Chapter Thirty Nine

“JAHANN!” malakas na tawag ng isang batang babae habang tumatakbo ito papalapit sa batang lalaki. Nakaupo ito sa may bench sa playground habang tila may hinihintay.

“Aly, wait for me!” nakasimangot namang sabi ng isa pang batang babae na kipkip ang bag habang naglalakad. Bahagya na rin itong humihingal dahil sa paghabol sa kakambal nito.

“Bilisan mo kasi maglakad, Cherinna. You’re so bagal!” sabi ni Alyanna bago naupo sa may upuang katapat ng inuupuan ni Jahann.

“Hi, Jahann!” itinaas pa ni Cherinna ang kamay at kumaway sa kapatid at saka ngumiti. Habang nakatali ang buhok ni Aly ay nakalugay naman ang mahabang buhok ni Cherinna at nakasuot ng headband na may kulay lila na ribbon. Pareho silang Kinder ni Aly habang Grade 1 naman si Jahann.

Naupo sa tabi ni Jahann si Cherinna bago kinuha ang bag at inilabas ang baon nito at nagsimulang kumain ng hindi man lang inaalok ang mga kapatid nito.

“Ang takaw mo talaga, Cherinna…” asar ni Aly sa kakambal nito bago inilabas rin ang baon nito. Sinimangutan naman ito ni Cherinna. “I helped Mommy made this and your food, too…” ipinatong nito sa lamesa ang bag at tinalikuran ang kakambal. Bata pa lang naman ay mahilig nang makisali sa mga ginagawa sa kusina si Cherinna. She’s always helping their cook to prepare their food though most of the time, she’s just watching them. Kerko—their dad always asked them to help him—silang dalawa ni Jahann. While Jahann and Cherinna’s with Kerko, Aly’s with their mom—Mikaela, arranging flowers.

Napatingin si Cherinna kay Jahann nang iabot nito ang lunch box nito. “Why?” kumunot ang noo nito habang nakatingin sa nakatatandang kapatid. “I just thought you want more, here. You can eat mine,” muli nitong alok sa kanya.

Umiling si Cherinna. “Mom said you need to eat your food because you’re so thin.”

“And Cherinna’s fat,” singit naman ni Aly sa kanilang dalawa.

Agad na nilingon ito ni Cherinna. “I’m not! My cheeks are chubby but I’m not fat,” hindi niya napigilan ang mapanguso. Nilingon niya si Jahann. “I’m not fat, right?” tanong niya sa kapatid.

Umiling si Jahann. “Aly’s just kidding. You’re not fat,” sabi naman ni Jahann sa kanya.

“Anong baon niyo?” lumapit naman sa kanila ang isang chubby na batang lalaki at naupo sa tabi ni Jahann.

“Hi, Dean!” nag-angat ng mukha si Cherinna sa bagong dating bago muling kumain. Dean is Dale’s son. Kaklase ito ni Jahann. Matanda lang si Jahann dito ng ilang buwan.

Mabilis lang na natapos si Aly na kumain at nakikipaglaro na ito sa iba pang bata na naroon. Karamihan naman sa mga iyon ay inaaway niya. Kung minsan, kapag ayaw niya sa tali ng buhok ng mga ito, aawayin niya na rin.

“Hindi ka na natapos kumain,” puna ni Jahann sa batang katabi. Tinignan naman siya ni Cherinna. “Sabi ni Mommy, ubusin daw, eh…” ngumisi ito bago muling kumain. “We will make cupcakes on Saturday. Nagpromise sa akin si Daddy…” saad ni Cherinna na tuwang-tuwa habang kumakain.

“You’ll help us?”sabi ni Cherinna bago inabot ang lalagyan ng juice ni Jahann at uminom mula doon.

“We’ll play on Saturday, right?” tanong naman ni Dean kay Jahann. Tumango si Jahann dito. “I asked for Dad’s permission, he said yes.”

“Di ka tutulong sa amin?” kumunot ang noo ni Cherinna. “Huwag kang kakain, ah?” humalukipkip ito bago pinagpatuloy ang pagnguya.

“Cherinna!”

Nilingon ni Cherinna ang kakambal nang tawagin siya nito ng malakas.

