I smiled while I was watching Jahann play with Nikolai. Nasa may condo niya pa rin kami ngayon. It has been three days since his proposal and to be honest, I think we’re still over the moon because of the excitement and also the happiness we all feel.
Nasa may carpet silang dalawa habang naglalaro. Nakahiga na rin si Jahann habang si Nikolai ay humahagikgik sa tuwing pinapalo niya ang pisngi ng daddy niya.
“Daddy!” he exclaimed before he pats his face again.
“Nikolai, that’s bad,” saway ko rito dahil pansin kong namumula na rin ang mukha ni Jahann. He’s trying to avoid it but whenever he does it, Nikolai begins to cry. Hindi ko alam kung saan ba namana nito ang pagiging sadista.
Sumiksik naman ito sa leeg ni Jahann upang magtago. Napapailing na lang ako sa kanilang dalawa. Hinayaan ko na lang din ang mag-ama na maglaro habang naglilinis ako ng kwarto.
Gaya ng napag-usapan noon, hindi maaaring matulog si Jahann dito at tinutupad naman nito ang pangako nito sa mga magulang ko. I just make sure we eat dinner together before he go home.
Kaninang umaga ay kausap ko si Mommy Hannah sa phone at nagbigay lang ito sa akin ng update. Camilla is still giving them a hard time that’s why Daddy is fixing everything. Kahit na ayoko magsabi ng hindi maganda, sa palagay ko ay wala ng lunas ang sakit ng babaeng iyon. If I am wrong, then that’s good, but for now, I know she’s a threat to us.
At hinding-hindi ako magti-take ng risk na mapahamak si Nikolai habang nasa paligid si Camilla.
Nang makatapos akong maglinis ng kwarto ay dinala ko na rin kaagad kay Ate Mildred ang mga dapat na malabahan. Ito na ang nagprisinta dahil na rin si Jahann naman ang nagbabantay kay Nikolai ngayon.
“What do you want for dinner later, Jahann?” tanong ko sa lalaki na kasalukuyang kinakagat-kagat ang braso ni Nikolai.
“Hmm…”
Wala namang kaso ngayon ang stocks dahil marami ang dinala sa amin nila Daddy Hugh noong nakaraan. Kahapon ay dumaan din sina Mommy at Daddy, nagdala ang mga ito ng fruits and vegetables. Binisita nila si Nikolai na tuwang-tuwa na nakita rin silang dalawa.
“Jahann,” untag kong muli sa lalaki. Lumingon siya sa akin at ngumiti.
“Pork steak?” he asked before he looking at Nikolai again when he started to move away from Jahann. Mabilis naman nitong hinawakan ang damit ng anak namin at hinila pabalik. “Where are you going?” he asked him and tickled him again. Muli naman nitong pinalo sa pisngi si Jahann.
Napailing na lang ako habang nangingiti. Pumasok na lang na ako sa kusina upang maghanda ng makakain naming dalawa. Noong isang araw pa ako inaasar ni Ate Mildred na mistula na kaming mag-asawa ngayon ni Jahann, kaibahan lang daw talaga ay hindi pa roon umuuwi si Jahann, hindi ito nananatili roon sa bahay.
We talked about that already. We’re engaged but we’re not going to get married soon. Kailangan ko munang makapagtapos, kailangan din muna naming bigyan ng oras ang mga tao sa paligid namin na makapag-adjust ng tuluyan sa sitwasyon namin.
That’s one thing I learned about this, too. About our situation.
Kung kami lang ni Jahann, maaari naman na kaming magpakasal kung gusto namin, pero hindi lang naman sa amin umiikot ang mundo. We have to consider our parents, too. Their feelings, their opinions.
Wala naman sa mga ito ang nagsabi sa amin ni Jahann na hindi nila gustong magpakasal kami. Hindi naman sila tutol sa plano namin, ang gusto lang nila ay huwag kaming magmadali, sumang-ayon naman kami ni Jahann sa desisyon nila.
“Hello!”
Kumunot ang noo ko nang makita ko ang mga kaibigan ko na naroon sa loob ng bahay. “What are you doing here…?” tanong ko sa mga ito. Nagkanya-kanya na sila ng upo habang si Nikolai naman ay karga ni Jahann.
“You’re always visiting us unannounced,” sabi nito habang nakasimangot.
“Aba, nagpropose ka nga ng unannounced din, eh,” sagot ni Alyanna sa kapatid nito. Napailing na lang si Jahann bago naupo sa tabi ni Kol. He was busy with his phone.
