EIGHTEEN YEARS OLD si James Salgado nang matanggap niya sa kanyang sarili na hindi na magbabago ang buhay niya. Sa panahong iyon tuluyan na siyang pinamigay ni Vivian Dela Torre sa mga kaibigan nito dahil nakahanap na ito ng ibang lalaking karelasyon. Umalis na rin siya sa mansiyon ng mga ito dahil hindi na niya kailangan mag hardinero para buhayin ang sarili at ang kapatid na si Martin. He became a manwhore exclusively for a group of old women bored with their billionaire husbands. He hated every moment of it but at least he earned a lot of money.
Pero katulad ni Vivian may violent kink din ang mga kaibigan nito. Habang tumatagal kapag nakikipagtalik siya sa mga ito nagkakasakitan na sila. Madalas kapag umuuwi si James sa apartment nila na gising pa si Martin dahil nag-aaral pa, napapansin nito ang mga pasa at kalmot sa katawan niya. Palagi siya magpapalusot pero matalino ang kapatid niya. Higit sa lahat hindi na ito ang twelve years old na batang sakitin. Nakakahalata na itong may tinatago siya.
One day James decided to quit what he was doing with women. But when he told them about it they laughed at him and became even more violent during sex. Para nilang pinaikutan ng invisible na kadena ang buo niyang katawan, pahigpit ng pahigpit na para bang balak lang siyang pakawalan ng mga ito kapag hindi na siya humihinga. If not for Martin he must have killed himself already. That was how dirty, broken and insignificant he felt back then.
Isang gabi nag escort siya sa isa sa mga kaibigan ni Vivian. Birthday party raw ng isang mayamang babae sa isang five star hotel. Laney Smith ang pangalan ng celebrant, thirty five years old at biyuda ng isang mayamang American Diplomat. Pinay by blood pero pinanganak at lumaki sa Amerika. Tumatak sa isip ni James ang babae kasi hindi ito mukhang masaya sa birthday party nito na mga kaibigan pala ang nag organisa.
Alas onse pa lang ng gabi noon nang biglang mapasinghap ang matandang babaeng kasama niya sa party. Nagulat pa nga siya nang bigla itong bumitaw sa braso niya at humakbang paatras habang namumutlang nakatutok ang tingin sa entrada ng venue. Iyon pala dumating pati ang asawa nito kasama ang ilang business partners. Open secret na nagtataksil ito sa asawa pero mukhang bawal sa social circle ng mga ito na magtagpo ang asawa at kabit. Kaya tarantang pinaalis siya ng babae na walang pagdadalawang isip niyang sinunod. He wanted to get out of that party as fast as he can anyway.
Paglabas ni James sa venue bigla niya napansin ang nakabukas na French doors papunta sa terrace garden ng floor kung nasaan sila. Hindi niya alam kung bakit hindi na lang siya tumalikod nang may makita siyang tao roon pero natagpuan niya ang sariling lumapit sa terrace garden. Nakatayo roon si Laney Smith, nakaharap sa overlooking view ng siyudad at halata sa pagyugyog ng mga balikat na umiiyak ito.
“Do you want to get out of here so you can cry your hearts out without people judging you?” Iyon ang unang mga salitang sinabi ni James kay Laney. Sandali lang ito nagulat nang lumingon sa kaniya at tinanong siya kung paano raw ang babaeng kasama niya. Kaya nagkibit balikat siya at kaswal na sinabing, “Her husband arrived.”
Hinintay niya na dumaan ang pagkagulat, pandidiri o interes sa mukha ni Laney pero hindi niya nakita ang mga iyon. Sa halip marahan lang itong tumango. “Okay. Let’s get out of here.”
Hindi naniniwala si James sa konsepto ng tadhana. Pero sa tingin niya iyon ang nangyari nang makilala niya si Laney Smith. He grew up surrounded by shitty and abusive adults so meeting her was something both refreshing and terrifying. Nang gabing dalhin siya nito sa bahay nito akala niya sex rin ang kailangan nito sa kaniya. Pero mali siya. Gusto lang daw nito ng kausap at imposibleng may maramdaman daw ito kahit katiting na pagnanasa lang para sa ibang lalaki. She was a kindhearted woman who loves her dead husband so dearly. Namangha pa nga si James na may ganoon palang klase ng pagmamahal. Hindi kasi ganoon ang mga babaeng nakilala niya.
Hanggang ang isang gabi niya sa bahay nito ay dumalas ng dumalas. Narealize na lang niya nakahanap siya ng refuge sa tabi ni Laney. Nasabi niya rito ang mga bagay na dati kinikimkim lang niya sa loob niya kasi hindi niya puwede sabihin kay Martin. Nagalit at umiyak ito para sa kaniya nang malaman ang mga pinagdaanan niya. She even offered to take legal actions against Vivian and her friends. Child abuse daw ang ginawa ng mga ito sa kaniya. Pero tumanggi siya sa alok nito dahil kapag dinaan niya sa legal na paraan ang lahat malalaman ni Martin ang tungkol sa naging buhay niyang pilit niya itinago rito. Kaya sinabi ni Laney na gagawa ito ng paraan para maiganti siya sa mga umabuso at gumamit sa kaniya.