“Bakit?” tanong niya bago isinara ang lunch box na dala. Hindi pa siya tapos kumain pero naisip nyang babalikan na lamang niya iyon mamaya. Tumayo siya at pinagpag ang suot na damit bago lumapit sa kakambal. Kasama nito ang iba pang kinder na students doon.

“We will play, sasali ka,” ani Aly sa kanya na nakangiti. Umiling naman si Cherinna. She’s not used to it. Hindi siya sanay na nakikipaglaro sa mga batang hindi niya kilala kahit pa sabihin na kaklase niya ang mga iyon. Mas sanay siyang mga pinsan niya ang nasa paligid niya, at sina Lean at Enzo.

“Sali ka na, Cherinna,” ani ng isang bata na kulot ang buhok na hinawakan pa ang kamay niya. Umiling muli si Cherinna. “Ayaw ko,” sabi niya bago tumingin sa direksyon ni Jahann upang magpatulong. Nakatingin lang si Jahann sa kanila.

“Sasali ako, kaya dapat sasali ka rin kasi kambal tayo…” hinawakan ni Aly ang braso ni Cherinna. Tuluyan na siyang napasimangot.

May kinse minutos na silang naglalaro nang magsalita si Cherinna. “Ayoko na talaga,” reklamo niya. Kailangang magkampihan sa laro na ginagawa nila. At wala namang pinapansin si Cherinna sa mga kakampi niya kaya natatalo sila.

“Ibang laro na lang tayo,” sabi naman ulit ng kulot na batang babaeng humawak kay Cherinna kanina.

“Anong laro naman?” isang batang singkit ang nagsalita.

“Kasal-kasalan!” masiglang sagot ng batang kulot. Nagpapalipat-lipat lang ang tingin ni Cherinna sa mga ito. Hindi naman niya alam ang mga pangalan ng mga kalaro.

“Kasal-kasalan?” tanong ulit ng singkit sa batang kulot. “Wala naman tayong lalaki, eh…” luminga-linga ito. Puro nga lang silang babaeng naglalaro.

“Uhm…” tumingin siya sa paligid. “Ayun!” itinuro nito si Jahann. “Si Jahann na lang!”

Sinundan ni Cherinna ng tingin ang itinuro ng babae. Nakaupo si Jahann habang naglalaro ng Rubik’s cube.

“Jahann! Jahann!” si Aly ang tumawag dito. Tinignan naman ito ni Jahann.

“Cherinna, tawagin mo si Jahann,” tulak ni Aly sa kanya. Tinignan niyang muli si Jahann na nakakunot ang noo sa kanila. “Dali na!” muli siyang tinulak ni Aly.

Halos padabog naman na lumapit si Cherinna kay Jahann. Nakatingin lang ito sa kanya.

“Sali ka raw sa amin,” nakasimangot na sabi ni Cherinna rito.

“I don’t want to,” sabi nito bago muling yumuko sa nilalaro nito.

“Sumali ka na!” hinawakan ni Cherinna ang kamay ni Jahann at hinila ito papalapit sa iba pang bata na naroon. Hindi naman na nagreklamo si Jahann ngunit bakas sa mukha nito na ayaw nitong makisali sa mga batang iyon.

“Game na,” hinawakan ng batang kulot ang kamay ni Jahann. Tinignan naman ni Cherinna iyon. “Ikaw ‘yung groom,” sabi pa ng babae kay Jahann. Hindi naman ito kumikibo. Mas kumunot ang noo ni Cherinna nang sabihin ng batang iyon na siya dapat ang bride ni Jahann.

“Bakit si Jahann ang groom mo?” tanong ni Cherinna sa bata.

“Wala naman kasing ibang pwedeng groom dito, eh… may nakikita ka ba?” bahagya pang tinaasan ng batang kulot na iyon si Cherinna. Luminga-linga si Cherinna. She saw Dean. “Si Dean na lang ang groom mo. Hindi pwede si Jahann…” nagsisimula ng mainis si Cherinna.

“Si Jahann nga ang groom ko!”sigaw ng batang babae kay Cherinna.

“You’re annoying!” humalukipkip si Cherinna.

