PAGSAPIT ng hapon nagkita kami ng imbestigador na pinapunta ni ninong. Inabot lang niya sa akin ang folder at ni hindi nga umupo sa lamesa kung saan ako nakapuwesto sa coffee shop. Pagkatapos niyang tawagan si ninong Diego at ipakausap sa akin sandali para masigurong hawak ko na ang report ay umalis na rin agad ang lalaki.
Matagal ko lang tinitigan ang folder. Gusto ko buksan ‘yon kasi naku-curious ako kung anong klaseng tao si Joy at kung ano na ang ginagawa niya sa buhay niya. But even though I asked someone to find her, what she do is still not my business. Kaya nagdesisyon akong huwag buksan ang envelope bago ko ibigay kay Martin. Bahala na siya kung ano ang plano niyang gawin sa impormasyong nakuha ko. Basta ang sigurado ko, kailangan nilang magkita uli at magkaroon ng maayos na closure.
Tumambay ako sa coffee shop na ‘yon hanggang oras na para magkita kami ni Martin. Sa venue ng fashion show na kami dederetso pareho kasi may dala rin akong sasakyan. Iniwan ko muna ang envelope sa loob ng kotse ko at lumabas. Napangiti ako nang makita kong naglalakad na palapit sa akin si Martin na para bang kanina pa talaga siya nakaabang na dumating ako. Sandali akong napako sa kinatatayuan ko kasi hindi ko napigilan pasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Makalaglag panty na siya kapag naka-casual clothing o kaya kapag nakasuot ng tinatawag kong ‘professor-outfit’. Pero ngayon na pormal at sophisticated ang hitsura niya in a black and white three piece suit at naka-brush up ang buhok niya... wow. He took my breath away.
Bago pa tuloy ako makakilos para salubungin siya nakatayo na siya sa harap ko, magaan akong hinalikan sa gilid ng mga labi at umatras para pasadahan ako ng mabagal na tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot ako ng jacket kanina nang makipagkita ako sa imbestigador pero iniwan ko rin ‘yon sa loob ng kotse ko. Now I’m only wearing a body hugging formal dress. V-shaped ang itaas na parte ng suot ko kaya exposed ang likod ko at ang cleavage ko. Pangit tingnan kung magsusuot ako ng bra kaya hindi na ako nagsuot ‘non. Hanggang ibabaw ng tuhod ang haba ng dress at humahakab sa katawan ko. Alam ko na sexy at elegante ako tingnan.
Bumalik sa mukha ko ang tingin ni Martin at humagod ang init at masarap na kilabot sa buong katawan ko nang magkatitigan kami. I can see desire and admiration in his eyes. Ngumiti siya, humakbang palapit sa akin at pinaikot ang isang braso sa baywang ko. Nagdikit ang mga katawan namin. Tiningala ko siya at yumuko na naman siya para halikan ang pisngi ko na para bang hindi lang niya mapigilan. “Let’s get inside.”
Gumanti ako ng ngiti at tumango. Hindi niya inalis ang braso sa baywang ko hanggang makapasok kami sa loob ng venue at makaupo sa front side row ng catwalk, kahilera ng mga kilalang artista, modelo at socialites. Karamihan sa kanila napapasulyap kay Martin at nakikita ko ang rekognisyon at paghanga sa mga mukha nila.
“Palagi ka ba nanonood ng fashion shows ni James?” curious na tanong ko.
Umupo siya sa tabi ko at ginagap ang kamay ko na para bang hindi siya makuntento na hindi ako hinahawakan. “Yes. Always.”
Kaya naman pala. I bet kilala nila si Martin. Ang dami ko naman pala kaagaw. Bumuntong hininga ako. Kumunot ang noo niya. “What is that sigh for?”
Umiling ako at hinaplos ang pisngi niya. Sinalubong ko ng tingin ang mga mata niya at ngumiti. “You’re too handsome for your own good, Martin Salgado.”
Umangat ang mga kilay niya pero ngumisi naman. “You sound like you’re falling in love with me,” biro niya.
Itinirik ko ang mga mata ko at kinurot ang braso niya. Natawa si Martin. “Grace, I’m just kidding.”
“Alam ko.” Inalis ko ang tingin sa kaniya at itinutok ang atensiyon sa catwalk. Umakto akong wala lang sa akin ang sinabi niya pero sa totoo lang ang bilis ng kabog ng dibdib ko at nagwawala ang mga paru-paro sa sikmura ko. Mabuti na lang nagsimula na ang fashion show. Nagkaroon ako ng excuse para huwag tingnan si Martin. Kasi sa totoo lang, bigla akong natakot na baka kapag natitigan niyang maigi ang mga mata ko makita niya ang katotohanan. Na para sa akin, hindi biro ang sagot sa komento niya.
NAKAKAMANGHA ang fashion show at base sa malakas na palakpakan ng mga nanood, naging matagumpay ‘yon. Magaganda ang mga damit na inirampa pero lalong kuminang ang gabi dahil sa presentation at production mismo ng show. Ang ganda ng sounds at lights. Pati ang mabilis na pagpapalit ng stage backdrop ang galing din.
