Chapter Kabanata 34

Kabanata 34: Family

"Papa, I need to pee." sigaw ni Elliot mula sa labas ng banyo.

"Papa!" ulit niya.

When he started banging on the door, that was the only time I realized that I've been spacing out. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tulala sa bathtub ng aming banyo. Saka ko lang narealize na nag-uumapaw na ang tubig sa bathtub. I wore my white towel around my waist to open the door. Mabilis ang takbo ni Elliot patungo sa bowl.

Grabe ang naging araw ko kahapon. Una, namatay si Dean nang hindi ko manlang napapatawad and the police are thinking that it could have been suicide kaya nakokonsensya pa rin ako hanggang ngayon kahit alam ko naman na wala akong kasalanan. Pangalawa, nasunog ang mga negosyo ng pamilya nina Pete at Kao na kagabi lang naapula lahat at si Mick ang nagpautos noon. Pangatlo, nag-away kami ni Techno at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagrereply sa mga tawag at text ko. Pang-apat, may sinuntok na bata si Elliot at ngayon ay kailangan kong ipaalam kina Apo at Bright na kailangan na nilang tumigil sa panliligaw. Panglima, halos patayin na ni Mick ang mga dati niyang kaibigan. At panghuli, nalaman kong may cancer si Mick. Pancreatic cancer to be exact and he told me he only has a few more months to live.

Kaya naman ay hindi talaga ako nakatulog kagabi sa dami ng iniisip ko. At hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin iyon. Pakiramdam ko malapit ng sumabog ang utak ko. Kagabi halos mabaliw ako habang pinipilit ang sarili na matulog ngunit nabigo ako.

Hindi ko alam pero noong sinabi ni Mick na may cancer siya ay nanlumo ako at nahirapan magsalita. I walked out of there dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

Ang alam ko lang ay tulala ako sa buong biyahe pauwi sa condo.

I went out of the comfort room and headed to my walk-in closet. Alas dos na ng hapon. Wala akong trabaho ngayong araw at dahil Huwebes na ay sa akin ang schedule ni Elliot. At dahil nga sa pagtatampo ni Elliot, hindi ako aalis ng condo ngayon at sasamahan soya buong araw.

He wants to cut his hair at gusto niyang ang Daddy Mick niya ang maggugupit sa kanya. Noon ay palaging sa barber shop siya nagpapagupit.

After finding out that Mick might die soon, ayaw ko namang ipagkait kay Elliot ang mga natitirang oras na makasama niya ang kanyang ama. Nakokonsensya rin ako dahil kung talagang mawawala na si Mick, ilang buwan lang siya nakasama ni Elliot. Kaya kahit Huwebes ay pumayag ako na pumunta si Mick dito sa condo.

Sakto at wala si Gabo ngayon dahil nag out of town sila ni Pietro. Pagkatapos magbihis ay dumiretso ako sa kusina upang magtimpla ng juice. Luto na ang cinnamon bread at cookies na niluto ko para sa meryenda namin.

Pagkatapos mailagay ang pitsel sa ref ay tumunog ang doorbell. I'm not expecting anyone else kaya sigurado akong si Mick na iyon.

Tinungo ko ang sala at nadatnan na naroon na si Mick kasama si Elliot. Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata dahil nahihiya ako. Nahihiya ako sa mga sinabi ko sa kanya kahapon. They were no doubt painful words. At mas masakit pala ang mga sinabi ko lalo na at may sakit pala siya. Baka isipin niyang bagay lang sa kanya na nagkasakit siya dahil masama siyang tao.

I did not really mean what I said yesterday. Siguro ay nadala lang ng galit. Dahil kahit ginawa iyon ni Mick, alam kong may natitirang kabutihan sa puso niya. A monster is someone who only wants to bring darkness to other people's lives. Ngunit sa panahong nakasama ko siya noon, nakita ko kung gaano siya kabuting tao. Maybe he really only wanted to give them a lesson? But still, he should not have threatened to hang them. Not to mention that his men almost beat them to death.

Hays. Ewan. Nalilito na ako. Nalilito na ako nang sobra. Kung tutuusin, wala akong pinagkaiba kay Mick. Dahil pareho naming gustong pagbayarin ang mga taong nanakit sa amin. We both wanted revenge. Kaya parang ang kapal ng mukha ko para tawagin siyang halimaw.

Naihanda ko na kanina ang gunting na gagamitin sa paggupit pati ang upuang gagamitin ni Elliot.

