Chapter Forty Five

NAPATINGIN ako sa bintana nang magpatuloy pa rin ang malakas na ulan. Marahil ay sobrang nag-aalala na sa akin si Kol… bigla na lang akong nawala sa mall. Ni wala akong dalang cellphone ngayon kaya malamang ay ganoon na lang ang pag-aalala ni Kol sa akin ngayon.

Tinignan ko ang relong suot ko, alas-siyete na ng gabi. Kung titignan ang langit ay parang mas gabi pa kaysa sa alas-siyete ito. Napakadilim at ihip ng hangin at malakas na patak ng ulan ang maririnig sa katahimikan ng gabi… at ang pagsipol-sipol ni Ian na nasa kusina.

Nilingon ko ang kinaroroonan ni Ian bago naglakad papunta roon. Abala ito sa pagluluto habang sumisipol.

“Kaya ang lakas ng ulan, eh. Pati pagsipol mo, wala sa tono…” pagbibiro ko sa kanya. Nilingon naman ako ni Ian at saka siya ngumiti. “Are you hungry?” tanong niya sa akin sa halip na sagutin ang sinabi ko. Alanganin akong ngumiti bago tumango. Pancakes lang ang kinain ko kaninang umaga at hindi naman ako nakapaglunch.

“Of course, you are…” lumapit sa akin si Ian at iginiya ako papunta sa lamesa. “Wait here, matatapos na ako…” sabi niya bago tumalikod at kumuha ng plato para sa amin.

“I can do that. Nakakahiya naman na nakikikain na nga ako, pagsisilbihan mo pa ako…” akmang tatayo na ko nang tumingin si Ian sa akin at tinaasan ako ng kilay.

“Ako na. Just relax. Baka makasama sa’yo at—“

“Buntis ako, hindi ako invalid,” sumandal ako at napasimangot.

Narinig ko ang pagtawa ni Ian bago ipinagpatuloy ang ginagawa nito. Hindi na ako tumutol nang hindi niya ako pakilusin. Sa bawat pagtatangka kong tulungan siya ay sinasaway niya ako at pinanlalakihan ng mata.

“Mag-isa ka lang dito?” tanong ko sa kanya habang nilalaro-laro ang kubyertos na nasa harap ko.

“Kanina, oo. Ngayon, dalawa na tayo…” sagot ni Ian sa akin. I rolled my eyes. Inilapag niya ang isang may katamtamang laki ng mangkok na may lamang adobo at nagsimula na akong kumuha kahit pa may ginagawa pa si Ian.

“Si Anika?” tanong ko sa kanya habang namimili pa ng karneng kukunin sa mangkok.

“She’s… she’s not here.”

Kumunot ang noo ko nang lumingon ako kay Ian. “Not here? Nasaan siya?” pag-uusisa ko sa kanya. Mas makakabuting ibaling ko ang atensyon ko sa ibang bagay kaysa isipin ko ngayon ang sitwasyon ko.

I’m doomed.

Alam ko na pag-uwi ko, kailangan kong mag-explain kay Mommy at Daddy. Kay Aly, kay Kol… kay Jahann.

Soon, malalaman din nila ang sitwasyon ko. Ang pagbubuntis ko.

Naupo si Ian sa tabi ko.

“Hindi masarap?” tanong niya sa akin. Bumaling ako sa kanya at nakita ko ang disappointment sa mukha nito. “I’m really not an ideal man…” ani Ian bago kumuha rin ng ulam at tinikman iyon. Napangiti ako.

Kahit na anong pamimilit ko kay Ian na ako na ang maghuhugas ng pinagkainan namin ay hindi siya pumayag. Sa halip ay pinabalik niya ako sa living room at sinabihan na maghintay na lang ako roon.

Nakasandal lang ako at nakatingin sa kawalan.

Hinawakan ko ang tiyan ko.

Hindi naman ako nagsisisi na nabuntis ako… pero hindi ko rin sinasabi na okay lang ang bagay na ito.

A baby is a blessing… but it should be on the right time.

Hindi pa ngayon.

Ano kayang sasabihin ni Jahann kung sakaling malaman niya na nagdadalang-tao ako?

He’s fulfilling his dreams now… sisirain ko ba ‘yon?

“Are you okay?” lumapit sa akin si Ian. Muli may dala itong mug na dalawa at inilapag sa lamesa. Sinilip nito ang bintana.

