Kabanata 35: Helicopter
Goob's Point of View
Dumating ang araw ng birthday ni Elliot. Kahapon pa siya sobrang excited dahil bukod sa unang beses siyang makakasakay ng isang helicopter at makakaligo sa dagat, unang kaarawan niya rin ito na kasama ang kanyang Daddy Mick.
Sa totoo lang, tuwing nakikita ko kung gaano siya kaexcited, hindi ko mapigilan ang makonsensya. I took five birthdays from him and his father. Limang kaarawan na sana ay magkasama sila ngunit tila ninakaw ko iyon sa kanila.
Sa mga nakaraang araw, wala akong ibang ginawa kundi ang manatili sa condo kasama si Elliot at Gabo. My brother has been distant to me lately. Marahil ay sa kadahilanang paminsan-minsan ay pinapayagan kong bumisita si Mick sa condo o di kaya ay pumupunta kami ni Elliot doon sa bahay niya.
If I am being completely honest, kahit paano ay magaan na ang pakiramdam ko kay Mick. Sa nagdaang linggo, wala siyang ibang ipinakita kundi ang maging mabuting ama kay Elliot. Hindi niya rin pinipilit na magkaroon kami ng interaksyon. Kumpara noong mga nakaraang linggo na pilit siyang lumalapit sa akin, ngayon hindi na. Dumidistansya na siya. Which I guess is a good thing.
Kahapon ay inilibing na si Dean. Kung may narealize man ako sa mga nakaraang araw, iyon ay tanggapin na may kasalanan ako sa sinapit niya.
I always knew that having my revenge on him by plotting to frame him of embezzlement was wrong. Pero ipinagpatuloy pa rin namin ni Techno ang plano dahil natabunan ako ng galit at poot. Pinangunahan ako ng kagustuhang maipaghiganti ang sarili ko kahit alam kong mali. I let my emotions get the best of me and forgot my moral principles.
I realized that having revenge will never help me get better. Kaya nakapagdesisyon na ako na hahayaan ko na lamang na karma ang maningil kina Pete, Kao at Sining. Hindi ko sila kailangang patawarin. I just need to feel indifferent.
I know that what I did to Dean affected his mental health. I ruined his life. At ayaw kong muling may mamatay dahil sa paghihiganti ko. This time, gusto kong magmove-on.
Hindi ko pa pala nasasabi kay Apo at Bright na tumigil na sila sa panliligaw. I have been preoccupied with spending time with Elliot kaya hindi pa ako nakikipagkita sa kanila upang sabihin iyon. Ayaw ko namang sa text lang dahil kahit paano, deserve nilang sabihin ko iyon nang harapan. I appreciate what they have done to me.
Si Techno naman ay hanggang ngayon hindi pa rin ako kinokontak. Marahil ay galit pa rin. Naisip ko naman na baka ay kailangan niya pa ng mas mahabang oras. Gayunpaman, nagbakasakali ako na pupunta siya sa birthday ni Elliot kung imbitahan ko siya.
To Techno: Elliot's birthday is on Saturday, March 9. It would mean a lot to him if his Tito Techno will come. I'm sorry about what happened. I hope you can forgive me. We will celebrate his birthday on an island. Here is the address.
I attached the google map location na sinend lang din sa akin ni Mick.
Speaking of Mick, things are going smooth between me and him. Narealize ko rin na masyado akong naging malupit sa kanya. At kung totoo man ang sinasabi niya na may taning na ang buhay niya, kahit paano ay gusto kong mabigyan siya ng masasayang alaala sa mga nalalabing oras niya. At hindi ko iyon magagawa kung palagi kong isusumbat sa kanya ang ginawa niya sa akin noon.
Every time I think about him dying, my chest would tighten. Bumibigat ang pakiramdam ko at minsan ay natutulala na lang ako. Hindi ko mapigilan ang malungkot at hindi ko alam kung bakit.
Baka ayaw ko lang na mawalan agad si Elliot ng ama? Lalo na at ilang araw pa lang sila nagkasama.
