Thank you for making it this far ❤
This is unedited so expect typos.
Wakas
Goob's Point of View
One month later
"Michael & Stella Nuptials," basa ko sa gintong nakaukit sa labas ng puting invitation. Naramdaman ko ang agarang paninikip ng aking dibdib at ang panginginig ng aking mga kamay.
Magara ang imbitasyon, halatang malaki ang iginastos nila.
Nangilid ang aking mga luha. Imbitasyon iyon para sa kasal ni Mick. Ikakasal siya kay Stella, ang ina ng anak niyang si Charlie.
Kanina lamang dumating ang imbitasyon sa bahay. At sa susunod na linggo na ang kanilang kasal. Mick wanted me to be his best man. Kaya kasabay ng imbitasyon ay ang damit na aking susuotin.
Itinabi ko ang invitation at pinagtuonan naman ng pansin ang itim na tuxedo na ipinagawa niya para sa akin. Noong isang linggo ay humingi siya sa akin ng aking body measurements.
Tumulo sa aking mata ang luha kasabay ng panginginig ng aking mga labi. Nabasa noon ang tuxedo.
Pakiramdam ko ay hinihiwa ang aking puso. Hindi ko alam na ganito pala kasakit.
"Papa Goob!" tawag sa akin ng isang matinis na boses. Pinahid ko ang luha bago harapin si Elliot. Ginawaran ko siya ng ngiti, sinusubukang itago sa kanya ang sakit na aking nararamdaman.
"Hi baby." suot-suot niya ang kanyang tuxedo na ipinadala rin ni Mick para sa kanya na susuotin niya sa kasal. Sakto ang laki noon at bagay na bagay sa kanya.
Elliot will be the bible bearer, while Charlie will be the ring bearer. It only makes sense na si Charlie ang magdadala ng mga singsing dahil siya naman ang anak nila.
"Do I look handsome, Papa?" maligayang tanong ni Elliot.
Tumango ako habang naiiyak at tila natatawa rin dahil sa kakulitan niya. Halatang komportable at confident siya sa suot niyang damit. Makikita na manang-mana siya kay Mick sa tindig pa lang.
"Yes, baby. You're the most handsome boy in the whole wide world." sagot ko at binuhat siya. Inamoy ko ang kanyang ulo bago hinalikan iyon.
Hindi naging madali para sa akin ang naging desisyon ni Mick na tuluyan na naming sukuan ang isa't isa. At mas lalong nahirapan si Elliot. Ever since he woke up from the brain surgery, tila nagbago siya. Tila ibang Mick ang bumalik sa amin. Or perhaps I never truly knew him?
Tandang-tanda ko pa noong una naming pagkikita mula nang magising siya. I was so excited to see him, but he was not excited to see me.
*flashback*
Isang linggo na simula noong makalabas si Mick sa ospital ngunit ang sabi ni Tita Mirasol ay ayaw pa akong makita ni Mick. Hindi ko na siya nabisita sa ospital dahil ang bilin sa akin ni Tita ay hindi pa raw handa si Mick na makipag-usap sa akin pagkatapos ng pamamaril sa amin. Aniya ay nagpapagaling pa si Mick at nagrerecover mula sa operasyon. Payo raw ng mga doktor ay mas makabubuti kung hindi muna makikita ni Mick ang mga taong makapagpaparamdam sa kanya ng samu't saring emosyon.
It was painful to me of course, because I thought that it was me whom he would want to see so much. Hindi nagtamo ng amnesia si Mick. Hindi ko lang maintindihan kung bakit tila ayaw niyang makita ulit ako. Kahit si Elliot, pinigilan niya munang makipagkita sa kanya. Sobra akong naguluhan. May kutob ako na may kinalaman iyon tungkol kay Charlie na narinig kong anak pala siya ni Mick dahil kay Pietro. Ngunit hindi ako sigurado. Naliwanagan lamang ako nang sa wakas ay pumayag siyang makipag-usap sa akin isang linggo pagkatapos niyang makalabas sa ospital.
