Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin ako sa Daddy ni Airi. Parang lahat naman kami ng mga kasama ko ay hindi makapaniwala sa sinabi nito sa amin.
Pinanlalamigan ako na hindi ko maintindihan. Bumibigat din ang paghinga ko habang pilit na pinoproseso sa isipan ko kung ano ba ang sinabi nito. Ano ba ang ibig sabihin nito?
Paano akong naging ampon?
Napalingon ako kina Mommy at Daddy. Totoo ba?
I grew up with them…
I grew up knowing they’re my family… How can it be?
Paano akong magiging ampon?
May kung anong pumipiga sa puso ko habang nakatingin sa kanila. I don’t want to entertain the thought inside my head but… but what if it’s really true?
I looked at Alyanna, I saw pain in her eyes as well. Alam kong galit siya sa akin, sa amin ni Jahann pero nakikita ko rin ang gulat at sakit sa mga mata niya dahil doon.
Napalingon ako kay Airi na bakas sa mga mukha ang kalituhan din sa nangyayari. Namumugto rin ang mga mata nito kaya naman sa tingin ko ay kanina pa ito umiiyak. Huling nakita ko si Airi ay noong hinatid namin siya kung saan nakita rin namin ang tiyahin nito.
Hindi kami naging close na dalawa pero hindi ko mapigilan na hindi makaramdam ng lungkot habang nakikita siya na tila hindi niya alam kung ano rin ba ang paniniwalaan… ano ang totoo tungkol sa pagkatao niya.
“I’m sorry I had to announce it to you like that but I don’t think I should keep it…” muling sabi nito habang nakatingin sa mga magulang ko. “I know it’s really hard to understand but… I really think that Cherina…” he looked at me again and paused. He looked sad and confused, too. “I think she’s my daughter.”
Napayuko ako.
Habang inuulit niya ang ang mga salitang iyon, tila iyon mga mumunting patalim na tumutusok sa dibdib ko. Patuloy akong sinasaktan.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung dapat din ba akong magsalita dahil ngayon ay talagang malabo ang nangyayari sa akin.
Paano niya nasasabing ampon ako nila Mommy?
“What? What are you talking about?” tanong ni Mommy sa kanya. “Cherinna is my daughter! Anong pinagsasabi mo, Hugh?” She removed dad’s hand on her and walked towards Airi’s father. “What nonsense are you talking about?” malakas na tanong nito sa lalaki. She’s still crying because of what happened earlier.
Kung pwede ko lang hawakan ang kamay niya ngayon at aluhin siya dahil alam ko na ako lagi ang nagbibigay sa kanya ng sama ng loob ay ginawa ko na ngunit alam ko naman na mas sasama lang ang loob niya sa akin ngayon.
Alam ko na galit siya sa akin.
“Mommy…” tawag naman ni Alyanna na panay na rin ang pagtulo ng luha sa mga mata. Sapantaha ko ay maging ito ay naguguluhan din sa nangyayari.
Everything is happening so fast. Hindi ko sila masisisi na maguluhan, malito… masaktan. Kahit naman ako ay iyon ang nararamdaman ngayon.
Nalaman nila ang tungkol sa amin ni Jahann. Pinagpipilitan ni Jahann na ampon ito at nalaman naming lahat na hindi dahil positive ang DNA. Nalaman nila Mommy na naming dalawa ni Jahann si Nikolai… ngayon naman ay ito.
May taong nagsasabi na ampon lang ako… na simula nang magkaisip ako na sa tingin ko ay Anderson ako, hindi iyon ang totoo...
“Believe me, Mika. Ayoko ring maniwala noong una, pero…” lumingon ito kay Daddy. “Pero sa palagay ko ay kailangan niyong malaman kung bakit nangyari ang bagay na ito.” He heaved a sigh. Ramdam ko rin naman ang guilt sa boses nito dahil marahil sa tingin nito ay ito ang naging dahilan ngayon ng pagkakagulo sa pamilya namin.
“Just what the fuck are you talking about, Hugh?” tanong muli ni Tito Hunter sa lalaki. He clenched his fist and tightened his jaw.
