CHAPTER EIGTHTEEN
Naalimpungatan si Geri nang makaramdam siya ng lamig. Hinanap niya kung saan nanggagaling iyon at nakitang bukas ang sliding door ng veranda. Kahit antok na antok ay bumangon siya upang lapitan iyon at isinara.
Dalawang linggo na siyang nakikituloy sa bahay ni Cassie. Nagpasya ang sila na doon na muna siya upang makaiwas siya kay Jershian. Sigurado kasing pupuntahan siya nito sa apartment niya kung sakali. Hindi pa niya handang kausapin ito. Bukod sa kailangan niyang tuparin ang naging usapan nila ni Don Emman na hindi na makikipag-usap sa mga apo nito.
Hindi na niya ini-lock iyon. Inayos na lang niya ang kurtina at muling bumalik sa kama. She yawned then closed her eyes. Malamig ang panahon kaya masarap matulog. Binalot niya ang sarili ng comforter.
Inaagaw na ng tulog ang ulirat niya nang makarinig siya ng kilos. Bahagya niyang iniangat ang ulo niya upang tingnan iyon.
“Sino ka?” nahihitakutan niyang tanong sa kung sinong nakapasok sa kwarto niya. Mabilis niyan inabot ang ilaw sa lampshade ngunit mabilis na nakalapit ang taong iyon sa kanya. “Tul-” nawala na ang sigaw niya dahil tinakpan nito ang bibig niya. Lalo siyang natakot.
Paano ito nakapasok sa bakura nila?
“Shhh, it’s alright.” Sabi nito nang nagpumiglas siya. Mahigpit ngunit maingat ang hawak nito sa kanya.
“Love, si Jershian ‘to.” Sabi pa nito at natigilan siya.
“Aalisin ko ang kamay ko. But promise me that you will not shout.” Anito at tumango siya. Sunod naman nitong inalis ang kamay niya.
Mabilis na nangilid ang luha niya. Napuno ng kasiyahan ang puso niya nang marinig ang tinig nito. Kaagad niyang inabot ang lampshade upang buksan ang ilaw. Nais niyang makita ang mukha nito. Sabik na sabik siyang makita si Jershian. Ngunit kailangan din niyang pigilan ang panananbik na iyon. It was over for them. Hindi ba’t siya ang nagdesisyon lumayo dito?
“Don’t.” pigil nito sa kanya.
“Bakit?” tanong niya. “Paano ka nakaakayat? Anong ginagawa mo dito?”
“Wag mo nang buksan ang ilaw. Nasasanay na ang mga mata ko dilim. I can see you.” Mahina ang tinig nitong tugon.
“Anong ginagawa mo dito?” muli niyang tanong. Noon ay nagsisimula nang tumulo ang luha niya.
“Gusto ko lang kumustahin ka. Wala na akong maisip na paraan para makausap ka.
Grabe ang bantay mo. Kaya nangahas na ‘ko.”
“Umalis ka na.” Nanginginig ang tinig niyang tugon. “Wala naman na tayong dapat pag- usapan.”
“Marami, Geri.”
“Lalo mo lang pinagugulo, Jershian. Tama na. Please. Hindi ka ba nahihirapan sa ginagawa mo?” sagot niya. Hindi niya napigilang hawakan ang pisngi nito. Lalo siyang napaluha. Now she realized how terribly she missed Jershian.
“I missed you.” Anito at dinala ang kamay niya sa labi nito. He kissed her hand softly. Naroon ang pananabik. Nakaramdam ng kakaibang init ang kalooban ni Geri. Sa tinig pa lang nito ay naghatid na sa kanya ng kaginhawahan.
“Jershian, baka nakakalimutan mong-”
“Hind ko alam ang tungkol sa ginawa ni Lolo.” Anito na tila nahihirapan sa pagsasalita.
Hindi niya alam kung maiiyak ito o dahil sa pabulong lang iyon.
Hindi maintindihan ni Geri kung anong nararamdaman nang mga oras na iyon. Aminado siyang sabik siyang makitang muli ang mahal niya.
