CHAPTER TWENTY
“My God! Nag-Singapore lang ako. Pagbalik ko kayo na?” bulas ni Geri kay Amber. “Geraldine naman.” Hindi mapakaling saway sa kanya nito. Tinapik pa nito ang braso
niya nang akmang tatawa siya.
“Bakit ka ba nagagalit? Nag-react lang ako sa text ni Cas.” Aniya habang natatawa.
Maarteng umikot ang mga mata nito. “Please, I don’t want to label it. Kayo lang naman kasi lagi ang nag-iisip na kung anu-ano.”
“Eh ano ba talaga? Ano ba kasing problema at kung makaiwas at makagalit ka kay Jeuan eh parang malaki ang kasalanan sa’yo. Hindi naman naging kayo dati.” Himig paninita niya dito.
Nagbuntong-hininga ito sabay pihit sa manibela pakaliwa. Papasok na sila ng premises ng Roxy City.
“It was not a long but a deep story. Ayokong mag-depress.” Anito. Naihimpil na nito ang sports car nito sa parking area ng club. Sabay silang umibis doon.
Pangatlong araw na niya sa bansa simula nang umalis siya ng Singapore. Hindi na niya tinapos ang training doon dahil na rin sa kinatapusan ng usapan nila ni Don Emman. It was surprising but miraculously they were in good terms now. Mahaba ang naging pag-uusap nila at sa hindi inaasahang pagkakataon ay naiintindihan na niya ito. Nawala ang dating imahe nito sa kanya. She discovered the real Don Emman. Isa lamang itong mapagmahal na ama na hindi gamay ang tamang paraan upang magpakita ng pagmamahal.
Nakumbinsi rin siya nitong umuwi na upang puntahan si EJ. Nais niyang makabawi sa kapatid niya.
“Kailangan i-figure out mo na ang nararamdaman mo, Amber.” Sabi niya dito.
Tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya. “Matagal ko na’ng nagawa ‘yon. And I thought I’m doing well. Hindi ko naman inaasahan na mangyayari ‘to eh.”
Nagsalubong ang kilay niya. “Na ano? Na ma-iinlove ka sa kanya?”
“Na malalaman ko na pareho lang kami ng nararamdaman.” Agap nito. Natigilan siya. May hindi pa sinasabi ang kaibigan niya sa kanya. “Hindi ordinary ang pamilya ko. Kung sa tingin mo ay mahirap na ang pagiging Lagdameo ni Jershian kaya complicated ang love story n’yo, mine is suicidal. Sih-Chua is the name you wouldn’t want to have.”
Hindi na niya nagawang sabihin ang nais dahil tinalikuran na siya nito at pumasok na sa loob ng club. Napailing na lang siyang sumunod dito.
“Hey!” masayang bati ni Amber sa kung sinumang nadatnan nito. Nilingon niya ang mga naroon. She saw Cleo. Katabi ito ni Kathryn. Naroon din si Roxanne. Pati sina Cassie at Thia. Nagtaka siya.
“Meeting?” patanong niyang bati sa mga ito habang panay ang palitan nila ng beso.
Naupo siya sa tabi ni Cleo sa bar stool.
“Pinag-uusapan lang namin ‘yong reality show. May mga kukuhanan daw na eksena dito sa club.” Si Cassie ang sumagot.
Napatango siya. “May date na ba kung kelan sisimulan ‘yon?” “May mga audition dates na.” Si Roxanne.
Tumango siya. Nahagip niya ang stainless na pitsel sa mesa at nagsalin ng juice pala ang
laman.
“Kumusta ka na?” tanong ni Cleo at mula sa pag-inom ay napaangat siya ng mga mata patungo dito.
Walang sumagot sa kanila sa tanong. Umukit ang mga mgata niya sa paligid. Sa kanyang nakatingin ang lahat.
“Bakit?”
“Kumusta ka na daw?” Si Kathryn. Nagkibit siya ng balikat. “Okay lang.”
Lumapit sa kanya si Roxanne. Hinawakan nito ang balikat. “Geri, alam mong kami na ang pamilya. You tell us anything.”
Napangiwi siya. “Ano bang nangyayari? May kailangan ba akong sabihin?”
“Come on. Alam naming lahat dito na nasasaktan ka. Kaya ka nga lumipad ng Singapore di’ba? After nang nagyari sa inyo ni Jershian walan na kaming narinig sa’yo. Why? Dahil sinasarili mo ang problema mo?” Ani Thia.
