Mick's Point of View
*one month after the surgery*
Marami akong pagsisisi sa buhay. At ngayon ay nadagdagan lamang iyon.
The day I woke up at the hospital, nasabi sa akin ni Mama na inoperahan ako dahil sa balang tumama sa aking ulo. And I was lucky enough to survive the gunshot.
Hindi pa nga nag-iisang oras simula nang magising ako ay sinabi sa akin ni Pietro na anak ko si Charlie. That I got her sister pregnant with our one night stand. I know. I'm an idiot. I slept with a girl only once when Goob left me for France. At sa unang pagkakataong iyon, nakabuntis pa ako.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa oras na iyon. Dahil una kong inisip ay ang mararamdaman ni Goob.
Of course, it would not be okay to react like I dislike the idea of having Charlie as my son. Dahil walang kasalanan ang bata. At kami ni Stella ang dahilan kung bakit siya nabuo. Kaya responsibilidad ko pa rin si Charlie bilang ama niya.
Nasabi sa akin ni Pietro na namatay ang kanyang ate nang ipanganak niya si Charlie. Ang tanging bilin sa kanya ni Stella ay ipakilala si Charlie kay "Michael" na ama ng bata. It took him years to figure out which Michael. Ngayong taon niya lang nalaman na ako ang Michael na tinutukoy kaya humanap pa siya ng tamang tyempo upang sabihin iyon sa akin. Ngunit noong nalaman niya na nabaril ako at nagising, hindi na siya humanap pa ng tamang pagkakataon. Kaya sinabi niya iyon agad sa akin nang malaman na nagising na ako.
I promised Pietro that I will take responsibility over Charlie. And that I want him to grow up with a father. Sa una ay nagduda ako kung anak ko nga ba talaga ang bata. But if you would look at him closely, mapapansin mo ang pagkakahawig ng mata niya sa akin at ang hulma ng kanyang mukha.
Still, I was uncertain. So I ordered someone to do a DNA test of me and Charlie. It turned out that Pietro was not lying and that Charlie is indeed my son.
Limang araw na ako sa ospital simula nang magising ako. Gustong-gusto ko ng lumabas. Dahil kailanman ay hindi pa bumibisita si Goob at si Elliot. Ilang beses ko mg sinubukang tawagan si Goob ngunit hindi sumasagot. Sa tuwing tatanungin ko naman si Mama tungkol sa kanila ay hindi niya ako sinasagot nang maayos.
"Ma, bakit hindi dumadalaw si Goob at Elliot? Sabihin mo sa akin ang totoo!" galit kong tanong. Pang-ilang tanong ko na iyon sa kanya ngunit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako binibigyan ng direktang sagot. Palagi lamang siyang balisa.
Ngunit sa oras na iyon ay hindi na niya nakayanan pa.
Nilapitan ako ni Mama sa hospital bed at hinawakan ang aking dalawang kamay.
"Anak, promise me that you will not blame yourself." aniya. Nagdadalawang-isip pa siya kung talagang sasabihin na ba niya ang totoo.
"I promise. Did they leave for France? Iniwan na ba nila ako? Sinabi ba sa kanila ni Pietro ang tungkol kay Charlie?" sunod-sunod kong tanong.
Umiling si Mama bago mag-unahan ang kanyang mga luha.
"Elliot is dead, anak. He was found lifeless inside a warehouse."
Natulala ako ng ilang segundo sa sinabi ni Mama. Nang makabawi ay umiling-iling ako.
"You're lying, Ma." namuo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.
"I'm not lying, Mick. Hindi ko gagawing biro ang ganyang bagay. I'm sorry anak." malungkot niyang saad habang patuloy sa pag-iyak.
Doon na ako napahagulgol ng iyak.
Sobrang sakit. Parang gustong sumabog ng dibdib ko. Halos hindi ako makahinga.
Niyakap ako ng aking ina sa pagbabakasakaling mapagaan ang nararamdaman ko. But in that moment, I knew that nothing could ever make me feel better. I just lost my son. My son whom I only had the opportunity to be with for more than a month.
"Si Goob, Ma? Nasaan si Goob? Is he okay?" I cried. "When did this happen?"
"The day you woke up after your surgery."
Nanlumo ako sa sagot niya. I woke up five days ago! Bakit ngayon niya lang sinabi?
"I did not want to tell you because you are still recovering. And your history with depression made me not want to tell you too. Dahil baka sisihin mo ang sarili mo."
"Bakit namatay ang anak ko Ma? Who killed my son? Elliot was a healthy boy." nagpatuloy ako sa pag-iyak.
