NAGISING akong mas maaga sa nakasanayan. Maaga kaming umuwi kagabi ni Aly dahil na rin sa bilin ni Daddy. Gaya rin nang sinabi ni Kol sa amin, siya nga ang naghatid sa amin kahit pa nga sinabi ni Jahann na siya na lang kaya naman kasama rin namin siya kagabi. Iniwan na lang niya ang sasakyan sa bahay nila Tito Blue.
Naupo ako at sumandal sa ulunan ng kama ko. Magulo pa ang buhok ko at namimigat pa ang talukap ng mga mata. Mabilisan ko lamang na sinulyapan ang orasan sa gilid ng kama ko. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas matapos ang alas-sais. There’s no doubt why I’m still sleepy.
Inipon ko ang buhok ko at basta na lamang iyon na ipinusod habang humihikab. Tahimik lang sa kwarto ko maliban sa tunog ng AC na nasa isang panig ng kwarto ko. Hindi katulad sa kwarto ni Aly kung saan panay ang tugtog ng kung ano mang kanta.
Pumasok ako sa banyo at mabilis na naghilamos at nagsepilyo bago lumabas ng kwarto ko para tumulong sa pagluluto ng almusal namin. Malamang naman ay gising na rin si Daddy dahil maaga naman talaga iyong nagigising.
“Good morning, Nanang…” nakangiting bati ko sa kasambahay namin na naghahanda ng iluluto para sa agahan naming.
“Maaga kang nagising, ah?” sagot naman niya sa akin na may ngiti rin ang mga labi.
“I’m actually still sleepy but I’m hungry…” sinundan ko iyon ng pagtawa. “What’s our breakfast?” tanong ko bago dumiretso sa ref at kinuha ang gatas na naroon at naglagay ng kaunti sa baso.
“Gigisingin ka naman namin kung kakain na, hindi mo naman kami kailangan pang tulungan dito,” saad nitong muli. Hindi naman ako sumagot. Sa halip ay ibinalik ko na lang ang gatas sa may ref. Hindi pa rin naman ako mahilig uminom ng gatas, mas gusto ko pa rin ‘yung hot chocolate na ginagawa ni Jahann. Pero binilinan ako ni Jahann na kahit papaano ay dapat umiinom ako ng gatas para hindi nagiging lampa ang buto ko. Hindi ko alam kung gusto niya ba akong lumakas o inuunsulto niya ako.
Naupo ako sa upuang naroon habang pinapanuod si Nanang habang nagluluto. Inilapag nito sa lamesa ang nalutong hotdog bago muling tumalikod at inabala ang sarili sa pagluluto.
Pasimple naman akong kumuha ng isa at inilapit iyon sa bibig.
“Katakawan mo talaga.”
Napapitlag ako nang may nagsalita mula sa likuran ko. Nakasandal si Jahann sa may pinto habang nakatingin sa akin. Nakasuot ito ng puting t-shirt habang nakasuot din ng pyjama nito. Medyo magulo pa ang buhok nito na mukhang basta na lamang nitong sinuklay gamit ang mga daliri.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya na humarap sa pagkakaupo. Hindi ko naman ibinalik ang hawak ko, sa halip ay itinuloy ko pa ang pagkagat doon habang sinusundan siya ng tingin.
“Dito ako natulog,” sagot niya bago naglakad papasok sa kusina. “Good morning, Nanang…” bati niya rin sa matandang katiwala namin. Kinuha nito ang mug na kulay purple at likod na lamang niya ang nakita ko dahil may ginagawa na ito.
“Ang aga niyong magsigising. Pwede namang mamaya pa,” puna niya sa aming dalawa ni Jahann. “Kayo talagang dalawa, lagi na lang kayong gustong magluto.”
“I’m used to it. Mag-isa lang ako sa condo, eh…” nilingon ni Jahann ang matanda at nginitian.
“Nagugutom po ako, eh…” muling sabi ko naman sa matanda bago muling kumuha sa hotdog na nasa harap ko.