“Go straight to the point,” madiin namang sabi ni Tito Thunder.
They’re all here… alam na agad nilang lahat ang tungkol sa pagkatao ko… kung totoo man ang bagay na iyon.
I bit my lower lip hard as I am trying to stop myself from crying.
“We can’t understand what’s happening, I’m sorry, Sir. But, what made you think that Cherinna is your daughter?” Kol looked at Airi’s dad. He glanced at me and I saw the concern in his eyes. Magkakasama kami mula pagkabata kaya naman talagang magiging mahirap matanggap na hindi pala ako Anderson gaya ng inaakala nilang lahat. Kol is also one of the closest to me.
Isa siya sa mga taong talagang pinagkakatiwalaan ko…
“You know what? Just stop this bullshit and just leave,” sabi ni Tito Thunder bago lumingon kay Mommy at hawakan ang braso nito “Mika, let’s talk about what’s happening to your family and--”
“It was Camilla who took your daughter…” ani Daddy ni Airi na muling nagpalingon sa aming lahat sa kanya.
Napakunot ang noo ko sa sinabi nito at sa nabanggit nitong pangalan.
Camilla?
“Camilla?” kumunot ang noong tanong ni Mommy sa kanya. “Your sister? Si Camilla…?” napalingon ito kay Daddy. “The one that…” nakita ko ang pagkuyom ng kamay nito bago muling lumingin sa ama ni Airi.
“Anong sabi mong kinuha niya…” napapailing si Mommy habang walang tigil ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. “Paano niya magagawa iyon? Cherinna is with us!”
“But that’s the truth, Mika. Kinuha niya ang anak mo, kinuha niya si… Airi, mula sa inyo…” nilingon nito ang babaeng katabi na impit na umiiyak din.
Mas tila bumigat ang pakiramdam ko sa paligid namin habang nagsasalita ang daddy ni Airi. Nakilala ko ang tiyahin ni Airi noong nagpunta kami roon pero hindi ko naman talaga siya nakausap. Kahit naman ang daddy ni Airi ay isang beses ko lang nakausap, kanina… noong nasa restaurant kami nito.
“What are you talking about, Tito Hugh?” hindi na nakatiis na tanong ni Jahann na nakatayo sa harapan ko at hinaharangan ako. “What made you think that Cherinna is your daughter? Did you know this?” he looked at Airi when he questioned her.
Umiling naman si Airi bilang sagot at napalingon sa akin na tila may gustong sabihin pero hindi naman nagsalita.
“Jahann…” hinawakan ko ang kamay niya.
Alam ko na naguguluhan ito ngayon pero kung totoo man ang sinasabi ng Daddy ni Airi, alam ko na nahihirapan din si Airi ngayon.
Buong buhay nito, inisip nito na Alcantara siya…
Kagaya ng buong buhay kong pag-iisip na isa akong Anderson.
Humigpit ang kapit ko sa kanya na tila ba gusto kong kumuha ng lakas mula kay Jahann dahil hindi ko alam kung hanggang saan ko na kakayanin ang mga bagay na ito na nangyayari sa aming dalawa.
Airi’s dad looked at Jahann. “When Camilla saw you, she started saying things… she thought you were Kerko…” lumingon naman itong muli kay Daddy. “She’s really still so obsessed with you. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya noon… nalaman ko na lang nang… nang tumawag si Airi kanina. Sinabi niya ang ginawa niya…”
“What…?” Mom looked at Dad again. “I don’t understand, Mikael. Ano bang ginawa ko at ayaw tayong tigilan ni Camilla?” she asked him before looking at Airi’s dad again. “Hindi pa rin ba tapos ang panggugulo ng Camilla na ‘yan sa buhay ko? Sa buhay namin?!” malakas na sabi nito habang nakatingin sa Daddy ni Airi. Mararamdaman ang galit sa boses nito habang nakatingin sa lalaki.
“Isn’t it enough that Mikael had to go through what happened to him and I had an accident? Ngayon ginugulo niyo naman ang pamilya ko?!” puno ng sama ng loob na sabi ni Mommy sa lalaki.
