“YOUR WIDE GRIN is starting to get annoying. Can you please stop that?” pabuntong hiningang sabi ni James kay Dr. Silva.
“Hindi ko mapigilan. Masaya lang ako para sa inyong dalawa. Seeing the two of you right now makes my job fulfilling. Ibang iba na kayo ngayon kaysa noong una ko kayo naging pasyente almost three years ago. Mas maningning na ang mga mata nito. Mas payapa ang facial expressions. Mas tunay ang ngiti na nakikita ko sa inyong mga labi. Gusto ko sanang sabihin na mami-miss ko kayong magkapatid pero ayoko rin kayong bumalik uli sa akin.”
Tumawa si Martin na nakaupo sa katapat na silya ni James. “Magkikita pa naman tayo palagi Dr. Silva. Sa ospital na ito rin ako nagtatrabaho.”
“Personally I don’t want to see you again,” komento naman ni James.
“Dapat lang. Ayokong dumating uli ang panahon na kakailanganin niyo ako bilang doktor ninyo,” sagot ng matanda.
Sa araw na iyon kasi ang huling session nila kay Dr. Silva. After almost three years, the doctor decided they can be functional now without psychotherapy. Ayaw aminin ni James pero siguradong maninibago siya na hindi nagpupunta sa opisina nito twice a week.
“At pupunta ka pa sa kasal ko, Dr. Silva. Remember?” sabi ni Martin.
Tumawa ang matanda. “Oo naman.”
Engaged na kasi sina Martin at Grace. Last week lang nang mag propose ito sa kasintahan. Speaking of kasal…
Napatingin si James sa suot na wristwatch. “I need to go in a few minutes. Magsusundo pa ako.”
“Magkikita kayo ni Sasha?” tanong ni Martin.
“Oo.” Tiningnan niya ang kapatid. “Sabi niya tatapusin lang niya ang wedding ceremony at reception.”
Ngumiti ang kapatid niya. “She really got married today, huh. I’m happy for her.”
Tumango si James at tipid ding napangiti. Ngayon ang kasal ni Joy Madrid at Hosea Garcia. Invited siya pero nagdesisyon sila ni Sasha na mas makakabuti kung hindi siya magpunta. Thankfully, nagkabati si Sasha at ang bestfriend nito isang linggo lang pagkatapos ng charity event. Apparently, hindi rin kaya tiisin ng dalawa ang isa’t isa. Ayon sa dalaga pagkatapos ng mahabang heart to heart session nagkabati uli ang mga ito at nangako sa isa’t isa na mas magiging honest at open na. Kaya ngayong araw, maid of honor si Sasha ni Joy Madrid.
“Lahat ng sugat, naghihilom,” sabi ni Dr. Silva na tumayo na mula sa swivel chair nito. Napatayo rin silang magkapatid at hinarap ito. Ngumiti ang matanda. “As long as you live you will always be faced with challenges, disappointments and heartbreaks. Puwedeng mapagod pero hindi puwedeng sumuko. Life is tough so I want the two of you to be tougher. Understand?”
Tumango sina James at Martin at nakipagkamay kay Dr. Silva. Pagkatapos lumabas na sila sa opisina nito. Tahimik silang pareho habang naglalakad sa hallway ng ospital. It was a comfortable and peaceful silence.
“Kuya.”
Napahinto si James at gulat na nilingon si Martin. “Bakit?”
Ngumiti ang kapatid niya at namulsa. “Gusto lang kita tawaging kuya. Hindi ko alam kung paano nagsimula pero mula nang maging adults na tayo pareho nasanay akong James ang tawag sa iyo.”
Napangiti siya. “It’s fine. You can call me whatever you want. The fact remains that we are brothers. We are each other’s only family in this world.”
“Not anymore,” sagot ni Martin. “I have Grace now. And you have Sasha. It’s not just the two of us anymore, James.”
Hindi agad nakapagsalita si James kasi narinig lang niya ang pangalan ni Sasha may humaplos ng init sa dibdib niya.
“Minsan hindi ko na matandaan kung bakit ang hirap para sa atin noon ang ibigay ang puso natin sa iba. Itinaas natin masyado ang pader na nakapalibot sa atin kaya walang ibang tao ang makalapit. But it was so lonely inside our shells, James. Ngayon na mas lumawak ang mundo natin, narealize ko na mas masaya pala kapag may minamahal ka at may taong nagmamahal sa iyo,” litanya ni Martin.