“Mas annoying ka. Groom ko nga si Jahann, eh!” galit na sabi ng bata kay Cherinna.

“Hindi nga pwedeng si Jahann ang groom mo, ang kulit-kulit mo. Groom ko si Jahann. Diba, Jahann?” tumingin siya kay Jahann. She admires her dad so much. And Jahann’s like his Dad. Kaya malapit talaga si Cherinna kay Jahann. She’s possessive of him, as well.

Lumingon si Cherinna sa kinatatayuan ni Jahann. Ipinilig nito ang ulo bago nagsalita. “Fine, I’m your groom.”

Marahan kong iminulat ang mga mata.

Ramdam ko ang pananakit ng ulo ko. Parang mas gusto ko na lang na mahiga at matulog.

Geez, what happened last night?

Dumapa ako at niyakap ang unan at ibinaon ang mukha roon.

We went to Blue’s Haven. Aly told us Jahann’s with Iris.

Napaangat ako ng ulo. Pinagmasdan ko ang unan na yakap ko. Kulay puti iyon, hindi katulad ng unan sa kwarto ko na purple ang kulay.

Tila nawala na ang antok na nararamdaman ko kaya bumangon ako at inilibot sa apat na sulok ng kwarto na iyon ang paningin ko.

“This is not my room!” I exclaimed. Nasaan ako?

Nilingon ko ang suot ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang suot ko pa rin naman ang suot ko nang nagdaang gabi. Hinagilap ko ang gamit ko sa paligid pero wala akong makitang bakas ng pagmamay-ari ko sa kwartong iyon. Hindi ko rin malaman kung anong oras na ba.

Mabilis na napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Jahann. Nakaputing t-shirt ito at pyjama. “Morning,” ngumiti siya sa akin. “Finally, you’re up…” naglakad siya papalapit sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya.

Geez, Cherinna. This ain’t the time to appreciate Jahann’s looks.

“Creep, are you okay? Masakit pa ba ang ulo mo?” tanong niya sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama habang nakatingin sa akin. Umiling lang ako at itinikom ang bibig.

“What’s wrong?” kumunot ang noo niya. Muli, umiling ako.

Damn.

“Cherinna…” sumeryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. I covered my mouth with my hand. “Wait lang,” mabilis akong tumayo at pumasok sa pintong naroon sa loob ng banyo. Malakas ang kutob ko na banyo iyon at tama naman ang hinala ko.

Mabilis kong binasa ang mukha ko ng tubig upang tuluyan akong mahimasmasan.

“Creep…” narinig kong tawag ni Jahann sa akin mula sa labas habang kumakatok sa pinto.

“Sandali lang,” sagot ko bago naghanap ng toothbrush at toothpaste. Mabilis akong nagsepilyo at naghilamos ng mukha. Ipinusod ko rin ang buhok ko bago lumabas ng banyo.

“What happened to you?” tanong ni Jahann na nakatayo lang sa labas ng banyo.

“Wala naman. Nagtoothbrush lang,” sagot ko. “What time is it?” nag-aalalang tanong ko sa kanya. Malamang ay hinahanap na ako ni Mommy at Daddy. Damn, I am so stupid. Dapat ay hindi rin ako uminom kagabi. Mahina ako pagdating sa alak kaya mabilis akong nalalasing.

“Past 10 am,” kalmadong sagot ni Jahann sa akin.

Napakamot ako sa noo ko. “I need to go. Malamang ay hinahanap na ako sa bahay. Baka mapagalitan si Aly at—“

“Sa bahay nila Enzo lahat natulog—maliban sa ating dalawa,” putol niya sa sinasabi ko.

“What?” tanong ko sa kanya. Ibig sabihin ay walang umuwi kagabi?

“Kagabi pa tinawagan ni Kol sila Mommy.”

“Pero wala naman tayo kina Enzo, Jahann. Kailangan ko ng umuwi…” This is what I hate the most. Lying. Ang dami-dami ko ng kasinungalingang ginagawa, patuloy pa ring nadadagdagan.

“Mas magtataka sila Dad kung uuwi ka ng wala si Alyanna…” muling umupo si Jahann sa kama bago tumingin sa akin. “We’ll go there after eating. I talked to Kol already. We’ll just say we woke up early to buy something…”

I sighed. “We’ll lie to them,” napayuko ako. Naramdaman ko ang paglalakad niya papalapit sa akin.

