I LOVE YOU. Mga salita na ayaw ni James na naririnig lalo na kapag para iyon sa kaniya. Kapag nakikipaglaro siya sa isang babae at dumating na sa puntong in love na ito sa kaniya, alam niya na oras na para lumayo.
“You hate it when there are women who wants to love you and care for you…You hated yourself too, don’t you?” Iyon ang sinabi sa kaniya ni Joy Madrid at alam niyang tama ito. Hindi niya mahal ang sarili niya kaya hindi siya naniniwalang posibleng mahalin siya ng iba. Para kay James empty words ang mga salitang “I love you”.
“James?”
Napakurap siya at luminaw sa kanyang paningin ang mukha ni Sasha na kanina pa yata nakatitig sa kaniya. Wala na ang ngiti sa mga labi nito at may magkahalong pagtataka at kaba ang mga mata.
“Yeah?”
Kumurap si Sasha at parang piniga ang puso niya nang makita ang hinanakit na bumakas sa mukha nito. Dumeretso ito ng tayo at umiling. “Sinabi ko sa iyo ang feelings ko pero mukhang hindi ka masaya. I don’t understand.” Tinitigan nito ang mga mata niya. “I love you. I really do.”
Katulad nang una nitong sabihin iyon nahigit ni James ang hininga at may init na humagod sa buong katawan niya. For the first time in his life those words actually made him overwhelmed. He realized that “I love you” are not just empty words but are actually like a sharp knife that can stab your heart in the most painful and sweetest way. Lalo na kung galing ang mga salitang iyon sa isang taong mahal mo rin.
"Someday, find a woman you will really care about and who will really care for you. Find love, James.”
Nakita ko siya Laney. Nasa harapan ko na siya ngayon.
“Forget it,” sabi ni Sasha na hinila ang mga kamay mula sa pagkakahawak niya. “Aalis na ako. Mag-usap na lang tayo sa susunod.”
Akmang tatalikod na ang dalaga para buksan ang pinto sa tabi ng driver’s seat nang maagap niyang hawakan ang magkabilang pisngi nito at pihitin ito paharap sa kaniya. Sandaling pinagtama ni James ang kanilang mga paningin bago siya yumuko at mariin itong hinalikan sa mga labi. Naramdaman niyang nagulat si Sasha at napahawak pa sa magkabila niyang braso. Pero sandali pa gumaganti na ito ng halik.
Mayamaya siya ang kusang tumapos ng halik pero hindi tuluyang inilayo ang mukha rito. “Are you sure?” bulong niya.
Kumurap si Sasha. “Sure na ano?”
“Na mahal mo ako. Sigurado ka ba talaga kahit alam mo na kung ano talaga akong klase ng tao? Even if you know I am still slowly picking up the pieces of myself? Even if I don’t know when will I fully heal from all the things I’ve been through in my life? Even if I still don’t know when I can truly forgive and love myself?”
Kahit sa pandinig ni James napakadesperado niya pero wala siyang pakielam. Pinakatitigan niya ang mga mata ni Sasha at hinintay ang magiging reaksyon at sagot nito. “Natuto na ako sa naging relasyon ng parents ko, James,” sa wakas ay sabi nito. “I learned that a person should never love blindly. That I should love someone with my eyes wide open. So that I can also see that person's imperfections behind his shiny exterior. Hindi lang para sa akin kung hindi para sa taong mahal ko. No one would want to be loved by someone just because of his outer shell. I know that better than anyone.”
May bumikig sa lalamunan ni James at biglang humapdi ang mga mata niya sa sinabi ni Sasha. Masuyong ngumiti ang dalaga at lalo lang parang may lumalamutak sa dibdib niya. “Kaya kapag sinabi kong mahal kita, huwag mo pagdudahan. Masyado akong cynical para main-love ng basta basta lang. Ako nga naniwala agad nang sabihin mo sa akin na mahal mo ako. Higit kanino man, ikaw ang dapat nakakaalam na hindi ko basta nararamdaman sa isang tao ang ganito. You are just like me. ”
She’s just like me…Iyon din ang revelation na naging starting point nang paglalim ng feelings ni James para kay Sasha Dela Torre. Namasa ang mga mata ni James at masuyong ngumiti. “Then if I am fine with you…”
“You are more than fine. Sabi mo mahal mo ako ‘di ba?”
“Yes I do. I really fucking love you, Sasha.”
Ngumiti ang dalaga. “Ikaw pa lang sa buong buhay ko ang nagkalakas ng loob na mahalin ako. I know that I am difficult to understand and difficult to love.”
Mahinang natawa si James, yumuko at magaan na hinalikan ang mga labi nito. “Hindi ka mahirap mahalin Sasha. Ako ang mahirap mahalin kasi ako mismo hindi ko gusto ang sarili ko noon. But because of you I am starting to like myself too. Hindi ako perpekto at hindi magiging perpekto kahit kailan. Hindi ko na rin mabubura pa ang nakaraan ko o ang katotohanang marami akong nasaktan sa buhay ko. Pero ito ang maipapangako ko sa iyo: I will do my hardest to be a better version of myself everyday. And I might mess up once in a while because everything is new to me but I promise that I will love you and support you in the best way I can.”
