“CHERINNA, are you still up?” nilingon ko ang pinto ng kwarto ko nang marinig ko ang boses ni Aly. I made sure I locked my door. Naka-off din maging ang cellphone ko. Kahit si Kol ay alam kong tinatawagan ako pero wala akong gustong makausap. Pinakiusapan ko kanina si Aly na wag na niyang banggitin ang nangyari kay Mommy at Daddy. Ayokong mag-alala sila, higit lalo, ayaw kong magtanong sila.
“Twin, I’m talking to Jahann,” sabi ulit ni Aly habang kumakatok. I didn’t make any sound. Nakaupo lang ako sa may kama ko at nakatingin sa pinto. Hindi rin ako nag-abalang buksan ang ilaw kahit pa nahihirapan akong makakita sa dilim.
Yumuko ako at pinagmasdan ang impis na tiyan.
Posible bang may buhay na sa loob ng katawan ko?
Come to think of it, delayed ang monthly period ko. Gusto kong isipin na baka nadelay lang talaga iyon at hindi kung ano pa man. May mga cases naman na delayed lang ang isang babae.
My morning sickness, that is normal. Malamig ang panahon at biglang iinit.
‘Yung pagiging antukin ko, normal lang din iyon dahil palagi akong puyat.
Nahilo lang ako kanina dahil wala akong halos kinain. Parang katulad noong nahimatay ako noong intrams.
Ang daming possibilities ng nangyayari sa akin.
Hindi naman siguro tama si Kol sa hinala nito.
I’m not pregnant.
I can’t be pregnant.
“Cherinna?” muling tinawag ni Aly ang pangalan ko.
“Let her rest, Aly. You said she’s not feeling well, right?” narinig ko ang boses ni Jahann.
May kung anong tila malamig na bagay ang pumiga sa puso ko nang marinig ko siya. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong sabihin sa kanya ang nangyayari… pero kung gagawin ko iyon, alam kong uuwi si Jahann. Ipagtatapat niya kina Daddy ang totoo…
They will disown us.
Ayokong isipin ang maaaring mangyari kung itatakwil kami ni Mommy at Daddy dahil dito. Napupuno ng takot ang puso ko.
Yumuko ako at pumikit.
“Cherinna, you’re not even sure if you are pregnant…” mahinang bulong ko sa sarili ko. Pilit kong pinapalakas ang loob ko. “Kol’s wrong. You’re not pregnant…” unti-unting pumapatak ang luha sa mga mata ko. “Hindi ka pwedeng mabuntis…”
Itinakip ko sa bibig ko ang palad ko habang patuloy na humihikbi.
“Yeah, good thing was Ian saw her…” sagot ni Aly kay Jahann.
Oh, God. Aly, just go to your room. Doon mo kausapin si Jahann. You’re torturing me.
“What?” I heard Jahann’s voice again. “Ian, you mean Montenegro? Yung ex ni Cherinna?” sunod-sunod ang tanong ni Jahann kay Aly.
“Yeah…” tipid na sagot ni Aly bago muling kumatok sa pinto ng kwarto ko. “Twin, punta ka na lang sa kwarto ko, ha? I’ll ask Nanang to prepare something for you, too…” sabi nito bago naglakad papalayo sa kwarto ko. Naririnig ko pa ang boses niya pero hindi ko na masyadong naiintindihan ang sinasabi niya.
Ibinagsak ko ang sarili sa kama at tumingin sa kisame.
I remember what he said before. Sabi ni Jahann, siya ang magmamanage ng business ni Dad. Gusto niyang maging katulad ni Daddy… he’s trying his best to excel in everything. Siguro para sa iba ay parang walang ginagawa si Jahann at lahat ay mukhang madali sa kanya pero alam kong pinaghihirapan ni Jahann ang lahat ng bagay.
Ayaw niyang madisappoint si Daddy at Mommy sa kanya.
But now…
Itinaas ko ang kamay kong may suot ng singsing na bigay ni Jahann noong birthday namin ni Aly.
Ngumiti ako ng malungkot.
Ngayon lang siguro ako magpapasalamat na nasa malayo si Jahann. Alam kong kung nandito lang siya, ipipilit nito ang gusto nito.
Masisira ko lang ang buhay niya.
Itinakip ko sa mga mata ang braso at pumikit.
Ayokong isiping totoo ang hinala ni Kol. Malabo. Imposible. Hindi pwedeng totoo ang bagay na iyon.