“I’m sorry…” hinawakan niya ang dalawang kamay ko, pinisil iyon bago dinala sa mga labi. Binitawan niya ang mga iyon at saka ako niyakap. Idinikit ko naman ang noo sa dibdib niya. I felt his lips on my hair. “Sorry, Creep…”

Umiling ako. Pinagsaklop ko ang mga kamay ko sa likod niya upang mayakap din siya. “Don’t be. It’s okay,” mahinang sagot ko. I closed my eyes and inhaled his scent.

“Snob…” tawag ko sa kanya.

“What is it?” lumayo siya ng kaunti sa akin at tinignan ako. Nasa magkabilang pisngi ko ang mga kamay niya. Bigla siyang ngumiti sa akin. “You’re hungry?” pinisil niya ang ilong ko.

“Jahann!” saway ko rito bago tinakpan ng kamay ko ang ilong ko.

He laughed softly. “Sorry na…” muli niya akong inabot at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Iyon naman ang pinisil-pisil niya.

“Jahann!” hinawakan ko ang dalawang kamay niya para tanggalin iyon mula sa pagkakahawak sa pisngi ko pero yumukod siya sa akin at hinalikan ako sa mga labi.

Hindi naman nagtagal ang halik na iyon. Ngumiti siya sa akin at idinikit ang noo sa noo ko. “I love you,” bulong niya sa akin. Ngumiti naman ako. “Nagugutom na ako…”

Jahann laughed again. Inakbayan niya ako bago iginiya papalabas ng kwarto. “Kumain ka na nga, puro pagkain nasa isip mo.”

“Hindi, ah. Madalas ikaw, eh…” sabi ko naman sa kanya.

“Kunwari naniniwala ako…” pagbibiro ni Jahann.

“Kunwari hindi ka kinilig,” natatawang sagot ko naman sa kanya. Nauna na akong magpunta sa kusina nang may nagdoorbell. Ang sabi ni Jahann ay baka isa sa mga staff sa building iyon at may sasabihin lang.

Naupo na ako at naglagay ng pagkain sa plato ko. Habang abala ako sa pagkain ay nagpunta naman sa kusina si Jahann at nasa likod nito, nakatayo si Kol.

“Kol?” kumunot ang noo ko nang makita ko siya. Nakaputi rin itong damit at jacket na itim. “Anong ginagawa mo dito?” tumayo ako at lumapit sa kanila.

“To make sure they will believe our excuse, I should be with you,” ani Kol habang nakatingin sa akin. Lumapit naman si Jahann sa akin at inilagay ang kamay sa may bewang ko.

“Kumain ka na? Sabayan mo na kami,” alok ko kay Kol. Pinaupo ko na sila pareho bago kumuha ng panibagong plato. Pagbalik ko’y nakaupo si Jahann sa tabi ng upuan ko habang nasa harap si Kol.

Iniabot ko kay Jahann ang plato at ako naman ang naglagay ng pagkain ‘don.

“How are you feeling?” tanong ni Kol sa akin. Ngumiti ako. “I’m fine. Sorry kagabi,” hinging paumanhin ko sa kanya. Alam ko na nainis si Kol sa naging behaviour ko kagabi.

“Kumain ka na,” ani Jahann sa akin. Tumango naman ako.

Nag-uusap si Kol at Jahann tungkol sa sasabihin mamaya habang patuloy lang akong kumakain.

“What else do you want?” tanong ni Jahann sa akin nang mapuna niyang kinukuha ko ang ulam sa plato niya. Umiling ako bago ngumiti. “Ang bagal mo kasi, eh…”

Pagkatapos kumain ay si Jahann na ang naghugas ng pinagkainan namin. Sinabihan na rin niya akong maligo para makapunta kami sa bahay nila Enzo pagkatapos.

Sinusuklay ko ang buhok ko nang lumabas ako ng kwartong inookupa ko.

“Si Jahann?” tanong ko kay Kol na nakaupo sa may couch sa living room.

“Shower,” tipid na sagot niya sa akin. Tumango-tango ako bago naupo.