Ngunit wala na bang ibang rason? Iyon lang ba? Hays. Malakas ang kutob ko na may iba pang dahilan ngunit ayaw kong kumpirmahin. Sa ngayon ay hahayaan ko na lang munang lokohin ko ang aking sarili.
Sinadya kong gumising ng alas sais ng umaga dahil gusto kong isurpresa si Elliot kagaya ng nakagawian naming gawin ni Gabo. Elliot usually wakes up at six thirty. Kaya naman ay bago pa siya magising ay ginising ko na si Gabo.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng aming kwarto. Dala-dala ko ang isang chocolate cake na may palamuting Boss Baby na ako mismo ang nagluto. Simula noong pinanood namin ang palabas ay naging paborito na niya iyon. Si Gabo naman ang may dala ng party hat na isusuot niya kay Elliot. Nasa kanya rin ang regalo naming dalawa.
Nagsimula kaming umawit ng 'Happy Birthday' ni Gabo nang tuluyan kaming nakapasok sa kwarto.
Mabilis na naalimpungatan si Elliot at nagkusot ng kanyang mga mata. A wide smile formed on his lips when he realized that it was now his birthday. Sinabayan niya pa kami sa pag-awit. Ganoon siya kasaya.
"Happy birthday baby." sambit ko at inilapit sa kanya ang cake.
"Thank you Papa." aniya.
"Now make a wish." bulong ko.
Tumango-tango siya bago ipinikit ang mga mata nang ilang segundo at pagkatapos ay hinipan ang kandila.
"Yey. Happy birthday baby Elliot." si Gabo.
"Thank you Tito."
"What did you wish for, baby?" tanong ko.
He looked up to me. "I wished that we will someday be a happy family, Papa Goob." his voice sounded so innocent yet so hopeful.
Napalunok ako sa sinabi niya. Naunahan ako ng aking kapatid sa pagsasalita. "But we're already a happy family, Elliot."
"What I mean is a happy family with Daddy Mick, Tito Gabo. You know, when he can sleep with me and Papa Goob and he can live here with us too. Or maybe we can live with him in his house. It's so big you know. I just miss him all the time whenever I'm not with him."
His words awakened the sadness that I have been feeling in the past days. I wonder how Elliot would react if he finds out that his Dad will die soon. Or worse, ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag wala na ang Daddy niya? His heart would be broken for sure.
Napabuntong-hininga na lamang ang aking kapatid. "Here's our gift for you." Gabo handed him the huge paperbag.
Excited niyang tinaggap iyon at binuksan agad.
"Wow! Thank you Papa and Tito Goob! I love this so much!" aniya nang makitang life-size doll iyon ni Boss Baby. He gave it a tight hug.
"We'll leave in two hours, okay baby? Come out in three minutes for your breakfast." bilin ko sa kanya bago sinamahan si Gabo sa paglabas sa kwarto.
On his birthdays, I usually prepare Peanut Butter Banana Bites and Chocolate Waffles for his breakfast. I started that tradition when he was three.
I started that tradition when he was three
Pagkatapos naming kumain ng almusal ay nagsimula akong idouble check ang mga gamit na dadalhin namin
Pagkatapos naming kumain ng almusal ay nagsimula akong idouble check ang mga gamit na dadalhin namin. Kahapon ko pa naipack ang mga iyon kaya kailangan nalang idouble check at baka may makalimutan.
Nang mapansin na okay na lahat ng aming kailangan ay pinaliguan ko na si Elliot at binihisan. Umalis na si Gabo kasama si Pietro patungong airport. Ayaw niyang sumakay sa iisang helicopter kasama si Mick. Naaalala ko pang nagtalo ulit kami dahil doon.
"I will use a plane to get to Leyte. Hindi ako sasakay sa helicopter ni Mick." pagmamatigas niya pagkatapos kong sabihin na chopper ang sasakyan namin.
"Stop being stubborn, Gabo. It's more convenient and free." pilit ko sa kanya.
