CHAPTER SEVENTEEN
Sinalubong ng nag-aalalang si Maita sina Jershian nang makapasok sila sa malawak na garahe. Kaagad na may hinanap ang mga mata niya ngunit bigo siya. Akala niya ay kasunod na ito ni Maita. A hint of wonder lingered to him.
Karga niya si EJ na nakatulog na sa kanyang bisig. It was one hell of a day. Na-locate nila kaagad ang pinagdalhan kay EJ na sa Laguna lang pala.
“Oh, EJ.” Naluluhang sambit ni Maita nang kuhanin ito sa kanya saka napatingin kay
Elbert.
“Elbert.”
Tiningnan niya ang kaibigan na tumango bilang tugon sa pagbati ni Maita. Saka niya hinarap si Rio Mecker, ang agent na ipinadala ng Covered Limited.
“Salamat, Rio. Maasahan talaga kayo. Please send my regards to Fabio. Ipapadala ko na lang ang check.” Sabi niya habang nakikipagkamay dito.
“Walang problema.” Sagot nito at sumakay na ito sa dala nitong camouflage hummer.
Nagbigay siya ng pahuling instruction sa mga pulis at nagpasalamat na rin sa mga ito bago pumasok sa loob ng bahay. Nakita niya si Lyka na bitbit si EJ paakyat ng hagdan. Lumingon siya sa paligid. He felt so tired. Hindi naging madali ang pag-rescue kay EJ. Madali man nilang natunton ang mga ito ay naging mailap naman ang paghuli sa mga ito dahil nanlaban din ang mga ito. But since it was not a professional abduction, they still managed to finish with ease.
‘Where’s Geri?’ Kailangan niyang makita at makausap ito. He was really worried for his wife. Nabanggit ni Elbert na sinaktan ito ng tiyahin nito. Nagsinungaling si Geri na sa routine nito nakuha ang pasa nito. He felt stupid. Wala siyang kaalam-alam na nameligro pala ang buhay
nito. That she almost got killed. At nakalampas iyon sa kanya. Parang gusto niyang saktan si Naida kanina dahil sa ginawa nito. Wala itong karapatang saktan ang kahit na sino sa pamilya niya. Lalo na ang asawa niya. Kung sana’y naroon siya upang protektahan ito.
Sinabi rin ni Elbert na walan kinalaman si Geri sa lahat ng plano ng tiyahin nito. Ipinagpasalamat niya iyon. Ngunit kapalit naman noon ay ang maling paghusga niya dito. That he felt guilty.
Paakyat na sana siya upang puntahan ito sa kwarto nang makita niya si Elbert. Lumapit ito sa kanya.
“Si Geri?” tanong nito. Hindi siya nakatugon.
“Pinatatawag ka ng lolo mo.” sabi nito at naunang maglakad. Muli siyang nagtaka. Tila tinatahak ni Elbert ang patungo sa opisina ng lolo niya. Bakit tila papasok din ito sa study?
Narating nila ni Elbert ang study room at naroon ang kanyang lolo na nakaupo sa executive chair nito. Naroon din si Maita.
“Elbert, I don’t think-”
“Let him stay. Ako ang nagpapunta sa kanya dito.” Agap ng lolo niya.
“For what?” naguguluhan niyang tanong at panay din ang lingon kay Elbert. Ngunit nanatili itong tahimik.
“How’ EJ?” ang kanyang lolo na hindi sinagot ang tanong niya.
“Nagpapahinga na. He’s fine. Hindi naman s’ya nasaktan.” Tugon niya. Naupo siya. Hapung-hapo na siya at gusto na niyang magpahinga. At hindi pa niya nakikita ang tanging magpapakalma sa kanya.
“Maita, where’s Geri?” Bakit hindi ko s’ya nakita?” tanong niya habang hinihilot ang kanyang noo.
“She’s gone.” Muli, ang kanyang lolo ang sumagot. He looked at his grandfather fiercely. “What do you mean?” he asked furiously.
“Nag-usap na kami. Umalis na s’ya.” Tila balewala nitong tugon sa kanya.
“Sir.” Si Maita. “Mas maganda kung ipagpabukas na lang natin ang pag-uusap na ito. It has been a long day.”
“No.” agad na agap niya. “Sasabihin n’yo sa’kin kung nasaan ang asawa ko.” “She’s not your wife.” Anang kanyang lolo.