“Please, Geri. ‘Wag kang umiyak. Kung anuman ang nalaman mo kaya kong ipaliwanag ‘yon. This is not easy for us. Ang hihingin ko lang sa’yo ay magtiwala ka sana sa’kin. Magtiwala ka sa kung anong mayroon tayo.” Sabi nito.
Nilingon niya ito at sa kahit sa dilim ay inaninag niya ang mukha nito. Pinagmasdan niya ito. Nais niyang makita ang totoo sa mukha nito.
“Ano bang meron sa’tin, Jershian? Gusto kong malaman kung ano ba ‘ko sa’yo? Hindi ko na rin alam kung anong iisipin sa mga nangyayari. Sino ka ba talaga at anong gusto mo sa’kin? Totoo ba lahat ng ipinakita mo o pinlano lang ang lahat? Jershian, tama na ang larong ‘to. Nasasaktan na ‘ko.”
“Ipinapangako ko. Kapag natapos ang lahat ng ito, babawi ako. Malaki ang kasalanan ko sa’yo. I’m so sorry.” Saad nito.
“Sinasabi mo bang totoo ang lahat? Na pinaglaruan mo lang ako? Siguro’y ikinatuwa mo pa na pinigilan ng lolo mo na maging legal ang kasal para makaiwas ka sa guilt.” May pagkumpirma niya. Nasasaktan siya.
“H-hindi gano’n ‘yon. Believe me. Para sa’kin totoo ang kasal natin-” “Gano’n ‘yon, Jershian.” umiiyak niyang agap.
“No. Maniwala ka. Mahalaga ka sa’kin.”
“Alam mo kung anong kayang gawin ng lolo mo.” “Alam ko. Pero-”
“Geri.” Anang tinig mula sa labas ng kwarto niya. Sabay silang natigilan saka nilingon ang nakasarang pinto.
“Si Cassie.” Bigla siyang kinabahan at nilingon si Jershian.
“Geri, bakit gising ka pa? May kausap ka ba?” anang tinig ni Cassie. “Okay ka lang ba?
Papasok na ‘ko.”
At hindi na nila napigilan ang pagbukas ng iyon. Kasunod ng pagliwanag ng buong kwarto dahil naabot na ni Cassie ang ilaw.
“Oh my God?!” gulat na gulat na bulas nito sa kanila. “Jershian!”
“C-Cas…” kabang-kaba niyang saad at nagpilit tumayo. Mabilis naman siyang dinaluhan ni Jershian.
“Careful.” Anito na inalalayan siya.
“Layuan mo ang kaibigan ko!” Ani Cassie at iglap na inagaw siya mula sa binata.
“Cas, nag-uusap lang kami ni Jershian.” sabi niya upang unahan ang kung anumang iisipin nito. Hindi siya pinansin nito.
“Get out. Hindi ko alam at hindi ko na aalamin kung pa’no kang nakapasok sa pamamahay ko. Lalo mo lang pinagugulo ang sitwasyon. I hate to do this to you. But you pushed me. Umalis ka na. Bago ko pa makalimutang kaibigan ka ng mapapangasawa ko.” Mahinahon ngunit puno ng galit ang tinig nito.
“Gusto ko lang ayusin ang lahat. Gusto ko lang kausapin ang kaibigan mo.” Tugon ni Jershian.
“Nang ganito? Hindi ka naman magnanakaw para umakyat sa kwarto ng may kwarto. Why, Jershian? Hindi mo ba s’ya kayang ipaglaban sa lolo mo? You even let you grandfather
control you.” agap nito. “Have some decency, Jershian. Umalis ka na. And leave my friend alone. Bumalik ka na lang kung kaya mo na s’yang panindigan.”
Kitang-kita ni Geri kung paanong nanlumo si Jershian. Nag-igting ang muscles nito sa mukha tanda ng pagngingitngit. Nais niyang daluhan ito ngunit hawak siya ng kaibigan niya.
“Go. And use the door this time.” May kalakasan na ang tinig na taboy ni Cassie.