Huminga ng malalim si James at tumango. Pagkatapos tinapik niya ang braso nito kasi hindi iyon ang lugar para pareho sila maging emotional. “Save your words to your actual wedding day. I need to go now. Ayoko paghintayin si Sasha.”
Natawa si Martin at gumanti ng tapik. “Sige na. Hindi ka na naman mapakali na hindi kayo magkasama. Aalis na rin naman ako pagkatapos ko dumaan sa office ko. Magkikita kami ni Grace sa university.”
Ngumisi si James. “Sure, professor. Don’t get naughty with a student, okay?” Bukod kasi sa pagiging resident psychiatrist nagtuturo rin ito sa university kung saan kasalukuyang pumapasok si Grace.
“And don’t get naughty with a congresswoman,” balik nito.
“Oh I am always naughty with her, brother. Magaling lang kami kaya hindi kami nahuhuli,” nakangising sagot ni James. Pagkatapos tinapik niya ito sa huling pagkakataon at saka tuluyang lumabas ng ospital.
TEN MINUTES LATER hininto ni James ang kotse sa tapat ng sports club kung saan ginanap ang reception ng kasal nina Hosea at Joy. Lumabas siya ng sasakyan at sumandal sa gilid niyon paharap sa nakasarang entrada ng sports club. Kinuha pa lang niya ang cellphone para tawagan si Sasha nang marinig niyang bumukas ang gate na daanan ng mga tao at lumabas mula roon ang dalaga.
Natulala si James at napatitig na lang kay Sasha na matamis na ngumiti nang makita siya. Nakalugay ang mahaba nitong buhok na kinulot at pinatungan ng flower crown sa tuktok. Off shoulders ang pink flowy dress na suot nito. Humahakab ang tela niyon sa katawan nito kada hakbang nito. She was so fucking beautiful she took his breath away.
“Tamang tama ang dating mo,” nakangising sabi nito nang huminto sa mismong harapan niya. “Nakapagpaalam na ako sa mga bagong kasal kaya puwede na ako umalis. Wala akong appointment so saan mo gusto pumunta? Ang tagal na natin hindi nakakapag date dahil pareho tayong busy.”
Hindi sumagot si James. Sa halip hinawakan niya ito sa batok at hinalikan sa mga labi. Lumapat ang mga palad nito sa dibdib niya at walang pagdadalawang isip na gumanti ng halik.
“What? Did you miss me?” nakangiting tanong nito nang maghiwalay ang mga labi nila.
“Yeah. And you are so beautiful I feel overwhelmed.”
Natawa si Sasha at yumakap sa kaniya. “I really love you James Salgado.”
Siya naman ang natawa at gumanti ng yakap. Yumuko siya at bumulong sa tainga nito. “I love you too. Now let’s get out of here. I have so many things I want to do with you and we can’t do it in public.”
Tumingala si Sasha hanggang magtagpo ang kanilang mga paningin. Pagkatapos matamis itong ngumiti. “I have a place in mind.”
“Saan?”
“Sa resort kung saan tayo unang nagkita. Kapag bumiyahe tayo ngayon nandoon na tayo nang alas siyete ng gabi. Let’s go?”
Napangiti si James at hinaplos ang pisngi nito. “I will go anywhere with you, Sasha. Anywhere.”
Ngumisi ito. “I know.”
Pagkatapos pumasok na sila sa loob ng kotse niya. Mahaba ang naging biyahe at biglaan pero pareho silang masaya at madaldal sa sumunod na mga oras. It was a simple moment but James felt so happy and contented.
Sa sandaling iyon narealize ni James na kahit yata ibalik siya sa nakaraan, wala siyang babaguhin sa naging takbo ng buhay niya. Kasi lahat ng naging choices niya, lahat ng hirap na dinanas niya, lahat ng mga sandaling muntik na siya kainin ng dilim pero lumaban siya, pati na rin lahat ng mga naging kasalanan niya, lahat ng mga iyon nangyari para makilala niya si Sasha Dela Torre. She is the love of his life and his redemption. Because of her, his past is all worth it.
-WAKAS-