“It’s still raining hard,” nilingon ako ni Ian.

“May bagyo ba?” tanong ko. Wala akong maisip na sabihin.

“Hindi ako nanunuod ng TV. Nauumay ako sa mukha ni Kevyn, eh…” ngumisi siya sa akin.

“Oo nga pala, best friends kayo ni Kevyn…” huminga ako ng malalim.

“Kevyn’s actually my source… kapag kasama niyo siya, pag-uwi niya magtatanong ako agad sa kanya.”

Nilingon ko si Ian. Nakatingin siya sa akin at nakangiti.

“I even asked for your picture. Isend kako sa akin. Kaso picture niya ang isinesend sa akin…” iiling-iling na sabi rin niya. Natawa ako. Kaya pala kapag kasama namin si Kevyn ay nakikita ko siyang nakatingin sa akin.

“Ang sabi ni Kevyn, wala ka namang ibang kasama bukod sa kapatid at pinsan mo. Hindi ko alam na nagkaboyfriend ka ulit…”

Hindi ako sumagot.

“That’s why I am also wondering… paanong nakalusot kay Jahann ‘yung…” natigilan si Ian. “Nevermind…” huminga ito at kinuha ang mug niyang nasa mesa.

“May balak ba ‘yung gagong ‘yon na panindigan ka?” sumeryoso ang mukha ni Ian habang nakatingin sa akin. Nakaupo rin ito ng maayos habang kunot ang noong nakatingin sa akin.

Panindigan ako?

Kung sasabihin ko kay Jahann, paninindigan niya ba ako?

Alam kong oo.

Pero kapag pinanidigan niya ako, alam ko ‘yung magiging kapalit ‘non. Iyong pangarap ni Jahann. ‘Yung tiwala ni Mommy at Daddy sa kanya.

“Seriously?” muling nagsalita si Ian nang hindi ako magsalita. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

“I don’t know, Ian…” nanghihinang sagot ko sa kanya. I really don’t know what to do. Katangahan na sinabi ko kay Ian ang sitwasyon ko, pero kailangan ko ng isang taong masasabihan ng lahat… na hindi ko kamag-anak.

Alam ko na kung tutuusin ay dapat sinabi ko kay Kol ang sitwasyon ko, pero hindi ko magawang humarap sa kanya. Wala akong lakas ng loob harapin siya o kung sino mang Dela Cruz o Anderson dahil sa nangyari.

“How are you going to explain that to your parents?” lumambot ang ekspresyon ni Ian nang marahil ay makita niyang nahihirapan ako sa sitwasyon ko.

Umiling ako. “Hindi ko rin alam…” mahinang sambit ko. Paano ko nga ba sasabihin kay Daddy na buntis ako? Paano ‘yung pag-aaral ko?

Alam kong madidismaya sila sa akin, pero ayokong maging kay Jahann ay mangyari iyon. He’s doing his best to make our parents proud and just because of me, masisira lahat ng iyon.

Hindi nagsalita si Ian. Para bang may iniisip ito at gustong sabihin sa akin ngunit hindi niya alam kung paano.

“Kamusta pala si Anika? She’s pregnant, too, right? Kailan siya manganganak?” tanong ko sa kanya para maiba ang topic namin.

“Hindi sinabi ni Kevyn sa inyo?” nagtatakang tanong niya sa akin. Kumunot din ang noo ko. Kanina pa nga ako nagtatanong kung nasaan si Anika, eh. Ano bang alam ko sa babaeng ‘yon?

Yumuko si Ian at ngumiti ng malungkot. “She died last month…”

Pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko dahil sa sinabi ni Ian. “Died? She’s pregnant… how…” nanlalambot na napasandal akong muli sa upuan.

“Yesh, she’s pregnant…” tumango si Ian. “She said, I got her pregnant, turned out that the child’s not mine. Gusto niya lang ipaako sa akin…” he sighed wearily.

“I’m sorry…” mahinang sabi ko. I remember what he said before, he loved her.

“Pinaabort niya ang bata, nagkaroon ng complications…”

Abortion?

“I was busy making sure if the child is mine or not, because I really want you back, Cherinna. Hindi ako lumapit sa’yo o nagpakita hangga’t hindi ko nasisiguro na hindi nga sa akin ang bata. When I found out, I talked to Anika…”

“Oh my God…” naitakip ko sa bibig ko ang kamay ko habang patuloy na nakikinig.

