Chapter Forty Six

“CHERINNA, are you still mad at me?” tanong ni Aly nang magkasalubong kaming dalawa nang nagpunta ako sa kusina.

“I’m not…” umiling ako bago nagtuloy sa kusina at kumuha ng baso.

“Kausapin mo na ako. You’re ignoring me for a week na, Twin…” sumunod si Aly sa akin. “What happened to you? Halos wala ka ng kinikibo sa aming lahat…” naramdaman ko ang lungkot sa boses ni Aly.

One week…

One week na rin na hindi ko nakakausap si Jahann.

Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Gusto kong ipaliwanag sa kanya kung bakit magkasama kami ni Ian pero hindi ko magawa. Ayoko namang magsend na lang ng message sa kanya dahil baka mamaya ay iba ang makabasa ng mensahe ko.

“Kinakausap naman kita, ah?” pagdedepensa ko sa sarili ko.

“Yes. Like, when you replied to my good morning or how are you… but Twin, we’re not like this a week ago. Wag ka na magalit sa akin…” ngumiti sa akin si Aly.

“I told you, I’m not mad at you…” ngumiti ako ng tipid sa kanya. Kahit na naiinis ako sa sinabi ni Aly kay Jahann, naiintindihan ko naman siya. Akala niya ay nagkabalikan na kami ni Ian. Nagstay pa ako sa bahay ni Ian kaya mas lalong lumakas ang hinala ni Aly. Sana lang ay hindi nito sinabi kay Jahann ang hinala nito.

“Ma’am, nandyan po si Ian sa labas. Hinahanap kayo…” untag sa akin ng isang kasambahay namin. Napakunot ang noo ko.

“Hindi pa ba talaga kayo nagkakabalikan ‘non? Napapadalas ang dalaw ni Ian. Kagabi lang, andito rin siya…” pigil sa akin ni Aly nang akmang lalabas ako.

“Hindi kami nagkabalikan,” sagot ko bago ko binawi ang braso ko at pinuntahan si Ian. Bukod kay Kol ay si Ian lang din ang nakakausap ko tungkol sa kalagayan ko. Pero hanggang ngayon ay hindi alam ni Ian na si Jahann ang tatay ng anak ko. Hindi naman na siya nagtatanong tungkol sa bagay na iyon na siyang ipinagpapasalamat ko.

“You’re early. Anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay Ian nang makalapit ako sa kanya. Wala naman siyang sinabing babalik siya ngayong araw.

“Good morning din, Cherinna…” ngumiti siya sa akin. Ginantihan ko lamang iyon ng isang tipid na ngiti.

“Ano ngang ginagawa mo dito?” tanong ko ulit sa kanya. Tinignan ko ang relo ko. Magpupunta ako sa hospital ngayon para malaman kung buntis ba talaga ako o hindi. Kinailangan pa akong pilitin ni Kol para gawin ito. Alam ko na kahit sigurado na si Kol, a part of him, umaasa pa na sana ay hindi ako totoong buntis.

Nagkibit-balikat lang si Ian sa akin.

“May sa Chinese ka, Ian?”

Napalingon kami nang lumapit si Aly sa amin.

“Morning, Aly…” ngumiti ito sa kakambal ko. Alam na ni Aly ang nangyari kay Anika dahil na rin nabanggit iyon ni Kevyn nang magkasama-sama sila. Ako lang yata ang hindi nagpunta dahil mas pinili kong magpahinga. Pag-uwi ni Aly ay agad niya akong tinanong kaya sinabi ko ang alam ko.

“Wait, let me ask you this first,” hinawakan ni Aly ang braso ko at pinapuwesto ako sa likod niya. “Wala ka naman na sigurong isa pang secret girlfriend, ano? Sinasabi ko sa’yo, kapag may nanakit na namang babae mo kay Cherinna, ikaw ang mananagot sa akin…” pananakot ni Aly kay Ian.

I rolled my eyes.

“Aly, he’s not courting me. Wag ka ngang baliw diyan…” putol ko sa paninindak ni Aly kay Ian. Nginitian ni Ian si Aly. “Wala akong girlfriend, Aly.”

