"JAMES?" si Aria nang marinig ang boses ng binata sa kabilang linya.
"Aria, sweetheart napatawag ka? Pasensya na nasa meeting ako kanina kaya hindi ko nasagot iyong mga calls mo" paliwanag pa nito.
"Pupuntahan ko si Norman" ang sa halip ay isinagot niya nang saktong makapara ng taxi.
"No! Anong gagawin mo doon? Hindi pwede!" ang magkakasunod at matigas na tanggi ng binata.
Napaiyak na noon ang dalaga. "Kinuha niya si Janna" aniyang napahagulhol.
"Ano?" ang hintakot na tanong ng binata sa kabilang linya.
Sumighot siya saka muling kinawayan ang paparating na taxi. "Makinig ka, ite-text ko sa'yo iyong address kung saan kami magkikita. Puntahan mo ako doon, magsama ka ng pulis" sa huling sinabi ay napahagulhol na siya ng iyak.
"Please, hintayin mo ako, pupuntahan kita diyan" pakiusap sa kanya ng binata.
"Hindi na" aniyang inayos ang sarili nang muli ay lampasan siya ng pinapara niyang taxi. "kailangang ako lang daw. Baka kung anong gawin niya sa bata. Basta sumunod ka nalang ASAP. And isa pa, for sure kukunin niya itong phone ko, io-off ko nalang para hindi niya malaman na nag-usap tayo" aniya.
Nang sumang-ayon si James ay mabilis niyang ipinadala sa binata ang sinasabi niyang address. Pagkatapos ay si Janna naman ang tinawagan niya.
Katulad ng naging reaksyon ni James, ayaw rin nitong makipagkita siya sa lalaki. At katulad rin ng sinabi niya sa nobyo. Kailangang mabawi muna niya ang bata bago nila ipahuli sa pulis si Norman.
"TITA Aria!" malakas na tawag sa kanya ni Janna nang marating niya ang address ng bakanteng kwarto na ibinigay sa kanya ni Norman kanina.
Patakbong nilapitan ng dalaga ang bata na noon ay nakaupo sa isang plastic na silya kung saan ito nakatali. "I'm sorry baby, kasalan ko ito" aniyang napaiyak nang mamataan ang namumulang braso at kamay ng bata gawa ng mahigpit nitong pagkakatali.
"Mabuti naman at nandito kana pala" mula sa kung saan ay sumulpot ang isang pamilyar na bultong nagpatindi ng takot na nararamdaman ng dalaga. "kailangan ka pa talagang painan para magpakita!" pagpapatuloy ni Norman na nagpatuloy pa sa paghakbang palapit sa kanya. "ibigay mo sakin ang telepono mo!" dugtong pa nito.
Mabilis siyang tumayo saka iniharang ang sarili sa bata. Pagkatapos ay madaling hinablot ang kanyang shoulder bag na alam niyang hindi na nito ibabalik sa kanya. "Nandito na ako, pakawalan mo na ang bata" aniyang tinuyo ang mukha saka tinitigan ang dating nobyo.
Umangat ang sulok ng labi ni Norman sa sinabi niyang iyon. "Sa tingin mo ganoon lang kadali iyon?" anito umakmang hahawakan siya sa mukha pero mabilis siyang nakaiwas.
"Don't you dare touch me!" ang galit na galit niyang sabi.
Tinawanan lang siya ng lalaki saka pagkatapos ay mabilis na hinila ang braso niya saka siya mahigpit na niyakap. "Kahit asawahin kita ngayon dito walang magagawa ang batang iyan. Kaya makisama ka!" anitong inilapit ng husto ang mukha sa kanya.
Noon niya pilit na pinakawalan ang sarili mula kay Norman. "Ano ba tinatakot mo ang bata!" nang makawala ay saka niya nilapitan ang umiiyak nang si Janna. "tama na, uuwi na tayo. Huwag kang mag-aalala, ihahatid kita sa Mommy mo" alo niya rito.
Ilang sandali pagkatapos ay kinalagan na ni Norman ang bata. "Dito lang kayo. Kukuha ako ng taxi" ang binatang lumabas ng kwarto pagkatapos.
Noon nakasilip ng pagkakataon si Aria. Nagmamadali niyang isinilid sa loob ng bag ang sulat na ginawa niya para kay Jocel na itinago pa niya sa likurang bulsa ng suot niyang pantalon.
"Listen, ibigay mo sa mommy mo ang sulat na ito okay? And tell her to call the police as soon as possible" bulong niya sa bata na magkakasunod namang tumango. "don't cry" aniya rito nang magsimulang umiyak ang bata.
"Pero Tita, paano na si baby?" takot ang nasa mga mata ni Janna kaya mabilis na nag-init ang mga mata niya.
AGAD na napigil ang mga hakbang ni Norman na nasa labas ng kwarto nang marinig ang boses ni Aria na nagsasalita sa karaniwan na nitong mahinahon at malambing na tono.
"Mabait si Tito Norman baby, hindi niya ako sasaktan. Galit lang siya kaya nagawa niya ang lahat ng ito. Pero kapag nawala na ang galit niya, alam ko babalik siya sa dati" humaplos ang sinabing iyon ni Aria sa puso niya. Pero saglit lang iyon, dahil mas pinili niyang alisin iyon at sa halip ay papanatiliin ang galit at poot sa kanyang dibdib.
