NAKATITIG ako sa mukha niya. It’s been a month…
Walang pinagbago ang mukha niya. It’s still the same, like in my mind. Nakikita ko pa rin ang mukha niyang tila pinagbuhusan ng oras ng Diyos nang nilikha. Those eyes that used to drown me with just one simple look. Those eyes that never failed to make me fall in love with him again and again.
Halos isang buwan na simula nang huli ko siyang makausap. Halos isang buwan nang iwasan niya ako.
Nakapako ang mga mata niya sa akin. Hindi siya kumikilos o nagsasalita man lang.
I cleared my throat. “Jahann…” halos pumiyok ako nang bigkasin ko ang pangalan niya. Nanginginig ang mga tuhod ko at nararamdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Agad akong tumalikod sa kanya.
“What are you doing here? Alam na ba nila Daddy na dumating ka na?” tanong ko sa kanya. Inabala ko ang sarili ko sa paghahanap ng damit kahit na sa totoo lamang ay nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha. “I—I’m sure, matutuwa si Mommy kapag nakita ka ‘non…”
“You’re getting married…” ani Jahann sa malamig na tinig. Natigilan ako sa ginagawa ko. “I received the invitation…” dagdag pa nitong sabi sa akin.
Napatuwid ako ng tayo. Si Aly ang nagpadala kay Jahann ng invitations. Hindi ko alam kung ilan ang pinadala niya rito pero ang alam ko ay maraming ipinadala si Aly dahil na rin sa hindi sumasagot si Jahann sa lahat ng tawag na ginagawa sa kanya. I tried to stop her but I was afraid that she’ll ask me why so I just let her do it. Besides, kahit naman mareceive ni Jahann ang invitation ay tuloy ang kasal.
Hindi pinaalam kay Jahann ang tungkol sa kalagayan ko dahil sa utos na rin ni Daddy. Though Jahann has the right to know, because he’s my brother, sinabihan sila ni Daddy na mas mainam na huwag na lang upang hindi na mas lumaki pa ang gulo dahil na rin sa insidenteng kinasangkutan ng mga pinsan ko at kay Ian. Nang unang makita ni Theon si Ian ay agad na sinuntok ng una ang huli.
“Yeah…” mahinang sagot ko sa kanya. Napayuko ako.
“I was expecting that to happen. But not this soon…” I heard him laughed. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin. Sa halip ay sa malaking stuffed toy na purple siya nakatingin. Nakapatong iyon sa kama ko. That’s one of his gifts.
“Nagkabalikan kayo ni Montenegro?” nilingon ako ni Jahann. Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya. Ngumiti ito ng tipid. “Damn, I was expecting that one, too…” napailing pa ito ngunit nananatili sa mukha ang maliit na ngiti.
“Jahann…” kumunot ang noo ko. Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya. He was expecting those things? Inaasahan na niyang magkakabalikan kaming dalawa ni Ian?
“Maybe you’re wondering why I’m not answering your calls…” umayos ng upo si Jahann at huminga ng malalim. “Hindi ko ginawa ‘yon dahil lang gusto ko…” he cleared his throat. Hindi pa rin nagtatagal ang tingin niya sa akin. Sulyapan man niya ako ay agad niyang iiiwas ang tingin pagkatapos.
“Then why?” humigpit ang hawak ko sa dress na nasa kamay ko. Bakit hindi mo ako pinapansin? Bakit bawat tawag ko ay balewala lang sa’yo? Bakit mo ako pinabayaan na lang?
Kumuyom ang palad ni Jahann.
“I was waiting for your calls…” pumatak ang luha sa mata ko. “I was waiting for you…” dagdag ko pa. “You just ignored me. You chose not to talk to me, why?” puno ng hinanakit na tanong ko sa kanya. Basta na lang nito naisipan na huwag akong pakinggan kahit pa gusto kong magpaliwanag sa kanya.
“Because I owe everything to them…” mahinang sagot ni Jahann sa akin.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya sa akin. “What? You owe what?” tanong ko. Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya sa akin. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Nag-iwas ng tingin si Jahann. Hindi naman ito nagsalitang muli. “Anong sinasabi mo?” muli kong sabi nang hindi pa rin siya magsalita.
“I just came here to congratulate you…” tumayo na si Jahann at naglakad papunta sa pinto. Natigilan ako. Iyon lang? Iyon lang ang pinunta niya dito sa kwarto ko?