Sinabi ko ‘yon kay Martin. Ngumiti siya at kumislap sa pride ang mga mata. Pagkatapos hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa backstage. “Sabihin mo ‘yan kay James ng harapan.”
Kung organized ang catwalk, sobrang gulo naman sa backstage. Mga modelo na naghuhubad at nagbibihis, mga staff na masayang nagbabatian para sa successful show at si James na parang sentro ng isang Universe kasi pinapalibutan siya ng iba’t ibang klase ng tao. Isang minuto ang lumipas bago siya napatingin sa direksiyon namin ni Martin. Ngumsi siya at saka mabilis na lumapit sa amin.
“You came,” sabi ni James kay Martin at sandali silang nagyakap. Nang tingnan naman niya ako umangat ang mga kilay niya at nawala ang ngiti. Pero at least playful ang kislap ng mga mata niya. “At nandito ka rin pala.”
Ngumiti ako. “Congrats. That was an amazing show.”
Natigilan si James bago kumibot ang mga labi na parang gusto ngumiti pero napigilan lang ang sarili. “Thanks.”
“Then, mauuna na kami ni Grace, ha? Alam ko na may after party pa kayo. Magkita na lang tayo sa isang araw. Remember our appointment?”
“Natatandaan ko, Martin. Paano ko makakalimutan kung dalawa kayo ni Silva na araw-araw pinapaalala sa akin.” Tinapik ni James ang balikat ng kapatid at magpapaalam na rin sana sa akin nang may tumawag sa pangalan ko. Sabay-sabay kaming lumingon.
Isang modelong babae ang nanlalaki ang mga matang naglalakad palapit sa amin at sa akin siya nakatitig. Kumurap ako at nanlamig ang buong katawan ko nang makilala ko siya.
“Oh, my God, Grace Zapata, right?” sabi ng babae nang huminto sa harap namin. Sinulyapan niya ang magkapatid sa tabi ko bago ibinalik ang tingin sa akin. “What a small world. High school graduation nang huli tayong magkita. This is the last place I will ever think of meeting you again.”
Pinilit kong ngumiti kahit pinagpapawisan na ako ng malapot sa batok. “Hindi ko rin alam na makikita kita ngayon, Amy. So you became a ramp model huh? It has always been your dream.”
Ngumiti si Amy, mukhang hindi napapansin na tensed akong makita siya. Actually, mabuting kaibigan ko siya noong high school ako. Kaso nang lumayas ako sa amin, nagdesisyon akong talikuran din lahat ng mga taong kilala ko noon. Hindi ako komportableng may makitang nakakaalam ng tungkol sa pamilya ko.
“At ikaw? Kamusta ka na? Hindi na kita nakikitang umuuwi sa atin ah.”
“I’ve been busy.” Kumapit ako sa braso ni Martin. “Mauuna na kami. Nice to see you again, Amy.”
Kumislap ang pagtataka sa mga mata niya. “Oh. Okay. Ikamusta mo na lang ako sa parents mo ha? At congrats sa Daddy mo. He won again as expected. I heard he’s aiming for a higher position next election right? Sana makita ka na namin uli bumalik sa atin.”
Tumango lang ako pero hindi ko na nagawang ngumiti. Tinapik ko sa braso si James bilang paalam at saka hinatak si Martin paalis sa backstage. Walang nagsasalita sa amin hanggang makalabas kami ng venue at makarating sa tahimik na hallway. Binitawan ko ang braso niya pero automatic naman lumapat ang kamay niya sa lowerback ko kaya hindi ako nakalayo sa kaniya kahit ‘yon ang intensiyon ko gawin. Kaya nanatili akong nakatayo at nakatitig sa harapan ko. Mayamaya naramdaman ko ang marahang paghagod ng kamay niya sa likod ko, mula sa baba paakyat at pababa uli. Inaalo niya ako. Umeepekto ‘yon kasi unti-unti nawala ang tensiyon sa katawan ko.
“Are you feeling better now?” bulong ni Martin sa tainga ko.
Bumuntong hininga ako, sinulyapan siya at tumango. Tipid siyang ngumiti at huminto na uli sa lowerback ko ang kamay niya. “Come on, let’s get you home.”
“Dala ko ang kotse ko.”
“Alam ko. Nag taxi lang ako kanina papunta rito. Ako na ang magda-drive.”
“Paano ka pauwi?”
Umangat ang mga kilay ni Martin at bumaba pang lalo ang kamay niya. I gasp when I felt his hands on my ass, rubbing me, lightly squeezing me until desire spreads throughout my body. “Sino ang may sabing balak kong umuwi?”
Napangiti na ako at inilapit pang lalo ang katawan sa kaniya. Hinalikan ko ang leeg niya pagkatapos bumulong ako sa tainga niya. “Let’s go home.”