"A dead man was found next to him. It turned out that he was the one who killed Elliot. My poor boy."
Upang kumpirmahin ang lahat, tinawagan ko si Techno. Gustong-gusto kong sabihin niya sa akin na biro lang ang lahat at hindi ito totoo.
"It's true, Mick. Sining killed Elliot before he killed himself." sagot ni Techno sa kabilang linya.
Halos itapon ko ang cellphone ko sa dingding. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili.
"How is Goob? Bakit hindi pa siya dumadalaw sa akin? How is he?" I asked while crying.
"Goob has not been eating for days, Mick. Nawalan na siya ng ganang mabuhay. Gabo had a heart attack when he heard about Elliot. Sinisi ni Gabo ang kanyang sarili. On that same day, Gabo died too. Sa araw na iyon, parehong nawala kay Goob si Gabo at Elliot." hindi na rin nakayanan ni Techno kaya napaiyak na rin siya.
Tuluyan kong nabitawan ang aking cellphone habang sinusubukang iproseso ang lahat.
Tila gumuho ang mundo ko. Iniisip ko pa lang ang nararamdaman ni Goob ay hindi ko na kaya. Paniguradong labis ang sakit na nararamdaman niya.
Kaya kahit na nagluluksa pa rin sa balitang pinatay ang aking anak, pinilit ko ang sarili na magpakalakas.
I was only with Elliot for more than a month. While Goob was with him for six years. Elliot was his world. And so was Gabo.
Kahit hindi pa lubusang nakakarecover ay nagpadischarge ako sa ospital. The doctors did not approve of it at first but when I threatened them that I will have he hospital closed if they don't discharge me anytime, pinakawalan nila ako.
I was not fit to drive yet kaya nagpahatid ako sa driver ko patungo sa condo ni Goob. Nadatnan ko si Techno at Kuya Dominic na pilit pinapakain si Goob.
Namamayat na siya. Ngunit ganoon pa rin. Mala-anghel pa rin ang itsura.
Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang sakit na nararamdaman. Nakaupo lamang siya sa kama, yakap-yakap ang dalawang tshirt na hula ko ay kay Elliot at kay Gabo.
Parang nilulukot ang aking puso. Sobrang sakit. Kung pwede lang na akuin ang sakit at bigat sa kanyang puso ay ginawa ko na. Hindi ko kaya. Pero pinilit kong magpakatatag.
Nilapitan ko si Goob at niyakap siya nang. Umalis doon si Techno at Kuya Dominic upang bigyan kami ng espasyo.
Nagsimula akong umiyak samantala ay nanatili lamang siyang tulala at yakap yakap ang mga damit habang pinagmamasdan ang bintana.
"I'm so sorry, baby. I'm so sorry." iyak ko. He tried to push me away but my hug was tight enough that I did not budge.
"Get away from me. Naiipit si Elliot at si Gabo." aniya.
Mas lalo lamang akong naiyak. "I'm so sorry, Goob. I should have done better to protect Elliot." tanging nasabi ko.
Sana ay pinabantayan ko si Elliot. Kung ginawa ko iyon ay hindi sana ito nangyari.
Umabot pa ng dalawang araw bago siya kumain. I have decided to have him checked by a psychiatrist.
Goob suffered from major depressive disorder and was diagnosed with bipolar disorder. He often had delusions and hallucinations. Gumagawa-gawa siya ng mga eksena sa kanyang utak upang makalayo sa reyalidad. He kept on denying Elliot and Gabo's death. Hindi niya iyon matanggap. Kaya ang sabi ng mga doktor ay paraan niya ang pag imbento ng mga pangyayari upang makatakas sa reyalidad.
Iyon ang naging paraan niya. Pinaniwala niya ang kanyang sarili na hindi totoo ang mga nangyari. It was hard to me at first, but after a few weeks, I came to accept it.
Kinailangan kong maging matatag para kay Goob. Sinukuan ko siya noong pinaniwalaan ko sina Sining. Kaya sa pagkakataong ito, hindi ko na siya pwedeng sukuan pa ulit.
Goob shut everyone out. Hindi niya kami kinausap nina Techno at Kuya Dominic. But we made sure to always make him feel that we were there for him.
Nasabi sa akin ni Techno na ipinacremate nila ang bangkay ni Elliot at Gabo. They told me that they wanted to give them a proper send-off. At dahil nagbreak down si Goob sa pagkamatay ng dalawa, nakuha na agad nila na imposibleng maging maayos ang paglibing sa dalawa. They thought that having the bodies cremated would be better so we can just spread the ashes once we were all ready.