“Alright, I’m thankful kasi ikaw ang tumulong kay Cherinna noong nahimatay siya, but I still hate the fact that she’s with you the whole night at wala ka man lang sinabihan…” bakas pa rin ang inis sa mukha ni Aly. Nagkibit-balikat lang si Ian.

“Oh, Kol. Nandyan ka na pala,” sabi ni Aly kaya napaangat din ang tingin ko. Nakatayo si Kol sa likod ni Ian at seryoso ang mukha.

“What are you doing here?” tanong nito kay Ian.

“Visiting Cherinna,” sagot ni Ian dito.

Hindi naman na nagsalita si Kol. Sa halip ay nilagpasan niya si Ian at lumapit sa akin. “Let’s go?” aya niya sa akin. “Sasabay ka, Aly?” tanong ni Kol sa katabi ko. “Nope. I need to go to Ai’s pa. Baka si Tito Dale sinagot na ni Jahann ang tawag.”

Nilingon ko si Aly. “Why?” kunot noong pag-uusisa ko dito.

“Jahann’s not answering his phone. I called Lola, she said Jahann’s a little off now. Eh, wala namang sinasagot na tawag si Jahann kaya hindi siya makausap ngayon,” kibit-balikat na sagot ni Aly sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kol.

“Kahit si Daddy, hindi niya sinasagot ang tawag?” tanong ko ulit.

So, hindi lang pala ako ang hindi niya pinapansin.

“I don’t know. Hindi naman nagsasabi si Daddy, eh. Besides, baka maraming ginagawa si Jahann ‘don. Makikita naman na natin ‘yon soon,” ngumiti si Aly pero sumimangot nang mapatingin kay Ian. “Sige, magbibihis na ako…” paalam niya sa amin.

“We need to go, Cherinna…” aya ni Kol sa akin. Tumango naman ako. Nilingon ko si Ian. “Sorry, Ian. May klase pa kasi ako ngayon…” mahinahong sabi ko sa kanya. Tumango si Ian. “I’ll just go back, then…”

“Why do you have to go back?” kunot-noong tanong ni Kol kay Ian.

“Kol…” hinawakan ko ang braso nito. Nilingon naman ako nito. “I’ll wait you in the car,” masungit na sabi nito bago naunang maglakad palabas ng bahay namin.

“Sorry,” hinging-paumanhin ko kay Ian. Ngumiti naman ito. “It’s okay. Mild pa lang ‘yon, kung tutuusin. After what I did to you…” huminga ito ng malalim.

“Forget it. Sige, I really need to go…” paalam ko sa kanya bago lumabas na rin at pinuntahan ang sasakyan ni Kol. Sumakay ako at tinignan si Koln a seryosong-seryoso ang mukha.

“Seatbelt,” masungit na sabi niya pa rin sa akin. Sinunod ko naman siya at hindi nagsalita. Hindi na rin niya ako kinibo nang paandarin niya ang sasakyan.

“Hindi pa rin siya sumasagot?” basag ni Kol sa katahimikan. Nilingon ko siya at saka ako umiling. “Maybe, he’s really busy…”

“Naniniwala ka sa sarili mo?” tanong ni Kol sa akin na tinaasan pa ako ng isang kilay.

Ngumiti ako ng malungkot. “Of course, not…” Pinalobo ko ang pisngi para pigilan ang pag-iyak. Wala na yatang araw na hindi ako umiiyak. Isa sa mga dahilan kaya ayokong lumabas ng kwarto. I’m being so damn emotional now.

“He’s ignoring me…” tumingin ako sa labas.

“Sasabihin mo na sa kanya?” narinig ko ang boses ni Kol.

“Kol, hindi ko nga nakakausap si Jahann, eh…” sumandal ako.

“Bakit kasi kay Ian ka sumama? Pwede namang sa akin, diba?” inis na tanong sa akin ni Kol. Hindi na rin napigil ni Kol ang pagtaas ng boses niya.

