Chapter 32

I was inside my room and I was just sitting on top of my bed. I was hugging my knees while my chin was on top of my knees.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat namaramdaman ko ngayon dahil sa nangyayari. Ang tanging naisip ko lang na mangyayari ang tungkol sa amin ni Jahann.Hindi ko akalain na may mas malaking mangyayari pa pala na mas magpapabago sa buhay naming lahat.

I didn’t bother opening the lights. Just like my room, everything is so dark for me now… hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko ngayon. Hindi ko alam kung sino ba ang kakausapin ko ngayon tungkol sa nangyayari sa amin...

Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kwarto ko. Hinatid ako ni Jahann dito sa kwarto ko kanina at alam ko na kahit na hinid niya ako gustong iwan ay wala itong nagawa nang sabihan ko siya na gusto ko na muna mapag-isa. Alam ko na gusto niya akong samahan, damayan… pero mas gusto ko na muna na mapag-isa ngayon.

Wala rin sa kwarto ko si Nikolai dahil dinala na muna ito ni Ate Mildred sa kwarto nito at doon na muna pinatulog.

Hindi ko alam kung naroon pa ba sa sala sina Tito Thunder at kung kausap pa rin ba ng mga ito si… ang daddy ni Airi tungkol sa… sa akin...

Naramdaman kong muli ang paninikip ng dibdib ko nang maisip ko ang totoo. Muli kong nakagat ang labi ko nang paulit-ulit kong naririnig sa isip ko nang kumpirmahin ni Daddy ang totoo tungkol sa pagkatao ko…

Hindi nila ako anak…

Napayuko ako nang muli kong pakawalan ang mga luha sa mga mata ko. I tried so hard not to make a sound while crying. Niyakap ko ng mahigpit ang mga tuhod ko habang patuloy ang paghagulgol ko.

Mula pagkabata akala ko anak nila ako… akala ko kapatid ko si Alyanna…

Alam ko na mali na nagkagusto ako kay Jahann pero hindi ko akalain na… na ampon lang ako.

Umiling ako at pinunasan ang mga pisngi ko. “At least… at least they took care of you… kahit na… hindi ka nila anak talaga…” mahinang sabi ko upang palakasin ang loob ko ngunit mas lalo lang akong napahagulgol dahil nasasaktan akong nalaman namin ang totoo.

I closed my eyes and hugged myself again.

I remember those days we’re all together… ako, si Alyanna, si Mommy, si Daddy… who would’ve thought I am not a real part of their family?

“Hindi na nga niya ako anak, ako pa lagi ang nagbibigay sa kanya ng sama ng loob…” I smiled sadly and sobbed again. I bit my lip hard when I remember all those times I made mom cry…

Sa aming tatlo, ako ang laging nagpapasama ng loob niya, ako ang laging dahilan kung bakit siya umiiyak… hanggang ngayon na nalaman na namin ang totoo, nasasaktan pa rin si Mommy dahil sa akin.

I looked at our family picture on top of my bedside table. Katabi iyon ng picture namin ni Nikoai.

Nanginginig ang kamay na inabot ko iyon at pinagmasdan ko ang mga kasama ko sa picture na iyon.

I stared at mom’s face and smiled sadly. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa mga mata ko habang nakatingin sa picture namin na iyon. I looked at Alyanna’s smiling face and I couldn’t stop myself from sobbing.

I grew up thinking we’re twins. Alam ko na marami naman ang nagsasabi na ang pagkakahawig namin ni Alyanna ay hindi masyadong visible pero hindi naman namin iyon binibigyang pansin dahil ang mahalaga naman sa amin ay kaming dalawa…

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok doon at bumukas iyon. I saw Jahann walk towards me. Madilim sa loob ng kwarto ko kaya naman hindi ko na nakita kung anong emosyon ba ang mayroon sa mukha nito.

“Creep…” tawag niya sa akin bago naupo sa kama ko at hinawakan ang mga kamay ko. Tumingin ito sa hawak kong picture frame at kinuha iyon mula sa akin.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “B-bakit ka bumalik…?” halos walang boses kong tanong sa kanya. Sumasakit na rin ang lalamunan ko dahil na rin marahil sa pag-iyak.

He shrugged and squeezed my hand. “I know you need someone to talk to right now…” he replied. “You told me you wanted to be alone, but… I realized, this isn’t just your fight, baby. This is our fight.” masuyong sabi ni Jahann bago muling pinsil ang kamay ko. “I am here and I will never leave you…”

I looked at his hands.

