Chapter 49

I was looking around the studio and I still couldn’t believe what just happened. May mga pictures namin ni Jahann na naroon, may mga pictures ko lang at ni Nikolai at may malaking mga letters na nakasulat sa may gilid kung saan nila madalas nilalagay ang green screen ng Marry me?

Hindi ko iyon napansin kanina dahil masyado akong nalulong sa nararamdaman ko habang nakatingin ako kay Jahann kanina. They prepared everything. May mga baloons na naroon at may mga ginawa silang dekorasyon para sa proposal ni Jahann.

Airi, Dean, Kol and Enzo knew it. Sila ang katulong ni Jahann sa pinaplano nito. It was also the reason why he’s always here in Ai’s.

“Congratulations!” lumapit sa akin si Airi at niyakap ako ng mahigpit. “Can I see the ring?” tanong niya sa akin na pinaunlakan ko naman. Inilahad ko ang kamay ko na sinuotan ni Jahann ng singsing kanina.

It was a diamond ring and what I liked the most about it was it’s simple yet elegant. May diamond sa gitna ng singsing habang may maliliit na bato rin na nakapalibot sa singsing.

“Ang ganda,” she smiled at me. “I am so happy for the both of you!” muli niya akong niyakap kaya naman napangiti ako. Masaya ako na nararamdaman ko ang tuwa kay Airi sa nangyari. Ni minsan ay hindi ko naramdaman ang disgusto sa akin ni Airi nang malaman niya ang tungkol sa amin ni Jahann.

She’s very supportive of us, too.

May mga pagkain din na naroon na inorder nia Airi kanina. Kami-kami lang naman ang naroon. Wala si Ate Caryl dahil may inaasikaso pa ito, si Kuya Kiro naman ay nasa Cebu dahil may tinatapos itong project, at si Kuya Cloud naman ay nasa business trip.

“Napaka sweet mo talaga, Jahann,” kumento ni Lean habang nakaupo kami. Magkatabi kami ni Jahann habang magkatabi naman si Lean at Theon. Si Enzo at Kol ang magkatabi, si Airi naman ay napapagitnaan ni Dean at Alyanna habang si Keij ay kakaupo lamang sa tabi ni Kol.

Jahann smiled at Lean. He’s been smiling the whole night. Nakakapanibago pero hindi ako magrereklamo dahil napaka gwapo naman din talaga ni Jahann kapag nakangiti siya.

“Bakit hindi niyo kami sinabihan?” tanong ni Keij na siniko si Kol.

Kol looked at Keij sharply. “Just eat.”

“Damot niyo ni Enzo, kakambal mo ba ýan?” he asked, faking a hurt. Hindi ko naman napigilang matawa dahil wala talaga silang kaalam-alam sa pinlano ni Jahann.

“Drama mo diyan. Ako ngang kapatid, hindi sinabihan…” nakasimangot na sabi ni Alyanna bago tumingin kay Jahann at inirapan ito.

“It won’t be a surprise if I announce it to everyone, right?” he shrugged and reached for my hand. Pinisil niya iyon ng marahan bago dinala sa mga labi niya at hinalikan ang likod ng palad ko.

“Madaldal ka kasi, Aly,” ani naman ni Dean na inabutan si Airi ng pagkain.

“Akala mo naman boto ako sa iyo?” muling umirap si Alyanna sa lalaki. Napailing na lang si Airi na nasa tabi nito at nagpatuloy sa pagkain.

“Did you talk to my parents?” I asked Jahann when he handed me the plate. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng maliit, animo ay nahihiyang sabihin sa akin ang sagot. Tumango siya sa akin.

“Oh… when? Wala naman akong maalala na nakausap mo sila na sila lang, ah?” tanong ko ulit sa kanya. Ang mga kasama namin ay abala na sa pagkain dahil hapunan naman na at marami naman din talaga ang inorder na pagkain nila Jahann.

Iniisip ko na nga na mag-uuwi ako para kay Ate Mildred.

“When I told you I’ll go to Ai’s?” he smiled. “The day when you and mom talked, baby,” sabi nito bago ako sinubuan ng pagkain. Napatingin ako sa kanya at napapailing na lang. “Ikaw, alam mo, ang dami mong alam,” panunudyo ko sa kanya. “Anong sinabi nila?” tanong ko ulit sa kanya.