Kahit pa masama ang pakiramdam ko at gusto kong uminom ng gamot para makatulog, mas pinili kong huwag gawin ang bagay na iyon.
What if I am really pregnant?
Naging mailap ang antok sa akin nang gabing iyon. Kinailangan kong pilitin ang sarili ko na matulog. Hindi ko mapigilang isipin ang mga possibilities.
Nang lumabas ako ng banyo ay tsaka ko lamang binuksan ang cellphone ko. Sunod-sunod ang text na nanggaling kay Jahann. Napangiti ako ng malungkot.
Since sinabi ni Aly ang nangyari sa akin, nag-alala ng husto si Jahann.
Hawak ko pa ang cellphone ko nang magring ito. Pangalan ni Jahann ang rumehistro sa screen ng cellphone ko. Nanginig ang kamay kong may hawak ng cellphone.
Tila may mga naghahabulan sa dibdib ko habang nakatingin sa pangalan ni Jahann.
“Cherinna? Gising ka na?” kumatok si Aly sa kwarto ko. Mabilis kong inilagay sa bag ko ang cellphone ko at naglakad papunta sa pinto.
“Yes, I’m up…” binuksan ko ang pinto at lumabas. Kumunot ang noo ni Aly sa akin. “Okay ka lang? Maaga kang natulog kagabi?” tanong niya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Tumango ako at ngumiti. “Yeah. Nagbawi ako ng tulog, eh. Bakit?” tanong ko sa kanya bago isinara ang pinto ng kwarto ko.
“Tumawag kasi sa akin si Jahann, sayang lang. Maaga kang natulog…” ani Aly habang sabay kaming naglalakad. Tumango ako sa kanya. “Next time na lang,” sagot ko sa kanya.
“Good morning,” bati ni Aly sa mga magulang namin. Nakaupo na silang dalawa at hinihintay kami.
Bigla naman tila ayaw kumilos ng mga paa ko.
I might be pregnant.
Hindi pa naman sigurado, eh.
“Cherinna, ano pang hinihintay mo diyan?” tanong sa akin ni Mommy. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin. “Come on, para makapag-breakfast na tayo…”
Marahan akong umiling at saka naglakad papalapit.
“Dad, ‘yung promise mo kahapon, ha?” masiglang sabi ni Aly habang naglalagay ng pagkain sa plato nito.
“You don’t have to remind me everyday, Alyanna…” he replied. Tumawa naman si Aly dito at sinabing mabuti na ang nakakasiguro siya.
Nakatingin ako sa pagkain na nasa lamesa.
“What’s wrong, Cherinna?” tanong ni Mommy sa akin habang naglalagay siya ng pagkain sa plato ni Daddy. Napatingin naman ako sa kanya at agad na umiling. “Nothing, Mom…” ngumiti ako bago kumuha ng pancakes. Iyon lang ang parang gusto kong kainin sa lahat ng nasa lamesa.
Tahimik lang akong kumakain. Si Mommy ay nagtatanong kay Daddy kung may mga bibilhin ba para sa pagpunta sa New York pagkatapos ng klase.
Makakasama pa ba ako?
Pinili ko na lang na manahimik habang nag-uusap sila.
Katulad ng nangyari kahapon, nagpunta si Kol sa bahay para isabay kami sa pagpasok sa school ni Aly.
“I’ll use my car, Kol. Dadaan kasi ako sa Ai’s mamaya, eh…” sabi ni Aly sa amin. Hindi siya sasabay kaya naman nauna na akong nagpaalam kay Mommy at Daddy. Ni hindi ko magawang tumingin sa kanila ng matagal.
“How are you?” nilingon ako ni Kol habang nagmmamaneho siya. Nakasandal lang ako habang nakatingin ako sa labas. “Cherinna…” untag niya sa akin. Patamad naman akong bumaling sa kanya. Nakaharap siya sa akin at nakaunot ang noo. “Wear your seatbelt,” halos magdikit ang kilay ni Kol sa pagkakakunot ng noo niya.
Hindi ako nagsalita habang isinusuot ko ang seatbelt ko.
“Hey,” hinawakan ni Kol ang braso ko. Muli, lumingon ako sa kanya.
“I’m fine,” mahinang sabi ko bago ako ngumiti. Alam kong bakas sa ngiti na iyon ang pagpapanggap na okay lang ako. Alam kong masasalamin din sa ngiting iyon ang katotohanan na natatakot ako.
