“JAMES? James.”
Dahan-dahang dumilat si James nang marinig ang pagtawag ni Dr. Silva sa pangalan niya. Hindi niya alam kung nakatulog ba siya o masyado siyang na-immerse sa pagbabalik tanaw.
“Are you okay?”
Kumurap siya at dahan-dahang nilingon ang doktor. “Bakit?”
“Ilang beses na natin napag-usapan si Laney Smith. But this is the first time you allowed yourself to really get in too deep in remembering her. At lately, napapansin kong may naiiba sa ‘yo. Mayroong nangyayari sa buhay mo na hindi mo pa sinasabi sa akin, tama ba?” malumanay na tanong ni Dr. Silva habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Normally, naiinis si James kapag nagiging ganoon na ka-insistent ang matandang doktor. Itataas na agad ang depensa niya at gagawing magaan at pabiro ang usapan. But right now he feels so raw that he cannot even say anything. Laney was a secret he never told anyone before he met Dr. Silva.
Ngayon alam na nito at ni Martin ang tungkol sa babaeng bago pa niya narealize ay nagkaroon na ng matinding marka sa pagkatao niya. Alam na ng mga ito na mula nang malaman niyang nagpakamatay si Laney ay bumalik uli sa pagbulusok papunta sa kadiliman ang buhay niya.
Kung hindi pa naospital si Martin two years ago dahil sa kagagawan niya, hindi magigising si James sa katotohanang mali na ang ginagawa niya at na marami na siyang nasasaktang inosenteng mga tao.
“James, hindi mo pa rin ba sasabihin sa akin kung anong nangyayari sa iyo? An external factor is affecting you lately. You were not this responsive during sessions before. Hindi ka ganito ka open sa akin dati. Kung ano man iyang hindi mo sinasabi sa akin, baka iyan ang makatulong para hindi mo na kailanganin ang weekly therapy sessions natin,” pangungumbinsi pa rin ni Dr. Silva.
Huminga ng malalim si James, dumeretso ng upo at nagsalita, “Fine. I’ve been fucking someone even when you told me I should not do it. At hindi ka puwede magalit sa akin kasi si Martin pinayagan mo makipagrelasyon kahit hindi pa naman din siya magaling.”
Tumaas ang mga kilay ng doktor, malamang dahil defensive masyado ang boses niya. “Ah. Now everything makes sense to me.”
Kumunot ang noo ni James at tuluyang tumayo mula sa patient’s chair na palagi niya puwesto kapag may therapy session sila. “Ano na naman ang ibig mong sabihin diyan?”
May sumilay na tipid na ngiti sa mg labi ng doktor. Nakakabahala na parang hindi disappointed o galit ang matanda na nilabag niya ang no sex rule nito. “Sige nga, sabihin mo sa akin ang diagnosis mo ngayon.”
“James, alam ko na aware ka na sa buong buhay mo bukod kay Martin kay Laney Smith ka lang na-attach ng husto. She was the first and only person who was able to break your guard. Kung tutuusin mas naging malapit ka pa nga sa kaniya kaysa sa kapatid mo. And her tragic end traumatized you as much as the abuses you received from all the women you met before her. Sa lahat ng mga alaala mo, ang tungkol sa kaniya ang nahirapan kang ilabas at i-share sa amin ni Martin.”
“And so?” tanong ni James, hindi pa rin maintindihan ang gustong sabihin ng doktor.
“And suddenly you can remember her clearly now without you rejecting the memories. I think one of the reasons is because you are starting to get attached to someone. You are unconsciously starting to put down the walls you created to hide your thoughts and feelings. At huwag ka mag deny lalo na sa sarili mo. Kailangan mo tanggapin ang pagbabagong iyan sa loob mo, James. Senyales iyan na unti-unti nang bumubuti ang lagay ng mental health mo.”
Hindi nakapagsalita si James kasi biglang lumitaw ang image ng magandang mukha ni Sasha Dela Torre sa isip niya. Kumuyom ang mga kamao niya. Aware siya na hindi na lang basta estranghera para sa kaniya ang dalaga. He really got attached to her and it was scaring the shit out of him. Palagi naiisip niya na dapat hindi niya ito nilapitan noong aksidente silang nagkita sa bar ng hotel, noong pareho silang emotionally unstable. Dapat hindi siya nagpadala sa galit para hindi na lang niya ito inakit at hindi sila nauwi sa magdamag na sex marathon. Because really, something happened between them that night that went beyond physical desire.
Nang gabing iyon pareho silang vulnerable at parehong walang kontrol sa kani-kanilang emosyon. It was one raw, angry sex after the other. Pero noong nasa banyo sila at nakaharap pareho sa salamin may nakita si James na nahiling niyang sana hindi niya nakita. It was when he was fucking Sasha from behind and made the mistake of staring at her beautiful aroused face. That delicate features that reveal stubbornness and a tinge of sorrow. So strong yet so weak. The vulnerability and storm he saw in her eyes when he allowed himself to really look into them spoke to his soul. Bigla naisip niya nang mga sandaling iyon, Ah… She’s just like me.
At iyon ang malaking problema. He was already destructive alone as it is. If he really allowed himself to get involve with her they will both end up ruining each other.
Kumurap na naman si James nang malumanay na magsalita si Dr. Silva, hinila ang isip niya pabalik sa kasalukuyan. “Hindi kita kukulitin kung sino siya at kung ano ang ginagawa o pinag-uusapan ninyong dalawa. Not yet. Pero kung may urge kang mas maging malapit pa sa kaniya, kung may urge kang mag open up sa kaniya, huwag mong pipigilan. Don’t rush it either. Kasi bukod kay Laney Smith, wala ka nang experience sa isang normal na human relationship.”
Mapait na ngumiti si James at namulsa. “Doc, magbabago ang isip mo kapag nakilala mo siya. Baka nga sabihin mo pa sa akin na layuan siya.”
Kumunot ang noo ng matanda. “Bakit mo naman nasabi ‘yan.”
“Because she’s also a messed up soul, doctor. Mas magaling lang siya mag handle ng sarili niya kaya hindi katulad ko, hindi siya na-overpower ng evil side niya.”
Isa iyon sa dumaraming rason kaya unti-unting nagiging seryoso ang attachment niya para kay Sasha. Malakas ang bagyo sa loob nito at malakas din ang bulong ng kadiliman pero mas malakas ito kaysa sa mga iyon. Palagi ito binabato ng buhay ng kung anu-ano pero may compassion pa rin sa puso nito para sa iba.
Aside from her unhealthy obsession with her bestfriend, it doesn’t seem as if she did bad things to other people the way he did. Sasha Dela Torre gets broken again and again but she can pick up the pieces of herself. Hindi ito nangangailangan ng iba para isa-isang pagdikitin uli ang mga pirasong iyon. At bawat crack, bawat tapal at bawat peklat, lalo nagpaganda sa dalaga.
They are the same but they are also different. And the contrast was like a blackhole, sucking James in. If he gave in, he will be crushed into tiny pieces, never to be whole again. And maybe he deserves that. Pagkatapos ng lahat ng buhay na sinira niya noon, kulang pa nga iyon.