“Of course, they expected it. They just didn’t expect I will ask you this soon. I respect your dad’s decision. Gusto niya na makapagtapos muna tayo, I told him I just want to have it secured. I want an assurance that you will be Cherinna Anderson, you will be my wife.”

I smiled at him and caressed his cheek. “Thank you…”

Kumunot ang noo niya sa akin at nalukot ang ilong nito. “Thank you for?”

“Everything…” sagot ko sa kanya. “Hindi ko alam kung paano, kung bakit ako, kung bakit mo ako mahal, pero sobrang nagpapasalamat ako, Jahann. I am thankful that you came back and you have never let go of my hand since then…”

He stared at me. As if looking at my soul through my eyes. “I don’t have the reason to let you go, baby. When I admitted to myself that I am in love with you, I already made a commitment to myself that I will never let you go. Things happened, shit things happened, but the moment I laid my eyes on you again when I came back, that’s when I knew that I was meant to be with you for the rest of my life…”

Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko dahil sa mga sinasabi ni Jahann sa akin. Muli akong pinangilidan ng luha sa mga mata kaya naman mabilis kong iniyakap ang mga braso kay Jahann at ibinaon ang mukha sa dibdib nito.

I couldn’t fathom a word to express how thankful and grateful I am to have Jahann in my life. Sa palagay ko nga ay hindi ako kailanman magsasawa na sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Nikolai and I, we’re really blessed to have Jahann with us. Napaka swerte naming dalawa dahil mahal na mahal niya kami.

“Ikaw, Theon, wala ka pang plano magpropose?” tanong ni Keij sa lalaki. Theon looked at Lean and smiled. “Ayaw pa ni Payat, eh.”

“Too early for that,” si Enzo ang nagsalita.

“Why, you want to get married first?” tanong naman ni Kol sa lalaki. Muli itong tinignan ni Enzo ng masama.

“I was just asking,” he shrugged before drinking from his cup.

“Wala pa siyang librarian na nagugustuhan, eh,” pang-aasar naman ni Alyana. “Ganun mga gusto niyan. Diba, Enzo?” dagdag pang sabi nito na hindi naman kinibo ni Enzo.

“Puro kayo kalokohan, kumain na nga kayo,” sabi naman ni Airi sa kanila. It’s really a good thing that Airi is comfortable with them. Maybe because she’s really nice and of course, there will always be a connection with her because she’s an Anderson.

“Airi, mahilig ka sa wings?” tanong ni Keij sa babae habang kumakain pa rin kaming lahat. Lahat kami ay nakatingin naman dito. Wala pa man sagot si Airi ay natatawa na si Keij, sa palagay ko ay may kalokohan na naman itong naiisip.

“Yes! Lilibre mo ako?” tanong naman ni Airi sa pinsan nito.

“Para kang tanga, Keij. Tawa ka na agad ng tawa diyan,” puna naman ni Alyanna rito.

“Libre kita sa unli wings, pero payag ka, tinola ang luto?” tanong nito na sinundan ng malakas na pagtawa.

“Tanginang ‘to, siya lang masaya,” ani Theon naman na binato si Keij ng throw pillow.

Napailing na lang ako habang pinagpatuloy ko ang pagkain. Si Jahann naman na nasa tabi ko ay hawak pa rin ang kamay ko at nilalaro-laro ang singsing na naroon. Marahil ay katulad ko, hindi pa rin ito makapaniwala sa nangyari.

Maybe he’s also surprised that I said yes? But just like him, I don’t have any reasons to say no. Wala naman akong dapat na itanggi dahil si Jahann lang naman ang gusto kong mapangasawa balang-araw.

We stayed there until 11 pm. May mga maglilinis naman doon pero nagtulong-tulong na rin kami sa pag-aayos ng mga pwede naming mailigpit upang hindi mahirapan ang mga tao sa Ai’s.

Nauna ng lumabas ang mga kasama namin. Si Theon ay isasabay si Keij at si Kol habang si Lean naman ay sasabay na kay Enzo pauwi. Si Airi at Alyanna naman ay ihahatid ni Dean. Ihahatid naman muna ako ni Jahann bago ito umuwi.