“My husband had a lot of connections and he was a powerful person. Leave it to me, James. I will free you from their clutches”
Nginitian niya si Laney nang sabihin nito iyon pero hindi siya masyado naniwala. Masyado na siyang jaded noon at ilang beses na nakatanggap ng empty promises para umasang gagawin nito ang sinabi. Kaya nagulat siya nang bigla na lang hindi na nagparamdam sa kaniya si Vivian Dela Torre at ang mga kaibigan nito. At nang minsang makasalubong ni James ang mga ito sa isang high-end mall nang samahan niya si Laney mag shopping, namutla ang mga ito at halatang natakot nang makita sila.
“Anong ginawa mo sa kanila?”
Matamis lang na ngumiti si Laney. “Oh, nothing much. I just made sure they will never get near you again kahit na wala na ako sa tabi mo. Ayaw mo sila kasuhan kaya ako na ang gumawa ng paraan para iganti ka sa kanila.”
Natigilan si James noon. “Bakit saan ka pupunta?”
Nagkibit balikat lang ang nakatatandang babae pero hindi siya sinagot. She never answered that question even during the next few weeks that they were almost always together. Mas natuon ang atensiyon ni Laney sa pagbibigay ng payo sa kaniya. Na kailangan daw niya mag-aral uli. Na kung ayaw niya pumasok sa mismong university puwede raw siya mag take-up ng online courses. Na huwag na raw uli siya makikipagrelasyon sa mga babaeng gusto lang siya gamitin. Na mas maganda kung malinis na paraan galing ang perang binibigay niya sa kapatid niya.
Si Laney ang dahilan kaya nakilala niya ang talent scout na nag recruit sa kaniya para maging modelo. Ang babae ang nag encourage sa kaniya na sumabak sa career na iyon. “Better than pleasuring old women when you don’t even enjoy doing it,” katwiran pa nito.
Kaya naging modelo si James. And really it was an easier job than being a manwhore. Malaki rin ang kita at tama si Laney na malinis ang perang pinangtutustos niya kay Martin. Noong una nag-alala siya na baka mahalungkat ang personal niyang buhay at ang nakaraan niya. Pero pati iyon nagawan ng paraan ni Laney. Hindi niya alam kung ilang tao at gaano kalaking halaga ang ginamit nito pero kahit anong gawin ng mga reporter at ibang tao walang mahalungkat tungkol sa buhay niya.
Ilang buwan lang dumami ng dumami ang job offers niya at naging hectic ang schedule na araw-araw paidlip-idlip lang siya matulog. Ni hindi na niya masyado makontak si Martin at Laney dahil busy siya masyado. Palibhasa walang trabahong tinatanggihang si James. Hindi naman kasi niya alam kung hanggang kailan siya magiging in demand.
Kapag nagkakaroon siya ng araw na walang trabaho masyado naman siyang pagod kaya huli na nang mapansin ni James na may nagbabago sa disposisyon ni Laney. Hindi niya napansin agad na pumapayat ito, na lumalalim ang eyebags nito at nagiging maputla na ito. Saka lang niya napansin nang isang gabing mag dinner sila at yakapin siya nito ng mahigpit. Nang gumanti siya ng yakap narealize niyang ang payat at parang ang fragile nito sa mga bisig niya.
Lalo siya nabahala nang tumingala ito, ikulong sa mga kamay ang magkabilang pisngi niya at sincere na sinabing, “I’m happy to see that you look better now than the first time I met you. Modeling suits you, James. Don’t go back to what you were before okay? Don’t sell yourself for money. Don’t allow anyone to use you and break you. Don’t allow darkness to overwhelm your soul. And someday, find a woman you will really care about and who will really care for you. Find love, James.”
Tinawanan lang niya ito nang gabing iyon kasi hindi siya naniniwalang posibleng may makilala siyang babae na katulad ng sinasabi nito. Mas lalong hindi rin siya naniniwalang para sa kaniya ang pag-ibig na sinasabi nito. He doesn’t even like people in general aside from Martin and Laney.
“Promise me,” giit ng nakatatandang babae.
Hindi siya sincere nang gabing iyon pero tumango siya at nangako. Ngumiti si Laney at kahit ang ngiting iyon ay matamlay. Sa isip ni James nangako siyang kukulitin ito kung ano ba talaga ang problema sa susunod na magkita sila. Pero hindi na nagkaroon ng next time. Kasi one week later nalaman na lang niyang nag migrate na sa amerika si Laney. Binenta na nito lahat ng ari-arian sa Pilipinas at sa tulong ng abogado nito isang sulat lang ang iniwan sa kaniya ng babae.
Isa lang iyong simpleng pamamaalam at pangako na kahit wala na ito sa Pilipinas protektado pa rin siya nito. At totoo naman iyon dahil hindi na talaga lumapit sa kaniya ang mga kaibigan ni Vivian. Nanatili ring misteryo ang buhay ni James bago siya naging modelo.
Ayos lang sana sa kaniya kahit hindi na sila magkita basta lang alam niyang masaya ito kung saan man ito naroroon. Pero ilang buwan lang pagkatapos niyon, sa panahong papunta na si James sa tugatog ng modeling career niya at unti-unti na nabubuo ang sarili kahit papaano, may ibinalita ang abogado ni Laney.
Laney was found dead inside the bathroom of her house in Chicago. Ayon sa mga pulis, suicide daw ang nangyari. James got devastated. Hindi niya inaasahan pero nang malaman niyang wala na ang babae para rin siyang namatay. Narealize niya na habang tinutulungan siya nitong makawala sa kadiliman at makapagsimula ng mas maayos na buhay, may sarili rin itong mga demonyong pilit nilalabanan. She saved him but he was not able to save her…