“Cherinna…”
Umiling ako sa kanya. “I’m really fine, Kol. You have nothing to worry about…” ngumiti ako sa kanya. Binawi ko rin ang braso ko at tumingon sa labas ng bintana.
Narinig ko pa ang pagbuga ni Kol ng hangin.
Bago pa man mapaandar muli ni Kol ang sasakyan ay nagring ang phone nito. Biglang nagtahip ang dibdib ko at tumingin ako sa kanya. Bakit ba may pakiramdam akong alam ko kung sino ang tumatawag kay Kol?
Sinagot nito ang tawag habang nakatingin sa akin.
“Jahann,” tawag ni Kol sa nasa kabilang linya. Hindi inaalis ni Kol ang mata sa akin. “Yes, she’s with me…”
Marahan akong umiling at saka yumuko.
Nababaliw na ba ako? Gusto at ayaw ko siyang makausap. Gusto ko siyang makausap dahil namimiss ko na siya. Gusto kong marinig ulit ang boses niya. Gusto kong marinig ulit na sinasabi niyang mahal niya ako… pero ayaw ko siyang makausap dahil natatakot ako. Alam ko na noon pa man, nasa loob ko na ang takot.
Natatakot ako sa relasyon naming dalawa.
Mahal ko si Jahann kaya natatakot ako.
Natatakot akong dumating ‘yung araw na matatapos na ang lahat. Na hanggang doon na lang ang lahat. Natatakot ako…
I know everything’s too late.
“Obviously…” I heard Kol’s voice. I didn’t move. Hindi ako nag-abalang lumingon kay Kol para magtanong ng pinag-uusapan nila ni Jahann.
“Yeah, sige…”
Nakatingin lang ako sa labas at hindi kumikibo. Pinagmamasdan ko lang ang mabining pagpatak ng mga ulan.
“He’s worried about you, and pissed because of Ian…” sabi ni Kol bago muling pinaandar ang sasakyan.
Lumingon ako kay Kol. “Si Ian… hindi pa ako napagpasalamat sa kanya…” bago ako nawalan ng malay ay nakita ko si Ian. He was saying something… hindi ko maalala.
“We already thanked him. Hindi mo na dapat kausapin pa ‘yon…” his jaw tightened. I rolled my eyes. “Kol, I have to thank him,” sagot ko nang muling tumingin sa labas.
Napatingin ako sa bag ko nang magring ang phone ko. Gusto kong mapaungol nang makita kung sino ang tumatawag. He should be sleeping! Gabi sa New York.
“Answer it,” utos ni Kol sa akin. Tinignan ko lang ang cellphone ko hanggang sa maputol ang pagriring nito. Maya-maya ay nagring na naman ito.
I groaned.
Nanginginig ang kamay nang sagutin ko ang tawag ni Jahann.
“Thank God, you still can answer a call, Cherinna…” ramdam ko ang iritasyon sa boses ni Jahann. Kinagat ko ang labi ko.
God, halos isang araw pa lang kami na hindi nakakapag-usap pero sobrang namiss ko si Jahann.
“Ian’s with you yesterday?” tanong ni Jahann sa akin.
“N-no…” I cleared my throat. “No…” mas maayos na sagot ko. Mahigpit ang hawak ko sa cellphone ko.
Damn, bakit nag-iinit ang sulok ng mga mata ko?
“What happened to you? I thought Kol’s taking care of you? May sakit ka ba?” sunod-sunod ang tanong ni Jahann sa akin. Tinakpan ko ang bibig ko upang hindi niya marinig ang mahihinang paghikbi ko.
“Wala…” pinunasan ko ang pisngi ko. “Nabasa lang kasi ako ng ulan kaya medyo ‘yung sumama ‘yung pakiramdam ko tsaka may sipon ako…” nanginginig ang baba ko habang nagsasalita.
“Creep, I’m not with you right now. Please, take care of yourself…” lumambot na ang tinig ni Jahann. “I miss you…”
Yumuko ako at pilit kong pinipigilang mapahagulgol. I am so emotional right now, and I don’t know why!
“Namimiss na rin kita…” I managed to say. Naramdaman ko ang paghawak ni Kol sa balikat ko. “How are you?” tanong ko sa kanya. I closed my eyes and took a deep breathe.
“Everything’s fine. I got the deal, too. It’s a relief that I got it, actually. Isa ‘yon sa gustong deal ni Dad, eh. I’m sure he’ll be happy and proud…”
I smiled. I am happy for him.