“She told me she loves me… hindi daw sinasadya ‘yung nangyari sa kanila noong tatay nung bata…” dama ko ang lungkot sa boses ni Ian. Hindi na ako nagsalita habang nakatingin pa rin sa kanya.

“I got a call from her parents. Sinabi nila ang nangyari kay Anika…” napailing si Ian. “She’s crazy, yes. But she’s a nice girl, too…”

“I’m really sorry… hindi na dapat ako nagtanong pa at—“

“It’s okay. Sasabihin ko rin naman sa’yo ‘yun…” ngumiti siya sa akin. Huminga ng malalim si Ian. “Nakakapanghinayang lang na may dalawang buhay na nawala. Minsan naiisip ko, sana pinanindigan ko na lang si Anika kahit hindi sa akin ‘yung bata…”

“It’s not your fault, Ian…” sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung makakatulong ba ang sinabi ko sa kanya pero gusto kong makabawi sa pagpapagaan niya ng loob ko.

“Don’t do what Anika did, Cherinna…” hinawakan ni Ian ang kamay. “Okay lang sa akin na hindi ka sa akin, basta buhay ka…”

Binawi ko ang kamay ko sa kanya. “Nababaliw ka ba? Wala akong planong magpa-abort!” malakas na sabi ko sa kanya.

“Kahit hindi ka panindigan ng tatay ng bata?” tanong niyang muli sa akin.

Iniiwas ko ang tingin sa kanya. “Let’s not talk about him…” sa bawat pag-iisip ko kay Jahann, mas nasasaktan lang ako. Mukha namang naintindihan ni Ian ang dahilan kung bakit ayaw kong pag-usapan ang tatay ng anak ko.

“Ihahatid na kita sa inyo,” sabi ni Ian bago muling tumingin sa labas. Malakas pa rin ang ulan.

“Can I just stay here tonight?” tanong ko sa kanya. Alam kong delikado na bumiyahe sa ganoong panahon kahit pa nasa Maynila lang kami. Malamang din ay baha na ang ibang daanan. Makauwi man ako, mahihirapan si Ian na umuwi.

“Are you sure? Tumawag ka na ba sa inyo? Sigurado akong nag-aalala na sila sa’yo. Lalo na si Jahann, diba?” sabi sa akin ni Ian habang nakatingin pa rin sa labas at pinagmamasdan ang malakas na ulan.

“Nasa New York si Jahann…” halos bulong na sabi ko sa kanya. Nilingon ako ni Ian. “Kaya ba nakalusot ‘yung gagong nakabuntis sa’yo? How about Kol? He’s always around you, too, right?” nakakunot ang noong tanong ni Ian. Bumalik ito sa kinauupuan at tinignan ako.

“I left my phone…” sagot ko sa halip na sagutin lahat ng tanong niya sa akin.

Napailing si Ian at ngumiti. “You can use mine,” alok niya sa akin. Umiling ako. “Ayoko…” sagot ko sa kanya.

Sabay kaming napatingin sa phone nito nang magring iyon at nabasa ko ang pangalan ni Kevyn sa screen. Sinagot iyon ni Ian. I almost groan.

“Kevyn?” sagot ni Ian sa tawag ni Kevyn. Sumandal pa ito habang nakatingin sa akin. Tinignan ko siya ng masama.

“Cherinna?” tanong niya sa kausap. Mabilis akong umiling sa kanya.

“Don’t you dare…” I mouthed.

“I don’t know. Alam mo namang hindi ko pa siya nakikita ulit, diba? Why, what happened to her?” ani Ian. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

“She’s missing?”

Napaka-convincing ng pag-arte ni Ian habang kausap si Kevyn.

“Okay, I’ll try to look for her. Balitaan mo ako kapag may nalaman ka…” ani Ian bago ibinaba ang tawag. “They’re looking for you…” sabi ni Ian sa akin.

“I don’t know how to face them…” pag-amin ko kay Ian. “Knowing that I am pregnant, pakiramdam ko ay wala akong karapatang tignan man lang sila. Lahat sila, madidismaya sa akin…” nag-init na naman ang sulok ng mata ko.

“Shh…” hinawakan ni Ian ang kamay. Pinisil niya iyon kaya ako nag-angat ng tingin sa kanya. “You need to rest. I’ll give you some time alone and I promise, wala akong pagsasabihan na nandito ka…” ngumiti siya sa akin.