“Do you know how hard it is to be in my situation, Kol?” tanong ko habang nakatingin ulit ako sa labas. “I’m in love with my brother…” I smiled sadly. “Nabuntis pa ako ng kapatid ko, do you have any idea how fucked up my lif is?” tumingin ako sa kanya.

Nanlalabo na naman ang mga mata ko.

“Cherinna…”

“Hiyang-hiya ako… hiyang-hiya akong humarap kay Mommy, kay Daddy, kay Aly, kahit sa’yo…” tuluyan nang nalaglag ang mga luha ko.

“Gustong-gusto kong makausap si Jahann. Iyong sabihin niya lang sa akin na magiging okay ang lahat… kaso, wala eh… he’s ignoring me. He’s avoiding me. Gusto kong sabihin sa kanya na buntis ako pero, Kol… masisira ‘yung pamilya ko…” napayuko ako at hindi ko na napigilan ang paghagulgol.

“Mahal na mahal ko si Jahann… pero mahal ko rin sila Mommy. It’ll break their hearts kapag nalaman nila ‘yung totoo…” sambit ko sa kabila ng paghagulgol.

Naramdaman ko ang pagsandal ni Kol sa upuan nito.

“I’m sorry. Nadadamay ka pa sa problema ko…” nakayukong sabi ko. Lagi na lang na si Kol ang inaabala ko. Laging si Kol ang kasama ko, si Kol ang pinaglalabasan ko ng sama ng loob.

“Stop saying sorry…” he sighed. “Stop crying. Makakasama sa’yo ‘yan,” hinawakan ni Kol ang balikat ko. “I’m sorry. I didn’t mean to yell. It’s just… I’m sorry, Cherinna…”

Umiling ako. “Naiintidihan naman kita. I wasn’t thinking straight. Pero kahit kasi anong isipin kong paraan, may masasaktan…”

“Just don’t do anything reckless again, alright?” sabi ni Kol sa akin na inabot pa ang tissue na naroon. Muli nitong pinaandar ang sasakyan hanggang sa makarating kaming dalawa sa ospital.

“Just wait for me here,” mahinang sabi ko kay Kol. Kumunot ang noo niya sa akin. “I’ll go with you,” pilit naman niya sa akin. Pinigilan ko naman siya. “Hindi na, Kol. Kaya ko na ‘to. Please, just wait for me. Hindi ako aalis, I swear…”

Tinitigan ako ni Kol pero siya rin ang naunang magbawi ng tingin sa akin. “Alright. I’ll wait, then…” tumalikod na siya sa akin at naupo sa silyang naroon.

Pinuno ko muna ng hangin ang dibdib bago ako pumasok sa loob ng isang kwarto. Ngumiti naman kaagad sa akin ang babaeng doctor.

“You’re Cherinna Anderson?” nakangiting tanong niya sa akin. Tumango ako. “How old are you? I think you’re still young. 18?” tanong niyang muli sa akin.

“19,” tipid kong sagot. Tumango-tango naman siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin.

“You’re married?” muli niyang tanong. Umiling ako.

“Okay…” huminga ng malalim ang doctor at saka ako pinapasok pa sa isang kwarto nang may ibigay sa akin na gamit para maitest ako at maexamine na rin.

Nang matapos na ang lahat ng kailangan ay lumabas na muna ako. Nakita ko si Koln a may kausap sa phone nito. Agad namang ibinaba ni Kol ang phone nito at lumapit sa akin.

“How was it?” tanong niya kaagad sa akin.

“Wala pa…” sagot ko sa kanya. “Sinong kausap mo?” tanong ko. “You’re not talking to Jahann, aren’t you?” dagdag ko.

“He’s still not answering my calls. I asked Keij to call him. He said Jahann blocked his number…”

“So, he’s using his phone…” ngumiti ako. “Maybe, he’s still mad at me. Hindi man lang ako nakapag-explain ng tungkol sa nangyari…” naupo ako at sumandal.

“He’s jealous. Nakuha pang magselos din. Gago talaga,” iiling-iling na sabi ni Kol bago naupo sa tabi ko. “Do you want anything? I’ll buy you something to eat…”

“Mababankrupt ka na, dahil sa akin…” ngumiti ako sa kanya.