“Creep…” tawag sa akin ni Jahann. Nagpaalam na muna ako sa mga kasama namin bago ko nilingon si Jahann. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

“Tomorrow, let’s talk to Mommy and Daddy…” ani Jahann sa akin. He mentioned he talked to my parents already and that's good news to us. Dahil nasa Ai’s kami, alam ko na alam na nila Mommy ang nangyari at kailangan namin iyon ipaliwanag dito.

I looked at Jahann and nodded a little. Hindi naman namin din pwedeng ituloy ang kasal kung sakali man na hindi papayag si Mommy at Daddy. We have to respect them as well.

“Don’t be scared, baby. We will explain it to them. We will talk to them…” hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at hinalikan ang mga iton. “Trust me, Cherinna…”

I smiled at him. “I trust you…”

He pulled me closer to him and kissed my lips again. I smiled against his lips and wrapped my arms around his neck and pulled him closer to me.

“I love you…” I whispered against his lips. It was his turn to smile and imprison me in a tight hug.

Sabay na kaming naglakad papunta sa sasakyan ni Jahann, ito na rin ang nagbukas ng pinto para sa akin bago sumakay na rin at nagmaneho papunta sa condo nito.

Niyuko ko ang kamay kong may laman na singsing at hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Pinagmamasdan ko ang singsing na suot ko.

“You don’t like it?” Jahann asked me while he’s driving. Isang kamay ang ang gamit nito sa pagmamaneho dahil hinawakan nito ang kamay ko gamit ang isang kamay niya.

“I love it!” I told him. “Parang hindi pa lang pa rin ako makapaniwala?” pag-amin ko sa kanya. “Imagine… I am now engaged to you…” ngumiti ako sa kanya at pinagsaklop ang mga kamay namin. “Sa akin ka na talaga,” panunudyo ko sa kanya.

Jahann looked at me and chuckled. “I’m always yours, baby.”

Ngumiti akong muli bago dumukwang at hinalikan siya ng mabilis sa pisngi. “I love you, I love you, I love you!”

Muling tumawa si Jahann at tumingin sa akin. “I love you most, baby…” he softly said. Dama ko ang sinseridad sa sinabi ni Jahann kaya naman alam kong walang dahilan upang hindi ko siya pagkatiwalaan.

When we reached his condo unit, we immediately went inside. Nikolai was already asleep when we got in. Gaya ng nakasanayan nito, yakap-yakap nito ang stuffed toy na rabbit na bigay ni Keij.

“I will just pick you up tomorrow?” tanong sa akin ni Jahann habang nakatingin kay Nikolai. “Maybe we can bring him along?” he added before caressing Nikolai’s cheek.

“Sure, we’re just here,” I shrugged. Naupo naman na ako sa may kama habang nakatingin sa lalaki. “Take care, okay? It’s already late,” paalala ko sa kanya. Gusto ko siyang alukin na doon na lang din matulog ngunit iniisip ko na mas mabuti siguro rin na umuwi na lang muna si Jahann ngayon.

Lumingon sa akin si Jahann at ngumiti. “I haven’t told you that you look so dreamy in my shirt,” bumaba ang tingin nito sa t-shirt na suot ko.

I looked at him and smiled. “It’s comfortable,” sagot ko naman sa kanya. Hindi naman nagagalit si Jahann kapag nagsusuot ako ng damit nito o kaya ng jacket nito.

Gustong-gusto ko lang na naamoy ko si Jahann sa mga damit nito.

Humakbang ito papalapit sa akin at yumukod. Hinalikan niya ako sa noo bago ikinulong ang pisngi ko sa mga palad niya. “I should go before I give in and take you now…”

Pinamulahan naman ako ng pisngi dahil sa sinabi niya. “Jahann!”

He smiled and kissed my head again. “Wag mo na akong ihatid. Go, wash and take some rest, okay?” sabi nito bago ginulo ang buhok ko. “I love you, Creep…”

Ngumiti naman ako pabalik sa kanya at marahang tumango. “I love you, too, Jahann…”

Matapos itong magpaalam kay Nikolai ay lumabas na rin ito. I smiled a little before I got up and reached for my towel. Dumiretso na ako sa banyo para makapaglinis at makapagpahinga na.