“Wait…” pigil ko sa kanya. Hindi birong lakas ang inipon ko para maglakad papunta sa harap niya. “Are you serious right now?” nakakuyom pa rin ang palad ko. “Congratulate me?” tanong ko ulit sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko kay Jahann. Nanlalabo ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Matigas ang ekspresyon ni Jahann habang nakatingin sa akin.
“You’re not deaf, Cherinna…” mahinang saad ni Jahann. “You heard me right…” his voice was icy cold.
“What happened to you?” tuluyan nang nabasag ang tinig ko. “What happened to us?” bumagsak na rin ang luhang kanina ko pa kinikimkim. Nakita ko ang paggalaw ng Adam’s apple niya.
“Bigla ka na lang nawala. Bigla kang hindi nagparamdam… and now, you’re not even going to ask me why I’m going to marry someone else? Kung bakit ako magpapakasal kay Ian?” hindi ko mapigilan ang pag-alpas ng sama ng loob ko kay Jahann.
“Wala ka na ba talagang pakialam sa akin?” lakas-loob na tanong ko sa kanya. I was damn scared with his answer.
“What for? You’re marrying him, right? That’s the right thing to do, Cherinna. You should marry him…” I saw his jaw tightened. Iniwasan niya na naman na tignan ako.
“What are you saying? What happened to you?” hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. “Nagpunta ka lang ng New York, nakalimutan mo na ako?” dagdag kong tanong sa kanya. Hindi man lang niya ako tinignan ulit.
“Answer me!” Tinulak ko ang dibdib ni Jahann pero hinawakan niya ang dalawang kamay ko at saka niya ako tinitigan.
“If I say yes, will you accept it?” marahas na tanong niya sa akin.
“Why?” nanghihinang tanong ko sa kanya. “Why?” hindi ko na napigilan ang pagsigaw. “Dahil hindi ako nakauwi at kasama ko si Ian? Just because of that?” pakiramdam ko ay may kung anong pumipiga sa puso ko. “Dahil lang doon, Jahann?” pakiramdam ko ay bigla akong nanghina.
“Stop it Cherinna. You’ll marry him, anyway. What’s the point of this conversation?” tinignan ako ni Jahann pero agad din niyang iniiwas ang tingin sa akin.
“Pero mahal kita…” hindi ko mapigilang mapaupo. Hindi ko maintindihan kung ano ‘yung nangyayari sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nagbago siya. Tuluyan na akong napahagulgol.
Hindi siya nagsalita. Nakatayo lang siya sa harap ko habang patuloy ako sa pag-iyak. Napayuko ako. Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari kapag nagkita kaming dalawa. Hindi ito ‘yung inaasahan kong ipapakita sa akin ni Jahann…
“I thought you love me…” sambit ko sa pagitan ng paghikbi.
Hindi nagsalita si Jahann.
“Mali ba ako?” sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. “Mali ba ako?” nag-angat ako ng tingin kay Jahann pero nakapikit ang mga mata niya.
“Just be happy, Cherinna…” ani Jahann bago tuluyang naglakad papalabas sa kwarto ko. Napayuko ako habang patuloy ang pag-iyak.
Was it all a lie?
After everything?
Itinakip ko sa mukha ang mga palad habang patuloy na umiiyak. Hindi ako nag-abalang tumayo sa pagkakaupo ko sa sahig ng kwarto ko. Hindi ko mapigil ang pagpatak ng mga luha ko.
“Cherinna?” narinig ko ang pagtawag ni Kol sa akin. Agad siyang lumapit sa akin nang nakita ako. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
“Hey, look at me…” mahinang bulong niya sa akin. “Cherinna, look at me…” hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pilit na pinatingin ako sa mukha niya.
“He doesn’t care about me anymore…” mahinang bulong ko. Muli, pakiramdam ko ay ilang beses tinusok-tusok ang puso ko. “Hindi niya ako mahal…” pagsusumbong ko kay Kol. Hindi ko na rin pinigilan ang malakas na pag-iyak. “Hindi niya ako mahal… wala siyang pakialam sa akin…” patuloy lang ang paghagulgol ko.
“Cherinna…” pilit na pinupunasan ni Kol ang pisngi ko. “Just calm down…” hinapit niya ako at ikinulong sa mga bisig niya. “Even before I let him go… binitawan na niya pala ako…” sabi ko habang yakap-yakap ako ni Kol.
“Ang tanga-tanga ko…” paulit-ulit kong sabi.