He smirked. “Ano na naman ‘to, Lolo? Are we going to argue with this again? I married Geri that makes her my wife.”
Nakita niyang nilingon ng lolo niya si Elbert. Tumingin sa kanya ang assistant niya. His face was blank but his eyes were apologetic. May hindi sinasabi si Elbert sa kanya.
“Anong kinalaman mo sa lahat ng ‘to, Elbert?”
“Jershian.” Tawag ng lolo niya. Nilingon niya ito. “I have your papers.”
Bumaba ang tingin niya sa inilapag nito sa mesa nito. Lumakad siya palapit sa mesa nito at tiningnan ang mga papel. Parang nanigas ang kanyang buong katawan nang makita niya ang marriage certificate na may pirma nila ni Geri. Ipinaasikaso niya iyon kay Elbert at sinabi ito na ang mag-file.
Madilim ang tinging ipinukol niya sa kanyang lolo. His grandfather had gone too far. Anong karapatan nitong sagarin ang kapangyarihan nito makontrol lamang siya? At bakit ba tila ayaw nitong maging masaya siya?
Muling bumalik ang tingin niya sa certificate. Parang lalong bumigat ang kalooban niya. Parang mapipigtas ang kanyang hininga dahil sa pagsakit ng kanyan dibdib. Inangkin na niya si Geri. Inangking asawa at ang tanging babaing paglalaanan niya ng kanyang pangalan. Ang kanyang pinangakuan at paninindigan. Ngunit ano pang silbi ng lahat ng iyon kung ang tanging bagay na nag-uugnay sa kanilang dalawa ay wala palang bisa? Sukudulang galit at hinanakit ang kanyang nararamdaman.
“Happy?” mabigat ang loob niyang tanong sa kanyang lolo. “No.” tila walang emosyon nitong tugon.
Isang hilaw ng tawa ang ginawa niya. “Liar. You love this, Lolo. Ruining our lives. Mine in particular. Idinamay n’yo pa ang kaibigan ko.”
Pagkasabi noon ay nilingon niya si Elbert.
“Why, Elbert?” buong hinanakit niyang tanong. “Sa lahat ng tao, Elbert. Ikaw at ito pa!”
Hinablot niya sa mesa ang certificate at halos malungkot na iyon. He was on rage. Rage against those who betrayed him.
“Jershian.” Ani Elbert at tumayo ngunit mabilis niyang nilapitan.
He torched the paper right in his face almost snagged by his hands. Sadyang nasagad ang pasensya niya. Marahil dahil na rin sa hindi niya akalain ang mga nalaman. His trust was ripped like a piece rug.
“Ipinagkatiwala ko sa’yo ang kasal ko!” nagngingitngit niyang sabi dito na parang gusto niya itong saktan.
“Magpapaliwanag ako, Jershian.” Mahinahon na sabi nito habang pigili ang kamay niyang nakahawak sa damit nito. Elbert was almost same as his height. Same as his build. Subalit mas matangkad ito sa kanya ng marahil isang pulgada.
“Ano pang kailangang ipaliwanag?!” pagsigaw niya. Naalpasan niya ang hawak at niyugyog ito.
“Jershian! Elbert!” anang tinig ni Maita at mabilis na nakalapit sa kanya. She tried to stop them. Pilit sila nitong pinaglayo nito.
“There’s nothing I can do!” tila taranta nitong sagot. “Obligasyon kong sabihin sa lolo
mo.”
“Damn it!” akma niyang muling susugurin ito ngunit pinipigilan siya ni Maita. “Jershinal, stop it!” anang malakas na tinig ni Don Emman.
“No! I will not stop!” pagganti niya ng sigaw din. Marahas ang kanyang paghinga dahil sa matinding galit. “I’m done, Lolo. I’m done with you! Damn it!”
Padabog siyang tumalikod at naglakad palapit sa pinto nang muling magsalita si Don Emman.
“Elbert is my son.” Anito.
Natigil ang pagpihit niya sa doorknob nang marinig iyon. The revelation was more than shocking. Tila dinagdagan pa niyon ang bigat na nararamdaman niya. Mariin siyang pumikit. Ano pa ang kailangan niyang malaman sa loob ng kwartong iyon?
Hindi niya alam kung pinaglalaruan siya ng tadhana o sadyang nalinlang siya ng mga taong pinagkatiwalaan niya. How could this all happened behind his back?
