“LUMABAS ka na…” mahinang sabi ko sa kanya. Ikinuyom ko ang palad ko at pilit tinatatagan ang loob ko. Umupo ako sa harap ng salamin na naroon at pilit naghanap ng gagawin. Ramdam ko ang titig niya sa likod ko pero iniwasan kong makipagtitigan din sa kanya.
“Don’t marry him,” mahina ngunit klaro ang naging rehistro sa akin ng sinabi nito. I closed my eyes. His scent was filling my nose. That familiar scent, I always love.
“It’s too late to back out now…” gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil nagagawa kong magsalita nang hindi nababasag ang tinig ko. It’s damn hard to talk when every bone in my body was screaming pain. “Nakaready na ang lahat, sa Linggo na ang kasal…” dagdag ko. At kahit pa sabihin na ayokong magpakasal kay Ian, wala naman na akong ibang magagawa pa.
“Are you pregnant?”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa tanong niya sa akin. Hindi ko rin magawang lumingon sa kanya nang matapos siyang magtanong. Nanatiling tikom ang bibig ko. Hindi ko alam kung aamin ako o hindi. Oras na malaman ni Jahann ang totoo, alam kong mas malaking gulo ang haharapin naming dalawa.
“That’s why they are rushing everything…” sambit ni Jahann na tila mas sinasabi iyon sa sarili kaysa sa akin. Tila sinasagot ang tanong na nasa isip nito.
“You said it’s the right thing to do, right? You’re expecting this, too…” usal ko na hindi pa rin tinatangkang tignan ang lalaki.
Huminga ako ng malalim.”Please, Jahann. Leave…” ipinikit ko ang mga mata ko. Wala akong naramdamang pagkilos mula sa kanya. Gusto kong mapamura. Wala siyang ideya kung gaano kahirap at kasakit na makita siya.
Kung gaano kasakit na nakikita ko siya pero hindi na kami katulad ng dati. Kung gaanong kahirap mahalin siya sa paraang dapat lang. Kung paano ko kailangang pilitin ang sarili ko na kalimutan kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya.
“Aly will be here later, dito siya matutulog kaya mas mabuting lumabas ka na at—Jahann!” nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko at hilahin akong patayo. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko habang nakatingin sa akin.
“What are you doing?” naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang maramdaman kong muli ang paghawak niya sa akin.
Matapang kong sinalubong ang mga mata niya. I watched the emotions that flickered across his face. Was that longing? He quickly blinked away that emotion and moved his head.
“Come with me…” aniya na hinila ako palabas ng kwarto ko. “Jahann, let me go!” pilit kong binabawi ang kamay sa kanya at pilit na humihinto sa paglakakad. Mabilis ang lakad niya kaya naman kailangan kong bilisan at lakihan ang bawat paghakbang ko upang maabutan siya.
“Jahann, ano ba?” angil ko sa kanya habang hinihila pa ring pabalik ang braso ko.
Napatingin ako sa paligid para tignan kung may taong naroon pero maging ang mga kasambahay namin ay wala doon. Magmumukha naman akong tanga kung sisigaw ako dahil hinihila ako ni Jahann. Tiyak kong magtataka rin ang mga tao sa bahay kung bakit ganoon ang reaksyon ko kung sakali.
Dumiretso kami sa labas at binuksan niya ang sasakyan niya at pinapasok ako. Ito rin ang nagsuot ng seatbelt ko habang seryosong-seryoso ang mukha.
“Do. Not. Move…” pagbabanta ni Jahann sa akin bago umikot at sumakay din.
“I’m not allowed to go out,” malamig na sabi ko sa kanya nang lingunin ko siya. “Babalik na ako sa loob ng bahay…” Akmang tatanggalin ko ang seatbelt ko nang paandarin ni Jahann ang sasakyan nito.
“Jahann!” pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi niya ako pinakinggan. Basta ito nagmaneho papalabas ng bahay maging ng subdivision namin. Seryoso lang itong nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Ni wala akong ideya kung saan kami magpupuntang dalawa. Wala siyang sinabi sa akin, at duda ako kung sakali bang magtatanong ako ay sasabihin niya kung saan kami pupuntang dalawa.
“Jahann, bumalik na tayo sa bahay, hahanapin ako nila Aly…” muling sabi ko sa kanya ngunit tila bingi si Jahann at hindi ako pinakikinggan. Mabilis rin ang pagmamaneho nito.