“You’re not, stop it. Makakasama sa’yo ‘yan, alam mo ‘yon,” bulong ni Kol sa may tainga ko. Hindi ako nagsalita. Sa halip ay patuloy lang akong umiyak habang nakakulong sa mga bisig ni Kol.
Nang sa wakas ay huminto ako sa pag-iyak ay inalalayan ako ni Kol upang magtungo sa kama ko. “Just stay here, magdadala akong pagkain mo…” marahang sabi niya sa akin. Hindi ako nagsalita. Huminga ng malalim si Kol bago naglakad papalabas ng kwarto ko.
Nakatingin lang ako sa comforter na nasa kama ko. Iniisip ang nangyari. Iniisip si Jahann.
Maybe he realized that he just love me as a sister. Siguro ay natauhan na rin si Jahann na mali ang lahat.
Dapat ay ganoon din ako… pero ang sakit sakit.
Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko dahil sa tindi ng emosyong nararamdaman ko pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko.
Pumasok sa isip ko ang mukha ni Jahann. Kung paano niyang iiwas ang bawat pagtingin niya sa akin. Kung paanong tila ayaw niya akong tignan.
Ilang sandali pa ang lumipas nang pumasok si Kol muli sa kwarto ko. May dala itong isang tray na puno ng pagkain. “You need to eat,” sabi niya nang tila makita niya ang pagkagulat ko sa dami ng pagkain na nasa tray.
“I’m not really hungry…” sagot ko sa kanya. Nawalan ako ng ganang kumain at pakiramdam ko rin naman ay wala akong panlasa. Any food would taste bland.
“You need to eat,” ulit ni Kol sa akin bago inabot sa akin ang kutsara. “Kakain ka ng ikaw lang o gusto mong subuan kita, dahil kapag ginawa ko ‘yon, ipapaubos ko sa’yo lahat ‘yan…” masungit na sabi ni Kol sa akin. Napapailing na inabot ko na lang ang kutsara mula sa kanya.
“You don’t want to talk about it, I get it…” Sumandal si Kol sa headboard ng kama ko habang nagsimula akong kumain. Mahapdi pa rin ang mga mata ko dahil sa nangyari kanina. Pinili ko na lang na huwag magsalita habang kumakain ako.
“Ayoko na…” untag ko kay Kol nang hindi ko na mapilit ang sarili ko na lunukin ang pagkaing isinusubo ko. Halos isang-kapat lang ng dalang pagkain ni Kol ang nabawas ko.
“You need to eat more, Cherinna…” nag-aalalang paalala niya sa akin. “Busog na ako…” pinilit kong ngumiti pero hindi man lang ngumiti si Kol sa akin. “Kakain na lang ako ulit mamaya…” sabi ko sa kanya. Wala namang nagawa si Kol kung hindi ang tumango sa akin at alisin ang tray sa kama ko. “Magpahinga ka na muna…” tila may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya itinuloy.
Tumango lang ako sa kanya kaya naman iniwan na ako ni Kol na mag-isa sa kwarto ko. I closed my eyes and tried to sleep. Sa bawat paglipas ng araw ay pakiramdam ko, ngayong araw ako pinakapagod. My baby’s almost 9 weeks old already. Mas nagdodobleng ingat na ako sa mga ginagawa ko.
Nagsabi na rin ako kay Daddy na hindi ako mag-eenroll sa school year na iyon. Hindi rin naman papayag si Mommy dahil sa pasukan ay malaki na ang tiyan ko. I will rest for a year before going back to school.
Ipinikit ko ng mariin ang mga mata.
I thought if I could see Jahann again, something will change. May magbabago sa lahat pero akala ko lang pala ang bagay na iyon.
Pinilit kong matulog. Pinilit kong ipahinga ang sarili ko.
Inisip ko ang kalagayan ng isang batang nasa loob ko.
Tuluyan nga akong nakatulog kaya naman nagising ako nang alanganing oras na. Tinignan ko ang orasan sa gilid ng lamesa ko at nakita kong halos alas-dose nan g hatinggabi. Napabangon ako nang makaramdam ako ng gutom.
Dahan-dahan akong bumangon. Hindi ko napigilan ang pagngiti. Marahil ay si Kol ang nagbukas ng ilaw sa kwarto ko at hinayaan iyon para kung sakaling magigising ako ay makikita ko ang dadaanan ko.
Lumabas ako ng kwarto ko at nagtuloy sa kusina para maghanap ng makakakain.