“I’ll have a meeting tomorrow with the board, I guess, I’d learn a lot from that meeting, too,” ramdam ko ang saya sa boses ni Jahann. “I was really frustrated because I want you to be the first person to know what’s happening with me here, and yet your phone’s dead…”
“Congrats. Jahann, I really need to go. Uhm, magrereview pa kasi ako, eh. I’ll just call you, okay? Bye…” hindi ko na hinintay ang pagsagot niya at mabilis na ibinaba ang tawag.
Hindi ko na napigilang mapahagulgol.
“Cherinna…”
Umiiling ako. “He’s so happy about what’s happening with him there, Kol. Hindi ko dapat sirain ‘yung happiness na nakukuha niya ngayon…”
“Don’t be absurd, Cherinna. Calm down!” anas ni Kol na hinawakan ang kamay ko.
“Kol, he doesn’t want to go there because of me. Gusto ni Jahann ang ginagawa niya, hindi ako pwedeng maging balakid at hadlang sa kanya. He doesn’t want to go there, but now, he’s enjoying it! Nagbubunga ‘yung pinaghihirapan niya. Sino ako para sirain ‘yung pangarap niya na ‘yon?” patuloy lang ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.
“Hush…” hinila ako ni Kol at niyakap.
“I can’t be a burden to him…” patuloy na sabi ko habang umiiyak.
“Shhh… just calm down, Cherinna…” patuloy na pag-aalo sa akin ni Kol. Patuloy lang akong umiyak hanggang sa kumalma na ang pakiramdam ko.
“Ihahatid na kita sa inyo,” sabi ni Kol habang nakatingin sa akin. Umiling ako. “Ayoko pang umuwi…” sagot ko sa kanya.
“You’re not going to school like that, Cherinna…”
Nag-iwas ako ng tingin. I know. I’m a mess.
“Ihahatid na kita—“
“Kol, I don’t want to go home…” putol ko sa sinasabi niya. “Pumunta na lang tayo sa school. I’m fine…”
Napailing na lang si Kolb ago kabigin ang manibela. Nakasandal lang ako at hinahayaan si Kol na magmaneho.
Kumunot ang noo ko nang ihinto niya ang sasakyan. Nilingon ko si Kol na nagtatanggal ng seatbelt niya. “Wait here,” tanong niya sa akin bago pa man ako magsalita. Sinundan ko ng tingin ang pupuntahan ni Kol at nakita kong pumasok siya sa loob ng isang drugstore.
Hindi naman nagtagal si Kol sa loob at lumabas rin siya na may dala-dalang paperbag na may tatak ng drugstore at dalawang bote ng mineral water.
Pagpasok niya ay inabot niya sa akin ang paperbag.
“What’s this?” tanong ko sa kanya bago tinignan ang laman at nanlaki ang mata ko nang makitang pregnancy testing kit ang laman ng paperbag.
“Kol!” pinanlakihan ko siya ng mata.
“What?” he hissed. “We need to know if you’re pregnant or not, Cherinna.”
Laglag ang balikat na sumandal ako.
“I’m scared…” kinagat ko ang labi ko.
He was tapping the steering wheel using his fingers. “Well, you need to face your fears. Let’s go…” sabi ni Kol bago muling pinaandar ang sasakyan niya. Hindi naman ako kumikibo habang hawak-hawak ko ang paperbag.
Dumiretso kaming dalawa sa isang mall. Hawak ni Kol ang siko ko.
“I’ll wait for you here…” ani Kol na iginiya ako papunta sa CR ng mga babae. Tumango siya sa akin.
Napayuko naman ako at mabilis na pumasok sa isang cubicle na naroon.
Lord, I know having a baby is such a blessing but…
Huminga ako ng malalim bago sinundan ang instruction na nakasulat sa maliit na lalagyan ng kit.
Pakiramdam ko ay napakatagal ko na sa loob habang naghihintay ng resulta. I don’t even care about the line outside. Hindi ako lalabas ng cubicle na iyon.
Nakaupo ako sa takip ng bowl habang hinihintay ang result.
One line is negative.
“One line lang… one lang, please…” mahinang bulong ko.
Tumayo ako para tignan ang result.
Tumindig lahat nang balahibo ko nang makita ko ang dalawang linyang naroon.
“Damn!” Hindi ko napigilang masabunutan ang sarili ko.
Two lines.