“Slow down!” malakas na sabi ko sa kanya. Mahigpit ang hawak niya sa manibela. “Jahann ano ba?” hindi ko mapigilang makaramdam ng takot dahil sa bilis ng pagmamaneho niya. I know he’s a good driver but, hell. Ang bilis ng pagmamaneho niya at ayokong maaksidente kaming tatlo.
“No matter what you do, I’m still going to marry Ian so stop this car now!” muling sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak.
Pakiramdam ko ay naghahalo-halo lalo ang emosyong nararamdaman ko. Frustration, depression, pakiramdam ko ay nasasakal na ako.
Damn, hanggang kalian ba ako mag-iiiyak? Bakit ba hindi maubos-ubos ang luha ko?
Nagyuko ako nang magsunod-sunod ang pagpatak ng luha ko. Naramdaman ko ang pagbagal ng sasakyan niya hanggang sa tuluyang ihinto iyon ni Jahann.
“Damn!” biglang sinuntok ni Jahann ang manibela. Hindi ako nagsalita. Maging si Jahann ay walang imik maliban sa marahas na paghinga nito.
“No matter what you do, what we do… this is the end for us…” pinalis ko ang luha sa mga mata ko. “Hindi tayo magiging masaya, Jahann…” malungkot na sabi ko sa kanya. Sa sitwasyon naming dalawa, napakaliit lang ng tsansa na magiging masaya kami. Napakaliit lamang ng posibilidad na matatanggap nilang lahat nag tungkol sa amin.
“But you are my happiness, Cherinna…”
Naramdaman ko ang paghihirap sa boses ni Jahann.
Tinanggal ko ang seatbelt ko at lumabas ng sasakyan niya. Agad na humalik sa pisngi ko ang malamig na hangin. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko.
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng sasakyan niya, tanda na siya man ay lumabas ng sasakyan nito.
“We’re hurting the people we love, Jahann…” nanginginig ang boses na sambit ko. Alam kong nasa likod ko lang siya. “Patuloy silang masasaktan dahil sa atin…” niyakap ko ang sarili ko bago pinuno ng hangin ang dibdib.
“Ayoko na silang saktan…” mahinang sabi ko. Ayokong makita ulit si Mommy na nasasaktan.
“I’m sorry…” natigilan ako nang yakapin niya ako mula sa likod. Ipinatong niya ang baba sa may balikat ko. “Hindi kita binabalewala. Yes, I’m an asshole for neglecting you, for making you feel like you’re nothing to me, but Cherinna, you’re my whole damn universe…”
“Be mad at me. Sampalin mo ako, paulit-ulit. Hanggang sa mawala ‘yung galit mo sa akin. Hanggang sa mapatawad mo ako,” ani Jahann habang nakayakap pa rin sa akin. “I’ll explain everything to you. Just don’t marry him, Creep…”
But I don’t want to hurt them anymore…
“What you did was right…” pilit kong sinabi sa malamig na tinig. “Tama lang na nilayuan mo ako.” Pakiramdam ko ay may malaking bikig na nakabara sa lalamunan ko. “I realized that…” kinagat ko ang labi ko. “That I wasn’t in love with you…” ikinuyom ko ng mahigpit ang kamay ko. “So what you did was the right thing…”
“What are you saying?” marahan niya akong binitawan at saka niya ako pinaharap sa kanya, iniiwas ko ang tingin sa mukha niya. “I wasn’t in love with you…” diretsong sabi ko sa kanya. Pakiramdam ko ay libo-libong patalim ang tumusok sa puso ko nang makita kong nasaktan siya.
“When you’re neglecting me? I was actually fine. Ian’s there for me…” pinilit kong ngumiti sa kanya. “Kaya balewala sa akin ‘yung hindi mo pagsagot sa tawag ko… I had to act like I’m hurting. You should give me some credit. Ayoko lang na isipin mo na balewala lang sa akin ang lahat.” Patuloy na pagsisinungaling ko sa kanya.
Maybe I am selfish… but I have to do this.
Naglakad ako para muling tumalikod kay Jahann. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata.
“Why are you lying to me now?” muling hinaklit ni Jahann ang braso ko at pinaharap ako sa kanya. “I’m not lying!” malakas na sabi ko. “Why? You can’t accept it? Sa ating dalawa, ikaw lang ang nagmamahal, Jahann…”
“Stop lying, Cherinna!”
“Sa tingin mo ba magpapakasal ako kay Ian dahil hindi ko siya gusto?” inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko habang nakaharap ako sa kanya.
