Chapter 43

HABANG papalapit ng papalapit ang eleksyon patindi ng patindi ang anxiety ni Sasha. Sigurado siya na mananalo ang party list nila dahil matagal na iyong established at nakailang termino na rin sa kongreso. Alam din niya na walang masamang masasabi sa kaniya ang iba dahil qualified siya sa posisyon niya kung sakaling maging congresswoman talaga siya. After all, buong buhay niya hinubog siya ng kanyang ama para sa mundong iyon. Sanay na rin siya sa workload na alam niyang dadami kapag nasa puwesto na siya. Higit sa lahat gusto niyang tumutulong sa mga tao.

Surprisingly, kahit hindi niya original na gusto pumasok sa politika at marami pa ring aspeto niyon ang ayaw niya, na e-enjoy na niya ang araw-araw na pagpunta sa kung saan-saan para mangampanya. Nabubuhay rin ang dugo niya kapag nag mi-meeting sila para sa mga bill na puwede nila ipropose sa kongreso para sa ikabubuti ng sector na irerepresenta nila.

Ang takbo ng buhay ni Sasha ngayon ay ayon sa gusto ng kanyang ama at malaki pa ring parte niya ang nagrerebelde at nagmamatigas na hindi iyon ang buhay na nais niya para sa kanyang sarili. Pero kapag naman pinag-iisipan niya kung ano ba ang gusto niyang gawin sa buhay kung may freedom siya mamili… wala naman siya maisip.

Gusto sana niya sabihin kay Hosea ang tungkol sa worries niya kaso hindi na niya ginagawa. Aware si Sasha na hindi na siya puwede maging kasing clingy ng dati sa binata. Na may kailangan na siya i-maintain na distance sa pagitan nilang dalawa kahit pa matalik silang magkaibigan kasi may babae nang nagmamay-ari rito.

Sasha finally met his fiancée yesterday. She was beautiful in an innocent and demure way. Soft spoken. Palangiti. Warm ang kislap ng mga mata lalo na kapag nakatitig kay Hosea. Obvious na mahal ng mga ito ang isa’t isa. Totoo na may nakapa siyang kaunting kirot sa puso niya nang araw na mag lunch silang tatlo. Pero hindi na kasing tindi noong unang sabihin ni Hosea ang tungkol sa balak nitong pag-aasawa. Maybe Sasha will eventually accept wholeheartedly that he already belongs to someone else. Wala rin naman siyang choice kasi kapag nakikita niyang masaya si Hosea, willing siyang tanggapin ang kahit na ano.

Hindi ang kampanya o si Hosea ang dahilan kaya sinusumpong ng anxiety si Sasha. Nasa loob siya ng maliit na opisina niya sa headquarters ng partylist nila at hindi siya makapag concentrate sa pagtatrabaho kasi tawag ng tawag at message ng message ang kanyang ina. Nasa Pilipinas daw ito at gusto siya makita. May “I miss you” pa itong nalalaman, pareho naman nilang alam na isa iyong malaking kalokohan.

Pagsapit ng alas siyete nang gabi at si Sasha na lang ang tao sa office ng partylist, tawag pa rin ng tawag ang nanay niya. Naputol ang pasensiya niya at inis na sinagot ang tawag. “What is wrong with you?!” gigil na bungad niya.

“What? I just miss my daughter,” reklamo ni Vivian na halatang hindi alintana ang inis niya.

“Oh mother, don’t pretend you love me. No matter what trick you try it’s not going to work. Maliban sa mana na iniwan ni papa sa ‘yo, wala ka na mapapala sa akin. I’m sorry pero wala ako balak i-finance ang maluhong buhay mo lalo na ang hilig mo sa boy toys,” maanghang na litanya ni Sasha.

“Why are you such a bitch?” inis na tanong ng kanyang ina, nawala na ang pekeng lambing sa boses.

Mapait na ngumiti si Sasha. “It’s one of my qualities I got from you, mother dear. Now stop calling and texting me you’re not gonna get what you want from me. Good bye.” Tinapos niya ang tawag bago pa man ito makasagot. Pagkatapos ibinlock niya ang cellphone number nito at pabuntong hiningang inilapag sa lamesa ang cellphone. Pumikit siya at nahilot ang magkabilang sentido, tumaas ang stress level dahil kay Vivian.