Aaminin ko, sobrang nasaktan ako nang malaman kong anak ni Mick si Charlie. It was painful knowing that the man you love has a son with someone else. Ngunit sinubukan kong isantabi iyon dahil naisip ko rin na baka nabuo si Charlie noong panahong nasa France pa kami. Noong panahong pinili kong iwanan siya.
Gusto kong magalit sa kanya, sa totoo lang. Dahil kahit naman nagpakalayo-layo ako, hindi ibig sabihin noon na hindi ako nahirapan. Masakit lang isipin na habang ipinagbubuntis ko si Elliot ay mag-isa ako, habang siya ay abala na pala sa ibang babae. Na habang nahihirapan ako, nag-eenjoy naman siya.
Being pregnant with Elliot was never an easy thing. Sobra akong nahirapan lalong lalo na ang kapatid ko na si Gabo. Ipinaglihi ko si Elliot sa chicken nuggets. At hindi ko na nabilang kung ilang beses natalsikan si Gabo ng mantika habang nagpriprito siya ng mga iyon para sa akin. Halos gabi gabi ay magigising ako ng ala una dahil gustong gusto kong kumain noon. Gigisingin ko pa si Gabo. It was so hard. It was so hard for all of us. Kaya masakit isipin na kinailangan kong pagdaanan iyon na wala si Mick dahil kinailangan ko siyang iwan upang makalayo sa kanyang pananakit sa akin.
But still, even if he has a son with someone else, kayang-kaya ko siyang patawarin. Napatawad ko nga siya dahil sa pananakit niya sa akin, lalo pa kaya ang pagkakaroon niya ng anak noong hindi kami magkasama?
Gayunpaman, even if I was willing to forgive him, it was still him who made the call.
Kasama ko si Elliot at Gabo noong nagpunta ako sa kanyang bahay pagkatapos malaman na handa na siyang makita ulit kami.
Mabilis na binitawan ni Elliot ang aking kamay at tumakbo patungo sa kanyang Daddy Mick upang magpabuhat. Mick was standing at the living room, probably waiting for us. It's been two weeks since his operation. May bandage pa rin na nakapalupot sa kanyang ulo.
"Daddy!" sigaw ni Elliot. Hinalikan niya ang pisngi ng ama. Ganoon din ang ginawa ni Mick sa anak.
"Hey buddy."
"I missed you, Daddy." naiiyak na saad ni Elliot. Nagtago siya sa dibdib ng ama.
"I missed you too, bud."
Ibinaba ni Mick si Elliot. Pinahid ng aking anak ang kanyang mga luha. Samantala ay nanatili akong nakatayo sa malayo, pinagmamasdan sila. Nasa tabi ko lang din si Gabo.
"Hey, don't cry bud. Everything is fine now." Hinaplos ni Mick ang buhok ni Elliot bago niyakap ang anak.
"Daddy Mick!" tawag ng isa pang matinis na boses. Si Charlie.
Linapitan ni si Elliot at Mick at sumali sa kanilang yakap. Naguguluhang tiningnan ni Elliot si Charlie.
"You call him 'daddy' too?" si Elliot.
Tumango-tango si Charlie at ngumiti. "Yes. He's my dad. Right, Daddy?"
"Yes, bud. Charlie is my son too. He's your younger brother." natigilan si Elliot. Nagpalipat-lioat ang tingin niya sa dalawa.
"I have a brother?"
"Yes bud."
Naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib. Tears formed in my eyes but I stopped them from streaming down. I whimpered, but it was so soft that Gabo did not even hear me.
Masakit. Sobra. Pero kailangan kong tanggapin.
Samantala ay hindi ko inasahan ang magiging reaksyon ni Elliot. He was so happy to find out that he has a brother. Nagtatalon siya kasama si Charlie.
"Why don't you play upstairs inside your room, Charlie?" tanong ni Mick.