“Cherinna! Baka maubos mo ‘yan!” saway sa akin ni Nanang bago kinuha ang plato at pinalagay na sa lamesa sa isa pang kasambahay namin. Napalabi naman ako.
Lumapit si Jahann sa akin at iniabot ang mug na hawak niya kanina.
“Creep,” tawag niya nang hindi ko abutin ang mug. Inilapag niya iyon sa harap ko.
Nagtimpla siya ng hot chocolate.
Ngumiti naman ako at nag-angat ng tingin sa kanya. Nakatayo lang siya sa may gilid ko habang pinagmamasdan ang matandang kasambahay namin at panaka-nakang nagtatanong kung may maitutulong ba siya rito.
“You’ll stay here later?” nag-angat ako ng tingin kay Jahann.
Hinawakan naman niya ang noo ko na tila pinapalis ang pagkakakunot ‘non. “No. I need to go home later. May trabaho pa akong gagawin sa Ai’s.”
“With Iris?” tanong kong muli sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin bago pinisil ang magkabilang pisngi ko. “Gutom ka na nga talaga,” may halong pagka-aliw ang boses niya. Tinitigan ko naman siya ng masama. Malamang ay kasama na naman nito si Iris. Linggo naman pero may trabaho pa rin siya sa Ai’s.
“Cherinna,” untag sa akin ni Nanang. Lumingon naman ako sa kanya. Binitiwan naman ni Jahann ang pisngi ko ngunit ang kamay niya’y nilalaro-laro ang tainga ko.
Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. Mabilis ko rin siyang nilingon upang titigan ng masama.
“Tikman mo nga itong niluluto ko at mukhang palyado ang panlasa ko dahil sa ininom kong kape kanina,” ani Nanang na nakatalikod naman sa amin.
“Tikim lang daw, Creep…” pambubuska naman ni Jahann sa akin. Siniko ko siya nang makatayo ako. Lumapit naman ako sa matanda at tumulong na sa pagluluto.
Hindi nagtagal ay natuon na rin ang atensyon ko sa pagtulong sa pagluluto at sa paghahanda sa lamesa. Hindi ko napansin si Jahann nang lumabas ito ng kusina.
“Good morning, Dad…” nakasalubong ko si Daddy nang papunta itong kusina. Gaya ni Jahann ay naka-tshirt lang din ito at pyjama. Lumapit ako at humalik sa pisngi nito.
“You’re early. Anong oras kayo umuwi kagabi?” tanong nito sa akin na sinundan ako ng tingin nang ilapag ko ang isang plato sa lamesa. Sabay kaming pumasok sa kusina. Kumuha rin ito ng isang baso at kinuha ang gatas sa ref.
“I actually don’t know,” yumuko ako. “Pero hinatid naman po kami ni Kol kagabi.”
Tumango ito sa akin. “Where’s Jahann?” tanong niya maya-maya. “I saw him earlier…”
“Baka umakyat sa kwarto niya, Dad…” magalang na sagot ko naman sa kanya. “Si Mommy po?” tanong ko nang kumuha ako ng baso para ilagay sa may lamesa.
“Still sleeping. She’s tired…” nagkibit-balikat ito sa akin. Tumango naman ako.
“Alyanna mentioned you and Ian broke up…”
Napahinto ako sa paglalakad nang magsalita ulit si Daddy. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Napatungo ako. “Opo…” mahina lang ng kaunti sa bulong kong sagot. Hindi ko naman ipinaalam sa mga magulang ko na naghiwalay na kami ni Ian. Pero hindi na rin ako nabiglang alam nila. Alam kong isang araw, sasabihin din iyon ni Aly sa mga ito, kung hindi man, mapag-uusapan din namin.
“Do you want to talk about it?” naramdaman ko ang concern sa boses ni Daddy kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ngumiti ako at umiling. “I’m fine, Dad. You don’t have to worry about it,” sagot ko.
“You haven’t changed, Cherinna,” napailing si Daddy pero bakas ang amusement sa boses nito. “You’re like your mom. Saying everything’s fine even if it’s not.”