Nang sa tingin nito ay wala na itong magagawa ay tila kay bigat ng paang humakbang itong palabas ng kwarto niya.
“Jershian.”
Akmang susundan niya ito nang pigilan siya ni Cassie. Luhaan niya itong nilingon. May pagkakastigo ang tingin nito. Napaiyak siyang muli.
“Cassie-”
“Umayos ka, Geraldine. Kung talagang mahal ng lalaking ‘yan. Babalikan ka n’yan. Now. Matulog ka na.” seryosong saad nito at iniwan na siya nito. Walang magawa siyang muling naupo sa kama habang panay ang tulo ng luha.
Alam ni Jershian na sinundan siya ni Cassie hanggang sa kalsada kung saan naroon ang kanyang sasakyan.
“Jershian.”
“Ano?” pagalit niyang agap nang marahas itong hinarap. Dapat ay may sasabihin ka siya ngunit ang palad nito ang sumalubong at dumapo sa pisngi niya.
“Ako na ang sumampal sa’yo dahil alam kong hindi kayang gawin ‘yan ni Geri. She still cares for you after what you did.” Nagpupuyos nitang sabi.
Hinarap niya ito. Ramdam niya ang hapdi ng pisngi ngunit mas ramdam niya ang hapdi ng dibdib niya dahil sa nangyayari sa kanila ni Geri.
“Bakit hindi mo s’ya hinayaang sampalin ako? Ang saktan n’ya ako nang paulit-pulit kung ‘yon ang makakaalis ng sakit na ibinigay ko sa kanya tulad ng ibinibintang n’yo sa’kin!” He shouted almost in so much anger. She wanted to crash the pretty face in front of him. Ngunit alam niyang hindi siya bubuhayin ni Lourd sakaling dumanti ni daliri lang niya sa mukha nito.
“Wag mo ‘kong sigawan! Hindi ako bingi!” sigaw nito sa kanya.
“Damn it, Cassie! Alam kong hindi ‘yan ang intensyon ko!” mapikon-pikon niyang sagot sabay sabunot sa sarili niyang buhok. Parang gusto na niyang sumabog nang mga oras na iyon.
“Bakit ka nagpunta dito, ha?” tanong nito saka lumapit sa kanya. Itinulak siya nito. “Bakit, ha, Jershian?” paulit-ulit nitong tanong habang hinahampas nito ang braso niya. “Why are you here? Para masaktan lang lalo ang kaibigan ko, gano’n ba?”
“Cassie, stop it.” Saway niya dito ngunit hindi ito nakinig.
“You asshole. Ang kapal ng mukha mo para saktan ang kaibigan ko.” “Cassandra, ano ba!” napuno na niyang sigaw dito sabay iwas. “Why!”
“Dahil mahal ko ang kaibigan mo kaya ako nandito!” He burst with anger and pain. “Liar.”
He winced. “Please, Cassie. Stop. Hindi ako magkakaganito kung wala akong nararamdaman para sa kanya. Hindi na ‘ko makatulog. Hindi na rin ako makapagtrabaho. I’m always worried about her. Gustung-gusto ko s’yang makausap. I want to fix everything. I know, Cassie. Mali ang nagawa ko. Pero maniwala naman kayo na wala akong kinalaman sa ginawa ni Lolo. Hindi ko talaga alam na haharangin n’ya ang kasal namin.”
“Nasasaktan s’ya, Jershian.” Tila maiiyak na nitong sabi. “I know. I know.” He wanted to faint on those words.
“This is too much for her. Hindi madali para sa kanya ang lahat ng nangyari. Hindi madaling tanggapin ang pagkamatay ng mga magulang n’ya. Tapos nagkahiwalay pa sila ni EJ. EJ is her world.”
Umangat ang kamay niya upang pigilan ito. “I’m sorry, Cas. Pero kung meron mang taong mas nakakaramdam ng sakit ng kaibigan mo ay ako na ‘yon. You don’t have any idea how it kills me thinking about what’s she’d gone through. Alam ko naman ang lahat ng ‘yon. Kaya nga halos mabaliw na ‘ko kakaisip ng paraan para makausap s’ya para maayos na. Alam kong hindi maganda ang pagkakakilala n’yo sa’kin at alam ko ring kontra kayo sa pagpapakasal ko sa kaibigan n’yo. Inisip n’yo na hindi ako nararapat para sa kanya.”