“When… when you said you were adopted…” I looked at him and I couldn’t stop my sobs. “I was silently praying that it’s true…” I bit my lower lip. “I was that selfish… hindi ko naisip na… ganito pala kasakit…”

“Cherinna…” he raised his hand and caressed my cheek, he wiped my tears. “I may not know how painful it is you are feeling right now, but I assure you, I will hold your hand… I won’t let you go…” he breathed heavily before pulling me in a hug.

He hugged me tight and kissed my head.

I rested my head on his chest. “I’m adopted…” mahinang sabi ko sa kanya habang humihikbi. Hindi naman nagsasalita si Jahann habang yakap ako. He’s also confused right now and I understand that.

“The one you researched about… it was me…” dagdag kong sabi sa kanya habang nanatiling nakasandal ang ulo sa dibdib nito. “Yung inaakala mong ikaw ‘yung ampon… ako ‘yun…” I sniffed and hugged him tight.

“Shh… get some sleep, baby. Everything will be okay…” he whispered as he rubbed my back gently. I closed my eyes and silently prayed for more strength.

Alam ko na marami pang mangyayari sa amin… sa pamilya namin…

When I opened my eyes the next day, I could feel my head throbbing in pain. Inilibot ko ang mga mata ko ngunit wala roon si Jahann.

Maybe he went to his room last night when I fell asleep.

Maging si Nikolai ay wala rin sa kwarto ko.

Tumayo na ako at mabilis na inayos ang pinaghigaan ko at nagtungo sa banyo para maghilamos. Tinignan ko amg repleksyon ko sa salamin.

Namumula at namamaga pa rin ang mga mata ko dahil na rin sa pag-iyak. Umiling ako at mabilis na itinali ang buhok ko at naghilamos na rin at lumabas ng kwarto.

Tahimik ang buong kabahayan namin. Napalingon ako sa paligid at wala akong nakita man lang ni isa sa kanila.

Naglakad na lang ako papunta sa kusina para uminom ng tubig dahil wala akong ganang kumain.

“Ma’am, kakain na po kayo?” tanong sa akin ng isang kasambahay namin. Napalingon ako sa kanya at umiling. “Hindi po… you… you can call me Cherinna…” mahinang sabi ko rito.

I don’t think they should be calling me Ma’am.

“Kukuha lang po ako ng tubig…” paalam ko rito bago kumhuha ng tubig at ininom iyon. Wala talaga akong ganang kumain sa ngayon, pakiramdam ko ay hindi ko rin naman magagawang lunukin ang kakainin ko.

Pumasok si Ate Mildred sa kusina kaya naman tinanong ko siya kung nasaan si Nikolai at kung nakakain na ba ito. Sinabi nito na kasama ito ni Jahann at pinapaarawan ang bata kaya naman nagpunta na lang ako sa park kung saan naroon silang dalawa.

I heaved a sigh while walking.

I practically grew up here…

I grew up with them.

Pero sa isang iglap lang, nagbago ang lahat.

Hindi ko alam kung nasaan sila Mommy… hindi ko naman din alam kung gusto ba nila akong makita o hindi. Kung gusto niya akong makausap o hindi…

Afterall, she hated me for what I did.

Nakita ko si Jahann na nakatayo habang karga si Nikolai. He was looking at him while smiling. I looked at Jahann’s face. I don’t know why, but I felt like he’s also holding on to Nikolai to keep on fighting.

Mabe Nikolai became our anchor…

Naglakad ako palapit sa kanilang dalawa. Agad naman akong nilingon ni Jahann nang lumapit ako sa kanila.

“Look, Nikolai, here’s Mommy…” he smiled and held Nikolai’s hand and made it wave for me. I tried to smile but I have no idea if I was able to make one.

“He’s getting vitamin D,” paliwanag ni Jahann sa akin kung bakit naroon silang dalawa ni Nikolai. Mukha namang natutuwa ang bata sa pakikipaglaro kay Jahann.

“Have you eaten?” he asked me after a while. Lumingon siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Hinawakan ko naman ang kamay ni Nikolai at umiling sa kanya.

“Do you want anything? I’ll cook,” Jahann said, trying to cheer me up. I shook my head and looked at him. “Don’t bother. Wala akong ganang kumain…” sagot ko na naman sa kanya.