Hindi ko na naman napigilan ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko. Mabilis kong kinuha ang gamit ko at lumabas sa CR. Nakita ko si Kol na nakatalikod at may kausap sa phone nito. Agad akong naglakad para hindi niya ako makita.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Patuloy ang pagpatak ng luha ko. Dumiretso ako sa labas ng mall at nakita kong malakas na ang ulan. Luminga-linga ako para maghanap ng taxi.
Lahat ng dumadaan ay may sakay.
“Cherinna?”
Lumingon ako ng may tumawag sa akin.
“Ian…”
“What are you doing here? Are you okay?” nag-aalalang tanong niya sa akin. Tumango ako pero hindi ko napigilan ang pag-iyak.
“Hey, what happened?” hinawakan niya ang braso ko. Tumingin siya sa paligid. “Come with me. Mababasa ka ng ulan,” hinawakan niya ako at pinayungan hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya.
“Ihahatid na kita sa inyo,” sabi niya sa akin nang sumakay na rin siya.
“No, please…” ani ko sa pagitan ng paghikbi. Wala akong lakas ng loob harapin sino man sa kanila. Wala akong lakas ng loob na humarap sa kanila.
“What happened?” tanong ni Ian sa akin.
Hindi ako nakapagsalita. Nagtuloy-tuloy na naman ang pagtulo ng luha ko.
“Okay, dumiretso muna tayo sa bahay para makapagpahinga ka muna…” sabi ni Ian sa akin bago niya pinaandar ang sasakyan niya. Hindi niya naman ako tinanong kung ano ang nangyari. He’s just asking me if I’m okay or not.
Lumakas pang lalo ang ulan. Para bang nakikisama ito sa nararamdaman ko.
Tinignan ko ang bag ko para patayin ang cellphone ko nang makita kong wala ito roon. Naalala kong inilapag ko iyon sa dashboard ng sasakyan ni Kol.
Nakita kong ipinasok ni Ian sa isang gate ang sasakyan nito. Nilingon ko siya. “Si… si Anika?” tanong ko sa kanya. Lumingon siya sa akin. “Anika’s not there…” nauna siyang lumabas at umikot para payungan ako. Kinuha niya ang bag niya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
“Salamat…” mahinang usal ko.
Iginiya niya ako papasok sa bahay niya. Malaki ang bahay ni Ian at mukha rin namang mamahalin ang mga gamit doon.
“I’ll make you something, wait for me…” sabi ni Ian bago ako iniwan sa may living room. Naupo lang ako doon habang nakatingin sa kamay ko.
Napatingin ako sa bintana. Patuloy ang malakas na pag-ulan at ang dilim na ng langit.
I bet Kol’s dire worried about me now…
Pagbalik ni Ian ay may hawak itong mug na umuusok pa.
“I’m not as good as Jahann, alright? But I think that’s a decent one…” aniya nang ilapag ang mug sa center table na naroon. Ngumiti ako sa kanya.
“Salamat…”
Ian cleared his throat.
“Uhm, I don’t know if this is the right time but… Cherinna, I’m really sorry. About what I did… about—“
“It’s okay. Apology accepted…” ngumiti ako sa kanya. Wala akong karapatang hindi siya patawarin. Mas makasalanan ako kaysa kay Ian.
“Are you sure? No slaps, no yelling?” ngumiti si Ian. Umiling ako.
“I’m worse, Ian…” yumuko ako sa mug at tinignan ang repleksyon ko. Ngumiti ako ng malungkot. Hindi umimik si Ian, pakiramdam ko ay hinihintay niya ang sunod na sasabihin ko.
Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at kung anong tila humahalukay sa sikmura ko.
“Cherinna?” lumapit sa akin si Ian.
Tumayo ako at nagpunta sa kusina ni Ian, kung saan siya nagtungo kanina at hindi napigilan ang pagduwal. Naramdaman ko ang paglapit ni Ian at paghagod sa likod ko.
“Are you okay? Is your stomach upset?” tanong niya habang hawak ang likod ko. Umiling lang ako.
Nag pakiramdam ko ay wala na akong mailalabas pa ay binuksan ko anmg gripo at naghugas ng bibig.
“What happened? Are you pregnant?” may himig-pagbibiro na sabi ni Ian sa akin. Tumingin lang ako sa kanya. Sumeryoso ang mukha niya.
“You’re pregnant?” tanong ni Ian sa akin.
Napayuko ako.
“I am…” mahinang sagot ko sa kanya.
I’m pregnant and I don’t know what I am going to do…