Ngumisi ako. Nagpaalam na ako pagkatapos para matapos na sa ginagawa ko.
“Good morning!” nakangiti at mukhang mataas na kaagad ang energy na bungad sa amin ni Aly nang bumaba siya at pinuntahan kami sa komedor.
“Ang taas agad ng energy mo, ah?” natatawang puna ko sa kanya. Mula sa labas ay pumasok na rin si Jahann at lumapit sa amin. Pawis ito at mukhang nagjogging. Lumapit sa akin at kinuha ang baso na hawak ko.
“I received an e-mail today…” ngumisi siya sa amin. Kumunot naman ang noo ko. “What e-mail?” tanong ko sa kanya. Inabot ko naman kay Jahann ang towel na nakita ko sa may upuan.
“About the intramurals, twin…” pinanlakihan niya ako ng mata.
“Anong meron ‘don?” tanong ko ulit sa kanya.
“Nothing special actually. Magkakaroon lang ng Mr. and Ms. Popular and… Jahann’s actually a part of it!” mas lumaki pa ang pagkakangiti ni Aly nang sulyapan si Jahann.
“What?” kunot-noong tanong ni Jahann sa kakambal ko nang lingunin ko siya.
“Kasali si Jahann?” imposible naman yatang sumali si Jahann sa mga ganoong contest. Kahit pa nga laging gusto siyang ilagay as escort kapag botohan sa classroom noon para sa officers, hindi nangyayari ‘yon dahil laging class president si Jahann.
“Hep!” awat ni Aly nang akmang magsasalita si Jahann. “For the first time in forever, wala akong kinalaman sa pagkakasali mo ‘don, okay?” natatawang sabi nito. “Kasali din naman si Theon at Keij, don’t worry…” dagdag pa nito na para bang nakatulong ang bagay na iyon.
Umupo ako sa tabi ni Aly. “And guess what, twin?” humarap siyang muli sa akin. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ni Aly. “’Yung mananalo, they need to kiss in front of everyone!” sumulyap itong muli kay Jahann. “They don’t have to kiss naman na parang wala ng bukas, a simple kiss will do, but after that, may date pa at—“
“Hindi ako sasali ‘don,” ani Jahann na naupo sa tabi ko.
Kung mananalo si Jahann, hahalikan niya ‘yung mananalo din na babae?
“Kasali si Iris sa contest…”
Napatuwid ang likod ko sa sinabi ni Aly.
“What?” Bakit ba hindi na ako nagulat sa bagay na iyon? I know Iris is nice and sweet but… ugh.
“Hindi ako sasali ‘don,” sabing muli ni Jahann. Para bang mas sa akin niya sinasabi ang bagay na iyon kaysa kay Aly.
“But you’re not the one who’ll decide, Jahann. Kailangan may kasali sa SSG. Hindi si Kol ang sinali nila dahil kasali si Keij,” sabi ni Aly na parang inaasar pa si Jahann.
“May kasali sa inyo?” tanong ni Jahann kay Aly. Napapagitnaan nila ako kaya naman nagpapaling-paling ang ulo ko para tignan silang dalawa.
Umiling si Aly. “Wala. That’d be awkward kung may mananalo sa atin. Imagine, kung ikaw at si Cherinna ang manalo, you’ll kiss in front of everyone?” sabi nito. Hindi naman ako nakakibo dahil doon.
Maghapon kong iniisip ang sinabi ni Aly. Nagkulong lang ako sa kwarto at nagsabi na gusto ko lang manuod kaya wala akong ganang lumabas. Ang alam ko’y umalis na rin si Jahann matapos kaming mag-almusal dahil uuwi pa ito sa condo nito bago magpunta sa Ai’s.
Gusto niya akong kausapin kanina dahil sa sinabi ni Aly pero kailangan niya namang magpunta sa Ai’s.
Nakasandal ako sa may kama ko habang yakap-yakap ang unan ko. Napalingon ako sa pinto nang may kumatok mula roon.
