Chapter 52

NASA KALAGITNAAN ng pre-production meeting ang team ni James Salgado at ang fashion designer kasama ang sarili nitong team nang bigla siya magkaroon ng matinding urge na tawagan si Sasha. Hindi siya ang tipong nadi-distract kapag nagtatrabaho. Kahit si Martin nawawala sa isip niyang tawagan o kamustahin kapag nakatutok ang buong atensiyon niya sa isang proyekto. Kaya na caught off guard siya nang sumagi sa isip niya ang dalaga. Sinubukan niyang alisin ito sa isip niya lalo na nang ang fashion designer na ang nagsasalita para sabihin kung paano nito naeenvision ang magaganap na show. Pero kada limang minuto yata lumilitaw ang maganda nitong mukha sa isip niya.

Kaya nang magkaroon ng breaktime at nagpasok ng pagkain at inumin ang secretary niyang si Donnie tumayo agad si James. “Excuse me. I just have to make a call,” paalam niya sa lahat.

Mabilis at nakangiti pang pumayag ang fashion designer pero ang mga tauhan niya napahinto sa mga ginagawa at napalingon lahat sa kaniya. Halata na nagulat at nagtaka. Kahit ang mga ito alam na kapag oras ng trabaho sa trabaho lang talaga nakatutok ang utak niya. Well, not tonight. Pagkatapos paningkitan ng mata ang mga tauhan niya ay lumabas na siya sa conference room at nagpunta sa pantry ng opisina nila. Pagkatapos i-lock ang pinto tinawagan niya si Sasha.

Matagal na nag ring lang ang cellphone ng dalaga kaya kumunot ang noo niya at napatingin sa suot na wristwatch. Alas nuwebe ng gabi. Baka nasa kung saang meeting de avane pa ito o dinner kasama ang kung sinong mga politiko. Gusto ito makausap ni James pero ayaw rin niya maistorbo ang trabaho nito. He knew more than anyone else how annoying that can be. Kaya nga naka-silent ang cellphone niya kapag may meeting o nagtatrabaho siya. Pipindutin na sana niya ang end button nang biglang mag connect ang tawag niya.

“James?”

Humigpit ang hawak niya sa gadget at ilang segundong nablangko nang marinig ang malamyos na boses ni Sasha. Fuck, what the hell is wrong with me? Frustrated na sinuklay niya ng mga daliri ang buhok bago nakapagsalita. “Naisip ko lang kung libre ka ngayong gabi?”

Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot, “Kailangan ko mag empake ngayong gabi. Flight ko bukas papuntang Naga. Isang linggo kami mangangampanya doon at sa mga kalapit na bayan.”

“Okay. Cool. I’ll see you in a week then kung may araw na pareho tayong libre,” sagot ni James, binalewala ang pagkadismaya na lumamutak sa sikmura niya.

“Okay,” sagot ni Sasha.

Pareho silang natahimik, mga hininga lang nila ang maririnig pero wala naman nagpapaalam. “You miss me don’t you?” biglang tanong ni Sasha.

Parang may sumuntok sa sikmura ni James. “No,” sagot niya sa tono na mas magaspang kaysa talagang intensiyon niya. He regretted it the moment it left his mouth.

Lalo tumindi ang pagsisisi niya nang marinig ang mahinang tawa ni Sasha sa kabilang linya. “Fine. Kailangan ko na ibaba ang phone para matapos na ako mag empake. Good night, James.”

It’s too early to say good night. “‘Night,” tipid na sagot niya. Wala na siyang iba pang nasabi hanggang matapos ang tawag. Napahugot siya ng malalim na paghinga at frustrated na nagulo ang buhok. Mayamaya kinatok na ng secretary niya ang nakasarang pinto ng pantry, tinawag na siya dahil tapos na ang break time at kailangan na ituloy ang meeting. Tiningnan niya sa huling pagkakataon ang cellphone bago iyon isiniksik sa bulsa at bumalik sa conference room.