“Just stay here and don’t leave, okay?” ginulo pa niya ang buhok ko bago naglakad para bumili ng pagkain. Wala naman akong balak na umalis.

“Ms. Anderson…”

Napatingin ako nang may tumawag sa akin. Nakangiti sa akin ang nurse at sinabihan ako na okay na ang result.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Huminga akong muli ng malalim bago pumasok sa loob ng kwarto. Nakaupo ang doctor habang may tinitignan sa mga papel na nasa desk nito.

Naupo ako sa upuan na nasa harap ng mesa nito. Nag-angat siya ng tingin sa akin.

“Your dad is Kerko Anderson, am I right?” tanong niya sa akin. Pakiramdam ko ay nanigas ang katawan ko. “Y-yes…”

Tumango-tango siyang muli sa akin. Kilala niya si Daddy?

“Cherinna… you are six weeks pregnant. Alam ba ni Kerko at Mika ang tungkol dito?” tanong niya sa akin.

Napayuko ako at umiling.

“Don’t worry, hindi ko tinawagan ang Daddy mo. I just happened to be your mom’s OB before…” ngumiti siya sa akin. Hindi naman ako nagsalita. “Anyway, I’ll give you a list ng foods na dapat mong kainin. I’ll give you vitamins as well, pati ang mga bawal sa’yo ay ililista ko rin, okay? You need to take care of your self. Iwasan mo rin ang stress since nasa 1st stage ka pa lang…” ngumiti siya sa akin.

Tumango lang ako bilang pagtugon.

Napansin ko rin na kanina pa siya titig na titig sa akin simula nang malaman niya na sila Mommy ang parents ko.

“Thank you po…” yumuko ako sa kanya nang iabot niya ang papel sa akin.

“You’re welcome, and congratulations sa baby mo. Bumalik ka sa akin, okay?” ngumiti siyang muli.

Hawak ko ang papel nang lumabas ako ng kwartong iyon. Nakasandal naman si Kol at tila hinihintay ako.

Ngumiti ako ng malungkot sa kanya.

“Six weeks…” napailing ako at huminga ng malalim.

“Normal pa naman ang katawan mo…” tinignan ako ni Kol mula ulo hanggang paa. Nagtagal ang mata niya sa tiyan ko.

“Don’t stare,” saway ko sa kanya bago naglakad. “Anong binili mo?” tanong ko. Ayokong pag-usapan namin ang nangyari dahil wala pa rin akong kaide-ideya kung paano ba ako aamin sa mga magulang ko.

“Let’s go to SD…” aya ko kay Kol pero agad din akong huminto. “Huwag pala…” ngumiti ako ng malungkot. “Nandoon sila Tita Steph. Nakakahiya ako…”

“Cherinna…” hinawakan ni Kol ang kamay ko.

“Pumunta na lang tayo sa school. May klase pa ako ng hapon. May exam ako ‘don,” binawi ko ang kamay ko at nagtuloy na sa paglabas. Basta ko na lang din inilagay ang papel na binigay sa akin sa bag ko.

Everything went normal.

Si Iris ay nagtatanong sa akin tungkol kay Jahann pero wala akong isinasagot sa kanya. Gusto niyang makausap si Jahann, higit lalo ako. Gusto kong makausap si Jahann.

Lahat sa paligid ko ay katulad pa rin ng dati. Ako lang ang nagbabago.

“Hey, are you okay?” tanong ni Theon sa akin habang nakaupo ako sa bench at katabi si Enzo. Si Lean ay sumali sa isang club para sa isang subject nito. Hindi ko masyadong naintindihan ang pagkakasabi ni Enzo kanina.

“Yeah,” tumango ako kay Theon.

“Sabog ka, Cherinna?” tanong naman ni Keij sa akin.

“Go someone else to annoy, Keij…” I rolled my eyes.

“Sungit mo. Red days?” sinundan iyon ni Keij ng pagtawa. Geez, nasaan ba si Aly nang siya ang mapagdiskitahan ng dalawang ‘to?