The situation was so hard for me. May mga araw na iiyak akong mag-isa sa tuwing naaalala ko si Elliot. At sa tuwing nakikita ko si Goob sa sitwasyon niya ngayon. Sobrang hirap, sobrang sakit.
Ngunit nilabanan ko ang kalungkutan. Dahil kung hahayaan kong malugmok ako sa sakit, sino ang magiging lakas ni Goob? I always reminded myself to be strong. Kaya kahit hirap na hirap na ako, pilit akong lumaban. Dahil sa pagkakataong iyon, ayaw kong biguin si Goob.
Dinala ko siya sa aming dating bahay dahil doon marami kaming kasambahay. Ay least doon, marami siyang pwedeng makausap.
May mga pagkakataon na nagwawala si Goob. Itinatapon niya ang lahat ng bagay na nahahawakan niya. Picture frames, flower vases, and even chairs.
Ngunit kailanman, hindi ako nagalit sa kanya. Naisip ko rin na epekto na iyon ng lahat ng sakit na pinagdaanan niya. Mula sa panggagahasa sa kanya at pananakit ko, hanggang sa pagkamatay ni Gabo at Elliot. He's been through a lot. The least I could give him was my support and my understanding. Dahil sa mga episodes ni Goob ay ipinatago ko ang lahat ng patalim at lahat ng bagay na maaaring makasakit sa kanya upang masigurado ang kanyang kaligtasan. I made sure that all knives were kept in a safe place.
Sa tuwing nagwawala siya, hinihintay ko lamang na matapos siya at pagkatapos noon ay yayakapin ko siya nang mahigpit. I would let him sleep on my lap and play with his hair. Kahit paano ay kumakalma naman siya.
Sa tuwing bumibisita ako kay Charlie ay si Kuya Dominic at Techno naman ang nagbabantay sa kanya.
There was this one time when Goob went missing. Natakasan niya ang mga guard sa bahay. I had everyone looking for him. At sa isang flower shop lang namin siya nahanap.
Hawak-hawak niya ang dalawang sunflower.
"This is for Elliot. He told me earlier that he likes sunflowers so much." aniya at ginawaran ako ng ngiti.
I enveloped him in a hug as tears began streaming down my face.
Nasasaktan ako. Nasasaktan ako para sa kanya.
May mga pagkakataon na sinusumbatan ako ni Goob. Dahil pinakasalan ko daw si Stella na kapatid ni Pietro. Kahit hindi naman talaga nangyari iyon.
Lumipas ang ilang buwan at ganoon pa rin ang naging kalagayan ni Goob. Unti-unti na akong napapagod. Pero lagi kong sinasabi sa aking sarili na malalampasan din namin ito. Kailangan ko lang tatagan ang aking loob.
Dumating ang araw ng anibersaryo mg pagkamatay nina Elliot ay Gabo. At sa araw na iyon, gusto ko sanang dalhin si Goob sa lugar kung saan sana kami ikakasal noon.
"We'll take a road trip." saad ko sa kanya upang makumbinsi siyang sumama.
"Elliot and I will visit his Tito Gabo at his workshop. So I'm not available." sagot ni Goob habanh abala siya sa pagtatanim ng bulaklak. "Elliot!" aniya habang nakatingin sa kanyang tabi. "Go take a bath now. Your Tito Gabo said we need to be there before 5pm. It's almost 4 pm."
Bumuntong hininga na lamang ako. Nilapitan ko siya at hinalikan ang kanyang noo.
"I'll only be gone for a few hours, baby. Please stay safe." malambing kong saad.
"Yeah. Elliot and I will be home in a few hours too." aniya ng may ngiti sa labi.
I drove to the beach where we were supposed to be wedded seven years ago.
I took the moment to think about Elliot who was always so sweet and brave.
Naupo ako sa buhangin habang pinagmamasdan ang kulay kahel na kalangitan. Malapit ng lumubog ang araw. The ocean reflected that of the orange color of the sky.
I heaved out a deep sigh. Naalala ko ang ika-anim na kaarawan ni Elliot. We were at the beach that day because it was his request. Naaalala ko pa noong tinuruan ko siyang lumangoy sa araw na iyon.
I closed my eyes as I tried to reminisce that happy memory. I began to sing a song that always remind me of his death.
"You are my sunshine
My only sunshine.
You make me happy
When skies are grey.
You'll never know, dear,
How much I love you.
Please don't take my sunshine away."
His supposedly seventh birthday was last month. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Kahit isang taon na ang lumipas, sobrang sakit pa rin talaga.
