NAKAUPO lang ako sa may gilid ng swimming pool habang nakatingin sa repleksyon ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napabuntong-hininga. Noong isang araw pa ako nakauwi mula sa ospital. Hindi rin naman ako nagtagal doon nang sabihin ng doctor sa akin na maayos na ang lagay ko. Mas gusto ko rin na sa bahay na lang ako magpahinga.
Hindi rin ako lumalabas ng bahay namin magmula noon. Wala naman akong ibang pupuntahan. Nanatili lamang ako sa loob ng kwarto ko o di kaya ay kung saan-saang parte ng bahay namin. Halos lahat ng tao sa amin ay ingat na ingat sa akin simula ng malaman nila ang kondisyon ko. Laging may nakabantay sa akin para alamin kung may kailangan ba ako o may gusto ako.
Kahit papaano ay kinikibo na ako ni Mommy ngayon. Si Daddy ang kinakausap ko para tutulan ang kasal namin ni Ian. Kung ikakasal ako kay Ian, mas malaking problema lang ang idadagdag ‘non sa amin.
And up until now, hindi ko pa nakikita si Ian.
“Baka malamigan ka naman ng husto niyan,” naupo si Kol sa tabi ko. May dala-dala itong isang tray na may ice cream. Napangiti ako ng malungkot.
I remember someone who used to bring me ice cream whenever I am sad.
Kinuha ko ang basong naroon at nilagyan iyon ng ice cream.
“Nakausap mo na si Tito Kerko?” tanong ni Kol sa akin. Iniahon ko ang paa ko pero hindi naman ako umalis sa kinauupuan ko. Umusog lang ako. Tumango ako sa kanya.
“Anong sabi niya?” kinuha nito sa akin ang baso na hawak ko at siya na ang naglagay ng ice cream doon bago iniabot sa akin. Ngumiti ako ng tipid. “Tinanong niya kung sino ang tatay ng anak ko… hindi ako makasagot.”
“Why don’t you just say it?” umayos ng upo si Kol at tumingala.
“Sana ganoon lang kasimpleng gawin iyon, Kol…” sagot ko bago sinimulang kumain ng ice cream. It’s been almost a month since I last talked to Jahann. Hindi na rin ako nagtangka pang muling tawagan siya. Nang araw na sinabi ni Mommy na ikakasal ako kay Ian, ilang beses akong sumubok makausap siya. Ilang beses akong tumawag. Ni isa sa mga iyon ay hindi niya sinagot.
“Hindi pa rin siya sumasagot?” nilingon ako ni Kol. Ngumiti ako at umiling. Nagmura ito ng mahina. Natawa naman ako. “Maybe he’s really busy…” nagkibit-balikat ako.
Iiling-iling si Kol.
“Don’t be mad at him,” ani ko habang tinutunaw ang ice cream sa pamamagitan ng paghalo-halo dito. “I guess, mas okay na din ‘to…” dagdag ko. Naramdaman kong lumingon sa akin si Kol.
“Kung malalaman niya, magkakagulo ulit. And, okay na kami ni Mommy…” inilapag ko ang baso at tumingala at pumikit.
“Don’t tell me you’re going to marry Ian?” halos hindi makapaniwalang tanong ni Kol sa akin. Hindi ako kumibo. Wala naman akong sinabing papakasalan ko si Ian. Alam kong isang malaking katangahan na magpakasal kay Ian.
“Magpupunta pa ba kayo sa New York?” tanong ni Kol nang hindi ako sumagot sa kanya. Umiling ako. “Ako, hindi. Hindi ko alam kung tuloy pa sila Aly…” sagot ko naman. Wala namang napag-usapan tungkol sa pagbiyahe namin papuntang New York. Bago nila malaman ang totoo ay okay na ang lahat. Nakaplano na. Pero dahil sa akin, nasira ang plano na iyon.
Nakakatakot na kumilos. Nakakatakot na magsalita.
Natatakot ako na sa bawat gagawin ko, magkakaroon ng epekto sa mga taong mahal ko.
“Did you take your vitamins? Baka mamaya nakalimutan mo na naman…” irap ni Kol sa akin. Hindi ko napigilang mapangiti ng maliit. “Don’t worry, I’m fine…”
“I wonder what’s on his mind…” mahinang bulong ni Kol. Hindi ako nagsalita. Alam ko na hanggang ngayon ay sinusubukan ni Kol na makausap si Jahann. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang iisipin sa nangyayari sa aming dalawa.