"HALIKA na!" si Norman na hinablot ang braso niya patayo dahilan kaya napaiyak ang bata sa takot.
"Dahan-dahan naman!" ang galit niyang sabi sa binata saka isinuot sa bata ang backpack nito. "ihahatid ko siya!" ang mariin niyang sabi.
"At ikaw pa talaga ang nagsabi ng ganyan sakin?" si Norman na nakakalokong tumawa.
"Paano kung hindi siya ihatid ng taxi driver sa address na napag-usapan?" giit niya habang sa nakikiusap na tono.
"At sinong nagsabing siya ang ihahatid ng driver?" ang nakakalokong tawa ng lalaki.
Nanlaki ang mga mata ni Aria sa narinig. "A-Anong ibig mong sabihin?"
"Akala mo ba tanga ako?" anitong hinablot ang braso niya saka siya kinuyumos ng halik sa mga labi pagkatapos. "itatanan na kita" nang pakawalan nito ang mga labi niya saka siya sinimulang kaladkarin palabas ng kwarto.
Noon nagsimulang maghisterya si Aria. Ngayon niya napatunayan na totoo nga ang sinasabi ni James. Hindi na nag-iisip si Norman at nilamon na nga ng galit at selos ang dibdib nito.
"Walanghiya ka bitiwan mo ako! Hayop! Hayop ka!" aniyang pilit na binabawi ang sariling braso mula sa lalaki pero lalo lang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.
"Sige!" ang binatang inilabas mula sa likuran ng suot nitong pantalon ang isang balisong. "kung magpupumilit ka, magmimistulong Romeo and Juliet tayong dalawa. Aabutan nila tayong malamig na bangkay!"
Tigalgal na natigilan si Aria dahil doon. Pagkatapos ay parang robot siyang kusang napasunod sa lalaki. Dinig na dinig niya ang malakas na pag-iyak ni Janna. Umiiyak narin naman siya pero pinipigilan parin niya ang mapahagulhol.
"Gawin mong normal ang mga kilos mo, naiintindihan mo?" asik sa kanya ni Norman nang palabas na sila ng gate.
Agad na siyang pinasakay ni Norman sa passenger's seat ng kotse. Pagkatapos ay umikot ito saka tinutukan ng balisong ang taxi driver. Noon na nakahanap ng tiyempo si Aria. Mabilis niyang itinulak pabukas ang pintuan ng sasakyan saka nagsisigaw at humingi ng tulong.
Noon na nataranta si Norman na nawala sa focus na pagtatakang karnapin ang sasakyan sa taxi driver kaya hindi nito napaghandaan nang undayan siya ng malakas na suntok sa mukha ng lalaki.
"ARIA? Oh god hayun siya! Stop the mobile there's my wife?" si James nang mamataan sa gilid ng kalsada ang isang babaing patakbo habang sumigsigaw at humihingi ng tulong.
"James!" nang mamataan siya nito ay mabilis na tumakbo payakap sa kanya ang dalaga. "si Janna, tulungan natin si Janna!" anitong takot na takot na umiiyak.
Tumango siya ng magkakasunod saka pagkatapos ay muling niyakap ng mahigpit ang dalaga. "Sinaktan ka ba niya? Tell me, anong ginawa niya sa'yo?" galit ang mabilis niyang naramdaman nang mamataan si Norman na ngayon ay hawak na ng mga pulis habang duguan ang mukha at basag ang nguso.
"Tarantado ka! Idadamay mo pa ako! Animal ka hindi ko palalampasin ang ginawa mong ito! Gago!" ang galit na galit na mura ng lalaking taxi driver kay Norman.
"Ikaw ang bugok!" ganti nitong sagot sa driver. "at ikaw!" siya naman ngayon ang hinarap ng lalaki nang tangka na itong isasakay sa mobile ng mga pulis. "sinira mo ang buhay ko! Kasalanan mo ito! Tandaan mo! Oras na makalabas ako dito babalikan kita! Hindi ko kayo patatahimikin! Kayong dalawa!" galit na galit na sigaw ni Norman sa kanya.
Takot na napaiyak doon si Aria saka isiniksik ang sarili sa tagiliran ni James. "Kapag nakalabas ako, babalikan ko kayo! Guguluhin ko ang buhay ninyo!" patuloy na banta ni Norman hanggang sa tuluyan na nga itong naisakay ng mga pulis sa loob ng police mobile.
"Aria!" si Jocel na umiiyak siyang niyakap. Kasama na nito ngayon ang anak na si Janna na gaya nito ay luhaa din.
"Okay ka lang?" tanong ng matalik na kaibigan niya sa kanya.
Tumango siya saka ito niyakap. "Pasensya kana, nadamay pa tuloy si Janna" aniyang umiiyak.
Suminghot si Jocel saka kumawala sa pagkakayakap niya. "Okay na, wala na siya, matatahimik na kayo ni sir James" anitong sinulyapan ang lalaking nakamata lang sa kanila.
"James," pagtatama nito.
Natawa doon si Jocel. "Kapag wala sa trabaho, okay, James" anito.
"Let's go home?" ilang sandali ay niyakap siyang muli ng binata.
Ngumiti siya saka gumanti ng mahigpit ring yakap sa lalaki. "In your arms, I am home," sagot niya.