“Because she deserves better, Jershian.” Agap ni Cassie. “She’s perfect for a true love.
Deserve n’yang maging masaya.”
“At inisip mo na hindi ko kayang ibigay sa kanya ‘yon?” tanong niya.
“Bakit? Kaya mo na bang mawala ang lahat sa’yo pati na ang pagiging Lagdameo mo kapalit ng kaligayahan ng kaibigan ko?” balik na banat nito sa kanya.
“I can give more than you can imagine, Cassie. At hindi ikaw o kahit sino sa inyo ang makakapigil sa’kin para makuha si Geri. I deserve her. Dahil mahal ko s’ya. Kung kinakailangang i-surveillance ko bahay mo ay gagawin ko mabawi ko lang s’ya. Don’t try me. I am Jershinal Charl Rover Lagdameo, remember? I am power.” Mariin niyang saad dito.
“But you’re nothing without her.” Ganti nito.
He smirked. “And I don’t go home with nothing. Tingnan natin kung hanggang saan n’yo s’ya maitatago.”
“Prove that you’re worth fighting, Jershian.” Paghahamon nito.
Hindi na siya tumugon bagkus akmang tatalikod na siya nang magawi ang paningin niya sa likod ni Cassie. And his heart had stopped beating for a split of a time. Nakatayo doon ay si Geri na panay ang tulo ng luha.
“Geri.” Buong emosyon niyang banggit sa pangalan nito. Nilingon din ito ni Cassie. “Sinabihan ako ng lolo mo na mawawala ang lahat sa’yo sakaling ipaglaban kita. Na
babaligtad ang mundo mo kung ako ang pipiliin mo.” panay ang hikbi nitong saad sa kanya. “No...”
“Hindi ka lumaki sa hirap, Jershian. Hindi mo alam kung anong naghihintay sa’yo sakaling hindi mo sundin ang lolo mo. Madaling sabihin na kaya mong talikuran ang lahat. Pero masasabi mo pa kaya ‘yan kung pati ang Wise&Pro ay mawala sa’yo sakaling ipagpilitan mo ang gusto mo? Kaya mo? Maghihirap ka tulad ng nangyari sa Uncle Randel mo. It was rough. Rough as hell, Jershian. Lalo na kung hanggang sa paglayo mo ay susundan ka ng impluwensya ng lolo mo. Ng pagiging Lagdameo mo. Hindi ko alam. Pero parang isang sumpa ang apelyido na nakatatak d’yan sa pagkatao mo.”
Hindi siya nakatugon. It must be the pain that made her like an ice. Hindi niya mawari kung bakit kay dali nitong sumuko sa laban nila. Na tila nadala ito kaagad sa hamon sa kanila. Was it a sign? Na ipinapakita lang noon na hindi siya mahal nito tulad ang pagmamahal niya para dito?
Sinubukan niyang humakbang palapit dito. Nais niyang makasiguro. Kailangan niyang maramdaman ito upang mapatunayang mali ang naririnig niya mula dito. Hindi kayang tanggapin ng puso niya na hanggang doon lang sila ni Geri.
“I can make this happen.”
“Tama na. Tanggapin na natin. Hindi tayo para sa isa’t-isa. We are not a one great love story. Hindi magbabago ang ikot ng mundo sakaling magtagumpay tayo laban sa kayamanang bumabalot sa’yo. Magkaiba tayo, Jershain. Hindi kailanman pwedeng magsama ang nilalang na itinakda nang magkaiba.” Saad nito sabay talikod upang lakad-takbong bumalik sa loob ng bahay.
Wala na siyang nagawa kundi tila nanghihinang sumandal sa sasakyan niya. Haggang sa malingon niya si Cassie na nakatingin lang din sa kanya.