I don’t even know kung kami pa bang dalawa.
No calls. No messages. No anything.
Kinuha ko na lang ulit ang ice cream at nagsimulang kumain.
Napalingon kami ni Kol nang makarinig kami ng paghinto ng sasakyan.
“Sino ‘yan?” tanong ko kay Kol. Nakakunot din ang noo ni Kol sa akin at nauna itong tumayo. Inalalayan niya naman ako para ako man ay makatayo.
Lumabas si Nanang mula sa loob at lumapit sa amin ni Kol.
“Sinong dumating, Nanang?” tanong ko sa matanda. Iiling-iling ito na sinulyapan kaming dalawa ni Kol. “Dumating ang Daddy mo at Tito Thunder niyo…”
Nagkatinginan kaming dalawa ni Kol. Anong ginagawa nilang dalawa dito?
“Si Daddy po?” tanong ko kaagad kay Nanang. More or less ay alam ko na ang dahilan ng pagdating ng mga kapatid ni Mommy.
“Pababa na iyon, hija. Pumasok na kayong dalawa sa loob. Iwan niyo na ang mga kalat niyo at ako na ang bahalang magligpit niyan…” utos niya sa amin ni Kol. Hindi naman ako nakagalaw kaagad.
God, another problem. Huminga ako ng malalim. Mas mabuti na rin na dumating sila para maharap na ang mga dapat pang harapin.
Hinawakan ni Kol ang siko ko. “Let’s go?” aya niya sa akin. Tumango naman ako at saka kaming dalawa naglakad papasok sa bahay. Tila may naghahabulan sa dibdib ko dahil sa kaba. Lagi ko rin namang nakakasama si Tito Thunder at Tito Hunter, they are actually spoiling us because for them, anak na babae rin nila kami dahil panay lalaki ang anak nilang dalawa.
“Relax…” bulong ni Kol sa akin.
Huminga na lang ako ulit ng malalim at pilit pinapakalma ang pagtibok ng puso ko.
“And you happened to inform us just now, Mika?”
Napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Tito Thunder.
“Thunder, we still need to sort things out, natural na hindi kaagad kayo masasabihan ng asawa ko…” boses ni Daddy ang sunod kong narinig. Napapikit ako ng mariin.
“I’m with you…” pinisil ni Kol ang kamay ko. Tumango ako ng marahan bago nagpatuloy sa paglalakad.
Tila iisang ulo naman silang lumingon nang nakarating kami ni Kol sa living room. Tila gusto kong bumalik sa labas o di kaya’y magkulong sa kwarto ko nang makita kong nandoon din sila Tita Rain, Tita Zyline, Theon, Keij at si Lola.
Tito Thunder and Hunter both looked at my tummy. Napayuko na lang ako.
“Hi, Cherinna…” ngumiti si Tita Rain sa akin at sinulyapan si Tito Thunder. Maging si Tita Zyline ay nginitian ako.
Nilingon ako ni Daddy. Marahan lang niya akong tinanguan kaya naman lumapit na kaming dalawa ni Kol. Naupo ako sa silyang katabi ng kinatatayuan ni Daddy. Si Kol ay naupo sa tabi ni Keij.
“As I was saying, Cherinna will marry the one who got her pregnant…” sabi ni Mommy sa kanila.
“Mommy…”
Nilingon ako nito kaya naman natigilan ako sa pagsasalita.
“Who got you pregnant?” tanong ni Tito Thunder sa akin.
“Of course she won’t say it,” ani Tito Hunter dito.
“Should I ask you again, Cherinna?” mas sumeryoso ang mukha ni Tito Thunder.
“Thunder…”
Lumingon ito kay Lola. “Mika said the one who got Cherinna pregnant will marry her,” pagsisimula ni Lola. Nakita ko na hinawakan ni Tita Rain ang kamay ni Tito Thunder.
“I’m with Mika on that one…” seryoso ang mukha nito.
“Lola…” ani Kol. Lumingon naman sa kanya ang Lola namin. “Cherinna doesn’t need to marry that. She’ll be fine. She doesn’t need to—“
“At pabayaan siya na maging isang disgrasyada?” putol ni Lola sa sinasabi ni Kol. Kumuyom ang palad ni Kol.
“Do you have any idea how disappointed I am with you, Cherinna?” bumaling si Lola sa akin.