Wala ni isa sa amin ang makapagsalita dahil sa nangyayari. Kahit si Keij ay tahimik lang na nasa tabi ni Alyanna. Si Theon naman ay nakatingin sa amin ni Jahann.
“Mikaela…” hinawakan ni Daddy ang kamay ni Mommy na tila inaalo ito.
Maging ako ay hindi ko naiintindihan kung ano ba ang nangyari noon sa kanila. Sino ba si Camilla at ano ang involvement nito sa pamilya namin…
Airi’s dad looked sorry for what’s happening right now. “I’m really sorry, Mika. I didn’t know she’s capable of doing it. I also thought she stopped already. I thought she moved on from Kerko already, but she didn’t.”
“Camilla is the one who caused Mika’s accident, right?” Tito Hunter asked Tito Thunder. Tinignan naman ng masama ni Tito Thunder ang kapatid.
“Yes!” sagot ni Mommy sa lalaki. “She’s also the reason why Daddy died!” Mommy looked at Airi’s dad. “Hindi pa ba sapat ‘yung mga nagawa ng kapatid mo? Ngayon dinadagdagan niyo pa ng kasinungalingan!”
Parang may dumudurog sa puso ko habang nakatingin ako kay Mommy at kung paano itong nasasaktan sa nangyayari ngayon. Kung paanong ang iniisip niyang maayos na pamilya namin ay nagkakagulo ng ganito.
“Mika, it was not my intention to do this. Alam ko na mahirap na matanggap pero hindi ko pwedeng itago sa’yo ang totoo…” Airi’s dad sighed. “Alam kong hindi madaling matanggap…”
Hindi nagsasalita si Daddy. Hindi nito sinasagot ang lalaki, sa halip ay hinahawakan nito si Mommy at pilit na pinapakalma.
“This Camilla you’re talking about… she caused Mika’s accident before…?” Tito Hunter looked at Airi’s dad.
Napalingon ako sa kanya. Hindi nila idinetalye noon ang kwento sa amin, sinabi lang nila na naaksidente sila Mommy noon at iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon ng amnesia si daddy.
“Hunter,” Tito Thunder called his name, as if warning him.
Tito Hunter ignored him and looked at Airi’s dad. “She caused our father’s death, too?” he added.
“I know it’s wrong, and I’m really sorry about that. It won’t change anything, I know that... I thought she’s getting better, she’s moving on. Hindi ko alam na gagawin niya ang bagay na iyon kay Mika… kahit sa amin ay hindi ko akalain na kukunin niya ang anak namin at dadalhin sa Child’s Hope…” paliwanag nito habang nakatingin sa lalaki.
Muli naman itong lumingon kay Mommy. “Mika, Kerko, I know it’s really hard to accept and understand, but I think we really should talk about it. I think Cherinna is my daughter… Airi…” he looked at the girl beside him. “Airi is your daughter…”
Napalingon ako kay Airi.
She's an Anderson?
Siya ang totoong anak nila Mommy… nila Daddy?
“Stop saying that my daughter was kidnapped by your lunatic sister! Hindi iyon totoo! Kasama namin ang mga anak ko noon pa!” malakas na sabi ni Mommy sa lalaki. Lumingon ito kay Daddy. “Diba? Kasama natin sila noon pa man, Mikael…” yumakap ito kay Daddy at humagulgol. “Why did they keep on ruining our family…?” sabi nito habang patuloy na umiiyak.
Dad looked at Tito Thunder and he sighed heavily as he closed his eyes tight.
“I’m sorry, Ai…” halos walang boses na sabi ni Daddy ngunit hindi ko alam kung bakit naging malinaw sa pandinig ko ang sinabi niya.
Napalingon ako sa kanya.
“Tangina,” napailing si Tito Thunder at napatingin kay Mommy.
Napaangat ng tingin si Mommy kay Daddy. Lumuwag ang pagkakayakap niya rito habang nakatingin sa mukha nito. “What…? Why are you saying sorry…?”
Maging ako ay napako ang tingin kay Daddy. Parang tinatambol ang dibdib ko habang nakatingin dito at naghihintay sa sunod na sasabihin niya sa amin.