"Let's go, Kuya Elliot." anyaya ng bata. Tumango si Elliot at nag-unahan silang tumakbo paakyat.
Lumabas si Pietro mula sa kusina kasama ang isang magandang babae.
Nilapitan ni Pietro si Gabo at sabay silang lumabas ng bahay. Naiwan kaming tatlo nina Mick at ang babae na hula ko ay ina ni Charlie.
They live here? Ang damit niya ay halatang pambahay lamang kagaya ng suot ni Mick.
Muli kong naramdaman ang paninikip ng aking dibdib.
Sabay silang lumapit sa akin.
"Goob, this is Stella, my fiancé." pakilala ni Mick.
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Fiancé?
I felt daggers and knives piercing through my heart. My knees began to feel weak but I tried my best to maintain my composure.
"Stella, this is Goob, my ex-boyfriend."
Hindi ko na nakayanan pa kaya tinalikuran ko sila upang makaalis doon. Nag-unahan ang aking mga luha.
"Goob, let me explain first." habol sa akin ni Mick.
Mabilis ang lakad ko kaya sa garden na niya ako naabutan. Hinawakan niya ang aking palapulsuhan kaya napatigil ako. Hinarap ko siya.
"Why are you doing this? Akala ko ba ako ang gusto mo? Pero may fiancé ka na pala?" sumbat ko sa kanya. Hindi ko siya makita nang maayos dahil pinapalabo mg aking mga luha ang aking paningin. "You refused to see me and Elliot after you woke up. Tapos ngayon, malalaman kong dito na pala sila nakatira at ikakasal ka na? Ano to? Gaguhan?"
"I'm sorry, Goob. Gusto ko lang maging masaya na nang tuluyan." sagot niya.
Napalunok ako sa kanyang sinabi ngunit nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Being with you has only caused me pain and suffering. Sa sobrang pagkakagusto at pagmamahal ko sa'yo, nakalimutan ko ang maging masaya."
Tila isang espada ang tumusok sa aking puso. Inipon ko ang natitirang lakas upang magsalita. "Sa tingin mo ba ay hindi ako nahirapan? Loving you also pained me, Mick. Ilang beses din akong nasaktan. Sumuko man ako sa'yo noon, ngayon ay handa na akong sumugal ulit. Handa na akong magpatawad. Pero bakit ganito, Mick? Bakit ikaw naman ang sumusuko ngayon?" iyak ko.
Umiling siya. "Hindi ako sumusuko, Goob. Sumusuko lang ako sa akin. Pero sa akin, hindi. The bullet that pierced through my head brought me back to my senses. Naisip ko na siguro ay kung ikaw ang pipiliin ko, patuloy tayong masasaktan. Hindi pabor sa atin ang mundo, Goob. As long as we try to be together, some things will always try to keep us apart."
"Sapat na dahilan na ba iyon para sumuko ka? Dahil may mga taong gustong paghiwalayin tayo?"
"Yes, I think it's enough reason. I have suffered enough in my life, Goob. For once I want to be happy again. And I don't think I will find that happiness with you."
Nanginig ang aking mga labi. "But what if you are my happiness?" tanong ko sa kanya.
Hinawakan niya ang aking mga kamay. Umiling-iling siya. Nagsimulang dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata.
"I am not your happiness, Goob. I never was. And I never will. I am your sorrow. Dahil sa akin kung bakit ka nasasaktan. At narealize ko rin na ikaw ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. So let's soare ourselves from pain, okay? Let's choose happiness."
"Mick, kaya tayo nasasaktan ay dahil mahal natin ang isa't isa. Hindi mo ba iyon naiintindihan? Hindi mo na ba ako mahal?"
"Naiintindihan ko, Goob. At mahal pa rin kita. But like I said, piliin natin ang maging masaya. Dahil kung pipiliin natin ang pag-ibig, patuloy tayong masasaktan."