He smiled a little and pulled me in a hug. “Baby…”

I filled my lungs with air as I moved away from him. “I am okay…”

Alam ko na hindi nagustuhan ni Jahann ang paglayo ko sa kanya, pero hindi ko siya nakitaan ng inis, bagkus ay ngumiti siya sa akin ng tipid at nagnakaw ng halik sa mga labi ko. “I’m here, okay?” sabi nitong muli sa akin.

Tumingin ako sa kanya at marahang tumango.

We stayed there for an hour or so. I was just sitting on the bench while he’s carrying Nikolai. Pinapanuod ko lang silang dalawa at nakakatulong naman din ito para maalis muna pansamantala sa isipan ko ang nangyayari sa buhay naming lahat.

Nang umiinit na ay nag-aya na si Jahann na umuwi. Binitbit nito ang gamit ni Nikolai habang karga rin ang bata.

He offered his hand to me, I creased my forehead. I looked at him and he frowned.

“Come on, baby,” he moved his hand, as if telling me to hold it. Tumango naman ako sa kanya at hinawakan iyon. Ngumiti ito at hinila na ako para maglakad.

We’re on the sidewalk, walking towards our home.

Nikolai on Jahann’s arm, my hand holding his hand…

It was like a perfect day to be a family… sa ibang pagkakataon, marahil ay walang pagsidlan ang saya sa puso ko dahil magkakasama kami. Sa ngayon, masaya ako pero alam ko na may hangganan iyon.

Pag-uwi namin sa bahay, alam ko na haharapin pa rin naman namin ang problema.

“I know it’s not easy, but you have me, baby…” ani Jahann habang naglalakad kaming dalawa. Nakatulog na si Nikolai na kasalukuyang nakasandal sa balikat ni Jahann.

I looked at him and nodded a little.

Sinasabayan ni Jahann ang hakbang ko kahit na pwede namang siyang magmadali. He’s walking by my pace and I never heard any complaints or whatsoever from him.

Alam kong iniintindi niya ako.

Pero hindi ko naman din maintindihan kasi ang sarili ko… napayuko ako at napatingin sa mga paa kong humahakbang.

Ni hindi ko nga alam ano ba ang unang gagawin ko ngayon na alam ko na ang totoo. Isa lang ang sigurado ko, kailangan kong umalis sa kanila dahil…

Dahil alam kong gugustuhin ni Mommy na makasama ang totoong anak nito…

I bit my lower lip while walking as thoughts of Airi being part of their family entered my mind. That’s something I won’t be able to stop, and I should not stop.

Karapatan ni Airi iyon bilang ito naman talaga ang totoong anak nila Mommy…

Things are also hard for her, I know that. Maybe she’s feeling the same way I am feeling right now. Buong buhay naman din niya ay ang mga magulang na kinilala niya ang nakasama niya, at ngayon ay nalaman na rin niya ang totoo.

I am scared to see them… Mommy, Daddy… Alyanna…

Jahann squeezed my hand and it brought me back to the present. I looked at him and he smiled a little. He’s worried about me, and I know he wanted to talk to me about it, I just kept on refusing to say things that were on my mind.

Napalingon ako ay nakita kong naroon na kami sa labas ng bahay namin. I looked at it and I couldn’t stop myself from feeling sad.

I grew up here… I grew up with them…

Nakita naman kami ni Ate Mildred kaya lumapit ito para kunin si Nikolai. I heard her call my name but my mind was busy reminiscing our memories here.

Our birthdays, holidays spent here, everything…

“Baby…” hinawakan ni Jahann ang kamay ko kaya naman napalingon ako sa kanya. Kumunot ang noo ko nang hindi ko makita si Nikolai sa kanya.

“Kinuha ni Ate Mildred para bihisan,” Jahann answered the question I had in my mind. Napatango na lang akong muli bago nilingon ang bahay.

“It feels different now…” I managed to say. “It feels like… I’m an outcast now…” pakiramdam ko ay hindi na ako dapat na naroon kahit na wala namang nagsasabi sa akin na umalis.

Nahihiya ako sa kanila…

Nahihiya ako sa mga ginawa ko na nagpasama ng loob nila.

Hindi naman nila ako kaano-ano pero sinaktan ko sila ng sobra…

“You’re not, baby. Don’t think that way,” he said before kissing my head. “You’re part of this family. You’ve always been a part of this family…” dagdag nito bago hinawakan ang magkabilang pisngi ko at pinilit akong lumingon sa kanya.

I looked at him and I saw sadness in his eyes. I know Jahann, he’s probably thinking it should be him so I won’t feel this way.