Abala ako sa paggawa ng sandwich nang may marinig akong boses na tila nag-uusap. Kumunot ang noo ko. Iniwan ko ang ginagawa at naglakad papunta sa living room.
Napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Jahann.
“So, she’s really going to marry him?” tanong nito kay Daddy.
“Yes…” sagot naman ni Daddy kay Jahann. “Do you have any problem with that?” Dad asked Jahann. He remained silent. He was looking at his laptop.
“You’ve done a great job. Your grandfather called me and he said you learned everything fast,” bakas ang saya sa boses ni Daddy.
“Yeah,” tumango lang si Jahann dito. “I should do that, it’s the least that I can do…” he replied coldly.
“What do you mean?” tanong ni Daddy kay Jahann. Maging ako ay napakunot ang noo sa sinabi nito.
Umiling si Jahann. “Nothing,” huminga ito ng malalim bago nag-angat ng tingin at napadako ang mata sa akin. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Lumingon din sa direksyon ko si Daddy.
“Cherinna? It’s late, why are you still up?” tumayo ito at lumapit sa akin. Nilingon din nito si Jahann.
“I was hungry…” mahinang sagot ko.
“Do you want anything?” Dad asked.
Umiling ako. “I’m fine. I’ll make you a snack since you’re still working…” I softly said. I tried not look at Jahann. “Do you want coffee?” tanong ko. “Mom would berate you, so I guess I should make you a milk, instead…” pagbibiro ko sa kanya.
Pilit kong kinakalimutan ang sakit na nararamdaman ko.
“Just finish what you are doing and go back to your room. It’s late, wag ka ng magpuyat…” sagot ni Dad. Tumango naman ako bago naglakad pabalik sa kusina. Mabilis lang akong gumawa ng makakain at inilagay ang dalawang ginawa ko pa sa isang tray na may kasamang gatas rin at dinala sa living room.
“Thanks, princess…” ani Daddy sa akin.
“I won’t be able to do that soon…” ngumiti ako ng malungkot. Hindi naman kumibo si Daddy sa akin. Nilingon ko si Jahann pero tutok ang mata niya sa screen ng laptop niya.
“Sige, Dad. Aakyat na ako. Don’t stay up too late,” paalala ko dito bago humalik sa pisngi nito. “Goodnight,” sabi ko bago tumalikod. Wala akong ideya kung tumingin sa akin si Jahann o hindi.
Dala ang isa pang tray ay umakyat ako sa kwarto ko at doon na lang kumain.
Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Pagbaba ko sa kusina ay nakaalis na si Aly dahil may shoot pa ito sa Ai’s. Si Mommy naman ay abala sa pag-aayos ng kasal. Malamang, si Daddy ay nasa office at si Jahann ay… I don’t know.
“Morning, Nanang…” ngumiti ako sa matanda nang lumapit ako. Yumakap ako sa kanya. “I’m going to miss you…” paglalambing ko rito.
“Naku, Cherinna. Kami ang mas makakamiss sa’yo kaya dumalaw ka dito ng mas madalas, lalo na kapag nanga—“ huminto si Nanang sa pagsasalita. Tinignan ko naman ang direksyong tinitignan ni Nanang. Si Jahann ang nakita ko na kakapasok lang ng kusina.
“Morning,” he greeted.
“Mukhang naninibago ka sa oras, Jahann…” puna ni Nanang dito. Humiwalay naman ako sa matanda at kumuha ng baso. Simula nang malaman nila Mommy ang tungkol sa pagbubuntis ko ay palagi na akong nagsusuot ng dress. Maging ang pantulog ko ay karamihang dress na rin.
“May gusto ka bang kainin, Cherinna?” tanong ni Nanang sa akin. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Jahann.
“Ano pong niluto mo kanina?” ngumiti ako sa matanda. Pilit na hindi pinapansin ang presensya ni Jahann.
“Tocino, itlog, sinangag ang nariyan dahil iyon ang gusto ni Aly. May gusto ka ba? Magluluto ako…” ngumiti sa akin ang matanda. Umiling ako. “That’s fine…”
“Sige. Magpunta na kayong dalawa sa hapag at ipaghahain ko kayo…” sabi niya sa akin.
“Po?” natigilan ako. Sabay kaming kakain ni Jahann?
“Teka, paano nga ang timpla ng hot chocolate mo, Cherinna? Iyon ang palaging gusto mo sa umaga, diba?” tanong ni Nanang sa akin.