“It’s open, come in,” sabi ko, sapat upang marinig ako ng tao sa labas bago ko hininaan ang volume ng TV.
“Are you okay?”
Napalingon ako nang marinig ko si Jahann.
“What are you doing here? Umalis ka na, diba?” tanong ko sa kanya. Umayos lang ako ng upo.
Nagkibit-balikat ito bago lumapit sa akin. Akala ko’y uupo ito sa tabi ko pero naupo ito sa may paanan ng kama ko, sa may gilid ko at sumandal doon. Inabot niya ang kamay ko.
“Don’t think about what Aly said,” naramdaman ko ang paghalik niya sa kamay ko.
“Jahann…”
Huminga ito ng malalim at saka tumingala upang isandal ang ulo sa kama ko. Tinignan ko naman siya.
“I know…” he closed his eyes and heaved another sigh. “I know what’s running in your mind, Creep,” ani Jahann na nakapikit pa rin. “Ayoko lang na bumitaw ka dahil doon.”
Hinawi-hawi ko ang buhok niya habang nakatingin sa kanya. I admit, that crossed my mind. Not just because of what Aly said… but because of our situation. There’s a lot of reasons for me to give up, but there’s one reason that is stopping me to do so. And that reason is because I love him.
“You’ll join the contest?” tanong ko na lang kay Jahann sa halip na palawigin pa ang pinag-uusapan namin kanina. Umiling siya habang nakapikit.
Natawa ako. “As if pwede kang magback-out…” sabi ko sa kanya.
“Keij will win that one,” patamad na sabi ni Jahann. “Maraming may gusto kay Kol. They’ll vote for Keij, I’m sure…”
“I’m not going to vote for you…” mahinang sabi ko. Nagmulat siya ng tingin sa akin. “And why is that?” tumaas ang isang kilay niya sa akin.
“Because I don’t want you to kiss other girl, period.”
Ngumiti si Jahann sa akin. “That’s not going to happen, Creep…” he assured me. Ngumiti na lang ako at hinayaan siyang laruin ang kamay ko nang abutin niya iyon.
Kinabukasan ay pansin na kaagad ang tungkol sa contest na gagawin. It’s not actually a contest, hindi naman katulad iyon ng ibang patimpalak kung saan kailangan nilang magsama-samang lahat para rumampa o maglakad sa harap ng mga estudyante. They’ll announce the winner, that’s it. Botohan din ang magaganap. Pero hindi pwede ang flying voters dahil computerize ang pagboto at nakabase sila sa ID number.
Habang naglalakad kami ay maraming nakatingin sa amin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napabuntong-hininga. Tatlo sa mga kasama namin ay kasali sa contest na iyon. Idagdag pa si Iris na katabi ni Alyanna.
“Sino bang gagong nagsali sa atin?” tanong ni Theon habang naglalakad kami.
“Sus, para namang ayaw mo pa. Free kiss din ‘yon, Theon…” irap naman ni Lean dito. Katulad ko’y kanina pa ito naiinis sa mga tumitingin sa amin. Kahit naman sanay si Lean sa atensyon, kung bawat makakasalubong mo naman ay ipapangalandakan na kasama mo si Theon, Keij at Jahann, maiinis ka.
“May klase pa naman until Wednesday, right?” tanong ko kay Kol na nasa tabi ko. Tumango siya sa akin. “Bakit ang daming nagkalat na estudyante?” hindi ko mapigilang mapasimangot.
Nilingon ako ni Jahann at umangat ang sulok ng labi nito. Napadaan kami sa isang monitor kung saan naroon ang bilang ng boto. Hanggang Thursday lang pwedeng bumoto at may mga ilan ng hindi nakatiis at bumoto agad.
Napakunot ang noo ko nang makitang si Jahann ang nangunguna sa kanila.
Ikampanya ko kaya si Keij sa lahat ng makakasalubong ko?
“Jahann, kapag nanalo ka, kiss mo ng matindi ‘yung babae, ah?” natatawang sabi ni Keij bago inakbayan ang una.