KINABUKASAN hindi pa rin maganda ang mood ni James Salgado. Naguguluhan siya kung bakit hindi siya makatulog magdamag kakaisip sa short conversation nila ni Sasha. Masyadong occupied ang isip niya nang pagpasok niya sa opisina ni Dr. Silva para sa joint therapy nila ni Martin ay matagal pa bago niya narealize na iba rin ang mood ng kapatid niya.

Nagulat tuloy si James nang pagkapuwesto niya ng upo ay may inilapag na envelope sa lamesa si Martin. “Nasa loob niyan ang lahat ng impormasyon tungkol kay Joy Madrid pagkatapos niya biglang mawala two years ago. Nandiyan din pati na rin ang address niya at kung paano natin siya mako-contact.”

Parang may sumaksak sa sikmura niya nang banggitin nito ang babae na nagkaroon ng malaking papel sa buhay nila ni Martin two years ago. Joy Madrid was one of his greatest sins. Unang beses pa lang niya nakita ang dalaga alam na niyang in love ito sa kaniya. He hated her for that. He hated the way she looks at him with longing. So he played with her. He took her body. He messed with her head. He broke her heart and apparently even her soul. Lingid sa kaalaman niya, noong panahong nadispatya na niya ito at bumalik na siya sa normal niyang buhay, nalugmok pala si Joy Madrid sa matinding depresyon dahil sa ginawa niya.

While he was abroad working, partying and fucking other women he didn’t know Joy was struggling to get back on her feet. Hindi alam ni James na dinala ang dalaga sa ospital kung saan nagtatrabaho si Martin dahil muntik na nito ikamatay ang depresyon. Hindi niya alam na nang malaman ng kapatid niyang siya ang dahilan kaya nagkaganoon si Joy ay inako nito ang responsibilidad para pagalingin ang dalaga. Mas lalong hindi alam ni James na eventually na in love din ng husto ang kapatid niya kay Joy. And that love broke his brother too.

Hindi niya alam kung handa siyang harapin ang dalaga o kung handa ba itong makita at kausapin siya. Mas lalong hindi siya sigurado kung tama bang hanapin pa ito ni Martin. Paano kung imbes na makabuti, mabuksan lang ang mga sugat nang nakaraan?

Napansin ni James na pati si Dr. Silva nagulat sa sinabi ng kapatid niya. Kumunot ang noo niya at tinitigan si Martin. “Bakit kailangan pa natin malaman kung nasaan siya at kung anong ginagawa niya?”

“We need this James. Joy needs this. At alam kong alam mo ‘yan.”

“I agree,” sabi naman ni Dr. Silva. “James, makakabuti sa ‘yo kung aakuin at ihihingi mo ng tawad ang nagawa mo sa kaniya. I know she’s just one of the many women you’ve been with but seeing her again will be a good rehabilitation for you. At makakabuti rin ‘yon para kay Martin. He needs to resolve his lingering feelings for her.”

“Hindi ko ‘to gagawin nang mag-isa,” sabi ni Martin na hindi pa rin pinuputol ang eye contact nila. “I’ll see her if you agree to see and talk to her too, James.”

Mahabang sandali na nagtagis lang ang mga paningin nila. Alam niya na kailangan niya harapan humingi ng tawad kay Joy regardless kung tatanggapin nito iyon o hindi. But fuck, he doesn’t know what to say or do if he meets her. Inis na bumuntong hininga si James at ginulo ng kamay ang buhok. Nakita niya nang ngumiti si Martin bago pa man siya magsalita. Alam nito na ito ang panalo sa usapan na iyon.

“Fine. Let’s go see her. Pero mauna kang lumapit sa kaniya. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa kaniya kapag ako ang una niyang nakita,” pasukong sabi na lang niya.

“Okay. Ganoon ang gagawin natin.” Saka lang nila binuksan ang envelope.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.