"I don't care. I don't want to be in a closed space with him. Kasama niyo naman si Elliot kaya sigurado akong walang mangyayari sa inyo. Pietro and I will use a commercial plane. Whether you like it or not. Kung pwede nga lang ay hindi na lang ako sasama roon. Kung hindi lang talaga birthday ng pamangkin ko."
Kaya naman ay hindi ko na napilit pa ang aking kapatid.
Alas otso ng umaga nang tawagan ako ni Mick upang sabihin na malapit na sila. Naririg ko na ang tunog ng helicopter mula sa malayo. Nang marinig iyon ni Elliot ay mabilis siyang tumakbo patungo sa balcony at nagtatalon sa tuwa.
Sinundan ko siya at tiningan ang chopper na nasa himpapawid.
"Papa, Daddy Mick is here! The chopper is here!" sigaw niya.
Napangiti ako nang makita ang isang malaking tarpaulin na nakasabit sa baba ng chopper.
'Happy birthday, Elliot! From Daddy Mick and Papa Goob'
Iyon ang nakalagay sa malaking tarpaulin.
Mabilis na isinuot ni Elliot ang maliit na backpack at tinungo ang pinto. Napangiti na lamang ako dahil sa excitement niya.
We're supposed to ride the helicopter up on the rooftop dahil doon maglalanding. Kaya iyon ang pintunahan namin. Sa kanang kamay ay hawak ko si Elliot habang ang kaliwang kamay naman ang may dala ng bag na naglalaman ng mga gamit namin.
Nang marating ang rooftop ay nakababa na si Mick ng chopper. His hands were slid inside the pockets of his black beach shorts. His blue-striped polo are unbuttoned, revealing his sexy chest and abs. Suot niya rin ang isang pares ng Raybans. On his feet were white Adidas shoes.
Parehong-pareho sila ng suot ni Elliot dahil iyon ang plinano niya. Kaya lang, nakabutones ang polo ni Elliot, taliwas sa pagkakasuot ng kanyang ama na kita ang dibdib nito.
Kaya lang, nakabutones ang polo ni Elliot, taliwas sa pagkakasuot ng kanyang ama na kita ang dibdib nito
(Ganto porma nila guys HAHAHA blue nga lang)
Papansin.
Kung makaporma naman akala mo walang sakit. Tsk. And his body looks completely healthy. Kung hindi niya lang ako dinala sa doktor niya noong nakaraang linggo upang makumpirma ko ang kondisyon niya ay hindi ako maniniwalang may sakit siya. Tsk.
Tumakbo si Elliot patungo sa kanyang ama at agad naman siyang binuhat nito. Mick kissed Elliot's forehead.
"Happy birthday, buddy." aniya.
"Thank you Daddy. What's your gift for me?" Elliot said in his usual innocent yet excited voice.
"Well, my gift is waiting for you in the island. But that helicopter is also my gift to you." turo niya sa helicopter.
"Really, daddy?" bakas ang pagkakamangha sa boses ng bata.
"Yes, bud. It's now yours." Mick smiled, looking handsome as ever. Pinasadahan niya ako ng tingin kaya naman tumingin ako sa malayo.
"Let's go?" tanong niya. Tumango lamang ako at dumiretso na sa chopper.
Kahit karga-karga si Elliot ay inalalayan pa rin ako ni Mick pasakay roon. He extended his hand. Nagdalawang-isip ako kung tatanggapin ko iyon ngunit sa huli ay tinanggap ko nalang.
Sa totoo lang, natatakot ako sa helicopter dahil hindi ako sanay. In fact, this is my first time too. Kaya naman ay nanginginig ang kamay ko habang nasa himpapawid na kami.
Nakakandong si Elliot kay Mick. Pare-pareho kaming may suot na headset upang protektahan ang aming mga tenga sa malakas na ingay at para na rin makapag-usap usap habang nasa hinpapawid.
Si Elliot lamang ang maingay sa aming tatlo na manghang-mangha sa view mula sa himpapawid. Nasa harap namin ang dalawang piloto.
"Flying on a helicopter is much cooler than flying on a plane, Papa Goob. We should do this often." kumento ni Elliot.
I gave him a half smile. Mabuti pa siya, nag-eenjoy. Samantalang ako ay kanina pa nanginginig.