“Pupunta na ako sa classroom ko,” malamig na sabi ko. Hindi ko na rin hinintay na magsalita sila dahil dire-diretso akong naglakad papunta sa classroom ko.
“Cherinna, wait!”
Napapikit naman ako nang marinig ko ang boses ni Iris. Huminto ako ngunit hindi ako lumingon.
“Sabay na tayo?” nakangiting sabi niya sa akin. Tumango lang ako ng marahan. Napansin kong kanina pa ngiting-ngiti si Iris. Ayaw ko namang magtanong sa kanya.
“Iris, nakita kong nangunguna ka, ah?” bati rito ng kaklase naming nakasalubong naming dalawa nang papasok kami ng classroom.
“Thank you,” malambing na sabi nito. Napakunot ang noo ko. Hindi ko tinignan kung sinong nangunguna sa mga babae kanina. Si Iris ba?
Hindi ako umiimik liban kung may nagtatanong sa akin hanggang sa matapos ang klase ko. Si Iris ay hindi nawawala ang ngiti sa mga labi, mas lalo akong naiinis pero pinipilit kong hindi ipakita iyon.
Same thing happened the following days, before I knew it. It’s already Friday.
“Hop in.”
Napakunot ang noo ko nang bumukas ang bintana ng isang sasakyan sa tapat ko. Nakita ko si Kol na nakasuot ng shades.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya. Naunang pumasok si Aly sa akin kaya naman magpapahatid na lang ako dapat sa driver namin papunta sa school.
“May dinaanan ako,” sagot ni Kol.
“Ng ganito kaaga?” tinignan ko ang orasan ko. Wala pa ngang alas-nueve ng umaga.
“Hop in. Sabay na tayo pagpasok,” sabi nitong muli sa akin. Tumango na lang ako. Sinabihan ko ang kasambahay namin na sabihan na lang ang driver na kay Kol ako sasabay at huwag ng mag-abala pa bago tuluyang sumakay sa sasakyan ni Kol.
Hindi ako umiimik habang nasa biyahe kaming dalawa.
Iniisip ko ‘yung event mamaya. Ang alam ko, kagabi pa natapos ang botohan. Hindi ako bumoto. Simula noong Wednesday, hindi na pinakita ang estimated tally sa mga estudyante. Si Jahann pa rin ang nauuna na sinusundan ni Keij. Hindi gaanong malaki ang nilamang ng boto ni Jahann kay Keij.
“What’s wrong?” tanong ni Kol na bumasag sa katahimikan. Napalingon ako sa kanya. “Huh?” kumunot ang noo ko. Seryoso ang mukha ni Kol habang nagmamaneho. Hindi ko nakikita ang mata nito dahil sa suot na shades.
“You’re thinking about the result?” tanong niya sa akin na hindi man lang ako sinusulyapan.
Umayos ako ng upo. “No,” tanggi ko.
I heard him chuckled.
Muli kong nilingon si Kol. Posible ba na alam niya ang result?
“Kol…” untag ko sa kanya.
“Hmm?” mahinang tugon niya sa akin. Kumibot ang labi ko at iniisip kung itutuloy ko ba ang pagtatanong. It’ll be unfair to everyone, dapat ay sabay-sabay kaming makaalam ng resulta, pero paano naman kung nanalo si Jahann? Hahalikan niya ‘yung nanalong babae?
Hindi naman pwede ‘yon!
“Na…” kinagat ko ang labi ko. “Na…” I paused. He looked at me cocked his head. “Wag na lang…” humalukipkip ako at tumingin sa labas.
Siguro naman, hindi nanalo si Jahann. Mas kilala naman sa school si Theon at Keij, though Jahann is part of SSG.
“Hindi ko alam kung sinong nanalo…” ani Kol na nagpalingon sa akin sa kanya. Napasimangot ako.
“Don’t underestimate your boyfriend, Cherinna. Maraming may gusto kay Keij pero marami rin namang kay Jahann…” nagkibit siya ng balikat.
Alam ko naman ang bagay na iyon. Hindi naman iilang beses na may lumapit sa akin dahil kapatid ko si Jahann.