He sighed heavily as he looked at Mom. He held her hands and looked at her face. Napansin ko ang pamumula ng mukha ni Daddy habang nakatingin kay Mommy.
“What is it, Mikael…?” tanong ni Mommy kay Daddy. “Bakit ka nagsosorry? Anong ginawa mo?” tumaas ang boses nito habang patuloy ang paghikbi.
“I had to do it…” mahinang sabi ni Daddy kay Mommy. “I know it will break your heart…” nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ni Daddy.
“What are you talking about, Daddy…?” tanong ni Alyanna sa lalaki. “Totoo ‘yung… ‘yung sinasabi nila?” maging si Alyanna ay umiiyak din dahil sa nangyayari. Napalingon siya sa akin. “Cherinna…”
Hindi ako nakapagsalita habang nakatingin sa kanya. They’re just confirming it.
I am adopted…
“No…” umiling si Mommy. “It’s not true! Hindi mo naman ililihim sa akin ‘yun, eh!” Mom was sobbing while looking at Daddy. We could all feel the sadness, the feeling of betrayal in her voice. “Sasabihin mo sa akin ‘yun kasi alam mo na hindi mo pwedeng itago ‘yun!” dagdag nito na patuloy ang paghagulgol.
“We’re all afraid you won’t be able to take it…” ani Tito Thunder.
“Alam mo?” maging si Tita Rain ay nagulat nang magsalita ang asawa nito.
Nilingon naman ito ni Mommy. She looked so betrayed.
“Alam namin,” sabi naman ni Tito Hunter.
Napalingon ako sa kanilang dalawa. Alam nila?
Alam nila noon pa na hindi ako totoong anak nila Mommy…?
“Alam niyong lahat pero wala man lang ni isa sa inyong nagsabi sa akin?” puno ng hinanakit na sabi ni Mommy bago nilingon si Daddy. “Alam mo pero hinayaan mo lang? Hindi mo sinabi sa akin na nawawala ang anak natin? Ang anak ko!” She pushed Daddy away.
“Because we know that’s how you will react, Mika,” ani Tito Thunder sa kanya. “Alam namin na hindi mo matatanggap kaya hindi namin sinabi.”
“Kaya kumuha ka ng ibang bata para pagtakpan ang nangyari?” She looked at Dad again, pain and anger was written all over her face. “What were you thinking, Mikael?” She wiped her tears.
“So what he’s saying is true? Na… na hindi ko anak si Cherinna…?” she looked at me and I couldn’t stop my sobs.
Jahann looked at me and pulled me in a hug. “Shh…” he hugged me tight.
I buried my face on his chest and let out the tears I kept holding since earlier. Ang bigat-bigat ng loob ko ngayon dahil sa nangyayari.
Hindi pa malinaw ang lahat pero… pero isa ang maliwanag…
Hindi nila ako totoong anak. Hindi ako totoong anak nila Mommy…
I bit my lip and hugged him tight.
I closed my eyes hard.
“Answer me! Alam niyong lahat diba? Pinagmumukha niyo akong tanga lahat! Sagutin niyo ako. Totoo ba ang sinsabi ni Hugh? Hindi ko anak si Cherinna?” nariring ko ang boses ni Mommy habang patuloy rin ang pag-iyak nito base na rin sa basag na tinig nito.
“Mommy…” I heard Alyanna’s voice again.
“Answer me…” Mom said, pleading. Hindi ko tiyak kung sino ang kinakausap nito pero alam kong nahihirapan na ito.
“Yes…” It was dad’s voice. I felt like a spear pierced through me when he really confirmed it.
“Cherinna is adopted, Ai. She’s not our real daughter…”
I bit my lip hard and hugged Jahann tight.
So, I’m not an Anderson… I’m an Alcantara…
Hindi ako parte ng pamilya nila…
I felt Jahann’s lips on my head.
“I won’t let you go, baby… I won’t let you go,” he whispered as he hugged me tight. “I will make you an Anderson. I promise you that.” He said as he kissed my head again.