Nakaupo lamang ako sa couch habang pinagmamasdan si Mick na seryosong ginugupitan ang buhok ng anak niya. Samantala ay malapad ang ngiti ni Elliot, tuwang-tuwa dahil Daddy niya ang naggugupit sa kanya.

While watching them, it was as if a voice whispered to my ear, telling me that I am the monster here.

Ipinagkait ko sa kanilang dalawa ang limang taon na magkasama. Elliot always seem happy whenever he is with his Dad. Ganoon din si Mick. I took away from them all the happy memories they could have created together in the past five years.

Naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib at ang pamumuo ng aking mga luha. Hindi ko na hinintay na tuluyan akong umiyak kaya tumayo na ako at nagpunta sa kusina upang kunin ang snacks.

"Stop moving your head, buddy. I might cut your ear." narinig kong sambit ni Mick nang makabalik ako sa sala.

"It tickles, Daddy Mick." nangingiting sagot ni Elliot. "Papa Goob always holds my head everytime we go to the barber shop." Nilingon ako ng bata. "Papa, can you please hold my head?" tawag niya sa akin.

Inilapag ko sa center table ang mga pagkain at nilapitan sila. Hindi pa rin ako makatingin kay Mick.

Hinawakan ko ang mukha ni Elliot upang ipirmi iyon. At dahil nasa harap ako ni Elliot at nasa likod niya si Mick, magkaharap kami ngayon ni Mick. I gave him a quick glance when I noticed that he is not cutting Elliot's hair yet. Sandaling nagtagpo ang aming mga mata bago mabilis akong nag-iwas.

Sa buong oras na ginugupitan niya ang buhok ng anak namin ay kay Elliot lang ako nakatingin. His veins protruded from his hands, just as how I remembered them. Those hands used to caress me. I cannor believe that those same hands were the hands he used to hurt me too. His knuckles were somewhat red and I can attribute it to the punches he made yesterday.

It took thirty minutes to finish the hair cut. Elliot headed to the comfort room. Hula ko ay gustong tingnan ang kanyang gupit. Naiwan kaming dalawa ni Mick sa sala at binalot kami ng katahimikan.

Nagdadalawang-isip pa ako kung magsasalita ba ako. Napalunok ako.

"I-I'm sorry about yesterday. Hindi dapat kita pinagsalitaan nang ganoon." mahina kong sambit habang nakatingin sa aking mga paa. Hindi ko siya matingnan.

"It's okay."

"It's not okay. I said harsh words. Hindi ko dapat sinabi ang mga iyon."

He held my chin and lifted my gaze. Our eyes locked. Nakita ko roon ang sakit.

"You were only being honest. You're right. I am a monster." malungkot niyang saad.

Umiling-iling ako. "No. I was wrong. You may have done wrong things. But it does not mean that you are a monster."

Tumango siya. Inilipat niya ang kanyang kamay sa aking pisngi at marahang hinaplos iyon. Hinayaan ko lamang siya.

"I'm sorry about what happened yesterday." aniya.

"You should not have done it though."

Muli siyang tumango.

"Daddy Mick! Help me take a bath!" sigaw ni Elliot.

Mabilis akong humiwalay kay Mick. Tinungo niya ang banyo at ganoon din ang ginawa ko. Pinagmasdan ko si Mick habang tinutulungan niya si Elliot na tanggalin ang kanyang mga suot na damit.

Pinaliguan niya si Elliot. Habang pinapanood sila ay naninikip na naman ang dibdib ko. Nakasandal lamang ako sa hambal ng pintuan habang sinasabunan ni Mick si Elliot.

"Are you crying, Daddy Mick?" kunot-noong tanong ng bata.

My eyes immediately went to Mick's face to verify what Elliot just said. Ngunit dahil nakatalikod siya sa akin ay hindi ko makita ang kanyang mukha.

"I'm just happy, bud. This is my first time helping you take a bath." Ginamit niya ang sleeve ng kanyang tshirt upang punasin ang kanyang luha.

Confirmed. He's crying.

Elliot pouted his lips. "Don't cry, Daddy. Maybe we can do this everyday."

Tumango lamang si Mick at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Hindi ko na nakayanan pa kaya umalis na ako roon. Tinungo ko ang balcony upang makalanghap ng sariwang hangin.

I want to cry. I want to cry so bad. Sobrang kumplikado ng sitwasyon namin at hindi ko alam ang dapat kong gawin.