Pagdating namin ni Kol sa school ay nakita namin si Jahann na nakasandal sa sasakyan nito. Naka-cap ito ng itim habang itim din ang na shirt ang suot at jeans.
“Kailangan mo talagang magpagwapo para mamaya?” hindi ko napigilang mapaismid nang lumapit siya sa akin. Nakakunot ang noo niya. “What?”
Magkakasama kaming tatlo habang papunta sa kinaroroonan nila Aly. Ang sabi nito ay naroon naman na ang lahat at kami na lang ang wala. May mga booths na naroon, as usual. Pwede naman kasing huwag na lang umattend dito, eh. Kung bakit ba ginawang mandatory ng ilang professors namin.
Naupo ako sa tabi ni Aly at inabutan ako ng pagkain na naroon. Umiling naman ako.
Kapansin-pansin din ang pagiging masigla ni Iris habang nakatingin kay Jahann. Mas lalo naman akong nainis.
Inabot sa akin ni Kol ang isang cup na may lamang ice cream. Nagpasalamat lang ako ng mahina sa kanya at umayos na muli ng upo habang nilalaro-laro ang ice cream na naroon sa cup.
“Bal, ‘yung mga fangirls mo, ako ba binoto?” tanong ni Keij kay Kol.
“Malay ko sa kanila,” sagot naman ni Kol dito.
“May tumatawag sa akin ng Kol kanina. Tanungin ko nga kung anong gusto, sagutin ba naman ako ng fuck…” natatawang sabi ni Keij dito.
Napailing na lang ako.
Kapag seryoso ang mukha ni Keij at hindi ngisi nang ngisi, mapagkakamalan talaga itong si Kol. But since we’re always together, it’s easy for us to distinguish which is which, kahit pa tulog ang mga ito.
Umupo sa tabi ko si Jahann nang mapuna niya sigurong hindi ko siya pinapansin. Hindi naman sa ayaw ko siyang pansinin. Naiinis lang akong hindi ko alam ang result. Naiinis ako sa kaisipang paano kung siya ang nanalo?
“Bili pa kayo ng pagkain ‘dun,” sabi ni Aly nang mapansin na kaunti na lang ang pagkain na nasa lamesa.
“Kami na ni Cherinna…” biglang sabi ni Jahann. Napalingon ako sa kanya.
What the hell?
“Kami na ‘yung bibili,” dagdag niya bago tumayo at tinignan ako. “Let’s go?” aya niya sa akin.
Damn.
Napilitan akong sumama sa kanya. Nauuna si Jahann na maglakad sa akin kaya naman nakasunod lang ako habang nakayuko. Napahinto ako nang tumama ako sa dibdib niya nang tumigil din siya at humarap sa akin.
“Creep,” he softly said.
“What?” nag-iwas ako ng tingin.
“Are you mad at me?” puno ng pag-aalalang tanong niya sa akin.
I sighed. “I’m not.”
“Then, why are you ignoring me? The whole time, you’re not even looking at me…” bakas ang frustration sa tinig ni Jahann. Nilingon ko siya at umiling. “I’m not ignoring you…” mahinang sabi ko. Ikaw nga lang ang nasa isip ko, paanong hindi kita pinapansin?
“Creep…”
“Fine, naiinis ako! Naiinis ako pero hindi sa’yo, okay? Now, let’s go. Bumili na lang tayo para makabalik ‘don,” sabi ko na nagpatiuna na sa paglalakad. Hindi naman na nagreklamo si Jahann. I wanted to say sorry to him. Wala naman kasi siyang ginagawang masama, alam ko ‘yon.
Bumalik kami sa mga kasama namin pero hindi pa rin kami nagkikibuan. Nasa tabi ko siya, pero hindi kami nag-uusap.
Kung saan-saang booth na nagpunta ang mga kasama namin at nagpapaiwan lang ako. Idinadahilan kong masakit ang ulo ko na totoo naman kaya hindi naman sila nagpumilit pa. Hindi naman ako iniwanan ni Jahann kahit pa hindi kami nagkikibuang dalawa. Ni hindi ko rin magawang kumain dahil wala talaga akong gana.