“Salamat…” tangi kong nasabi sa kanya bago niyia ako iginiya paakyat papunta sa guest room ng bahay niya.

“If you need anything, nasa kabilang kwarto lang ako…” ani Ian habang hawak ang magkabilang balikat ko. Tumango ako sa kanya bag muling nagpasalamat at pumasok na sa loob ng kwarto.

Nanghihina ang mga tuhod ko.

Agad kong dumiretso sa kama at nahiga.

I’m hoping na hindi pa alam ni Jahann ang nangyayari. Sana ay hindi pa ito tinatawagan ni Aly.

Napangiti ako ng malungkot. Umaga sa kanya ngayon. Malamang ay naghahanda na iyon para sa meeting na pupuntahan niya. Alam kong magagawa ni Jahann ng maayos ang kailangan niya. He’ll make everyone proud…

Nagsimula ang mahihinang paghikbi ko.

I don’t know why I have to fall in love with Jahann… of all people, bakit kay Jahann? Bakit sa akin siya nagkagusto?

Kinuha ko sa bag ko ang PT at tinignang maigi ang dalawang linyang naroon.

Even up to that point, umaasa akong mali ;ang ‘yung resulta. Pero sino bang niloloko ko? Sarili ko lang din.

I am really pregnant.

Pinilit kong makatulog para rin makapagpahinga ako.

Wala pa akong balak sabihin sa mga magulang ko ang nangyari. I know I have to face them tomorrow. Pero ang pagsasabi na buntis ako, hindi ko alam kung paano. Kung paano ko sisimulan, kung paano ko aaminin…

“Good morning,” nakangiting bati sa akin ni Ian nang madatnan ko siyang nasa kusina at nagluluto. “Good morning. Sorry, I overslept…” hinging paumanhin ko. Als-dies na ng umaga. Umaambon pa rin at makulimlim ang langit.

“It’s okay. Sit down, tapos na rin naman akong magluto…” sabi niya sa akin bago ipinaghila pa ako ng upuan.

“Thank you…” sagot ko nang maupo ako.

“For this?” tumaas ang isang kilay ni Ian pero bakas ang ngiti sa mukha nito.

“For letting me stay here… for comforting me…” sagot ko sa kanya.

“No worries…” tumalikod na sa akin si Ian at ipinagpatuloy ang ginagawa. Sabay kaming nag-almusal na dalawa.

“Ihahatid na kita sa inyo,” ani Ian nang matapos kaming kumaing dalawa. Agad akong umiling sa kanya. “No, wag na. Masyado na akong nakakaabala sa’yo. Magtataxi na lang ako…” patanggi ko. Nasa bag ko naman ang wallet ko kaya makakauwi ako sa bahay namin.

“Ihahatid kita,” seryosong sabi ni Ian. Wala ring saysay na makipagtalo kay Ian dahil alam kong ipipilit niya lang din na ihatid ako.

Matapos niyang mag-ayos ay magkasabay na kaming lumabas ng bahay nito at sumakay sa sasakyan.

“Sabi ko naman sa’yo, huwag mo na akong ihatid, eh…” sabi ko habang nagmamaneho si Ian. Hindi naman niya ako pinansin. Sa halip ay nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho niya.

Tinatambol ang dibdib ko sa kaba. Umaasa ako na sana ay wala si Mommy at Daddy sa bahay. Sana ay inisip lamang nila na nakitulog ako sa isang kaibigan—wala naman akong ibang kaibigan.

“We’re here…”

Napalingon ako kay Ian nang ihinto na nito ang sasakyan niya. Napatingin ako sa labas at nasa tapat na kami ng gate namin. Napapikit ako nang maramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

I inhaled and exhaled.

Nagmulat ako ng mata at tumingin kay Ian. “Thank you sa paghatid, ha? Ingat ka…” ngumiti ako sa kanya bago bumaba sa sasakyan. Nagsimula na akong maglakad nang may humawak sa braso ko.

“I’ll come with you…” seryosong sabi ni Ian sa akin.

“What?” nanlaki ang mata ko pero dumire-diretso si Ian habang hawak ako.

“Ian!” pilit kong binabawi sa kanya ang braso ko.

Hawak niya pa rin ang braso ko nang makapasok kami sa bahay. Nakita naman ako kaagad ni Nanang.

“Cherinna! Saan ka ba nagpuntang bata ka?” nag-aalalang sabi niya sa akin. “Halika’t kagabi pa nag-aalala sa’yo ang mga magulang mo…” sabi nito nang hawakan ang isang kamay ko.

