"ANO?" si Aria na napatayo sa kinauupuan nang makatanggap ito ng tawag mula sa nanay niya kinagabihan.
Concerned na nilingon siya ni James na nang mga sandaling iyon ay abala sa harapan ng manibela. Kagagaling lang nila sa opisina. Kakain lang muna sila at pagkatapos ay uuwi na ng San Benjamin.
"Sige po, kayo na ang bahala. Kung hindi pa siya titigil ireklamo na ninyo sa pulis o kahiy sa barangay para matakot. Pero pakisabi kay Anya na mag-iingat siya," aniya sa nag-aalalang tono.
"What is it?" si James matapos niyang makipag-usap kay Cita sa kabilang linya.
"Inabangan raw ni Norman kanina si Anya sa school. Hindi naman daw nagsungit pero kasi nga takot na sa kanya si Anya hindi siya pumayag na makipag-usap dito," aniya sa worried na tono.
Tumango-tango si James saka pagkatapos nilingon siya. "I think much better kung bibigyan natin ng security ang pamilya mo."
Nagsalubong ang mga kilay ni Aria sa narinig? "Security?" ang naguguluhan niyang tanong.
"Ako na ang bahala. Bukas maayos na ang lahat. Ayoko lang ng nag-iisip ka at baka makasama iyan sa baby natin. As for you, kailangan lagi kitang kasama. Alam kong hindi ka papayag na bigyan kita ng bodyguard so ako nalang ang magbabantay sa'yo," anitong kinindatan siya pagkatapos.
Hindi napigilan ni Aria ang kiligin sa ginawing iyon ni James kaya agad siyang napangiti. "Baliw ka talaga," aniya pang napahagikhik pagkuwan.
"Baliw naman talaga ako eh. Baliw sa'yo," anitong matamis pa siyang nginitian pagkatapos. "by the way, saan mo gustong kumain?"
Nagkibit ng mga balikat niya si Aria saka sumagot. "Kahit saan, ikaw na ang bahala," sagot niya.
SEAFOOD restaurant ang kinainan nila ni James. Sa dulong bahagi ng kainan ang pinili nilang mesa kaya hindi nila kita ang babaeng matatalim ang mga matang nakatitig sa kaniya.
"Walang hiya ka, mas pinili mo pa ang bwisit na iyan kaysa sa'kin. Hayop!" sa nag-iinit na nga mata ay galit na naibulony iyon ni Paula.
"Hindi ako papayag! Gaganti ako, hindi ka pwedeng maging masaya kasi ginawa mong malungkot ang buhay ko!" pagpapatuloy ni Paula na tuluyan na ngang napaiyak dahil sa nararamdamang galit at selos.
"MUKHANG matagal pa naman iyong order natin, magsi-CR muna ako," paalam ni Aria kay James.
"Okay, gusto mo bang samahan kita?" tanong pa nito kaya natawa si Aria.
"Seriously?" aniya.
Natawa narin doon si James. "Sa labas lang ako syempre," sagot nito.
"Hindi na, okay lang ako," paniniyak niya saka tumayo bitbit ang shoulder bag nito.
NANG makita ni Paula na tumayo si Aria papunta sa direksyon ng CR ay sinundan niya ito.
"Humanda ka ngayon sakin malandi kang babae ka," ang kabilang bahagi ng isipan niya.
SAKTONG kalalabas lang ni Aria ng cubicle nang pumasok naman sa CR ang isang pamilyar na mukhang nagpabilis ng tahip ng kanyang dibdib.
Nag-alangan siyang ngitian ito mula sa repleksyon nito sa malaking salamin gawa narin ng masamang pagkakatitig nito sa kanya.
"Ang swerte ko naman ngayon," sarkastiko nitong sabi saka diniinan ang lock ng knob.
Lalong nagtumindi ang takot sa dibdib ni Aria kaya minabuti niyang lumabas nalang ng banyo pero mabilis na nahagip ng babae ang braso niya.
"At saan ka pupunta?" mapanganib ang ngiting pumunit sa namumula nitong labi dahil sa lipstick.
"Bitiwan mo ako!" ang mariin niyang sabi saka sapilitang binawi ang braso niya mula rito pero hindi iyon pinakawalan ni Paula at sa halip ay mas hinigpitan pa ang pagkakahawak doob.