Hindi ako nagsalita. Nanatiling nakatikom lamang ang bibig ko habang nakikinig sa kanila. Pilit kong nilalabanan ang sariling mapaiyak.
“Everyone’s disappointed with you!” malakas na sabi ni Lola. Wala sino man ang nagtatangkang sumingit sa sinasabi nito.
I know, Lola. I am disappointed with myself, too.
Ikinurap-kurap ko ang mata ko para pigilan ko ang pagpatak ng luha ko.
“Ang dami-daming pangarap sa inyo ng mga magulang niyo. Namin, and now… you’re still young. How can you be so careless?” patuloy lamang ang paglilitanya niya. Hindi man lang ako nagtangkang mag-angat ng tingin.
“Kerko, do you have a minute?” tanong ni Tito Thunder kay Daddy. “I think we need to talk,” dagdag pa nito. “I’ll go with you,” tumayo rin si Tito Hunter para sumama kay Daddy at Tito Thunder.
“Lola, there are cases naman na they don’t need to marry just because may anak sila at—“ tinignan ni Lola si Aly. Napayuko naman ito at natigilan.
“Sana ay bago naisip ni Cherinna na pasukin ang bagay na ‘yan ay naisip niya muna ang pwedeng maging resulta…” sarkastikong sabi ni Lola bago napailing.
Humigpit ang hawak ko sa dress na suot ko. Tuluyan nang bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Is all the pain worth it?
Kapag ba itinuloy ko ‘to, mas magiging okay si Jahann? Matutupad niya lahat ng gusto niya?
Nagsimula ang mahihinang paghikbi ko.
Alam ko naman na simula pa lang, wala ng patutunguhan ang relasyon naming dalawa. I used to follow the rules always. I used to follow them, as well.
I tried to follow my heart. I found my happiness.
But that means I’ll hurt them in the process.
Simula pa lang alam ko na hindi kami aabot hanggang dulo. Masyado lang akong nabulag sa kasiyahang nararamdaman ko kaya hinayaan kong madarang ako. Hinayaan kong lumalim pa ang nararamdaman ko.
From the very beginning, I already know that our love story will just end up tragic.
Naramdaman kong hinawakan ni Aly ang kamay ko. Hindi pa rin ako nagsasalita. Hinayaan ko lang ang mahihinang paghikbi ko.
Huminga ng malalim si Lola. “Kung kakayanin na ikasal si Cherinna by the end of the month, mas mainam. Kaysa malaki na ang tiyan niya…” narinig kong sabi niya pa.
“Lola…” muling nagsalita si Kol.
“Kol,” boses ni Tita Zyline ang narinig ko. Tila sinaway nito ang anak. Hindi naman muling umimik si Kol ngunit ramdam ko ang pagtingin niya sa akin.
Tumayo ako. “Excuse me po, pupunta lang ako sa kwarto ko para magpahinga…” hirap na hirap na sabi ko sa pagitan ng paghikbi.
“I know you don’t want this marriage, Cherinna…” ani Lola sa akin. “Pero isipin mo ang anak mo. Huwag mo siyang idagdag sa mga batang isinilang sa mundo ng walang buong pamilya. We’re doing this for you and your baby…”
Kumuyom ang palad ko.
“Aakyat na po ako…” paalam ko sa halip na sumagot sa kanya. Mabilis akong naglakad paakyat sa kwarto ko at sumampa sa kama.
Tsaka ko pinakawalan ang paghagulgol. Akala ko natapos na ang pag-iyak ko, hindi pa rin pala. Hindi pa rin nauubos.
“Cherinna…”
Narinig ko ang boses ni Mommy na kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Binuksan niya iyon at pumasok siya. Napayuko ako habang patuloy na umiiyak.
“I don’t want to get married, Mom…” patuloy ang pagpatak ng luha ko. “I know you’re disappointed with me, pero Mommy…” umiling akong muli at hinawakan ang kamay niya. “Mommy, ayokong magpakasal…”
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang pamumula ng mata ni Mommy.
“Nasa sinapupunan ko pa lang kayo, ang dami ko ng plano para sa inyo ni Aly…” pagsisimula ni Mommy. Nakatingin lang ako sa kanya.