"Bakit si Stella pa? Ayaw mo bang bigyan ang sarili mo ng mas mahabang oras para mag-isip?"
"I already wasted so many years. With Stella, maybe I can start something new. Start something and do everything right. Besides, we have Charlie. Gusto ko siyang bigyan ng masaya at buong pamilya."
"And we have Elliot. Don't you want to give him a happy family too? We can also start again. Yes, Mick. Let's start again. Kalimutan natin ang mga nangyari noon at mag-umpisa ulit." pakiusap ko sa kanya.
Umiling siya. "Kilala kita, Goob. You always find a way to run away from things. Tumatakas ka sa tuwing pakiramdam mo ay nagiging magulo na ang mga bagay. Sinasabi mo lang na gusto mong mag-umpisa ulit tayo siguro ay dahil biglaan ang lahat. But in time, Goob, marerealize mo rin na tama ang desisyon na ito. Kaya pakiusap, huwag na nating pahirapan pa ang ating mga sarili."
"Mick, please." I begged him. I went down on my knees and grabbed his hands. "Please Mick. Don't do this. We can still start over."
"My decision is final, Goob. Stella and I will be married next month. And if it isn't too much, can I ask you to be my best man? Wala na akong ibang kaibigan, Goob. They all betrayed me."
Umiling ako. "Hindi ko kaya, Mick. Ang tanggapin nga na ikakasal ka sa iba ay hindi ko yata magagawa, ang maging best man pa kaya sa kasal mo?"
"I know that this is hard for now, dahil kahit ako nahihirapan. Ngunit naniniwala ako na maghihilom din ang ating mga sugat. Let's choose to grow and be happy, Goob."
"But maybe we can choose to grow together? Like two sunflowers? Elliot could be our sun. Sa kanya tayo kukuha ng lakas, Mick."
Pinilit ako ni Mick na tumayo. He cupped my face and looked me in the eye.
"Let us grow separately, Goob. Let's choose that. Time heals all wounds."
Ang hindi mo alam Mick ay iba't iba ang klase ng sugat. May malalalim. At may mabababaw. Ang sugat na tinamo ko dahil sa pagmamahal ko sa'yo ay isang sugat na malalim. Wounds that cut us deep are the most painful one. And the deepest of wound forever leave us scars.
"Kung buo na talaga ang desisyon mo na pakasalan si Stella, can I at least ask you one thing?" nanginig ang aking boses. Sa kanyang malalalim na mata lamang ako nakatingin. "On the day of your marriage, before you say 'I do' to her, can you at least glance at my direction, give me a smile and a nod. Because that will be my queue. Iyon ang magiging palatandaan ko na puwede na akong tumakbo paalis ng simbahan. At ang tango at ngiti na ibibigay mo sa akin ang siyang palatandaan ko na sigurado ka na sa desisyon mo."
Tumango siya bago hinalikan ang aking noo. "Makakaasa ka, Goob. If doing that will make you happy, then I will."
*end of flashback*
Dumating ang araw ng kasal. At gaya ng napagkasunduan, dumalo ako upang maging best man ni Mick. Kasama ko si Elliot at si Gabo. Kagabi ay hindi ako nakatulog. Magdamag akong umiyak at nang wala ng luha ang tumutulo sa aking mga mata, tinitigan ko na lamang ang kisame sa aming kwarto ni Elliot hanggang sa magliwanag.
Namumugto ang aking mga mata ngunit dahil magaling si Kuya Dominic na make-up artists ay nagawan niya iyon ng paraan. Alas diyes ng umaga ang kasal. And of course, it was a church wedding unlike our supposedly civil wedding years ago.
"We don't need to be here, Kuya." saad ni Gabo na nag-aalala ngayon.
Umiling ako. "No, Gabo. I want to hear it. I want to hear it when Mick says I do."