Ikinulong din ni Sasha ang mukha niya sa magkabilang palad nito at kusa siyang hinalikan sa mga labi. “I promise. So don’t give up on me too, okay?”
“I won’t. Never,” sincere na pangako ni James. Matamis siya nito nginitian at pakiramdam niya nawala lahat ng nagpapabigat sa dibdib niya buong buhay niya. Parang umangat ang mga paa niya sa sahig. Ganoon pala ang pakiramdam na masaya. Ganoon pala ang pakiramdam ng love. Kahit pala sa isang tulad niya, posible iyong mangyari.
SA MGA PALABAS at libro, kapag nagkaaminan na ng feelings ang mga bida, ending na agad. Pero hindi ganoon sa tunay na buhay. In reality life will continue to throw shits at you. It will continue to give you challenges that you have no choice but to overcome. Ang kaibahan na nga lang dahil may isang tao nang alam mong palagi mo magiging kakampi kahit ano ang mangyari, mas nagiging madali harapin ang lahat.
All hell broke lose the day after Sasha confronted her mother in the sports club. Katulad ng inaasahan niya kumalat sa social media ang mga larawan at video nilang mag-ina. Nalaman niya kay tito Robert ang tunay na nangyari sa nanay niya na narinig lang din nito sa mga kakilala ni Vivian.
One year ago raw may nakilala itong isang lalaki na lampas dalawang dekadang mas bata rito. Walang nakakaalam kung paano nangyari pero nahumaling ang matandang babae sa lalaking iyon. Palaging kasama ng mama ni Sasha kung saan-saan ang lalaki at halos lahat ng gusto ibinibigay rito. Con-artist pala ito na binibiktima talaga ang mga matatanda at mayamang babae. Pinapaibig at nililimas ang yaman. Nang marealize siguro ng lalaking iyon nang gabing magpunta ang mga ito sa condo niya na wala na talaga itong mapapala pa kay Vivian, bigla na lang nawala na parang bula.
Sometimes the universe really has its own way of punishing evil. That is why there is a term called Karma.
Isang araw tumawag kay Sasha ang abogado ni Vivian dahil tinuloy ng mga amiga nito ang pagsasampa ng kasong large scale estafa. Nang mangutang pala ito ng daan-daang libo sa mga kakilala, sabi nito para iyon sa negosyo pero ginastos lang nito sa lalaki nito. May pinirmahan pala itong mga agreement contract kaya walang kawala kapag nag file ng court cases laban dito.
Nagdedemand ang attorney na i-settle na lang daw ni Sasha ang issue at bayaran ang mga utang ng mama niya para hindi na matuloy ang kaso at hindi na raw maging maingay pa ang usaping iyon. Na siya rin naman daw ang maapektuhan kapag nakarating sa media ang issue lalo at asawa ng dating kilalang senador ang mama niya at tumatakbo pa siya sa eleksiyon.
She could have agreed if he didn’t sound as if he was blackmailing her or if she didn’t hear the arrogant voice of her mother in the background. You can never really forgive someone who never felt sorry. So she said no and never answered their calls ever again.
Sa news reports na lang niya naririnig ang tungkol sa kanyang ina. Makapangyarihan din ang mga pamilya ng pinagkakautangan nito kaya hindi na siya nagulat na mabilis na nakapaglabas ng warrant of arrest para kay Vivian Dela Torre. Naging media circus ang kaso at sa tuwing nagpapa-interview ang kanyang ina palagi siya nito binabanggit na para bang siya na ang pinakamasamang anak sa balat ng lupa.
Obviously nataranta ang buong organisasyon nila sa siguradong magiging epekto ng nangyayari sa eleksyon. Kung anu-anong countermeasure ang sinuggest ng campaign managers kapag nag mi-meeting sila. Pero kalmado si Sasha. Hindi rin niya alam kung bakit pero wala siyang naramdaman ni katiting na pag-aalala kahit pa palagi nadadawit ang pangalan niya at ang partylist nila sa mga balita. She told everyone not to worry too but they looked at her as if she was losing her mind.
Two weeks later naganap ang national election. Pumangalawa ang party list nila sa may pinakamaraming boto. Pagdating ng July, pormal na nanumpa sa tungkulin si Sasha Dela Torre at umupo sa kongreso bilang party list representative.
Pagkatapos ng ilang buwan, nahatulan na guilty sa kaso nito si Vivian Dela Torre. The court demands her to pay penalty fees. Bukod doon nahatulan ito ng ilang taong pagkakakulong. Binisita ito ni Sasha sa kulungan isang beses pero nagwala ito nang makita siya at muntik pa siya sabunutan kung hindi lang ito nahawakan ng mga bantay. Hindi niya alam kung darating ang panahon na magkakaayos silang mag-ina. Pero ganoon naman talaga ang tunay na buhay. Hindi ka sigurado kung ano ang mangyayari sa hinaharap.
Thinking about the far future will just make her anxious so Sasha decided to face life one day at a time.