“We filled you with so much love. Kayong tatlo…” nag-iwas ng tingin sa akin si Mommy at ngumiti. “It’s dangerous for me to have a baby again, pero gustong-gusto kong magkaroon ng anak na babae… kaya sobrang tuwa ko na okay kayong dalawa ni Aly…”
Patuloy ang pagpatak ng luha sa mga mata ko habang nagsasalita si Mommy.
“Mahal na mahal namin kayo ng Daddy niyo…” tuluyan nang bumagsak ang luha ni Mommy habang nakatingin sa akin. “Ang dami kong pangarap para sa inyo… sa’yo…”
“Mommy…”
“Ni hindi ka pa nakakapagtapos ng pag-aaral mo…”
“I’m sorry…” hinawakan kong muli ang kamay niya. “I’m really sorry, Mommy…” hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Nasasaktan ako… nasasaktan akong makitang umiiyak siya dahil nasasaktan ko siya.
“Siguro nga, I failed being a mom to you… maybe to Aly and Jahann, too…”
Umiling ako. “Mommy, no…” lumapit ako sa kanya at pinunasan ang luha sa mga mata niya. “I am so thankful that you’re my mom…” humihikbing sabi ko sa kanya. “I’m sorry for everything. For hurting you, for disappointing you…” patuloy ko.
Hindi nagsasalita si Mommy habang nakatingin sa akin. “I know you only want the best for me…” niyakap ko siya ng mahigpit.
“Yeah, I’ll marry Ian…”
“Cherinna…” hinawakan niya ang magkabilang braso ko.
“Papakasalan ko na si Ian…” ipinikit ko ang mga mata ko habang patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko.
And with that, I know it’s the end for me and Jahann…
“Are you okay?” tanong ni Ian sa akin nang maupo siya sa tabi ko. Tapos na siyang sukatan sa isusuot niya. “You’re still mad at me?” tanong niya nang hindi ko siya kinibo.
“Cherinna, I know I shouldn’t said that but…” huminto ito at tumingin sa babaeng kumuha ng measurements naming dalawa. Mabilis ang pag-aayos nila ng kasal namin ni Ian. I asked my mom to just keep it simple. Ayoko ng maraming taong hindi ko naman kilala kung sino ang mga iyon.
“I’m sorry…” sinserong sabi ni Ian. “Hindi ko alam kung paano akong magpapaliwanag sa mga magulang mo nang magpunta ako sa inyo noon. Sinabi nila na isinugod ka sa ospital kaya naman nagpunta ako kaagad. Your mom talked to me. Tinatanong niya ako kung sino ang tatay ng anak mo…”
Ngumiti ako ng malungkot. “Nandito na, eh…” huminga ako ng malalim at saka sumandal.
“You really love him…” sumandal din si Ian.
“Who?” tanong ko na hindi lumilingon.
“The father of your baby… you’re protecting him so much. Pumayag ka pang magpakasal sa akin para mapagtakpan siya…” nabakasan ko ang lungkot sa boses ni Ian.
Hindi ako nagsalita. Pakiramdam ko ay may kung anong tumutusok sa dibdib ko sa tuwing maiisip ko si Jahann.
He deserve someone better. He deserve someone who will love him and will fight for him. Kasi hindi ko kayang ipaglaban siya sa pamilya ko. Sa pamilya namin.
Masakit… sobrang masakit.
Bibitawan ko siya dahil mas pinipili ko ang pamilya ko.
I hope he’ll find his happiness someday. Even if that means he’ll be with someone else.
Ipinikit ko ang mga mata ko. Napapagod na akong umiyak.
“Hey…”
Napamulat ako ng mata nang marinig ang boses ni Kol. Agad na dumilim ang mukha nito nang makita si Ian sa tabi ko. Lumapit siya sa akin. “Kumain ka na?” tanong niya nang maupo sa tabi ko. “Not yet. Katatapos lang magsukat para sa gown, eh…” sagot ko.
“Itutuloy mo talaga?” tanong ni Kol sa akin.
“Kol, I’m here… and I’m the groom…” ani Ian kay Kol.
“And I don’t care about your existence…” masungit na sabi ni Kol kay Ian.
“What’s your problem with me?” kunot-noong tanong ni Ian kay Kol.
“Why don’t you ask yourself what is the problem?” matigas ang ekspresyon ng mukha nito kaya naman alam kong seryoso si Kol. Hinawakan ko ang braso nito para awatin.
“I’m doing this for Cherinna…” ani Ian.
“You’re doing that for yourself. Don’t make yourself a hero here, we all know you’re not.”