I wish I was able to mourn for my son properly. Pero gayunpaman ay hindi ko sinisisi si Goob dahil sa pagkawala ni Elliot. He was equally as devastated as me. Yun nga lang, hindi siya naging matagumpay sa paghawak ng problemang iyon.
Hinampas-hampas ko ang aking dibdib. Sobrang sakit. Bakit kinailangang kunin ng Diyos sa amin si Elliot? Sana ako na lang! Sana hindi na lang ang anak ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak doon. Ang tanging bagay na nagpakalma sa akin ay ang paghampas ng mahihinang alon sa aking mga paa.
Sa oras na iyon ay naisipan kong tawagan ang numero ni Goob, kahit alam kong malabong sagutin niya iyon.
"Goob," saad ko nang sagutin niya ang tawag.
"Mick." mahina niyang bulong sa kabilang linya.
"I'm at a very beautiful place right now. I hope you were with me." I cried. Pinigilan ko ang paghikbi ngunit nabigo ako. "Hindi ko alam kung kaya ko pang magpatuloy, Goob. Please come back to me. Please, baby."
"I am with you, Mick. Simula ngayon ay hindi ka na muling mag-iisa." sagot niya. Sa tono ng boses niya ay nahinuha kong umiiyak siya.
Mas lalo akong naiyak. "What do you mean?"
"Turn around, baby." aniya.
Naguguluhan man ay mabilis kong nilingon ang aking likuran. He was smiling at me as he cried. Sa kanyang mga kamay ay ang mga urn na naglalaman ng mga abo nina Elliot at Gabo.
Tinakbo niya ang distansya sa pagitan namin at naupo siya sa aking tabi.
He placed the urns in front of us. Goob cupped my face and wiped my tears away.
"From now on, you will never be alone again, Mick. Pasensya ka na kung natagalan ako bago nakabawi. Pero mula ngayon, aayusin ko na ang aking sarili. At sana, hindi mo pa ako sukuan."
Umiling-iling ako.
"Hinding-hindi na kita muling susukuan pa, Goob. Magkandakuba-kuba man ako. Itaboy mo man ako. Pahirapan mo man ako. We will not stay together for a long time, because we will stay together forever."
"I love you, Mick." aniya. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata ngunit may ngiti sa kanyang mga labi.
"I love you too, Goob."
Unti-unting inilapit ni Goob ang kanyang mukha sa akin at siniil ako ng halik.
Umihip ang malamig na hangin at humampas sa aming mga paa ang malakas na alon.
"It's time that I finally let go," he said as he reached for the urns.
Ngumiti ako sa kanya.
On that afternoon, under the sunset, Goob and I scattered the ashes of our dear son, Elliot. Pareho kaming umiiyak habang ginagawa namin iyon.
My buddy Elliot, you will be misses. Wherever you are right now, I hope you know how much Daddy loves you. And with the small time that we spent together, I hope you felt my love for you. You will always have a place in my heart buddy. Until we meet again.
Goob also released Gabo's ashes. Gabo was a brave person. He was willing to protect his brother at all cost.
You will also be missed, Gabo. Makakaasa ka, habang-buhay kong aalagan ang kapatid mo. Habang-buhay ko siyang mamahalin.
People always say that life is a suffering. But I think they are wrong. Suffering is a choice. Palaging may mga pagsubok na darating. At nasa atin kung paano natin ito haharapin. I have come to realize that we must always choose to be brave. Maraming laban ang ibibigay sa atin ng buhay. And as we choose to be brave, we must always remember to choose our battles. Dahil kung lahat ng gyera ay lalabanan natin, mawawalan tayo ng lakas upang maipanalo ang mga tunay na gyera sa buhay.
And with every battle that we face, we do not need to face them alone. Mula sa araw na ito, kasama ko si Goob sa lahat ng hamon sa buhay.
Goob and I may have lost our way, but we still managed to find each other again. And this time, we already know the way and we will never get lost again.
Nakatayo naming pinagmasdan ang paglubog ng araw habang magkahawak ang aming mga kamay.
Life will never be a suffering, Goob. Because you are my life.
Because you are my life
Wakas!
---
😭😭😭
Natapos ko rin akala ko di ko to matatapos HAHAHAH anyway, kumusta ang mga puso?
Maraming salamat ulit sa lahat ng nagbasa at sumuporta. I poured my heart out in this story as well, so I hope hindi ko sinayang ang mga oras niyo hehe.
Let me know your thoughts, violent reactions, or comments about the whole book! Magcomment ka naman kahit ngayon lang HAHAHA