“Are you guys hungry?” tanong ko sa mga ito. It’s past 1 pm already and I just started cooking for our lunch.
Late naman na rin kasi kami nakapag-almusal kaya hindi muna kami kumain nila Jahann ng tanghalian.
“Anong niluluto mo?” tanong ni Keij sa akin.
“Jahann requested for pork steak, nakamarinate pa lang naman. May gusto pa kayong iba?” tanong ko sa kanila. I think Jahann’s condo is really meant for this. Kapag gusto naming magsama-sama.
Sa pagkakatanda ko, dito rin nagkaayos noon si Theon at Lean.
“I think okay naman na iyon, Cherinna,” sabi ni Airi habang nilalaro-laro ang kamay ni Nikolai. Inaagaw pa nito ang stuffed toy ni Nikolai kaya naman pinagagalitan ito ni Jahann.
“Alright,” tumango na lang ako. Narinig ko sila na manunuod na lang daw muna ng movie habang naghihintay sa akin kaya naman nagtungo na ako sa kusina at nagsimulang magluto.
I looked for something else to cook. I am thinking of adding chopsuey to the food since they’re all here.
Napalingon ako nang pumasok si Jahann sa kusina.
“I gave Nikolai to Airi,” sabi niya sa akin nang marahil alam niya na ang itatanong ko. Tumango naman ako sa kanya.
“Are you hungry na?” I asked him as I continued what I was doing. Naghihiwa pa lang ako ng mga gulay na kakailanganin ko.
Jahann hugged me from behind. Napangiti naman ako. “Hmm? Why…?” tanong ko sa kanya. Isiniksik niya naman ang mukha sa leeg ko.
“Jahann, nakikiliti kaya ako,” saway ko sa kanya. Isa pa ay baka may pumasok sa kusina at makita kaming dalawa.
“I know, I always kiss your neck, remember?” he said huskily.
“Jahann!” pinanlakihan ko siya ng mga mata nang nilingon ko siya. Tila naman balewala sa kanya ang ginawa ko dahil ngumiti pa siya sa akin at mas niyakap ako.
Kahit nang maglakad ako papunta sa lababo ay nakayakap pa rin si Jahann sa akin.
“What is it, what’s bothering you?” I asked him after drying my hands. I looked at him and he frowned a little. “What? I know you, may iniisip ka,” sabi ko sa kanya. Hinaplos ko ang mukha niya habang nakahawak ang mga kamay niya sa bewang ko dahil humarap na ako sa kanya.
“What is it, baby?” I asked him again.
“Can we have a secret wedding?” he asked me.
Natigilan naman ako sa sinabi niya at pinagmasdan na maigi ang mukha ni Jahann. Walang bahid ng pagbibiro ang mukha nito.
“Stop playing around, Jahann,” tinapik ko ang dibdib nito dahil sa sinabi nito. We already agreed on it. Alam naman din ni Jahann kung bakit at naiintindihan ko naman siya kung bakit niya naiisip na magpakasal na lang kami ng lihim, ngunit hindi naman iyon maaari.
“I am not,” tanggi nitong sabi sa akin.
I looked at him and smiled a little. “We’ll get married in time, okay? We promised them that and we should comply with that. That’s the least that we can do, Jahann. We should think about them, too, and don’t worry, kasi hindi naman kami mawawala ni Nikolai…” ikinulong ko ang mukha niya sa mga palad ko. “Hindi ako mawawala sa iyo. Hindi kami mawawala ng anak mo,” sabi ko sa kanya.
He stared at me, maybe processing what I said.
I smiled at him and hugged him tight.
“I love you, you know? You don’t have to be scared or what,” sabi ko sa kanya bago ako nag-angat ng tingin sa kanya. He sighed in defeat and kissed my forehead.
“Fine,” mahinang sabi nito. Mas hinigpitan ko naman ang yakap sa kanya. He can be this clingy and possessive sometimes and I found it really cute.
Tinulungan na lang niya akong magluto at nang matapos kami ay ako na ang tumawag sa mga kasama namin. Si Nikolai ay nauna nang napakain ni Ate Mildred at kasalukuyang umiidlip na.
“Sarap mo magluto, Cherinna. Pwede ka na talaga mag-asawa!” kumento ni Keij nang tikman ang pagkain na nasa lamesa.
“Jahann cooked that,” pagtatama ko rito.