“And you are?” nanghahamong sabi ni Ian kay Kol.
“Guys, stop, please?” sumandal ako at huminga ng malalim. “It’s settled. I’m going to marry Ian…” nilingon ko si Kol. “I’ll be fine. I promise…” pinilit kong ngumiti sa kanya.
Napailing na lang si Kol.
Hindi natuloy ang pagpunta sa New York ng pamilya namin dahil sa nangyari. My mom was busy with the wedding as well. Sinunod naman nito ang kagustuhan ko na simple lang ang kasal. Walang masyadong imbitado at hindi engrande. Si Aly ay alam kong tutol din sa kasal pero walang nagawa. Gabi-gabi ay sa kwarto ko na siya natutulog para samahan ako.
“You’re still not going to tell me about him?” tanong ni Ian sa akin. Nilingon ko naman siya.
“Bakit gusto mong malaman?” si Kol ang nagtanong dito. Nilingon ko si Kol. Inirapan naman ako nito.
“Let’s not go there, Ian…” mahinahong sabi ko sa kanya. Tama na sigurong kami lang ni Kol ang naakaalam ng tungkol sa tatay ng anak ko.
Hindi naman na siya nagpumilit pa sa akin.
“Ako na ang maghahatid kay Cherinna…” ani Kol habang papalabas kaming tatlo sa shop. Hinawakan niya rin ang braso ko.
“I have my car with me, Kol. Kaya ko ring ihatid si Cherinna…” kunot-noong sabi ni Ian dito.
“You have your car? Good. Umuwi ka na. Ako ang maghahatid kay Cherinna…” anas ni Kol bago ako iginiya sa sasakyan nito. Napailing na lang ako. Never talagang naging maayos ang pag-uusap ni Kol at Ian.
“Where do you want to eat?” tanong ni Kol nang maksakay ito sa sasakyan nito. Nakatingin lang ako sa kanya.
“What?” tumaas ang isang kilay niya sa akin.
“Why are you so mad to Ian?” kunot-noong pag-uusisa ko sa kanya.
“Tss.”
“I know how you despise the idea of me marrying him…” mahinang sabi ko sa kanya. “Wala siyang alam tungkol kay Jahann…” sumandal ako at tumingin sa labas.
“Kaya magpapakasal ka na lang sa kanya?” tanong ni Kol sa akin.
“What do you want me to do? Go against everyone?” malamig na tanong ko sa kanya. “Yung taong gustong-gusto kong makausap, ni hindi man lang magawang sagutin ang tawag ko. Lolo was right. Everyone’s disappointed with me. Sa tuwing nakikita ko si Daddy, nakikita ‘yung panghihinayang sa mga mata niya. Sa tuwing magkakasalubong kami ni Mommy, nakikita ko ‘yung sakit sa mukha niya. Kasi iniisip niya pa rin na kasalanan niya kung bakit…”
I laughed softly. “Kahit nga ikaw, walang nagawa sa gusto ni Lola. Kahit si Theon na favourite niya, hindi niya pinakinggan…” ipinikit ko ang mga mata ko.
“I just hope the baby will come out fine. No complications…” mahinang sabi ko. Iyon ang pana langin ko gabi-gabi. Sana ay maging okay ang baby ko kapag lumabas na ito. “I want to go home, Kol. Mas gusto kong sa bahay na lang kumain…” ngumiti ako sa kanya.
Tumango naman siya sa akin.
Tahimik lang kaming dalawa habang nasa biyahe. Alam kong ayaw ni Kol na ikasal ako kay Ian pero wala naman kaming magagawa pare-pareho. Liban kung sasabihin kong si Jahann ang tatay ng anak ko na mas lalong ikagigimbal ng lahat.
Nang maiparada ni Kol ang sasakyan ay inalalayan niya ako sa pagbaba. Sabay na rin kaming pumasok sa loob.
“I’ll just change my clothes. Sabihin mo na lang kay Nanang na maghain, ha?” sabi ko kay Kol bago nagtungo sa hagdan para umakyat sa kwarto ko. Dumiretso naman kaagad ako sa kwarto ko at namili nang damit na pamalit.
Natigilan ako nang maramdaman kong tila may nakatingin sa akin. Napatuwid ako ng tayo at dahan-dahang humarap.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang taong nakaupo sa couch sa malapit sa kama ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
“Jahann…”