“Cherinna, sasama ka sa Saturday? Blue’s Haven. Bukod sa hahanapin pa rin ni Theon si baby, tambay lang tayo…” aya ni Keij sa akin.

“Tangina mo, baby ka ng baby…” sinuntok ni Theon ang braso ni Keij.

“Oh, bakit alam mo pangalan ‘non?” tanong ni Keij dito.

“Ewan ko sa’yo…” umupo na lang si Theon at tinignan ang field na naroon.

“I’ll pass…” sagot ko sa paanyaya ni Keij sa akin. Wala ako sa mood magpunta sa kahit na saan.

“Si Jahann pala, kalian babalik ‘yon?” tanong niya ulit sa akin. Umupo pa sa tabi ko. “Kol asked me to call him. He blocked my number, anong topak ng kapatid mo?” tanong niya sa akin.

“Di ko alam sa kanya…” nag-iwas ako ng tingin kaya napabaling ako kay Enzo na nilingon din ako.

“Tawagan mo nga, kakausapin ko lang…” nakangiting utos sa akin ni Keij.

“Busy ‘yon,” sagot ko dito.

“Keij, samahan mo nga ako…” aya ni Theon sa pinsan namin. Laking pasasalamat ko naman na sumama si Keij dito.

“He’s never busy when it comes to you…” mahinang sabi ni Enzo. Tinignan ko siya pero wala na siyang sinabi. Nagpaalam lang siya sa akin na may pupuntahan pa siya kaya naman naiwan akong mag-isa.

Laglag ang balikat na sumandal na lang ako habang nakatingin sa space sa parking kung saan nagpapark si Jahann.

Kamusta na kaya siya?

I dialled his number.

Habang naririnig ko ang pagriring ay patuloy na bumibilis ang tibok ng puso ko.

“Come on, Jahann. Pick up…” mahinang bulong ko.

Napatuwid ako ng likod nang sagutin niya ang tawag ko.

“Jahann…” napalunok ako.

“Yeah?” sagot niya sa akin.

Wala akong masabi. Sa dami ng gusto kong sabihin sa kanya, wala akong masabi ngayon.

Kinagat ko ang labi ko. Wala akong naririnig sa kabilang linya.

“Uhm…”

“I’m busy with some reports. I’ll just call you…”

Napayuko ako. Of course, you are… “Yeah, sure. I miss—“

The line went dead.

I smiled wearily.

Kailangan ba talagang ngayon pa mangyari ‘to?

Two weeks passed, I’m already eight weeks pregnant. Napapansin ko na rin ang pag-umbok ng tiyan ko. Madalas ay nakadress ako upang maitago ang pag-umbok ng tiyan ko.

Hindi tumupad sa sinabi niya si Jahann.

Hindi pa siya tumatawag ulit.

Is he that mad at me?

Nagiging madalas din ang pagpunta ni Ian sa bahay namin. Kung minsan ay kung ano-ano pa ang dinadala nito kaya mas lalong naiinis si Kol dito.

“Kailan pala kayo pupunta sa New York, Aly?” tanong ni Iris. Nasa SD kaming lahat. Since tapos na ang exam at naghihintay na lang ng results ng grades ay maluwag na ang schedule namin at pinilit pa ako ni Aly na sumama sa kanila.

“Next week. Inaayos na ‘yung tickets namin,” nakangiting sabi ni Aly. “Ikaw? Pupunta ka rin ‘don, diba?” tanong ni Aly dito. Tumango si Iris. “Yeah. Next week din kami aalis…”

“That’d be great!” halatang excited ito.

Hindi na lang ako kumibo.

“Do you have any news about Jahann?” tanong ni Iris ulit kay Aly. “He’s not updating anything. Kahit saan ay walang post si Jahann, eh. Pero nagsiseen naman siya,” dagdag pa nito.

“I heard he’s really busy now since Lolo’s training him there. Baka kaya walang time talaga ‘yon…” sagot ni Aly bago kumain.

He’s ignoring me for three weeks, now. Sino man sa amin ay hindi niya kinakausap. Ayokong maniwalang kaya niya akong tiisin pero nagagawa niya. Ginagawa niya na…

“Cherinna, nagkabalikan na ba kayo ni Ian?”