Marahil ay napansin iyon ni Mick kaya nagsalita siya.
"Are you okay?" tanong niya. Mababakas mo ang pag-aalala sa kanyang boses. Hinarap ko siya.
"Yeah. I'm f-fine."
"You don't seem fine at all. Your hands are shaking." He glanced at my now trembling hands.
"I'm just a little scared." I answered honestly. Ngayon ay napukaw ko ang atensyon ni Elliot.
"Don't be scared, Papa. I'm sure Daddy Mick will not let anything happen to you while he's here. You're safe with him. We are. Right, Daddy Mick?" si Elliot.
Tumango si Mick. "Right buddy. I will not let anything happen to the both of you."
My face blushed as waves of energy travelled from my spine down to my toes.
Elliot reached for Mick's hand. Ipinatong niya iyon sa nanginginig kong kamay.
"You should hold Papa's hand, Daddy Mick. I feel more safe when Papa Goob holds my hand. Maybe that's what he needs." ngumiti ang anak ko.
Sa puntong iyon ay sigurado akong pulang-pula na ang mukha ko dahil sa hiya. Ano na naman bang pakana nitong si Elliot?
Nagkatinginan kami ni Mick. Napalunok siya. "Is this okay?" He asked for my permission.
Dahan-dahan akong tumango. "Y-yeah."
"Feeling better now, Papa?" si Elliot.
"Yes, baby."
"That's a relief. I will also protect you Papa. So as long as I'm here, you don't need to be afraid."
I felt like someone just held my heart. His words were so sincere that it touched me.
"Thanks baby." naiiyak kong saad.
Elliot reached for my head and kissed my cheek gently. "I love you Papa Goob." bulong niya.
Inabot ni Elliot ang kamay ni Mick na nakahawak sa akin at pinaghiwalay iyon.
Ngunit pinagdikit naman ulit gad. Only this time, he made sure that our fingers were intertwined.
"Your hands are so veiny Daddy Mick. And also you Papa Goob. But Daddy's veins are more visible." puna ni Elliot. "But one thing is for sure. Your hands look perfect and were like created for each other."
Muli kaming nagkatinginan ni Mick. His eyes tell me that he wants to say something. But he chose to keep it to himself.
Sa mga lumalabas sa bibig ni Elliot ay minsan na akong napaisip kung talagang anim na taong gulang pa lang siya.
Pagkatapos noon ay iginiya ni Elliot ang aking ulo uoang isandal iyon sa balikat ni Mick. Seryoso lamang ang ekspresyon sa aming mga mukha habang ginagawa niya iyon.
Nanatiling ganoon ang posisyon namin sa sumunod na tatlumpung minuto. Ngunit hindi nagtagal ay nagsimulang umuga ang chopper.
"What's happening, Capt. LC?" nag-aalalang tanong ni Mick.
"It's a minor turbulence, Sir. But it will be gone soon." ang piloto.
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Mick nang maramdaman na mas lalong lumakas ang pag-alog ng aming sinasakyan.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang magsimulang tumabingi ang paglipad ng chopper. Ilang segundo ang lumipas at naramdaman kong pababa nang pababa ang aming lipad. Kasabay noon ay ang pagbilis ng tibok ng aking puso habang mas lalong hinigpitan ni Mick ang kanyang hawak sa aking kamay.
---
Gabo's Point of View
"Oh my god!" Pietro shrieked as he stared at his phone, his eyes wide open.
"What is it?" kasasakay lang namin ng taxi upang makapunta sa pier kung saan naghihintay ang sundo namin patungo sa isla ni Mick. Tss.
Even mentioning his name makes me angry.
"A helicopter crashed somewhere in Iloilo. Just five minutes ago!"
Naramdaman ko ang pagtindig ng aking mga balahibo sa katawan. Tila kumawala ang aking kaluluwa sa aking katawan nang ipinakita ni Pietro sa akin ang isang live video kung saan naganap ang helicopter crash.
Nanginig ang aking mga kamay at nabitawan ko ang cellphone.