Tumango siya at inalalayan ako papasok ng venue. Nang dumating ang punto na magpapalitan na sila ng 'I Do' ay sobrang lakas ng kabog ng aking puso. Bilang best man ni Mick ay nasa likuran niya ako at ilang metro ang layo ko sa kanya.
Kanina pa parang pinipiga ang aking puso at kanina ko pa pinipigilan ang aking mga luha. Nag-iiyakan ang mga bisita kasama si Stella. Hindi ko man kita ang mukha ni Mick ay alam kong umiiyak din siya dahil sa panginginig ng kanyang mga balikat.
"Do you Stella Cortez, take this man to be your husband?" tanong ng pari.
"I do." Stella's voice broke. Ngunit malawak ang kanyang ngiti, halatang nag-uumapaw ang kasiyahan. Nasa tabi niya ang kanilang anak na si Charlie na kanina lang ay inihatid ang singsing sa kanila.
My lips trembled. Ngayon ay si Mick naman ang hinarap ng pari.
"Do you Mick Dela Merced take this woman to be your wife?"
Hinanda ko na ang sarili ko. Sa puntong iyon ay kay Mick lamang nakatuon ang aking mga mata.
Huwag kang lilingon, Mick. Please. Don't look at me, give me a nod and smile. Matagal ng wakas ang aking puso. Pero kapag gawin mo iyon ay siguradong mapipino pa ang pagkakadurog nito.
Halos sumabog ang aking dibdib nang lingunin ako ni Mick. Tumango siya sa akin. After that, he flashed me a smile, a smile of a happy man. The smile of the man I love.
At tila isang palatandaan, nag-unahan ang aking mga luha sa aking mga mata. Kasabay noon ay ang pagkamatay ng aking kaluluwa.
Ibinalik ni Mick ang kanyang atensyon kay Stella upang sagutin ang tanong ng pari. Before he could even say the words, I took the chance to escape.
Tumakbo ako palabas ng simbahan. Ngunit nabigo ako. Dahil bago pa man ako makalayo ay narinig ko muna ang boses ni Mick.
"I do."
Sobrang bigat ng aking nararamdaman. At sobra ang aking panghihina. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas upang makatakbo palayo roon.
Apo and Bright were both waiting for me outside. Nakaparada ang sasakyan ni Bright. Apo opened the car to the passenger's seat of Bright's car. Ang kanyang sasakyan naman ay nasa likod ng sasakyan ni Bright.
"Get in, Goob." si Bright na nasa driver's seat. Tumango ako at sumakay na roon.
Pinaharurot ni Bright ang sasakyan. At sa loob ng tatlumpung minuto ay narating namin ang Manila International Airport. Sunod na dumating ang sasakyan ni Apo. Sakay niya sina Elliot at Gabo.
Sa mismong araw ng kasal ni Mick ay bumalik kami ng aking kapatid at ng aking anak sa Paris, malayo sa sakit na idinulot ni Mick sa akin.
Sampung taon ang lumipas. Nagtapos si Elliot ng high school. At ikinasal si Gabo kay Heinz.
Sa nakalipas na limang taon, paminsan-minsan ay bumibisita si Techno sa amin sa France. At sa kanyang pag-uwi ay isinasama niya si Elliot. Pumayag si Mick na sa Paris na kami tuluyang tumira ng anak niya sa kondisyon na papayagan kong bumisita si Elliot sa kanila.
"Congratulations, baby!" bati ko kay Elliot pagkatapos ibigay sa kanya ang regalo ko. He finished high school as class valedictorian. Katatapos lamang ng kanilang ceremony at nandito kami ngayon sa bahay namin sa Paris. Eight years ago, I have decided to purchase our own house and no longer live in a penthouse.
Nasa bakuran kami kung saan napagdesisyunan kong magkaroon ng barbecue party upang ipagdiwang ang graduation ni Elliot. Busy si Elliot sa pagchachat sa kanyanh cellphone habanh nakaupo sa isa sa mga monobloc chairs.
"Papa, I told you, stop calling me baby. Ang laki-laki ko na!" reklamo niya.