"Ayoko!Kinuha mo si James sakin! Inagaw mo siya!" ang galit na galit nitong sabi.
Noon na tuluyang napikon si Aria kaya malakas niyang itinulak si Paula na napaupo pa sa sahig ng palikura. "Sinabi ko nang bitiwan mo ako eh!" aniya pa.
Lalong nanlisik ang mga mata ng babae na nagmamadaling tumayo bago pa man naabot ni Aria ang knob ng pinto.
"Punyeta ka! At saan ka pupunta? Akala mo makakatakas ka sa akin ha!" ang galit na galit nitong sigaw saka siya sinimulang sabunutan ng sabunutan.
Agad na napatili si Aria gawa ng pagkabigla. Ang bata sa sinapupunan niya ang unang pumasok sa isipan niya kaya pinagsikapan niyang makawala mula sa mahigpit na pagkakasabunot ni Paula sa buhok niya.
"Saklolo, tulong! James tulungan mo ako!" aniyang hinawakan ang kanay ni Paula na sige parin sa pagsabunot sa kaniya.
"Malandi ka! Mang-aagaw! Akala mo makakatakas ka sa'kin? Kakalbuhin kita! Kakalbuhin kita!" ang paulit-ulit na sigaw sa kanya ni Paula saka siya malakas na itulak sa sahig pagkatapos.
Napaiyak si Aria nang maramdaman niya ang gumuhit na matinding sakit sa kanyang balakang. Kasabay niyon ang naramdaman niya mainit na likidong umagos mula sa kanya.
"Dugo? Diyos ko, ang a-anak ko" aniyang napahagulhol nang makita ang malakas na agos ng dugo mula sa kanya.
"ARIA! My God anong nangyari?" nawalang ng kulay ang mukha ni James nang mabungaran ang eksena sa banyo kung saan nakaupo sa sulok si Aria habang duguan ang kulay dilaw na bestidang suot nito.
Magulo ang buhok at takot na takot na umiiyak. "Love," aniyang nilapitan ito saka nagmamadaling pinangkong.
"J-James!" nakalabas na siya nang marinig ang boses ni Paula na tinitigan niya ng masama.
"I'm sorry pero pagbabayaran mo ang ginawa mong ito at walang makakapigil sa'kin, kahit na sino," aniya. "kayo na ang bahala sa kanya," aniya pa sa OIC guard na tumango lang sa bilin niya.
"James, ang baby natin," ang umiiyak at nagpapanic na winika ni Aria.
"Hindi, everything will be okay. Basta lumaban ka lang" aniyang itinakbo na ang dalaga sa pinaka malapit na ospital pagkatapos.
"JAMES?" nagising si Aria kinabukasan na nasa isang pribadong kwarto na.
Sa gilid ng kanyang kama nagisingan niyang nakadukmo ang isang pamilyar na lalaking nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso.
Hinaplos niya ang buhok nito ng buong pagmamahal saka muling tinawag sa pangalan nito ang lalaki.
"James..."
Pupungas-pungas na itinaas nito ang ulo saka agad na umaliwas ang bukas ng mukha nang magisingan siya.
"Hey," ang nakangiting winika ni James na napatayo pa saka masuyong dinampian ng halik ang kaniyang noo. "kumusta na ang pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin?" ang magkakasunod nitong tanong sa kanya.
"Ang baby natin?" iyon ang sa halip ay isinagot niya.
Nang ngitian siya ni James nang may kakaibang kislap sa mga mata ay agad na nagluwag ang dibdib ng dalaga. "Okay siya. Ang sabi ng doktor mga four days to one week pwede ka ng lumabas. Sa ngayon bed rest ka muna dito."
Tumango siya saka muling nagsalita. "Si Paula?"
Nakita niyang nagpakawala ng buntong hininga si James dahil sa tanong na iyon. "Did I mention na bawal ma-stress? Ah hindi pa nga pala, so bawal ang stress sayo kayo sana iwasan mo muna ang mag-isip" iyon ang sa halip ay isinagot sa kanya ni James.
Pumalatak si Aria. "Nasaan na nga siya?" giit ng dalaga.
Noon naihilamos ng binata ang dalawang kamay sa mukha nito. "Kung saan dapat," ang maikling sagot ng binata.