“Huwag na, Nanang… okay na ako sa tubig,” mabilis kong sagot sa kanya. “Punta na ako sa dining…” paalam ko sa matanda bago naglakad at nilagpasan si Jahann.
Agad akong naupo at naghintay na lang sa paghahain nila ng almusal.
Nakasandal lang ako at nakayuko nang may naglapag ng isang mug sa harap ng mesa ko. Napatuwid ang likod ko. Naupo si Jahann sa tapat na upuan ko. Napatitig ako sa mug na inilapag niya.
“Thank you…” halos bulong lang na sabi ko sa kanya. Hindi naman siya nagsalita. Sa halip ay nagsimula na siya sa pagkain.
Tahimik lang siya habang kumakain. Ni hindi siya nag-aangat ng tingin sa akin. Mabilis na ikinurap-kurap ko ang mga mata bago nagsimulang kumain.
He’s so near… and yet, he’s so damn far.
“Ma’am, andito na po si Sir Kol…” untag ng isang kasambahay namin. Sabay kaming napalingon ni Jahann kay Kol.
“Morning,” bati ni Kolb ago lumapit sa akin.
“You’re always here,” ani Jahann kay Kol.
“And you’re always not here,” sagot naman ni Kol dito.
“Why?” kumunot ang noo ko. Naupo si Kol sa tabi ko at umiling. Mas lalo naman akong nagtaka. “Thank you nga pala, for turning on the lights last night. Nagising ako ng gabi, buti binuksan mo ang ilaw…” ngumiti ako sa kanya.
“What?” si Kol naman ang kumunot ang noo. “I did—anytime…” ngumiti ito sa akin. “Kumain ka na?” tanong ko sa kanya.
“Don’t worry about me. Just eat…” seryosong sabi nito bago tumingin kay Jahann. Wala naman akong narinig pang usapan sa kanilang dalawa.
Wala naman akong nakaschedule na gagawin kaya hindi ako umalis ng bahay. Inabala ko ang sarili ko sa panunuod ng TV buong maghapon. Wala rin naman sa panunuod ang isip ko. Nasa court si Jahann at Kol dahil nagkayayaan silang dalawa na magbasketball.
“Cherinna…”
Napalingon ako nang tawagin ako ni Mommy. Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.
“Scheduled na sa Sunday ang kasal…”
Napatuwid ang likod ko. “What? Mom, I thought end of the month?” tanong ko sa kanya.
“The sooner, the better. Soon, mapapansin na ang tiyan mo kaya sa Linggo na gaganapin ang kasal…”
Napasandal ako. Tinignan ko si Mommy. I can’t afford to hurt her again.
Siguro ay dapat na rin talaga akong magpasalamat kay Jahann. Na siya na mismo ang lumayo sa akin. Sa ginawa niya, mas makakaiwas kaming saktan pa si Mommy… o kahit na sinong miyembro ng pamilya namin.
Gaya ng inaasahan ko, lahat ay nabigla nang sabihin ni Mommy na sa Linggo na ang kasal namin ni Ian. Hindi marami ang bisita at halos lahat ay close friends lang ng pamilya namin. Wala namang problema sa pagpaparush ng gowns dahil si Tita Cyan ang may gawa ng mga iyon.
“Why are you rushing it?” tanong ni Jahann kay Mommy. Kunot ang noo nito. Tinignan niya ako. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
Kailangan ko na ring maging matatag ngayon.
Kailangan ko ng tuluyang bumitaw kay Jahann.
I remember what I promised.
Maging okay lang kami ni Mommy, igigive up ko si Jahann.
“They just want to rush it, Jahann…” si Aly ang sumagot dito.
“It doesn’t make any sense…” iiling-iling na sabi nito bago nagsimulang kumain.
Hindi ako kumibo sa kanya. Dad asked him about the business in the States. Nabaling na roon ang usapin kaya naman nang matapos kumain ay nag-excuse na lang kaagad ako sa kanila at umakyat na ng kwarto ko. Mabilis lang akong naglinis ng katawan ko para makapagpahinga ako.
I’m alive but the only thing that is keeping me living is because of the fact that I’m still breathing.
Paglabas ko ng kwarto ko ay napasinghap ako nang makita ko si Jahann na nakaupo sa kama ko. Nakayuko ito.
“What are you doing here?” tanong ko sa kanya. Dahan-dahan akong naglakad.
Nag-angat siya ng tingin sa akin.
“I missed you, Creep…”
Creep…
But I’m no longer your creep.