Chapter 49

ILANG MINUTONG tahimik lang na kumain sina Sasha at James. Surprisingly it was a comfortable silence. Paubos na ang pagkain nila nang basahin ng binata ang katahimikan.

“Ganito pala ang pakiramdam.”

Napatingin siya sa guwapong mukha nito. “Pakiramdam ng ano?”

Nagkibit balikat si James at tumingin din sa kaniya. “Na may kasabay kumain sa sarili kong kusina. Iba ang pakiramdam kapag mag-isa lang akong kumakain ng take out food kaysa ngayon. Mas okay pala na may kasabay.”

Natigilan si Sasha at napatitig lang sa mukha nito. Nang tipid na umangat ang gilid ng mga labi nito ay parang may mga paru-parong nagliparan sa sikmura niya. Tumikhim siya at pilit gumanti ng kaswal na ngiti. “Bakit hindi mo imbitahan ang kapatid mo kahit twice a week para sabay kayo kumain? O kaya ikaw ang pumunta sa place niya?”

“Masyado kami naging busy pareho. Ang huling beses na sabay kami kumain ay noong undergraduate student pa lang siya. When he went to medical school kinailangan niya mag dorm sa loob ng campus at nang maka graduate naman at magkatrabaho kumuha na rin siya ng sarili niyang tirahan. Ako naman palaging may fashion show na kailangan i-direct sa ibang bansa kaya bihira din naman ako nandito sa Pilipinas.”

Impressed na napatitig si Sasha sa binata kasi base sa mga impormasyong nabigay na nito sa kaniya sobrang layo na talaga ang narating nito at ng kapatid. “You’re amazing, James. Nabuhay at napaaral mo ang kapatid mo nang mag-isa. Naging doktor pa siya. Hindi biro iyon. How did you do it?”

Hindi pinutol ng binata ang eye contact nila nang kaswal itong sumagot, “I sold myself to rich old women. They were very generous as long as they were sexually satisfied.”

Muntik na mabitawan ni Sasha ang kutsara at tinidor na hawak niya sa sobrang pagkagulat. It was a confession she didn’t expect. “H-how? W-when?”

Tumaas ang mga kilay ni James, hindi pa rin inaalis ang titig sa mukha niya na para bang pinagmamasdan bawat pagbabago ng facial expression niya. “Paano at kailan ako una nagbenta ng sarili ko para buhayin kaming magkapatid? Iyon ba ang gusto mo itanong?”

Nanginig ang mga kamay ni Sasha, biglang kinutuban. “S-sasabihin mo sa akin?”

“Oo.”

Kumurap siya, nagulat na naman kasi kalmado ang tono at ekspresyon ni James. Na para bang ang dali lang para rito na aminin sa kaniya ang bahaging iyon ng buhay nito. Hindi niya tuloy alam kung mata-touch siya o matatakot.

“Okay lang sa iyo na sabihin sa akin?” mahinang tanong ni Sasha. “I don’t think you are the type of person who opens up to others.”

“Alam ko. That’s why I find this situation strange too. Pero gusto ko sabihin sa ‘yo. Hindi lang dahil alam ko na ikaw ang tipo ng taong makakaintindi sa naging buhay ko, Sasha. Hindi rin dahil inaasahan kong may marinig na magagandang salita mula sa ‘yo. Gusto ko lang na makilala mo ako.”

Hindi nakapagsalita si Sasha, mangha lang na napatitig sa guwapong mukha ni James. Napangiwi ito at nag-iwas ng tingin. “Shit. This is so fucking weird. Forget about it –” Akmang tatayo na ito pero maagap na nahawakan niya ang magkabilang pisngi nito. Pinihit niya ito paharap hanggang magtagpo ang kanilang mga paningin.

“Tell me,” mahina at sinserong sabi niya. “Gusto kita makilala, James Salgado.”

“Kahit na masasaktan ka sa ibang malalaman mo?”

Kumabog ang dibdib niya pero determinadong tumango. Hinawakan nito ang mga kamay niya, marahan iyong inalis sa mga pisngi nito at mahigpit na pinisil. “Nagsimula ang lahat noong kinse anyos ako. Nagkasakit si Martin at kailangan ko talaga ng pera noon. Iyong amo kong babae, alam ko na gusto niya ako. Kaya inalok ko ang sarili ko sa kaniya kapalit ng kasiguruhang gagaling ang kapatid ko at magiging maayos ang buhay niya. Siya ang unang nagmay-ari sa akin. At nang pagsawaan niya ako ipinasa naman niya ako sa mga kaibigan niya.”

Nanlaki ang mga mata ni Sasha. “B-but you were fifteen? You were young and it was a crime to use you like that.”

Nagkibit balikat si James. “Alam nila na hindi ako magsusumbong. Kailangan ko ang pera nila katulad na kailangan nila ang katawan ko. It messed me up at madalas naiisip ko na darating ang sandali na kung hindi ako ang mapapatay nila sila ang mapapatay ko. Sa huli mas nanalo ang survival instinct ko. But not in a good way.”

Sa sumunod na mga minuto sinabi sa kaniya ng binata ang mga nangyari rito noong teenager ito. Bawat impormasyong nalalaman ni Sasha, unti-unting nadudurog ang puso niya. Alam niya unang beses pa lang niya nakita si James Salgado na marami itong pinagdaanan sa buhay. There is just something about his aura and his eyes that shows how tough his life was. Idagdag pa ang galit at kalupitan na pinakita nito sa kaniya noon sa beach resort pati na rin sa hotel two years ago.

