tiningnan ako ng ganoon ng isang tao. Ngayon lang may naniwala sa kakayahan ko. Even my parents never looked at me with pride in their eyes.
Pagkatapos namin mag dinner at uminom ng wine na matagal na nakatago sa ref pero ngayon ko lang binuksan, tumayo na ako at sinabing magsha-shower lang ako. Tumango siya at nag-stay sa kusina habang ako naman nagpunta sa kuwarto ko para kumuha ng pantulog at saka nagpunta sa banyo. Pero bago ko pa masara ang pinto nagulat na ako kasi binuksan ‘yon ni Martin at pumasok din sa loob. Nanlaki ang mga mata ko.
“I want to take a shower too.”
“At hindi ka makapaghintay ng turn mo?”
Ngumiti siya at sinimulan na hubarin ang damit niya. “Why should I wait when we can take a bath together?”
Well, may punto naman siya. Besides, being under the shower with Martin is a delectable idea. Hindi na ako nagpakipot at naghubad na rin. Contrary to what one might expect, we didn’t have sex in the shower. We might be facing each other and touching each other’s body but we didn’t even kiss. It was a comfortable feeling, just exploring each other, getting to know one another with just the sense of sight and touch. I liked it.
Iba na nga lang ang kaso pagkatapos namin lumabas ng banyo. Walang ibang dalang damit si Martin kaya nilabhan namin ang damit niya at isinampay sa balcony ng apartment. Wala akong maipapahiram na kasya sa kaniya at ayaw naman niya isuot ang silk bathrobes ko kaya ngayon naglalakad siya na hubot hubad sa apartment ko. His naked body inside the comfort of my home ignites my lust for him. Lalo na nang titigan niya ako at sabihing, “You have too many clothes on, Grace. Why don’t you get comfy and get naked?”
Halata sa tono niya na tinutukso niya ako kaya naningkit ang mga mata ko at nagdesisyong tuksuhin din siya. So binigyan ko siya ng striptease. By the time I’m already naked he was already hard with arousal. Nagkatitigan lang kami ng ilang segundo bago sa ilang hakbang ay nakalapit na siya sa akin. Pinaikot niya ang mga braso sa baywang ko at inangat ako sa sahig. So I wrapped my legs around his hips as we kissed. Kinarga niya ako papasok sa kuwarto ko at maingat na inihiga sa kama. Sa pagkakataong ‘yon hindi kami nagmamadali pareho.
He explored my body with his lips and tongue, from my neck down to my breasts where he stayed for a long time. Pagkatapos bumaba ang mga labi niya sa tiyan ko, pababa pa hanggang umuungol na ako at nakasabunot na ako sa buhok niya kasi gusto ko nang maramdaman ang halik niya sa pagitan ng mga hita ko. At nang sa wakas marating niya ang bahagi ng katawan kong kanina pa naghuhumiyaw sa atensiyon halos umangat ang likod ko mula sa kama.
His lips and tongue did wicked things to my sex. He licked me, sucked me and even bit me. Within minutes I was already screaming my orgasm. And then when I went down from the blinding bliss, he said, “Again. I want you to come again.” And he began to eat me again. And again. And again. Then just when I thought I could not take anymore he finally fucked me.
Madaling araw na yata kami nakatulog na magkayakap at nagising na magkayakap pa rin. Ang weird lang sa pakiramdam na ang mukha niya ang huli kong nakita bago ako natulog at mukha niya rin ang una kong nakita pagkagising. Ang… domesticated ng dating. Nakakatuwa na nakakatakot. Kaya tumayo ako, nagbihis, binitbit ang cellphone ko at iniwan siyang natutulog sa kama para kunin ang mga damit niyang isinampay ko kagabi. Nagsalang din ako ng kape sa coffee maker at naglabas ng tasty bread at mga palaman para sa almusal.
Alas sais pa lang ng umaga kaya nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko. Kumabog ang dibdib ko nang makita ang pangalan ni ninong Diego. Sumulyap ako sa pinto ng kuwarto ko bago ‘yon sinagot.
“Grace, sorry, nagising ba kita?”
Ngumiti ako. “Gising na ako, ninong.”
“Good. I need to be quick since I have a breakfast meeting in an hour. Nagreport na sa akin ang imbestigador na kinuha ko para hanapin ang kaibigan mo. Give me your address at personal siyang pupunta diyan para ibigay ang report.”
Nanlaki ang mga mata ko. Nakita na niya si Joy! “Thank you ninong.” Pero dahil wala akong tiwalang hindi niya ibibigay sa hindi dapat makaalam ang address ko, sinabi ko na lang na ime-meet ko ang imbestigador niya sa isang coffee shop sa cubao. At least, malayo-layo sa apartment ko. Mukhang nabasa niya ang iniisip ko kasi bumuntong hininga siya. “Kung gusto ka nila makita, makikita ka nila kahit wala ang tulong ko, Grace. Besides, you cannot hide forever.”
“Then I will hide as long as I can. Salamat po sa pagtulong sa akin, ninong.”
“But don’t hide from me and your ninang. Have dinner with us one of these days.”
Ngumiti ako kahit hindi nila ako nakikita. “Next time po.” Pagkatapos nagpaalam na ako sa kaniya at tinapos na ang tawag. Ilang minuto ang lumipas, habang nagsasalin na ako ng kape sa mug, narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kuwarto ko. Humugot ako ng malalim na paghinga nang paglingon ko nakita ko si Martin, hubad pa rin, magulo ang buhok at halatang bagong gising kasi naghihikab pa. He was lightly scratching his flat stomach as he gives me a slow smile. “Good morning.”
Parang nilamutak ang sikmura ko at uminit ang pakiramdam ko. Automatic akong napangiti at gumanti ng bati. Naligo si Martin, nagbihis at pagkatapos sinaluhan niya ako sa almusal. Wala raw siyang klase sa araw na ‘yon pero kailangan na rin niyang bumalik sa apartment niya kasi mamayang gabi raw aattend siya sa fashion show kung saan stage director si James.
“May gagawin ka ba mamayang gabi? Join me. Palagi akong mag-isa kapag nanonood ng fashion shows niya at kailangan ko ng makakausap para hindi ako mainip. Besides I want to spend more time with you, Grace.”
Na-touch ako kaya pumayag akong sumama manood ng fashion show. Tamang tama kasi malapit lang ang venue sa coffee shop kung saan kami magkikita ng imbestigador na nakausap ni ninong Diego. Kukunin ko muna ang impormasyon na kailangan ko at saka ako makikipagkita kay Martin kinagabihan.
Pagkatapos namin mapag-usapan ang plano para mamayang gabi nagpaalam na siya sa akin. Hinatid ko siya sa labas ng apartment ko pero hindi siya umalis agad. Tinitigan lang niya ako ng matagal habang nakangiti bago siya yumuko, hinalikan ako sa mga labi at saka tuluyang naglakad palayo.