Kailangan kitang itulak palayo.
For everyone’s sake.
Kailangan ang isa sa atin ang tuluyang bumitiw, Jahann.
“Mahal ko si Ian, iyon ba ang hinihintay mong marinig?” tanong ko sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay braso ko. “You don’t love him, Cherinna. Ako ‘yung mahal mo!” malakas na sigaw niya.
“Just because I said I love you to you? Guess what? I said those words to Ian as well… so, how can you be so sure that I’m in love with you?” hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko.
“You’re not a good liar,” sagot ni Jahann.
“You have to let me go, Jahann…” napayuko ako. “Nahihirapan na ako. Pagod na pagod na ako…” patuloy ang pangangatal ng baba ko habang nagsasalita.
“Walang patutunguhan ang lahat ng ‘to. Walang mangyayari sa relasyon nating dalawa…” nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Hindi tayo magiging masaya.”
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa. “I will fight for you. Kung hindi mo na kayang lumaban, I will fight for us…” bulong ni Jahann.
“Creep, please… don’t leave me…” mahigpit niya akong niyakap.
Umiling ako. “I can no longer fight, Jahann…” mahinang bulong ko sa kanya. “Fighting for this means losing them. I can’t… I don’t want to lose them…” Idinikit ko ang ulo ko sa balikat niya. “Hindi ko kaya…”
“Cherinna…” hinawakan niyang muli ang magkabilang pisngi ko.
Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Jahann.
“You have to give up now…” hinawakan ko ang pisngi niya at pinalis ang luhang naroon. Nanginginig ang kamay ko habang nasa pisngi niya. “The fate played with us already… the game is over, Jahann. Kailangan na natin sumuko…”
Umiling si Jahann. “No. I will never give you up, Cherinna.”
“But I am giving you up…” hilam na ng luha ang mga mata ko nang mag-angat akong muli ng tingin sa kanya. “I need to give you up…”
“Cherinna, you don’t deserve someone like me…” hindi niya binibitawan ang magkabilang pisngi ko. “But I’m trying my best to be the one for you…”
Umiling ako. Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya at inalis iyon sa pagkakahawak sa mga pisngi ko. “No matter how hard we try, hindi tayo pwede. Let’s accept that.”
“Just let me fix everything. Aayusin ko ang lahat, huwag mo lang akong iwan. Huwag mo akong bitawan…” basag ang tinig na sabi ni Jahann.
“You can’t fix something like this…” binitawan ko ang kamay niya. “Magpapakasal ako kay Ian sa ayaw at sa gusto mo…”
Iniiwas ko ang tingin sa kanya at saka ako ngumiti.
“Sana hindi na lang tayo magkapatid, but we’ve been played by fate. We can’t do anything about that. Umuwi na tayo, please. Gusto ko ng magpahinga…” tumalikod na ako sa kanya at bumalik sa sasakyan. Sumandal ako at ipinikit ang mata. Pinakikiramdaman ko ang paligid hanggang sa pagsakay ni Jahann sa sasakyan.
Hindi ako nagsasalita. Nakapikit lang ako habang patuloy ang pagpatak ng luha.
Nang makauwi kami sa bahay ay nakita ko si Daddy na nasa may pinto na tila naghihintay sa amin. Agad akong kinabahan.
Lumapit ako sa kanya.
“Dad, nagpasama lang ako kay Jahann…” maagap kong sabi bago pa man ito magsalita. “I was… uhm… I was bored and I asked Jahann to go with me… para ipagdrive ako… iyon lang po…” kinagat ko ang labi ko para pigilan na naman ang paghikbi ko.
“Umakyat ka na at magpahinga…” sabi nito sa akin. Nilingon ko si Jahann na naiwang nakatayo sa tabi ng sasakyan nito at hindi nakatingin sa akin.
Marahan akong tumango at humalik sa pisngi nito. “Goodnight, Dad…” paalam ko sa kanya bago pumasok sa loob ng bahay.
“Let’s talk, Jahann…”
Narinig kong sabi ni Daddy bago ako tuluyang umakyat.
“Are you really sure about this?” tanong ni Aly sa akin habang inaayusan ako. Kapag ganitong may pagka-fit ang suot kong damit ay nababakas ang maliit na umbok sa tiyan ko. Nakatayo ako habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin.
Kung noong dumating si Jahann ay halos mag-iwasan kami, simula nang gabing iyon ay bihira na kaming magkita. Paggising ko ay nakaalis na siya at pagtulog ko’y wala pa rin siya.