“I heard you called my mom last night. Anong sabi niya?” pag-uusisa ko kay Kol. Wala namang kaso sa mga magulang namin kung hindi kami uuwi, basta ang kasama namin ay mga pinsan namin at nagpapaalam kami.

“She said I should bring you home safe. You and Alyanna…” nagkibit-balikat si Kol bago dinampot ang magazine na nasa lamesa.

Hindi ko napigilan ang pagngiti habang nakatingin kay Kol.

Hindi naman nawawala ang pangamba sa dibdib ko. Masaya ako na kasama si Jahann. Hindi naman maikakaila ang bagay na iyon pero natatakot pa rin ako kahit pa inaassure ni Jahann na hindi niya ako papabayaan.

Natatakot ako kapag nalaman ng lahat.

Natatakot ako sa reaksyon nilang lahat.

Huminga ako ng malalim bago sumandal.

Paano kung malaman na nila? Handa ba ako? Hindi. Hindi ako magiging handa sa bagay na iyon.

“Creep.”

Napapitlag ako nang may tumawag sa akin. Nasa may tabi ko si Jahann at nakatingin sa akin. “You’re frowning, why?” tanong nito bago tumingin kay Kol.

“Ha?”

Bumaling muli sa akin si Jahann bago hinawakan ang noo ko. “What’s wrong?” bakas ang pag-aalala sa mukha ni Jahann. Nakatingin din sa akin si Kol na parang gusting malaman kung ano ang nangyayari.

Umiling ako. “Wala. Iniisip ko lang kung gising na ba si Aly,” pagdadahilan ko. Ngumiti ako kay Jahann dahil parang hindi ito kumbinsido sa sinabi ko. “Tara na? Baka gising na ‘yon, hahanapin ako ‘nun,” aya ko sa kanya. Nauna na rin akong tumayo bago sumunod si Jahann. After making sure everything’s okay, we left his condo.

“Hindi mo dinala ‘yung sasakyan mo?” tanong ko kay Kol na nakaupo sa harap, katabi si Jahann at nasa backseat ako.

“Magkakasama tayo, dalawa pa sasakyan natin? Walang maniniwala sa alibi natin kapag ganoon,” nilingon ako ni Kol. Napalabi ako. Kunsabagay, tama naman siya.

“Let’s go to Summer’s first,” ani Kol kay Jahann. Tumango naman ito habang swabeng nagmamaneho. Maingat si Jahann sa pagmamaneho, lagi pang tama lang ang bilis ng takbo namin.

Sinabi ni Kol sa amin na kailangan naming mamili ng ingredients sa pagluluto dahil isa iyon sa alibi namin.

“Ikaw na lang pumasok, we’ll wait for you here,” ani Jahann kay Kol nang lumabas silang dalawa. Ibinaba ko naman ang salamin ng bintana para marinig silang dalawa.

Ngumiti si Kol sa kanya. “Not going to work. Let’s go,” aniya bago naunang maglakad kaysa sa amin. Nilingon naman ako ni Jahann kaya nagkibit-balikat ako at lumabas na rin.

Pagpasok naman naming ng Summer’s ay agad naming nakasalubong si Tito Hunter na may kausap na isang matandang babae.

“Dad,” bati ni Kol sa ama.

“Hi, Tito,” lumapit ako rito at humalik sa pisngi. Binati rin ito ni Jahann.

“Where’s your brother?” tanong ni Tito Hunter kay Kol. “Tito Blue’s house. We’re just here to buy some things,” sagot ni Kol bago nilingon ang matandang kausap ni Tito Hunter. “Good morning po,” bati ni Kol sa matandang babae.

“Ito na ba ang anak mo, Hunter?” ngumisi ang matandang babae kay Kol. “Yes, Mrs. Reyes,” sagot ni Tito Hunter habang nakahawak sa balikat ni Kol.

“She’s Mrs. Reyes. Siya ang namamahala sa Child’s Hope dati,” pakilala niya sa matandang babae sa amin.

“Hello po, it’s nice to meet you,” ngumiti ako sa ginang.

“That’s Cherinna and Jahann. Anak ni Mika,” napalingon ako kay Tito Hunter nang tila magbago ang tinig nito.