Narinig kong lumabas na sila ng banyo at nagpunta sa kwarto. Hindi nagtagal ay nasa sala na ulit sila.

"Hey." tawag sa akin ni Mick kaya hinarap ko siya. "Elliot wants to watch a movie with us."

I nodded and proceeded to the living room. Nakaupo na roon si Elliot at hinihintay kami. Ibinigay niya sa akin ang remote ng tv.

"I'm more handsome than Daddy Mick, right Papa Goob?" tanong ni Elliot sa akin na may malawak na ngiti sa kanyang mukha.

"Yes, baby." sagot ko. I gave him a half-smile. Mick glanced at me for a second before looking at Elliot.

"That's because you also have your Papa's genes, buddy." si Mick.

Pareho kaming nasa sofa ni Elliot samantala ay pinili ni Mick na maupo sa katabing upuan hindi malayo sa amin.

"What should we watch, baby?" tanong ko kay Elliot.

"Raya and the Last Dragon."

I headed to Disney+ and played the movie. Niyakap ako ni Elliot bago magsalita. "Daddy Mick, please sit with us. You're too far."

Nagkatinginan kami ni Mick bago siya tumango kay Elliot. He stood up and sat at the other end of the sofa. Nasa kabilang bahagi ako at nasa gitna namin si Elliot. Hinigit siya ng bata palapit sa amin. Ngayon ay magkakatabi na kami sa sofa.

"You have to hug me, Daddy." request ng bata.

"Okay bud." si Mick bago ginawa ang request. Hindi nakuntento si Elliot kaya hinigit niya ang kamay ng ama hanggang sa pati ako ay kasali na sa yakap. Hindi na ako umangal pa.

Nakayakap si Elliot sa akin habang nakapalupot kaming dalawa sa yakap ni Mick.

"Is this okay?" tanong ni Mick. Hindi ako sigurado kung ako ba ang tinatanong niya kaya nanatili akong tahimik.

"Goob?" dagdag niya. "Is this okay?"

"Y-yeah. It's fine." nauutal na sagot ko.

"Why will it not be okay?" kuryosong tanong ni Elliot.

"Nothing, bud. Just focus on the movie."

Hindi gaanong mahigpit ang pagkakayakap ni Mick sa amin. Halos magdikit ang aming mga ulo ngunit pinipigilan ko iyon. Malapit ng matapos ang palabas ngunit nakayakap pa rin si Mick. Hindi ba siya nangangalay?

Parehong nakatuon ang kanilang atensyon sa palabas. Hindi nagtagal ay naririnig ko ng umiiyak si Elliot dahil nasa parte na kami kung saan nahulog ang dragon sa tubig dahil pinana iyon ng babaeng akala nila ay kaibigan nila.

Sa puntong iyon ay naaalala ko si Techno.

It was as if Techno was the dragon and I was the girl who shoot him with an arrow. Trinaydor ko ang taong tinuring akong kaibigan.

The film was beautiful. It was about trusting people even if they betrayed and hurt you in the past. It was about learning to forgive even if it means they can hurt you again in the future.

Natapos ang palabas na ganoon pa rin ang aming pwesto. Halatang tuwang-tuwa si Elliot sa ending dahil napapalakpak siya nang makitang nagtagumpay ang mga bida. Sa buong palabas ay hindi siya nagpapigil na magbahagi ng emosyon.

I glanced outside the glass window. Malapit ng magdilim ang paligid. Nag-unat-unat si Elliot kaya napahiwalay si Mick sa yakap at nakawala ako. Tumayo ako upang maghanda sana ng pagkain.

"What do you want for dinner, baby?"

"I want fried chicken and pizza, Papa. So you won't have to cook."

I nodded. "I'll just call Shakeys. You also want mojos?"

"Yes po."

"Could you also add tuna caesar salad?" si Mick.

"Sure."

"Use my debit card." He tried to hand me his card.

"No. I got it."

Tumango si Mick at itinago ang kanyang card.

Tinalikuran ko na sila upang umorder. I called their hotline and placed our order. Ang sabi ay thirty minutes pa bago makarating dito ang pagkain.

Napansin ko ang mga text nina Apo at Bright sa akin.

Apo: Hi crush.

Apo: busy ka ba crush?

Apo: miss u :)

Apo: busy nga :(

Bright: Hi Goob.

Bright: Can we hang out today?

Bright: Only if you're not busy.