“Ngayon pa ba ako aatras? Naka-gown na ako…” ngumiti ako sa kanya. Wala naman akong magagawa kung hindi ang tanggapin ang kapalaran ko. Magpapakasal ako kay Ian, iyon ang totoo.
“Mamimiss kita…” niyakap niya ako ng mahigpit.
“Aly, ‘yung tiyan ko…” natatawang saway ko sa kanya.
“Sorry…” hinging paumanhin niya bago yumukod upang magpantay ang mukha niya at ang tiyan ko.
“Baby, I’m your Tita Ninang…” ngumiti si Aly sa akin. “Wag mong papahirapan si Mommy mo, ah? Lagot ka talaga sa akin kapag nahirapan siya sa’yo…”
Ngumiti ako.
“I’m going to miss your mom. My roommate, my cook, my caregiver,” sinundan niya iyon ng pagtawa. “My other half…” nangilid ang luha sa mga mata ko. “Since you’re a part of Cherinna, sige, 1/3 ka na naming dalawa, ha?” hinawakan ni Aly ang tiyan ko. “Mahal na mahal ka na naming lahat kaagad…” dagdag pa nito.
I am sure, kung sakaling alam ni Jahann ang tungkol sa anak namin, walang pagsidlan din ang kasiyahang mararamdaman niya. Sigurado akong mamahalin niya ng husto ang bata.
Nag-angat ng tingin sa akin si Aly at nagsalubong ang mga kilay nito nang makitang umiiyak ako. “Why are you crying?” nag-aalalang tanong nito bago ako hinawakan sa magkabilang pisngi. Kumuha ito ng tissue at agad na maingat na pinunasan ang pisngi ko.
“I don’t really know what’s happening, but I’m always here for you, okay? Before anyone else, tayong dalawa na ang magkasama…” ngumiti siya sa akin. Alam kong pilit lang na nilalabanan ni Aly ang nararamdaman. Nakikita ko ang pamumula ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. “Mahal na mahal kita, Cherinna…” niyakap niya ako ng mahigpit.
Hindi ko naman napigilan ang mahinang pagtawa sa kabila ng pagtulo ng luha ko. “Ikakasal ako, hindi ako ililibing…” pagbibiro ko dito pero hindi niya ako binitawan. Nakayakap lang sa akin ng mahigpit si Aly. “Mamimiss talaga kita…” bulong niya sa akin.
“I’m going to miss you, too…” sagot ko.
Maya-maya ay pumasok si Mommy kasama si Daddy. Pormal ang mukha ni Daddy habang nababakas ko ang lungkot sa mukha ni Mommy.
Pilit akong ngumiti.
“Everything’s ready?” tanong ko sa kanila. Lumapit sa akin si Mommy at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. “You’re so pretty, Cherinna…” ngumiti siya sa akin. Hindi ako nagsalita. I can’t blame her for asking me to marry Ian. Kasalanan ko naman kung bakit ako nalagay sa isang sitwasyong mahihirapan na akong umalis. She wants the best for me, pero sinira ko ang pangarap niyang iyon para sa akin.
“Mom, didiretso na raw sa simbahan sila Tito Hunter at Tito Thunder. Doon na lang daw magkita ang lahat,” sabi naman ni Aly na nagpupunas pa rin ng tissue sa mukha.
Just like what I asked them, simple ang kasal na gagawin. Invited si Kevyn kaya naman pinakiusapan ko itong ilihim ang lakad na iyon upang walang sasamang reporter dito na manggugulo.
“Where is Jahann, Love?” tanong ni Mommy kay Daddy. Luminga-linga ito. “Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw…”
“Mika, we need to take pictures na…” ani Tito Dale sa amin. Tumango naman si Mommy at hinawakan ako. Ilang pictures pa ang kinuhanan kasama ang pamilya ko, si Jahann ay hindi malaman kung nasaan.
“Aly, you’ll go with Dean, si Dale ang kasama namin sa sasakyan…” ani Daddy habang pababa kami. Hawak niya ang siko ko.
“Dad, may sasakyan naman ako, bakit sasabay ako ‘don? Tsaka ang laki ng sasakyang dala niya, dalawa lang kami…” nagmamaktol na sabi ni Aly.
“Akala mo naman gusto kitang kasabay,” nakasimangot namang sabi ni Dean na ibinaba muna ang hawak na camera. Aly just rolled her eyes. Sinaway lang ito ni Daddy at sinabihan na kay Dean sumabay kaya wala itong nagawa.