“Nandito sila?” tila pinanlamigan ako dahil doon.

Hindi naman ito sumagot, sa halip ay hinila ako papunta sa living room. Nakasunod lang sa amin si Ian.

“Kerko, Mika…” tawag ni Nanang sa mga magulang ko. Lumingon naman sila kaagad sa akin at tumayo si Mommy at lumapit sa akin. Maging si Kol ay naroon.

“Cherinna! Where have you been?” hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko. “Saan ka nanggaling?” tanong niyang muli sa akin.

Nag-uulap ang mga mata ko habang nakatingin kay Mommy.

Nahihiya ako.

“Ian? Magkasama kayo ni Cherinna?” tanong ni Aly. Nilingon ni Mommy si Ian bago bumaling sa akin.

“You’re with Cherinna the whole night?” si Kol naman ang nagtanong kay Ian. Tumingin ako kay Ian.

Tumango siya. “Yes,” tipid na sagot niya. “I’m sorry, hindi ko po siya nahatid kaagad dahil malakas ang ulan at—“

“Thank you,” putol ni Daddy sa sinasabi ni Ian. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa lalaki. “Alyanna, samahan mo ang kapatid mo sa kwarto niya…” dagdag pa ni Daddy na hindi sa akin nakatingin.

“Let’s go, Twin…” aya ni Aly sa akin na hinawakan ang kamay ko. Tumango naman si Mommy sa akin. Sumunod sa amin si Kol.

“Bakit bigla kang nawala kahapon?” tanong ni Kol nang makapasok kami sa kwarto ko.

Hindi ako nagsalita.

“Wait, I’ll get my phone…” paalam ni Aly sa amin bago iniwan kaming dalawa ni Kol sa loob ng kwarto. Tinignan ni Kol ang saradong pinto bago lumapit sa akin.

“Where did you go? I was fucking worried about you!” anas ni Kol nang hawakan ang braso ko. Napayuko ako at itinikom ang bibig.

“Positive?” tanong niya nang hindi ako sumagot. Marahan akong tumango.

“Damn.”

Halos maihilamos ni Kol ang palad sa mukha dahil sa pagtango ko.

“Don’t tell anyone…” mahinang sabi ko sa kanya. “Please…” pakiusap ko kay Kol.

“As if I have a choice…” iiling-iling na tumayo ito at lumapit sa bintana. Bumukas naman ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Aly.

“I told you, she’s with Ian the whole night and—Jahann?”

Napatingin ako kay Aly nang marinig ko ang pangalang binanggit niya.

“Binabaan ako…” nakasimangot na sambit ni Aly nang lumapit siya sa akin.

“Anong sinabi mo kay Jahann?” tanong ko kay Aly bago pa man siya makaupo sa tabi ko.

“I told him na baka kayo na ulit ni Ian kasi magkasama kayo ng magdamag, eh…” sagot niya sa akin.

“What? You don’t have to say that to Jahann,” agad na sabi ni Kol sa kanya.

“Kol, magkasama sila ni Ian magdamag. She even left her phone. He’s her ex boyfriend, and I’m pretty sure, hindi pa naman nakakamove on talaga si Cherinna kay Ian dahil lagi siyang may kausap sa phone niya…”

Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng lakas dahil sa sinabi ni Aly.

“Please, leave…” mahina ngunit matigas na sabi ko. “I want to be alone…” dagdag ko pa.

“Cherinna…”

“Just leave…” sagot ko kay Aly. Tumayo naman ito at lumabas ng kwarto ko. Lumapit sa akin si Kol at inabot ang phone ko.

“I’ll talk to Jahann and—“

“Don’t bother…” putol ko sa sinasabi niya. Ni hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya. Inilapag niya ang phone ko at naglakad papunta sa pinto. “Next time, look for me. Huwag sa iba…” iyon lang at isinara na ni Kol ang pinto ng kwarto ko.

Nanginginig ang kamay na inabot ko ang phone ko. I dialed Jahann’s number.

“Jahann…” tawag ko rito nang sagutin niya ang tawag ko. “About what Aly said—“

“Is that true?” he asked me, coldly.

Humigpit ang hawak ko sa phone ko. Pinilit kong wag mabasag ang tinig habang kausap siya. “Yes. But—“

“I have to go.”

Natigilan ako.

He ended the call.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.