Ilang minutong katahimikan ang lumipas bago nag vibrate na naman ang cellphone niya. Inis na dumeretso ng upo si Sasha at matalim na tiningnan ang screen ng gadget. Pero bigla nagbago ang mood niya nang makitang si James ang tumatawag sa kaniya. Naglaho ang inis at stress niya at parang may mga paru-parong nagliparan sa sikmura niya. Iyon ang unang beses na ito ang unang tumawag sa kaniya at hindi niya naisip na magiging ganito siya ka excited. Bago pa niya makontrol ang sarili ay napahinga na siya ng malalim at sinagot ang tawag.

“James?”

“Sasha.”

Napapikit siya at nanlambot na napasandal sa swivel chair niya nang marinig ang baritonong boses nito sa kanyang tainga. Kinailangan niyang kagatin ng mariin ang ibabang labi niya bago madulas at sabihin ang dumaang mga salita sa isip niya, I miss you. Kasi baka ma weirdohan ito sa kaniya kapag sinabi niya iyon ng malakas. Kahit siya nabahala at nataranta nang una niya marealize na kapag hindi niya kasama si James ay na-mi-miss pala niya ito.

“Are you busy?” tanong ng binata.

“Hindi na. Nandito pa ako sa office. Ako na nga lang mag-isa rito kaso ayoko pa umuwi.” May pakiramdam kasi si Sasha na baka sumugod doon ang nanay niya dahil tinapos niya agad ang conversation nila kanina. Ayaw niya ito harapin.

“Should I pick you up and bring you somewhere no one will find you?”

Nahigit ni Sasha ang paghinga at sumikdo ang puso. “You can do that? Hindi ka busy?”

“I just ended a meeting with a client. Magiging busy na ako sa mga susunod na linggo dahil may ioorganize akong fashion show. Pero libre ako ngayong linggo. You need to take advantage of it. You will not have someone to fuck when I get busy.”

Natawa siya. “Paano ka naman nakakasiguro na ikaw lang ang lalaking puwede ko tawagan kapag gusto ko makipag sex?” biro niya.

Ilang segundong natahimik si James bago nagsalita, “You don’t have anyone else to fuck aside from me, Sasha. Sigurado ako doon.”

Tumaas ang kilay niya. “At paano mo naman nasabi ‘yan?”

“Because after having a taste of me, hindi ka na makukuntento sa performance ng iba. You and I are explosive together, sweetheart. Marami pa tayong puwedeng gawin at kapag ginawa na natin ang mga iyon lalo ka nang hinid makakahanap ng ibang lalaki na makakapag satisfy sa ‘yo maliban sa akin,” mapang-akit na sabi ni James mula sa kabilang linya.

May init na kumalat sa buong katawan ni Sasha at hindi napigilang pagdikitin ang mga hita niya. Hindi siya nagdududang posibleng ganoon nga ang mangyari sa kaniya kapag tumagal pa ang involvement niya kay James Salgado. Boses pa nga lang nito sa tainga niya, nag re-react na agad ang katawan niya. Pero ang naging sagot niya ay kaswal na, “We will see.”

“Is that a challenge?” tanong ni James.

Ngumiti siya. “What do you think?”

His groan brought shivers down her spine. She will not admit it to him but it also made her wet. “Ibigay mo sa akin ang address kung nasaan ka.”

Hindi na nagpakipot pa si Sasha at sinabi ang impormasyon na gusto nito malaman. Binilin din niya na sa likod ng building na lang sila magkita kasi kahit naman sabik siyang makasama si James alam niyang hindi magandang ideya na may makakita sa kaniyang sinusundo nito sa opisina. Kompara sa ibang kandidato sa paparating na eleksyon, hindi siya iyong tipong tinututukan talaga ng media. Pero paminsan-minsan nababanggit pa rin ang party list nila sa mga balita kaya mabuti nang mag-ingat.

Pagkatapos nila mag-usap mabilis na nag-ayos ng gamit niya si Sasha at lumabas sa emergency exit sa likod ng building. Makipot lang ang kalsada roon kasi may isa pang nakatayong gusali sa katapat. Hindi talaga daanan ng mga sasakyan at madilim. Kaya pagkakita pa lang niya sa headlights nang kotseng pumasok sa kanto na iyon fifteen minutes later ay sumikdo na agad ang puso niya. Huminto iyon na nakaharap sa kinatatayuan niya ang passenger’s seat kaya nabuksan niya agad ang pinto at nakapasok sa loob.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.