Nang pumatak ang alas-singko, mas lalong ayaw ko ng umalis sa kinauupuan ko. Kung aalis man ako, gusto ko ng dumiretso ng uwi.
“Let’s leave,” mahinang bulong ni Jahann sa akin. Nilingon ko siya. Tumayo siya at kinuha ang bag ko.
“Jahann! Tara na ‘don!” lumapit si Iris kay Jahann. “Ikaw din, Che!” hinawakan nito ang braso ako at hinila ako.
“Iris…” hinihila ko ang braso ko sa kanya pero halos kalad-karin ako ni Iris papunta sa stage na naroon. Nilingon ko si Jahann na madilim ang mukha habang nakasunod sa amin. Hawak niya pa rin ang bag ko.
Lumapit kami sa mga pinsan ko.
Napailing ako habang nakikinig sa mga usapan nila. Halos wala naman akong maintindihan sa mga ito. Nasa tabi ko si Jahann habang nasa likod ko si Kol.
May mga ilang binigyan ng award para sa mga activities sa buong linggong iyon. Walang kabuhay-buhay ang bawat palakpak ko.
“I’m sure lahat kayo ay excited malaman kung sino ang Mr. and Ms. Popular natin, right?” malakas na sabi ng emcee sa harap na sa pagkakaalam ko ay Secretary ng SSG.
“Creep, let’s leave…” ani Jahann sa akin. Hinawakan niya ang braso ko.
“Of course, hindi ko na patatagalin ito!” sinundan iyon ng emcee ng pagtawa. “I’ll announce the Ms. Popular first!” sabi pa nito.
May sinabi si Jahann kay Kolb ago hinila ako ng marahan.
“Our Ms. Popular is no other than….” She paused. “Ms. Iris Imperial!”
Napatili si Iris na malapit lang sa tabi ko. Ngiting-ngiti ito habang naglalakad paakyat sa stage.
“Creep…” Jahann’s breathe fanned my cheeks. Napalingon ako sa kanya.
Napalingon ako sa stage. May sinasabing muli ang emcee.
“Yeah… let’s go…” sabi ko at nauna pa akong maglakad paalis doon.
“Jahann Anderson!”
Natigilan ako nang marinig ang pangalan ni Jahann.
“Fuck.”
Nabitawan ako ni Jahann nang mahawi ako ng taong nagtulak kay Jahann para umakyat sa stage.
“Cherinna!” tawag niya sa akin.
Naramdaman ko naman na may humawak sa braso ko. Nilingon koi yon at nakita ko si Kol. “Let’s go,” aniya.
“Si Jahann…” sagot ko na nakatingin kay Jahann. Halatang naiinis ito sa nangyayari. Kinakantiyawan ito ng ibang estudyante na naroon dahil nakasimangot ito.
“Let’s go, Cherinna…” muling sabi ni Kol sa akin.
“No. Si Jahann. Hindi niya pwedeng halikan si Iris!” asik ko kay Kol. Nanlalamig ang kamay ko. Damn it!
“Like the rules, Jahann and Iris. Since the two of you won, you need to kiss in front of everyone!” nakangiti ang emcee habang sinasabi iyon.
Hahalikan talaga ni Jahann si Iris?
I am sure, papayag si Iris. Eh, si Jahann?
Damn it, damn it, damn it!
Tumingin si Jahann sa direksyon ko. Hindi ako nakagalaw. Everyone’s chanting: “Kiss! Kiss! Kiss!”
Walang salitang lumabas sa bibig ko nang tumalikod ako at lumayo sa crowd na naroon. Sumasakit lalo ang ulo ko at Wala akong balak masaksihan kung paanong hahalikan ni Jahann si Iris. Hinigit ni Kol ang braso ko pero pakiramdam ko ay babagsak na ang katawan ko. The last thing I heard was Jahann.
He’s calling my name.