Bright: I assume you're busy. Hindi ka kasi nagrereply.

Bumuntong hininga ako. I still have to tell them that they already need to stop courting me. Paano ko naman sasabihin iyon sa kanila?

If only I am in good terms with Techno. Malamang mapapayuhan niya ako. I have decided to stol bothering him for the meantime to give him space and time. Siguro ay hindi pa siya handang magpatawad ngayon kaya ibibigay ko iyon sa kanya.

Bumalik ako sa sala at naabutan sila na nanonood na ng The Boss Baby: Family Business. Naupo ako sa pinagpwestuhan ko kanina. Si Elliot ay nakahiga na ngayon sa sofa at nasa hita ni Mick ang kanyang ulo. He placed his feet on my lap.

Pinasadahan ko ng tingin si Mick na nakatingin din sa akin. Seryoso lamang ang ekspresyon sa kanyang mukha.

Tumayo ako nang tumunog ang doorbell. It was our food. Dinala ko iyon sa center table at doon na kami kumain habang nanonood ng palabas.

Gusto ni Elliot na si Mick ang magpapakain sa kanya ng pizza habang ako naman ang magpapakain sa kanya ng fried chicken. Pinagbigyan na lamang namin ang bata.

Nang matapos kaming kumain ay niligpit ko ang mga sobra. Bumalik din naman ako agad pagkatapos.

Sa kalagitnaan ng palabas ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

---

Author's Point of View

Nakatulog na si Goob sa ikalawang palabas ngunit nanatiling aktibo si Elliot at Mick. Dinalaw lamang ang dalawa ng antok nang nasa ikatlong palabas na sila. Naiwang nakabukas ang tv.

Nakasandal na ang ulo ni Goob sa balikat ni Mick samantala ay sa tiyan naman ni Mick nakasandal si Elliot.

Dahil sa pangangalay ay nagising si Mick. Hindi niya napigilan ang maging emosyonal. Magkahalong saya at panghihinayang ang kanyang nararamdaman.

Panghihinayang dahil sana noon pa nila ito ginagawa. Iyong tipo na masaya sila bilang pamilya. Ngunit dahil sa mga ginawa niya kay Goob noon ay tila ang tanging magagawa niya na lamang ay manghinayang at maging masaya sa pagkakataong ibinibigay ni Goob sa kanya.

Tumulo ang luha sa kanyang mata habang nanginginig ang kanyang labi. Pinigilan niya ang paghikbi. Sobrang bigat ng nararamdaman niya. Gusto niyang saktan ang kaniyang sarili. Dahil sobra ang kanyang panghihinayang. Hanggang ngayon ay sinisisi niya pa rin ang sarili niya.

Inabot ni Mick ang remote upang patayin ang TV.

Naisipan niyang ilipat si Goob at Elliot sa kanilang kwarto upang maging mas maayos at kumportable ang kanilang pagtulog. Una niyang binuhat si Elliot. At isinunod si Goob. Marahan ang kanyang pagkakalapag sa dating kasintahan.

Hanggang ngayon ay mahal na mahal niya pa rin ito. Muling tumulo ang kanyang luha habang pinagmamasdan ang dalawang tao na pinakamahalaga sa kanya.

Nilapitan niya si Goob at marahang hinaplos ang mukha nito. Mala-anghel pa rin ang mukha ni Goob habang payapang natutulog.

Sunod-sunod ang patak ng mga luha ni Mick.

"I kept on asking you for forgiveness when I can't even forgive myself for what I did. Kailanman hindi ko mapapatawad ang sarili ko, Goob." aniya kahit alam niyang hindi siya naririnig ni Goob.

He kissed his forehead gently.

"I'm sorry if I hurt you. Pero hayaan mo, hinahayaan ko lang ang sarili ko na maranasang maging masaya kahit sa maikling panahon. Kahit sa maikling panahon lang, I want to feel happy again. Alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. I know you'll hate me forever after I tell you the truth. But I want to be selfish for the last time, Goob. Gusto ko lang maramdaman na kahit minsan, naging pamilya tayo. Kahit sa imahinasyon ko man lang." Nabasag ang kanyang boses. Nahirapan siyang magpatuloy sa pagsasalita.

"It won't be long. Until then, I hope you bear with me. Don't worry. I will set you free. Palalayain kita. Palalayain kita bago ko tuluyang ikulong ang sarili ko sa habang-buhay na pagdurusa."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.