KINABUKASAN ipinagkatiwala ni James sa mga tauhan ang mga dapat asikasuhin para sa pre-production ng fashion show na idi-direct niya. Nagpunta kasi sila ni Martin sa Laguna. Ayon sa impormasyong nabasa nila sa mga papel na laman ng envelope doon daw nakabase ngayon si Joy Madrid.
Parang may kumakayod sa sikmura niya habang bumibiyahe silang magkapatid. Hanggang sa mga sandaling iyon kasi hindi niya alam kung paano haharapin ang dalaga. It is one thing to know that you have wronged someone in the worst possible way. That shit keeps him awake and bothered at night already. But it’s another thing to actually face the person you have wronged. Para siyang sundalo na nasa frontline ng gera, pinipilit maging matapang kahit na alam din na nakatakda siyang mamatay.
Makalipas ang ilang oras huminto ang sasakyan nilang magkapatid sa gilid ng kalsada at parehong napatitig sa maliit na boutique na nasa kabilang side. Kitang kita nila ang nasa loob niyon kasi clear glass ang lahat ng pader at kahit ang pinto. May tatlong babae sa loob, ang isa hindi nakasuot ng uniporme at nakangiting nakikipag-usap sa dalawa. She looks exactly like the pictures inside the envelope that they saw yesterday. Si Joy Madrid.
“She looks happy,” komento ni James. Pinakatitigan niya ang dalaga, sinisiguro na tunay ang kaligayahang nakikita niya at hindi balatkayo lang. Alam niya higit kanino man kung may itinatagong issues sa likod ng ngiti ng isang tao. Gawain niya iyon at gawain din ni Sasha. Base sa obserbasyon niya, masaya talaga si Joy Madrid. “That’s good,” mahinang usal niya.
“Yeah. That’s good. Mauuna na akong lumapit,” sabi ni Martin. Tinapik siya nito sa balikat at saka lumabas ng kotse. Pinagmasdan niya ito habang tumatawid sa kalsada at makapasok sa loob ng boutique.
Napahinga ng malalim si James nang makita na nag-uusap na ang kapatid niya at si Joy Madrid. Hindi niya makita ang facial expression ng babae dahil naharangan ng likod ni Martin. Na-tense siya nang makitang niyakap ni Joy ang kapatid niya pero kumalma rin siya nang biglang lumabas ng boutique ang dalawa at makita ang mukha ng dalaga. She looked like she was really happy to see his brother. Duda siya na ganoon din ang magiging reaksyon nito kapag nakita siya.
Matagal na naghintay lang si James sa loob ng kotse pero nang lumampas na ang thirty minutes na hindi pa rin bumabalik ang kapatid niya ay bumaba siya ng sasakyan at nagsimula maglakad papunta sa direksyon na nakita niyang tinahak ng dalawa kanina. Wala pang dalawang minuto lumiko siya sa isang kanto at nakita agad sina Martin at Joy sa isang coffee shop. There is a comfortable atmosphere between them. Kahit sino ang makakita aakalain na magkaibigang palaging nagkikita at nagkakausap ang mga ito.
Mayamaya biglang lumampas sa balikat ni Martin ang tingin ni Joy. Namilog ang mga mata nito nang makita siya. Parang may asidong tumutunaw sa sikmura ni James pero pinanatiling kalmado ang facial expression. Lumingon na rin sa kaniya si Martin bago tumayo at hinarap uli ang babae. Huminto siya ilang metro lang ang layo sa dalawa kaya narinig niya nang magsalita ang kapatid niya.
“Thank you for not running away when you saw me walk through the door of your boutique.” Inalis ni Joy ang tingin kay James at tumayo na rin. “I’m really happy that you are happy. This might really be the last time we will see each other again, Joy. Continue moving forward and don’t look back.”
Nakita ni James nang mamasa ang mga mata ni Joy habang nakatingin kay Martin. Nag shakehands ang mga ito bago nagsalita ang babae. “Ikaw rin, Martin. Move forward and be happy. Love someone who deserves you. Love someone who will never ever hurt you.”
“Iiwan ko na kayo ni James para makapag-usap kayo.” Pumihit paharap sa kaniya si Martin at nang makalapit ay tinapik ang balikat niya. Tinanguan niya ito. Pagkatapos umalis na ang kapatid niya. Naiwan silang dalawa ni Joy Madrid.
Lumapit siya sa dalaga at huminto ilang dipa sa harapan nito. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Pinagpapawisan ng malamig si James at pakiramdam niya babaligtad ang sikmura niya. Wala siyang maisip sabihin pero nakikita niya sa mukha ni Joy na wala itong balak mauna magsalita kahit pa halatang hindi siya komportable.
I deserve this and more. Huminga ng malalim si James at sinabi ang mga unang salitang naisip niya. “I’m sorry.” Hindi tuminag si Joy at nanatiling nakatitig lang sa kaniya. Nanlalamig na siya at hindi napigilang ipunas ang namamawis nang mga palad sa suot na pantalon. Fuck, he’s so nervous and ashamed and he knows she can see it.
“I’m sorry. Alam ko na kahit isang milyong sorry pa ang sabihin ko sa ‘yo hindi sasapat ang mga iyon para sa tindi ng naging kasalanan ko sa ‘yo noon. I will carry the weight of my sins to you and to all the women I’ve been with for the rest of my life. I… I honestly don’t know what to say.” Nanikip ang dibdib ni James sa magkahalong frustration at pagkapahiya. Sa unang pagkakataon sa buhay niya nagkaroon siya ng matinding kagustuhang lumubog sa kinatatayuan niya.
“Mahirap para sa iyo na harapin ako, ano?” mahinang tanong ni Joy.
Tumiim ang bagang ni James, lumunok at tumango kasi hindi pa rin siya makahinga ng maayos. “I feel as if I am staring at the personification of all the sins I’ve done in my life. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I can ask for forgiveness. Sa ‘yo at sa iba pa. But the thing is… I don’t want you all to forgive me. I don’t deserve it. Mas gusto ko pang manatili kayong galit sa akin dahil sa tingin ko walang kapatawaran lahat ng mga ginawa ko.”
Umawang ang bibig ni Joy na para bang nagulat sa sinabi niya. Ilang segundong napatitig lang ito sa mukha niya bago nagawang magsalita. “James, alam ko na mas magiging burden ito para sa ‘yo pero may kailangan ako sabihin. Hindi ako galit sa ‘yo. Totoo na nasaktan ako, naging insecure, naging mahina at sa huli nalugmok sa depression dahil pinaglaruan at iniwan mo ako. Totoo na nagalit ako noon pero matagal nang wala ang galit na iyon sa puso ko.”
Sumikip ang dibdib ni James. “Tama ka. That doesn’t made me feel good. You should hate me.”
Malungkot na ngumiti si Joy pero may palagay siyang hindi iyon para sa sarili nito kung hindi para sa kaniya. “Kahit noon, hindi ka komportable kapag pinapakitaan ka ng mabuti lalo na nang mga babae. You hate it when there are women who wants to love you and care for you. James, you hated women don’t you?”
Kumuyom ang mga kamao niya at na-tempt na itaas ang depensa. Pero kailangan niya maging tapat kay Joy Madrid. He owed her that. “Yeah.”
Ilang segundong tinitigan siya ng babae at nang muli itong magsalita pakiramdam niya para siya nitong sinaksak ng ilang daang beses sa dibdib. “You hated yourself too, don’t you?”
Hindi nakasagot si James kasi parang may sumasakal sa kaniya. His chest felt as if it’s bleeding fire. Halos paos ang boses niya nang sumagot, “Yeah.”