Habang nasa sasakyan kami ay nakatingin lang ako sa mga bulaklak na hawak ko.
Wala na talagang atrasan.
Kinukuhanan kami ng video ni Tito Dale kaya pinipilit kong ngumiti habang nasa biyahe kami pero mas madalas ay nakayuko lang ako.
May kalayuan ang simbahang napili namin pero hindi naman kami inabot ng traffic sa daan. May halos tatlumpung-minuto pa bago magsimula ang kasal nang dumating kami.
“I’ll check on Mommy. Dito ka muna, Cherinna…” paalam ni Mommy sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Hindi ako halos makapagsalita.
Nakatingin ako sa labas. May mga mangilan-ngilang bisitang naroon at tila naghihintay na magsimula ang kasal.
“Kerko, I’ll check on the tapes. Para maayos lahat ng kuha…” paalam ni Tito Dale sa amin. Ngumiti siya sa akin bago lumabas. Tumingin si Daddy sa labas. Ibinaba nito ang salamin ng bintana nang kumatok ang coordinator ng kasal.
“Good morning, Mr. Anderson. Is the bride ready?” tanong nito habang nakangiti.
“Why?” tanong pabalik ni Daddy dito.
“Iaayos na namin ang lahat, we’ll start in twenty minutes, is that okay?” tumingin siya sa akin at ngumiti. Hindi ko magawang suklian din siya ng ngiti. Nanlalamig ang kamay ko sa pagtingin ko sa simbahan.
Ikakasal na talaga ako.
“Yeah, sure…” iyon lang at muling isinara ni Daddy ang bintana ng sasakyan. Nakita ko ang pagkabigla sa coordinator pero wala naman itong nagawa.
Sumandal ako at pumikit.
You’re doing the right thing, Cherinna…
You’re doing this for Jahann, too.
“Iwan mo muna kami,” narinig ko ang boses ni Daddy. Napamulat ako at nakita ko ang paglabas ng sasakyan ng kasama naming driver. Napalingon ako kay Daddy.
He looked at me and sighed. “You don’t want this wedding, right?” tanong niya sa akin na seryoso ang mukha.
“Daddy…”
“Just answer me honestly, Cherinna…”
Napayuko ako bago tumango. “Ayokong magpakasal…” pumatak ang luha sa mga mata ko. “Ayokong ikasal ako, Daddy…” ang pinipigilan kong emosyon ay tuluyan nang humulagpos.
Huminga ng malalim si Daddy. “How foolish…” iiling-iling na sinabi nito bago muling lumingon sa akin. “You’re not going in there. Wait for me here,” sabi nito bago lumabas ng sasakyan at lumapit sa cordinator na sinaraduhan nito ng pinto. Nakita ko ang pagkagulat sa mata nito at napatingin sa sasakyang kinaroroonan ko.
Matapos magsalita ni Daddy ay agad itong pumasok sa loob at sumakay sa driver’s seat.
“Daddy…”
May kinuha ito sa loob ng coat na suot at inabot sa akin. Nagtataka man ay inabot ko iyon.
It was a letter from Jahann.
May tinawagan si Daddy sa phone nito. Nabosesan ko si Tito Dale sa kabilang linya “Bring Mikaela and Aly home. Kapag may nangyari sa asawa ko, papatayin kita…” then he ended the call.
Napalingon ako nang makita ko ang paglabas ni Ian sa simbahan.
Tumakbo ito papalapit sa sasakyan pero nagsimula na iyong paandarin ni Daddy. Napalingon ako nang makita ko rin si Mommy na gulat na gulat sa ginawa ni Daddy.
“Dad…” nagtatanong ang mga mata kong tinignan ko siya. Nilingon niya ako sa rearview mirror.
“You don’t have t get married. You have us, your baby will be fine,” sagot niya sa malamig na tinig.
Napatingin ako sulat na ibinigay sa akin ni Daddy.
Nanginginig ang kamay ko nang buksan ko iyon.
Nag-angat akong muli ng tingin sa kanya.
“Where is Jahann?” halos pumiyok ako sa pagtatanong dito.
Humigpit ang hawak ni Daddy sa manibela bago sumagot sa akin.
“He left.”
Nanghihinang napasandal ako.
I looked at his letter again. One word caught my attention.
The game isn’t over.
===============
Watch out for Played By Fate Book 2 : Serpentine Fate
I will also upload it here on NovelNow.
Thank you!
Love, Mims