“Mika?” kumunot ang noon g matandang babae bago kami muling tinignan ni Jahann. “Ang laki mo na, ah?” ani ng matandang babae habang ang mata ay na kay Jahann. Ngumiti naman ito sa matanda.

“Kol, why don’t you go and do your business now?” sabi ni ni Tito Hunter sa amin. “And go home later, okay? Your mom’s worried about Keij. Hindi na naman kayo nagpaalam sa kanya,” dagdag pa nito.

“I’ll call her,” tumango si Kol sa ama.

“Sige na, Jahann, Cherinna… kunin niyo na ang mga kailangan niyo,” sabi ni Tito Hunter sa amin.

“Sige po,” magalang na sagot ko sa kanya bago nagpaalam sa matandang babae. Ngumiti naman siya sa akin na tila magaan ang loob niya sa akin.

Inaya na ito ni Tito Hunter papunta sa opisina nito para makapag-usap ng maayos nguniti sumulyap siyang muli sa akin.

Napailing na lang ako.

Sinamahan ko si Kol at Jahann na pumili ng mga bibilhin. Nang matapos kami ay dumiretso naman kami kaagad sa bahay ni Tito Blue. Naabutan namin silang gising na at hinihintay kami.

“Akala ko hindi na kayo babalik, eh…” ani Aly na sinalubong kami.

“B-bumili lang kami,” pagdadahilan ko sa kakambal ko. Iniiwas ko rin sa kanya ang tingin.

“Saan ka ba natulog? Nauna kayong umuwi kagabi, eh. Nalasing ka na naman ba?” sunod-sunod ang tanong niya sa akin. Naupo ako sa tabi ni Theon. “Uhm, medyo?” alanganin akong ngumiti.

Hinila niya ang buhok ko.

“Aly!” sinimangutan ko ito.

Habang nagtuturuan ang mga ito kung sino ang pinakalasing sa kanila nang nagdaang gabi, napansin ko ang pag-upo ni Iris sa tabi ni Jahann. Hindi ko alam na nandito rin pala siya gaya ng iba.

“Saan ka natulog kagabi?” narinig kong tanong ni Iris kay Jahann. “Your car’s not here last night, too…”

Ngumiti si Jahann kay Iris. “My car was parked outside, Iris.”

“That’s weird,” kumunot ang noo ni Iris. “Wala talaga akong napansin, eh…” sabi pa nito.

“Hindi mo lang napansin,” ani Jahann sa babae.

“Tignan natin kung anong lulutuin ni Enzo,” ani Keij bago tumayo.

“Ikaw na lang, idadamay mo pa kami,” reklamo naman ni Theon dito.

“Gago, malay mo magaya mo. Bigay mo kay baby…” sinundan ni Keij iyon ng pagtawa.

“Tangina ka, manahimik ka nga,” angil ni Theon sa pinsan namin. Hanggang ngayon naman ay hindi pa alam ni Theon ang pangalan ng babaeng tinutukoy ni Keij base na rin sa sinasabi ni Keij sa tuwing inaasar nito si Theon.

“Tara na kasi,” nauna na itong nagpunta sa kusina.

“Si Ate Caryl pala?” tanong ko kay Aly nang tumayo ito.

“Nasa Sweet Desire sila ni Kuya Kiro. They left early,” kibit-balikat na sabi nito. “Tara sa kusina, twin,” aya niya sa akin. Tumayo ako at sinamahan si Aly papunta sa kusina at iniwan si Jahann at Iris sa living room.

Papasok pa lang kami ay naririnig ko na ang pang-aasar ni Keij sa mga kasama niyang nasa loob ng kusina.

Nag-angat naman ng tingin si Kol sa akin. I shrugged my shoulders.

Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Jahann nang pumasok silang dalawa ni Iris sa kusina. Nilingon ko lang ito at muling ibinalik sa bote ng mineral water na hawak ko ang tingin.

Napalingon ako nang kunin iyon ni Jahann sa akin at inuman.

Nakataas ang kilay ko sa kanya nang ibalik niya sa akin iyon. Bahagya niyang inilapit ang ulo sa akin.

“Indirect kiss,” he whispered and he smiled.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.