Alam ko na kung papipiliin siya, mas gugustuhin na lang niya na siya na lang sana ang ampon at hindi ako para hindi ako nahihirapan ngayon, hindi ako ganito ngayon.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko at marahan iyong pinisil. Pilit akong ngumiti sa kanya. “I’m okay…” I lied. Nag-iwas ako ng tingin kaya naman naalis ang kamay ni Jahann sa pisngi ko.

“I’ll go inside…” paalam ko sa lalaki bago nagpatiuna na sa paglalakad. I should be talking to Jahann, holding on to him… I should be happy that I am adopted because it means we have a chance now…

But I can’t…

Hindi ko magawang maging masaya dahil hindi ko naman din alam kung sino ba talaga ako. Ano ba ang nangyari sa akin at napunta ako sa kanila… hindi pa malinaw ang mga tanong na iyon sa isipan ko…

“Cherinna.”

I heard Dad’s voice calling me so I looked back and saw him sitting on the couch. He looked tired and stressed. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa pag-uusap nila kagabi dahil nauna na akong umakyat sa kwarto ko.

Napalingon ako sa pinto nang pumasok na rin si Jahann at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko bago lumingon sa tinitignan ko.

“Dad,” he acknowledged before looking at me again.

Tumayo si Daddy mula sa kinauupuan at humakbang papalapit sa amin. Nakapako ang tingin siya sa akin at nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Regrets? I don’t know… maybe, he’s regretting adopting me.

“I want to talk to you, about last night,” ani Daddy habang nakatingin pa rin sa akin. “I’ll answer all your questions.”

Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin din dito.

Gusto ko na bang malaman ang buong katotohanan? Gusto ko bang malaman kung bakit nila ako inampon? Some information was said last night, but I don’t think it is sufficient enough to make me understand what really happened.

“I’ll go with you, Creep,” ani Jahann bago lumingon kay Daddy. “I want to know what happened,” dagdag nito. Hindi naman ito kumontra sa lalaki. Sa halip ay muli itong lumingon sa akin na tila hinihintay ang sagot ko.

Tumango ako ng marahan.

“Okay po, let’s talk…” sagot ko sa kanya. Tumango naman ito at naglakad papunta sa library kaya sumunod na lang kaming dalawa ni Jahann.

Bawat hakbang ko ay bumibilis ang tibok ng puso ko.

Am I scared? Yes.

Muling hinawakan ni Jahann ang kamay ko at pinisil iyon. Nararamdaman ko ang suportang ibinibigay ni Jahann sa akin at pinaparamdam talaga niya sa akin na hindi niya ako iiwan.

I am really thankful because of that…

Naupo na lang na ako sa couch, tumabi naman si Jahann sa akin habang naupo sa pang-isahang silya si Daddy.

He heaved a sigh before speaking. He looked at me and smiled sadly. “Before anything else, I want you to know what Hugh wants to do…”

Nilingon ko siya at hinintay ang sunod na sasabihin niya.

“What is it?” Jahann asked Daddy. Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Sumandal ito sa kinauupuan at tinignan ako. Nakikita ko ang lungkot mula sa mga mata ni Daddy habang ang mga mata ay nakapako sa akin.

“He wants to get you and bring you home to be with them”

Hindi ko alam kung bakit pero hindi na ako nagulat… marahil ay dahil naisip ko naman din na gugustuhin nilang makasama ang totoong kapamilya nila.

“What? No, Dad. That won’t happen,” sabi ni Jahann na umiiling. “That’s bullshit. Cherinna will stay with us,” he added.

Huminga ako ng malalim bago nag-angat ng tingin kay Daddy.

“Iyon naman po talaga ang mangyayari, diba?” I looked at him, I am trying so hard not to cry again. “Ibabalik niyo ako sa kanila…” I looked down and buried my nails on my palm.

“Cherinna…” Jahann called my name and I looked at him. I tried giving him a smile. The thought of being away from him makes my chest hurt even more.

I held his hand and gave it a soft squeeze.

Hindi pa rin ako bibitaw… mahirap man ang sitwasyon namin ngayon dahil sa mga nangyayari, pangako ko kay Jahann ang bagay na iyon.

“Hindi kita iiwan…” mahinang sabi ko sa kanya at muling pinisil ang kamay niya. Tumango naman si Jahann sa akin bilang sagot. Kahit papaano ay nakita kong nabawasan ang pag-aalala sa mukha niya.

I smiled a little.

Hindi kita iiwan, Jahann. Pangako.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.