Kinabukasan ay inuusisa ako ni Ate Mildred sa nangyari. Halata naman ang kilig dito nang malaman na nagpropose na si Jahann sa akin at tinanggap ko iyon.

Pinapakain ko si Nikolai habang kumakain din kami ng niluto nito. Ininit na lang din nito ang dala kong pagkain kagabi mula sa Summer’s.

“Masaya ako para sa inyo ni Jahann,” ani Ate Mildred sa akin. I looked at her and smiled. Hindi pa naman sobrang tagal na kasama ko si Ate Mildred. We hired her to babysit Nikolai and I am happy to have her, too. Para akong nagkaroon talaga ng ate sa katayuan niya.

“We still need to talk to our parents, Ate. I am praying that things will be better…” sabi ko naman dito. Marami pa rin kaming dapat asikasuhin.

Sina Mommy at Daddy.

Sina Mommy Hannah at Daddy Hugh.

Si Camilla.

“Magiging maayos din ang lahat. Kayo pa ba ni Jahann? Basta magkasama kayong dalawa, magagawan niyo ng solusyon ang lahat. Diba, Nikolai?” sabi nito bago nilaro-laro ang anak ko.

Napangiti ako. Totoo naman ang sinabi ni Ate Mildred. Basta magkasama kami, gagawan namin ng solusyon. Iyon naman ang mahalaga at iyon naman ang tamang gawin.

It was almost lunch time when we heard a doorbell. Noong una ay akala ko si Jahann na ang dumating ngunit ang mga magulang ko pala iyon. Agad naman namin silang pinapasok at pinaupo sa may sala.

May dala ang mga ito na groceries para stock namin ni Nikolai.

Nasa kandungan ni Mommy Hannah si Nikolai nang maupo ako sa pang-isahang silya. Sabay naman silang napatingin sa kamay kong may singsing.

“Uhm…” huminga ako ng malalim.

“He talked to us. In all fairness to that guy, he told us about it first, Cherinna…” saad ni Daddy Hugh habang nakatingin sa akin. Napatango naman ako rito. He respects them that’s why he informed them first.

“And it looked like you said yes to him,” sabi naman ni Mommy Hannah.

“I have no reason to decline it…” sagot ko sa kanya.

“I know… I just want to ask you some things, Cherinna…” si Daddy Hugh ang muling nagsalita. Tinignan ko siya upang mapakinggan ko rin ang gusto nitong sabihin sa akin.

“I am leaving for New York tonight. I will bring Camilla there, and I might stay there for a week or so,” sabi nito bago lumingon kay Mommy Hannah. “Your mom decided to come with me.”

I looked at her and she smiled a little. “I know that one week won’t hurt you and Jahann is here. The day you told me you love him, that’s the day I accepted and trusted him… I think he really is a good man.”

“I will let you stay here if it makes you feel comfortable, but once we are back, you will go home, too…”

Tumango ako sa sinabi ni Daddy Hugh. Alam ko namang pumayag lang silang umalis ako dahil kay Camilla. Dahil sa threat na dala ni Camilla, ngunit kung ako naman din ang tatanungin, kung wala si Camilla, hindi ako aalis.

“Second, you will finish your studies first, Cherinna. After that, I will allow you to get married…” inabot nito ang kamay ko. “We want to be with you as long as we can before you leave and go with Jahann…”

I smiled a little. “I am just going to marry him, Daddy Hugh. We’re not going to leave the country…” sabi ko naman sa kanya.

“Even so.”

I chuckled a little and nodded. “Don’t worry about that. Jahann will follow all your requests. He respects you, Daddy Hugh, Mommy Hannah…” saad ko naman sa kanila. Alam ko na hindi naman gagawa si Jahann ng ikasisira ng tiwala ng mga magulang ko sa kanya.

“For us, you’re still a little girl, Cherinna. Ngayon pa lang kami bumabawi sa iyo, I will make everything right, okay?” hinaplos nito ang kamay ko. Tumango naman ako bago tumayo at niyakap ito at si Mommy Hannah.