“Jershian.” Si Maita na lumapit sa kanya. Hinawakan niya ang balikat nito. “Mag-usap kayo, please.”
Nagmulat siya ng mga mata. Pinakiramdaman niya ang himig ni Maita pati na ang ikinilos nito sa nakalipas na ilang minuto niya sa kwartong iyon. Ang uri ng tinging ipinukol nito
kay Elbert kanina nang dumating siya. Kung bakit ganoon na lang ang naita niyang pag-aalala sa assistant niya. Then it made sense to him.
“Ngayon ko lang naisip na Escobar ang apelyido ni Elbert. He’s been my employee for years, Maita. What kind of fool am I not dwelling that you have the same surname with him.”
Nilingon niya ito. Nakita niya ang pangingilid ng luha nito. “J-Jershian…”
“Ang sabi ni Elbert ay hindi s’ya lumaki sa nanay n’ya. He lived with his lola at sinusustentuhan lang ng nanay n’ya. And you have not told anything about having kids. Kahit nagka-asawa ka. ”
Hindi ito kumibo. Nakatitig lamang ito sa kanya. He released his hands from the knob and faced back. Tiningnan niya sina Elbert at ang ‘ama’ nito.
“I get it. Hindi ako dapat nagtiwala sa inyo. Sa una pa lang.” Sabi niya at pumiglas mula sa pagkakahawak ni Maita at binuksan ang pinto. Hindi na niya pinansin ang pagtawag ng mga ito.
“Jershian, sandali!” nasa hagdan na siya nang marinig ang pagtawag na iyon ni Elbert.
Ngunit patuloy siya ng pagbaba.
“Sa’n ka pupunta?” tanong pa nito at inabutan siya. Hinawakan nito ang balikat niya upang marahil pigilan ngunit inunahan niya ito. Inundayan niya ito ng suntok.
Kitang-kita niya ang pagbagsak nito. Kaagad nitong hinawakan ang labi nito.
Immediately he saw blood.
“Fine!” sigaw nito kahit napaupo pa sa sahig. “Saktan mo pa ‘ko kung ‘yan ang gusto mo. Pero hindi mo ‘ko mapipigilang magpaliwanag sa’yo.”
Tumalikod siya at nagsimulang bumaba ng hagdan. He heard enough. Wala nang halaga sa kanya ang kahit na anong sasabihin nito. All he wanted to do was to look for his wife. Kailangan niyang magpaliwanag dito.
“Sinunod ko ang gusto ng lolo mo para protektahan ka.” Anito at muli niya itong nilingon. Nakatayo na ito.
“Stop calling him like that. It should be ‘Dad’ or something. Hindi mo na kailangang magpanggap.”
He saw him sighed. Hindi nito alintana ang dumudugong labi. “Kailangan kong gawin ‘yon pero hindi ibig sabihin ay hindi mo ‘ko kakampi. Lahat ng ‘to ay ginawa ko para sa inyo. I wanted this family to work. Our family.”
“Hindi kita maintindihan.” Aniya sabay iling. He then scoffed.
“Jershian, please. I’m neither against you nor Geri. Kaibigan ko rin s’ya. At paninindigan ko pa rin ang sinabi kong hindi s’ya masamang tao. Pero may dahilan ako kung bakit ko nagawa ‘yon. Gusto ko lang maprotektahan kayong dalawa.” Sabi nito. Naramdaman niya ang paglapit nito.
“I have to weigh everything, Jershian. Bilang assistant mo at bilang anak rin ni Don Emman. He asked me to report everything to him to protect you. Ayaw lang n’yang tuluyan kang masira dahil sa pagdalus-dalos mong desisyon. He wanted me to watch over you. Tulungan ka sa lahat ng gagawin mo. Alalayan ka. Pagsabihan ka kung may mali. At aminin na natin. Mali ang pagpapakasal mo kay Geri.”
“Kaya pinigilan mo kasi iniisip mo rin na pera lang ang habol n’ya.” Agap niya.