Sabay sabay kaming natawa nina Techno, Gabo, at Heinz. Si Techno ay abala sa pag-aayos ng ibang pagkain.
Kuya Dominic is not here. He stayed in the Philippines for good dahil doon niya nahanap ang kanyang mapapangasawa. Hindi siya sumama sa amin pabalik ng France sampung taon na ang nakalilipas.
Gabo is already 31 years old. Isang taon na silang kasal ni Heinz. They already have Gabriela which is their adopted daughter who's already 8 years old. Eight years old na si Gabriela nang ampunin nila siya.
"Hayaan mo na Elliot. Wala kasing ibang baby si Kuya kaya yan pa rin ang tawag sa'yo." biro ni Gabo.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Baka naman may iba ng tumatawah ng baby kay Elliot kaya ayaw ng magpatawag ng baby sa'yo, Kuya Goob." si Heinz.
Heinz is pure french. Pero dahil kay Gabo ay natuto na rin siyang mag-Filipino.
Natawa na lamang sila sa biro ni Heinz. Samantala ay namula ang mukha ni Elliot.
"Tito Heinz, I told you not to tell anyone. Sa'yo ko lang sinabi dahil siguradong magagalit si Papa at si Tito Gabo!"
"It slipped. Sorry dude." si Heinz na natatawa lang habang abala sa pag-iihaw ng barbecue. Kasama niya si Gabo.
"You already have a girlfriend Gabo? Or boyfriend?" tanong ko. Tumayo ako sa aking upuan at nilapitan siya
"Girlfriend, Papa. And please don't be mad." nahihiya niyang saad.
"Binata ka na pala! Halika nga rito!" hinigit ko siya at niyakap. "Kahit may iba ng tumatawag sa'yo na baby, baby pa rin kita. You will always be my baby, understood?"
"Pa naman eh!"
"Aarte ka pa ba o hindi kita papayagan mag girlfriend?" biro ko.
Muling nagtawanan ang aming mga kasama.
"Fine!" napipilitang sagot ni Elliot. Ginulo ko ang kanyang buhok.
"Nako, kung ako sa'yo Kuya, humanap ka na ng sarili mong baby! Nang hindi ka na umeksena pa sa mga ganap sa buhay ni Elliot! HAHAHA." si Gabo.
"Oo nga baccla! Humanap ka na ng bebe mo! Malapit ng pumuti ang buhok mo! Pero in fairness marami ka pa ring manliligaw! Go na! Malaki na si Elliot kaya no need na ng full attention! Hanap ka na ng tite ng French! Kagaya ni Gabo!" si Techno.
"Che, Techno! Porket kasal na kayo ni Boat! Bat mo pala hindi sinama rito?"
"Nag-away kami kaya iniwan ko sa Pinas. Paano ba naman sinabi kong magbook siya ng ticket namin lasy week eh nakalimutan niya. Ayon iniwan ko."
"Kuya Goob, ikaw na lang ang walang partner dito! Mag-asawa ka na rin kasi! Diba Elliot?" si Gabo.
"Yes, Papa. You keep nagging me. It's time to look for a distraction."
Naramdaman kong pinagtutulungan nila ako kaya tinarayan ko na lamang sila.
I opened my Instagram app at unang bumungad sa akin ang post ni Mick.
Larawan iyon ng isang baby at may caption na na "Samantha's Christening ❤"
Napalunok na lamang ako at dali-daling itinago ang aking cellphone. Samantha is Stella and Mick's third kid. Si Charlie ang panganay at si Ben naman ang pangalawa.
Hindi man kami nagkatuluyan ni Mick, kuntento na ako sa buhay na mayroon ako ngayon. Dahil sa buhay na ito, at least kasama ko si Elliot at si Gabo. Sa kanila ko itinuon ang aking pagmamahal. At plano kong ipagpatuloy iyon hanggang sa aking huling hininga.
---