Keij looked at Jahann and grinned. “Ikaw rin, pwede ka na mag-asawa,” sabi nito sa lalaki. Napangiti na lang ako at naupo na sa tabi ni Jahann.
“So this is what’s going to be like when you two get married, no?” sabi ni Airi sa amin. Lahat naman kami ay napatingin sa kanya. “This, we will visit you, Jahann will help you cook and of course, take care of Nikolai. Malay niyo magkaroon naman ng mini Cherinna at--”
“Ang advanced, Airi? Isa-isa muna na pamangkin, no! We still need to spoil Nikolai!” sabi naman ni Alyanna sa babae.
Pinamulahan naman ako ng pisngi dahil sa sinabi ni Airi. Wala pa naman sa usapan namin ni Jahann ang tungkol sa bagay na iyon dahil bata pa naman talaga si Nikolai at isa pa, hindi pa nga kami kasal. Hindi naman siguro tama na bumuo pa kami ng isa pang bata sa ngayon.
“I am just saying that it’s good if they’ll have a daughter, too!” lumaki ang ngiti ni Airi. “Imagine, we will have a doll to play with,” sabi nito na tila na-excite at nakapag-imagine na ng pwedeng gawin sa batang babae.
“I agree with that! Kahit ako, gusto ko kapag nagka-anak ako, kambal agad na babae at lalaki katulad namin ni Enzo at--”
“Too early to think about that, Lean,” saway naman ni Enzo sa kakambal nito. Inirapan naman ito ni Lean.
“Malay mo naman, `pre?” sabi ni Theon na nakangisi.
“Malay mo naman saksakin ka ni Enzo ngayon, `pre,” sabi naman ni Keij sa pinsan nito. Tumawa ito nang titigan ng masama ni Enzo.
“Alam niyo, naeexcite talaga ako kapag dumating ‘yung time na ‘yung mga anak naman natin ang magkakaibigan katulad ng sa atin, but of course, we will make sure walang mananakawan ng anak,” ngumiti si Lean sa amin.
Hindi naman namin napigilan na matawa dahil sa sinabi nito.
“I agree! If they will be best friends like us, no?” sumang-ayon naman si Alyanna sa sinabi ng babae.
That’s actually a good idea and of course, we are all hoping for that. Mas maganda rin na lalaki silang magkakaibigan katulad naming lahat.
“Since we are talking about that, how many kids do you want to have?” tanong ni Airi sa aming lahat. Nagkatinginan naman ang mga kasama namin, marahil ay nag-iisip.
“Two,” Jahann answered.
“Tangina, may balak talaga na sundan si Nikolai agad-agad!” natatawang sabi ni Keij na tinignan ni Jahann.
“Two, but I am willing to wait until Cherinna became an Anderson,” sabi nito bago tumingin sa akin. Nag-init naman ang pisngi ko dahil sa sinabi nito.
“You, Che?” ani Airi na tila hinihintay ang sagot ko.
“Dalawa rin,” sabi ko naman kaya napuno na naman ng kantiyawan ang loob ng komedor dahil kay Keij at Theon. Napailing na lang ako sa kanila.
“Sa akin, kambal talaga na babae at lalaki, eh. Para ‘yun lang talaga, wala na kasunod,” sabi naman ni Lean. Theon shook his head and grinned. “Baby, kailangan natin makabuo ng isang basketball team,” sabi nito sa kasintahan.
“Basketball team your ass,” ani Enzo sa lalaki.
Hindi ko naman din napigilan na matawa dahil sa sinabi ni Enzo sa lalaki.
“Sige, sa’yo na lang kalahati, gusto mo?” ani naman ni Theon dito.
“Sa akin, two to three,” ani Airi. “Wala lang, I grew up kasi na ako lang, and now that I met my siblings, gusto ko ganoon din ang magiging anak ko…” she explained. I smiled at her when she looked at me.
I am an only daughter but I didn’t know that until I found out who my real parents were.
“Ikaw, Keij?” Airi asked her cousin.
Kumunot ang noo ni Keij na animo ay nag-iisip ng isasagot. “I am fine with two, babae at lalaki rin,” sabi nito sa amin.
“Sure na ‘yan? Dalawa lang? Pero parehong panganay?” pang-aasar ni Alyanna sa lalaki. Sinimangutan naman ito ni Keij. “Eh, ikaw? Ilan ba gusto mong maging anak mo?” tanong nito.
“Hmm… Jahann will have two, Airi will also have two, so I think sa akin, one lang,” sagot nito.