“Alam mong hindi totoo ‘yan. Ako pa ang pumipigil sa’yo na mag-isip nang ganyan sa kanya. Look. Gusto ko lang ilagay ang lahat sa tama. No’ng sinabi mo sa’kin na ipapahanap ng
lolo mo─ni Dad…si EJ, alam ko na ‘yon. I even started to investigate about them. Iniutos na ‘yon sa’kin. He only demanded it to you dahil naniniwala s’yang iisipin mong hindi ka na n’ya kailangan. Na wala s’yang tiwala sa’yo. Para magpursigi ka sa Wise&Pro at patunayan na kaya mo. Na nagawa mo naman di’ba? Hindi naman n’ya gustong mawala sa’yo ang Wise. Gusto lang n’yang masigurong mapapatibay mo ‘to. And eventually maging malaking kumpanya. Ni wala s’yang plano na i-acquire ‘yon. Dahil alam n’yang hindi ka papayag. I also insisted that to him.
“About EJ. Gusto niyang hubugin ang pinsan mo bilang heir ng LGC. Dahil nakikita n’ya na wala kang balak na manahin ang businesses n’yo. Paraan din n’ya ‘yon para makabawi kay Kuya Randel. Dahil alam n’yang malaki ang pagkukulang n’ya sa panganay n’ya.”
Hindi pa rin siya tumugon. Nanatili lamang siyang nakatayo doon at nakatanaw sa malayo.
“Ako rin ang nagsabi sa kanyang plano mong pakasalan si Geri kaya sinabihan n’ya akong pigilan ‘yon. Sinunod ko ‘yon dahil hindi ko pa sigurado kung wala talagang kinalaman si Geri sa tiyahin n’ya. Kahit naniniwala akong mabuti s’ya. Jershian, kailangan ko pa rin kayong protektahan. Kung totoong nakasal ka sa kanya at nagkamali ako ng judgment tungkol kay Geri, malamang inuubos na n’ya ang kayamanan mo.”
He smirked. “But I trust my judgment. Hindi mo ‘ko pinagkatiwalaan sa parteng ‘yon. Alam mong sugal para sa’kin ang lahat ng bagay pero alam mo ring may dahilan kung bakit ako sumusugal. Geri was not just a gamble. She was the hardest game I’ve ever played and I promised to myself winning her. I gave my biggest bet. I married her. Sa pag-aakalang ‘yon ang magiging alas ko. Now what?”
“Jershian-”
Nilingon niya ito. “Tell me, Elbert. Pa’no ko pa mababawi si Geri kung wala na ang tanging dahilan n’ya para hindi ako layuan?”
“Sabihin mo ang totoo. Mababawi mo s’ya.” Tugon nito. “Anong totoo?” tanong niya.
“Tell her how much you love her.” Anito.
He was stunned. Paano nito nasabi iyon gayon wala naman siyang sinasabi tungkol sa totoong saloobin niya tungkol kay Geri?
“Hindi s’ya maniniwala.” Walang kumpyansa niyang tugon. Tila pag-amin na rin niya iyon dito.
“How would you know? Ginawa mo na ba? Akala ko ba gambler ka?” tila naghahamon nitong sabi.
Hinawakan nito ang balikat niya. “Jershian, I’m really sorry. Alam kong nasira ko ang tiwala mo. Pero kailangan kong ipaintindi sa’yo ang sitwasyon ko ngayon alam mo na ang totoo. I’m his son. And as a son, I have to please him. Dahil kahit na alam na n’yang anak n’ya ‘ko, hindi pa rin n’ya ako kayang matanggap bilang Lagdameo. I have to prove myself to him.”
“Huwag. Your life will be wasted. You don’t have to prove anything to him. Hindi s’ya ang mundo mo. Kung ayaw ka n’yang kilalanin, hanapin mo ang sariling identity mo.” sagot niya.
“Mahal ko s’ya bilang ama ‘ko. Siguro hindi mo s’ya naiintindihan tulad ng klase ng pag- intindi ko. Hindi ko naman gagawin ang lahat ng ito kung wala akong kahit kaunting paniniwala sa kanya. He may be an itch to swallow all the time. Pero s’ya pa rin ang tatay ko. I have to hold onto him just like my mother na laging nasa tabi n’ya. Hindi ko rin s’ya pwedeng talikuran basta- basta. I know you know what I mean.”
“Yeah.” Tangi niyang nasabi.
“Maaayos din lahat ng ‘to. Believe me.” Saad nito. “Now go. You know where to find your wife. Don’t worry. Ako nang bahala kay Don Emman. I know how to tame him. At least. Magiging legal ang papel na sinira mo kanina.”
Napatawa siya. “Lagdameo ka nga.” “So you are.”