Nalayo man ako sa kanila, hindi naman mababago ang katotohanan na sila ang mga magulang ko. I grew up with Mommy and Daddy and I am thankful that they gave me everything I need and want… I don’t want to take that away from my real parents. Alam kong gusto nilang bumawi sa akin kaya naman hindi ko ipagdadamot ang sarili ko sa kanila.

We were preparing the table when Jahann came in. Kasama nito si Mommy at Daddy. Ang buong akala ko ay kami ang pupunta sa bahay ngunit ang mga ito na ang dinala ni Jahann dito.

“Mika, Kerko,” Daddy Hugh acknowledged them.

“Good morning,” bati ni Daddy sa mga magulang ko. They both looked at me. Mommy hugged me and kissed my head. Ganoon naman din ang ginawa ni Daddy.

Inakay ko na lang silang lahat sa sala at naiwan si Ate Mildred sa may kusina. Sinabihan ko na lang siya na magdala ng juice sa may sala.

Si Nikolai na kanina ay karga ni Mommy Hannah ay nasa kandungan na ni Jahann ngayon. They were playing while our parents were talking. Nagkakamustahan ang mga ito at tila iniwasan ng mga ito ang tungkol kay Camilla.

“We heard about the proposal…” si Daddy ang unang nagsalita. “Jahann didn’t tell us the plan but we knew this was gonna happen,” dagdag nito. Si Mommy naman ay tahimik lang na nakaupo.

“Yes, Jahann and I talked about it already. Sa akin ang babae kaya sa palagay ko ay maiintindihan mo ako na gusto kong makapagtapos muna si Cherinna sa pag-aaral,” sagot naman ni Daddy Hugh.

“Of course, Alcantara. We all want the best thing for them,” hinawakan ni Daddy ang kamay ni Mommy. “Mikaela and I talked about that this morning, of course, there’s still a disagreement because… they still grew up as siblings,” he heaved a sigh. “And I am taking full responsibility on that matter because I took Cherinna from the orphanage.”

“Mikael.”

We all looked at Mommy when she called him.

“I know it would look like I… I don’t want the marriage to happen, but all I am asking for is more time…” tumingin siya sa amin ni Jahann. “You grew up together… I am still processing everything and even though I have Airi already, I still can’t take off in my mind that I raised Cherinna as well…”

I bit my lower lip.

Jahann reached for my hand and squeezed it.

“I know that she’s now an Alcantara. You processed all her papers and she’s no longer an Anderson…” napansin ko na humigpit ang kapit nito sa braso ni Daddy.

“We understand that, Mom,” si Jahann na ang nagsalita. “I know it’s a lot to take and we’re willing to wait, Cherinna and I, we’re willing to wait,” I looked at him as he talked to them. “We’re already thankful that you agreed on the wedding. It’s not gonna happen anytime soon. We have lots of things to fix first, and we don’t want you to feel uncomfortable because of our decision…”

“We talked to Jahann, Mika, and he agreed that Cherinna will stay with us more…” sabi naman ni Mommy Hannah.

She looked at her and nodded her head.

“What I can promise is…” hinawakan ni Daddy ang kamay ni Mommy nang tumigil ito sa pagsasalita. “I promise that I will be more understanding of the situation… You are both important to me and I love you both. I want you both to be happy…”

Nangilid na muli ang luha sa mga mata ko dahil sa sinabi niya sa amin ni Jahann. Napansin kong maliit na napangiti si Daddy, ganoon naman din sina Mommy Hannah at Daddy Hugh.

Alam namin na sa nangyari, sina Mommy Hannah at Mommy ang pinaka naapektuhan dahil sila ang parehong napagkaitan maalagaan ang tunay nilang mga anak.

Mabuti na lamang din at lumabas ang totoo at ngayon ay kasama na nila ang totoong anak nila.

Ako kay Mommy Hannah, si Airi kay Mommy.

She wiped her tears and looked at us again. “Congratulations… but please, don’t get married soon,” sabi nito bago ako niyakap ng mahigpit. Nakita ko na bahagyang natawa si Mommy Hannah at Daddy Hugh dahil iyon naman na ang napag-usapan namin kanina.

I looked at Daddy and he nodded at me.

Iyon naman din ang napag-usapan namin ni Jahann. We will get married in time, but yes, not soon.

We just both need assurance.

That I will be an Anderson… and we will be together until the rest of our lives.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.