Tumingin naman ang lahat kay Enzo nang matapos sumagot si Alyanna.
“Ikaw?” tanong ni Theon sa lalaki.
Kol nudged Enzo and chuckled softly before he continued eating.
“Let’s just eat,” sagot nito sa halip na sagutin si Theon. Kahit na nagreklamo ang mga kasama namin dahil hindi nakasagot si Kol at Enzo ay wala naman na kaming nagawang lahat.
Hindi naman talaga sila sasagot sa mga ganoong bagay.
When we finished eating, despite the offer of Airi to do the dishes, I insisted on doing it. Isa pa ay bisita namin sila. Pinabalik na lang sila ni Jahann sa may kusina. Ito naman ang tumulong sa akin sa may kusina.
I looked at Jahann and smiled at him.
“Dalawa pala, huh?” I teased him as I washed the plates we used. He cocked his head on the side and looked at me.
“Hmm?” he said while still staring at me. Umiling naman ako sa kanya at ibinalik ang tingin sa ginagawa ko.
I smiled when I looked at the ring on my finger.
Kung minsan ay iniisip ko kung panaginip lang ba ang lahat ng ito, kung baka magising akong bigla at hindi pala totoo ang lahat ng nangyayari.
Looking back at what happened to us, it’s all surreal. It feels like a dream sometimes.
“What are you thinking?” Jahann said and it brought back my attention to him. I turned my head and looked at him.
“Hmm?” I mumbled while looking at him.
“What are you thinking?” He repeated his question, still looking at me.
I smiled a little and shrugged. “Naiisip ko lang na sana hindi panaginip ito…” pag-amin ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya sa akin, marahil ay nagtataka sa sinabi ko sa kanya.
I washed my hands and faced him. “Naisip ko lang kasi na… sana hindi panaginip ang lahat ng ito… ito…” I showed him my hand with the engagement ring he gave me. “Kasi, natatakot na… magigising ako tapos wala ka pala talaga… hindi pala totoo ang lahat ng ito…” natawa ako ng mahina nang maramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko.
“Baby…” he said softly and cupped my face with his hands. “This is not a dream…” he softly said. “You are not dreaming, I am here, we have Nikolai, and we will get married in time…” he added.
I smiled a little and nodded my head.
“I know we faced challenges, we had misunderstandings, we faced some struggles… but this is the reality, baby. We surpassed it together and we will face more challenges together. As a family. You have me now. Hindi ka na mag-iisa na harapin ang lahat dahil kasama mo na ako. Kasama mo ako…” saad nito habang nakatingin sa akin.
“I know you are still scared, but I want to assure you that I will never leave you again. It won’t happen again, Cherinna…” masuyong sabi niya sa akin. Naramdaman ko ang pagpunas niya ng luha sa mga pisngi ko.
“Don’t be afraid anymore, baby…” he said as he pulled me closer to him and kissed my head. Tumango ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
“We will follow what they want. We will wait…” sabi pa nito. Alam ko na hindi iyon ang gusto ni Jahann kaya naman nagpapasalamat pa rin ako na napaka understanding nito sa akin at sa sitwasyon.
“Thank you so much, Jahann…” sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mukha nito. “I know I said this countless times already, but I guess, I won’t get tired saying thank you to you, because I am really thankful to have you in my life… in our life…”
He smiled at me while staring at my face.
“Kung papipiliin ako sa next life ko kung sino ang gusto kong makasama habambuhay, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. Walang iba…”
He kissed the tip of my nose and smiled at me. “I will always choose you, too, baby. Always.”
I wrapped my arms around his waist tighter and buried my cheek on his chest.
Alam ko na hindi madali ang lahat para sa amin ni Jahann… marami pa rin kaming pagdadaanan pero ang mga pangamba na nasa isip ko, para iyong mga bula na naglaho na dahil kasama ko siya.
I felt him kiss my head and hug me tighter.
“I love you so much, Cherinna…” he said softly. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at tumingkayad ako upang halikan siya sa mga labi.
He smiled against my lips and kissed me deeper.
“I love you, too,” I whispered against his lips.
Everything happens for a reason and I know, what happened to us wasn’t an accident. It serves its purpose and that’s me and Jahann meeting in this lifetime.
I will never let him go and I will never get tired of saying I love him because that’s my ultimate truth.
I will love him for the rest of my life and my next lifetimes.
I know we will find each other again and fall in love with each other all over again.