She knew back then that the boiling storm of anger inside him was accumulated through years of heartbreaks and bad experiences. Pero hindi niya naisip na ganoon katindi ang naranasan nito. Na ganoon katinding kadiliman ang bumalot sa pagkatao nito. It was the kind of life no one should ever experience.

Biglang huminto sa pagsasalita si James, napatitig sa mukha niya at bumuntong hininga. Pagkatapos napakurap siya nang umangat ang isang kamay nito at masuyong pinahid ang luha na hindi niya napansing bumagsak na pala sa pisngi niya. “Don’t cry for me. I don’t deserve it.”

“Bakit mo naman nasabi iyan? You were a victim,” reklamo ni Sasha.

Tumaas ang mga kilay ng binata at pinahid naman ang kabilang side ng pisngi niya. “Totoo. Pero imbes na tinapos ko sa sarili ko ang pagiging biktima, ipinasa ko sa iba ang lahat ng kalupitan na naranasan ko. I hated women, Sasha. I hated them so much that sometimes I feel suffocated just by being around them. Everytime they fall for me I always had an urge to hurt them and use them because I hated the emotions in their eyes everytime they look at me.

“Hindi ko pa alam noon pero lately narealize ko na cruelty is a cycle. People messed me up and I ended up doing it to others too. Just like the women who ruined my life, I became a monster too. At kahit alam ko na ngayon ang mga maling ginawa ko, kahit nagsisisi na ako, alam ko na hindi ko deserve mapatawad ng mga babaeng nagawan ko ng masama. Mas lalong hindi ko rin deserve kaawaan.”

At para bang ijustify ang sinabi nito, inilahad ng binata ang mga bagay na ginawa nito sa mga babae kahit noong nakawala na ito sa buhay ng pagbebenta ng sarili. Nanlamig si Sasha at parang gusto bumaligtad ng sikmura niya habang nakikinig. What he did to all those women and how he viewed them, everything made her sick and angry. Siguro nakita nito ang reaksiyon niya kasi bigla itong nagtanong, “You hate me now, don’t you?”

Tumiim ang bagang ni Sasha at kumuyom ang mga kamao. “Can I slap you just once?”

Tumaas ang mga kilay ni James, wala ni katiting na iritasyon o galit sa mga mata. A self-depreciating smile formed on his lips. “Isa lang talaga? I think I deserve more but go on.”

Lalo lang siya nainis sa reaksyon nito at malakas itong sinampal. Nag echo ang tunog niyon sa kusina kasabay nang pagbiling ng mukha ni James. Ilang segundong natahimik sila pareho bago ito dahan-dahang humarap uli sa kaniya. Nagtama ang mga paningin nila. Muntik na maiyak si Sasha nang makita ang mga emosyon sa mga mata nito.

More than the regret, it pains her more to see the resigned look in his eyes. Alam nito kung gaano kabigat ang mga kasalanang nagawa nito. Pero para bang tanggap din nito na kahit gaano pa ito magsisi, kahit gaano pa ito mag effort na maging mas mabuting tao kaysa noon, hindi na mabubura pa ang mga kasalanan nito. It was as if he doesn’t believe he can be redeemed no matter how much he tries and he is willing to live with that fact.

Mamaya marahang inilapat ni Sasha ang palad sa pisngi ni James na namumula na dahil sa sampal niya. Hindi ito kumilos, hinayaan siyang hawakan ito habang nakatitig sa mga mata niya. “Sa tingin mo hindi mo deserve maging masaya, tama ba?” bulong niya.

Hindi sumagot ang binata pero nakita niya sa mga mata nito na tama siya. Uminit ang gilid ng mga mata niya at nagkaroon ng urge na umiyak. Samantalang hindi siya ang tipong iyakin kahit gaano pa katindi ang pinagdadaanan niya. But just like two years ago when he left her at the hotel, she wanted to cry for him.

Huminga siya ng malalim. “Alam mo ba kung bakit nagagalit ka at gusto mo manakit kapag may babaeng na i-in love sa ‘yo? Kasi sa loob mo hindi ka naniniwala na posibleng mahalin ka nila. Kasi sa isip mo hindi ka naman nila kilala at hindi ka nila maiintindihan kaya anong basis nila para magustuhan ka? And even if they do get to know you, I’m sure in your mind you know they will be disgusted and disappointed. Because even though you have a beautiful exterior, you know how broken and corrupted you are inside. And that thought made you angrier.”

Hindi nakasagot si James at napatitig lang sa kaniya. For a moment he looked like he wanted to kiss her but he didn’t. “Why do you know that?”

Tipid na napangiti si Sasha. “Magkaiba tayo ng mga pinagdaanan sa buhay. Ang mga karanasan ko, ang mga bagay na nagpadurog sa puso ko ng paulit-ulit, hindi kasing bigat ng buhay na naranasan mo. Pero alam ko ang pakiramdam na hindi kaya maniwalang may taong puwedeng tumanggap at magmahal sa akin kapag nalaman niya kung gaano ako ka twisted at ka messed up. Alam ko ang pakiramdam na hindi naniniwalang may makakaintindi sa tunay na ako kasi madalas hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko. So I feel that even if I like someone I should not do something about it because he definitely deserves someone so much better than me.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.