Napalingon ako kay Iris nang magsalita ito. “Huh?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Well, he’s always with you, right? Kayo na ba ulit?” ngumiti siya sa akin.

“No,” tipid kong sagot bago umayos ng upo. Nakatingin naman sa akin si Kol.

“I messaged Jahann about what’s happening here. About the finals, about the bondings, about Ian and Cherinna and—“

“What?” muli akong napalingon kay Iris. “Anong sabi mo?”

“Cherinna…” tawag sa akin ni Kol.

“I’m updating Jahann since he’s not here. I thought it’s okay na malaman niya ang nangyayari dito kaya sinasabi ko. Is there something wrong?” tanong ni Iris sa akin.

“Anong sinabi mo kay Jahann?” hindi ko napigilan magtaas ng boses.

“Twin, what’s wrong?” tanong ni Aly sa akin.

“I told him na close na kayo ulit ni Ian at lagi kang dinadalaw at—“

“Why do you have to…” I paused and I closed my eyes. “Could you please just mind your own business?” inis na sabi ko bago tumayo. “Uuwi na ako,” paalam ko sa kanila.

“Twin!” tawag pa rin sa akin ni Aly pero hindi ko siya pinansin.

“Cherinna…” hinawakan ni Kol ang braso ko. “Uuwi na ako!” asik ko sa kanya.

“Calm down!” anas ni Kol sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin. “Ihahatid na kita,” sabi ni Kol na inakay ako papunta sa sasakyan nito.

Hindi ako kumibo pero sumunod na ako sa kanya.

Kinuha ko sa bag ko ang phone ko nang marinig ko ang pagriring nito. Agad ko namang sinagot nang makita kong si Daddy ang tumatawag sa akin.

“Hello, Dad?” sagot ko sa tawag nito. Tinignan ako ni Kol.

“Where are you?” tanong niya sa akin. Seryosong-seryoso at buo ang tinig nito.

“SD. Pauwi na rin po ako.”

“Okay, I’ll see you here. We need to talk,” iyon lang at ibinaba na nito ang tawag. Kumunot ang noo ko.

“What is it?” tanong ni Kol. Nagkibit-balikat lamang ako.

Hindi ako kumikibo habang nagmamaneho si Kol. Naiisip ko ang ginawa ni Iris. Maybe because of that, he’s ignoring me.

Pagdating namin sa bahay ay sabay kaming pumasok ni Kol sa loob. Naabutan ko si Mommy at Daddy na nasa living room. Kinakausap ni Daddy si Mommy.

“Dad, Mom…” untag ko sa kanilang dalawa.

Lumingon silang dalawa sa akin. Lumapit ako sa kanila para humalik sa pisngi nang biglang dumapo sa pisngi ko ang palad ni Mommy.

“Buntis ka?” matigas na tanong niya sa akin.

Natigilan ako.

“Mom…”

“Answer me, Cherinna. Are you pregnant?” hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko.

“Mommy…” nangilid ang luha sa mga mata ko.

“Mikaela…” hinawakan ni Daddy si Mommy.

“Let me go, Mikael!” malakas na sabi nito kay Daddy.

“Tita…”

“Huwag kang makikialam, Kol,” tinitigan ng masama ni Mommy si Kol. Napatingin siya sa akin.

“Answer me, Cherinna. Buntis ka ba?” madiin ang bawat pagbigkas ni Mommy. Napayuko ako. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Marahan akong tumango.

“I’m sorry…” humihikbing sabi ko sa kanya. “I’m sorry, Mommy…”

Muling dumapo sa pisngi ko ang palad ni Mommy.

“I’m so disappointed with you!” malakas na sigaw ni Mommy sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak.

I saw how hurt she is.

“Go to your room, Cherinna. We’ll talk later,” seryosong sabi sa akin ni Daddy. “Kol…” narinig ko ring pagtawag niya dito.

Nilapitan ako ni Kol at inakay papunta sa kwarto ko.

I can’t lose my family… even if that means I have to give him up.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.