Nagbuga siya ng hanging. “So, hindi ito meeting about sa show. Tungkol ‘to sa’kin. Ano bang gusto n’yong sabihin ko? Na hindi ako okay? Na maglulupasay ako iyak sa harap n’yo at sasabihin kong hirap na hirap na ‘ko dahil hindi ko kayang wala si Jershian. Na mahal na mahal ko s’ya at hanggang ngayon mahal ko pa rin s’ya, gano’n ba?”
“If that’s what you really feel. Okay lang sa’min.” Si Cassie.
She rolled her eyes. Sabay iling. “Ang sabi nga, don’t dig the obvious. Tigilan n’yo na
‘ko.”
“Bakit ka ba bumalik? Okay na ba kayo ni Don Emman?” tanong ni Cleo.
“Papunta na kami siguro do’n. At si EJ ang dahilan ko kaya ako nandito.” Tugon niya.
“He invited you to the party?” Si Amber. Tumango siya. “Wow. You know what? Hindi
ko dapat s’ya pagbibigyan noon tumawag ang secretary n’ya sa’kin. I was surprised. He’s Don
Emmanuel for Christ sake. At kung hindi lang ako pagagalitan ni Ah hiya hindi ko sasabihin
kung nasaan ka.”
“About Jershian.” Si Roxanne na tumabi sa kanya.
“Rox.”
“No, you have to listen.” Giit nito. “Nagpaliwanag s’ya sa’kin tungkol sa nangyari. Totoong pinakasalan ka n’ya. He really thought the truth about that marriage. At alam n’yang nasaktan ka n’ya nang sobra dahil sa nagawa ng lolo n’ya. Gano’n din naman s’ya eh. He was devastated.”
She snorted. Hindi niya maintindihan kung anong gustong mangyari ng mga ito. “Bakit ba parang pinahihirapan n’yo ‘ko ngayon? Ano ba gusto n’yong mangyari? Umaasa pa ba kayo? Na may future kami ni Jershian. Do you really think kaya akong tanggapin sa mundo n’ya? Kung nag-usap man kami ng lolo n’ya hindi ibig sabihin magiging okay na ang lahat.”
“Pero mahal mo s’ya.” Si Kathryn.
“My God.” Bulas niya at panay ang iling. “Give it a chance, Geri.” Sabi naman ni Cleo.
She sighed harshly. “Anong chance? Wala na nga di’ba? Bakit ba kayo ganyan? May sinabi ba ‘ko na mahal ko s’ya?”
“Hindi naman na kailangang sabihin eh.” Agap ni Thia. “Naku! Gumaganti ba kayo?” mapiko-pikon niyang sagot. “Ba’t naman kami gaganti sa’yo?” Si Cleo.
Hindi siya tumugon bagkus tumayo siya. Umuwi siya sa Pilipinas na iisa lang ang dahilan. Pupuntahan niya si EJ. She do not want to let her brother down. Gusto niyang maipakita dito ang pagmamahal niya.
“Kailan ba talaga todo deny?” Ani Kathryn. “For once, Geri. Hayaan mo naman ang sarili mong ma-in love.”
“Di’ba bukas na ang party ni EJ?” Si Roxanne. “So?”
Narinig niya ang pagtawa ni Cleo. Tiningnan niya ito nang masama. Umikot muli ang mga mata niya at nakitang panay ang ngisi ng mga ito.
“Sige, pag-tripan n’yo ‘ko.” Aniya.
“We brought you something.” Sabi ni Cassie at tumayo. Mula sa kabilang mesa na hindi okupado ay may kinuha itong kahon.
“Ano na naman ‘yan?” tanong nang makitang binuksan nito iyon at lumantad ang isang silver halter dress.
“Isusuot mo sa party.” Si Thia.
“Oh my…talagang gusto n’yo pa yatang akitin ko ‘yong tao. Hindi naman s’ya ang pupuntahan ko ‘do n.” himutok niya.
“Walang makapigil sa taong in-love, Geri. You never know. Baka hinihintay ka n’ya. At kapag nagkita kayo do’n ‘wag mo nang pakawalan.” Sabi ni Cleo.
“Hindi ako nanliligaw gaya mo.” pang-aasar niya dito. Malakas itong tumawa.
“Isang beses ko lang ginawa ‘yon. At dahil ‘yon sa nagmahal ako. At alam kong mahal din n’ya ‘ko.” Sabi nito.
Nakaramdam ng lungkot si Geri. “Magkaiba tayo ng sitwasyon. Hndi n’ya ‘ko mahal.” “Paano mong alam? Sinabi ba n’ya sa’yo?” Ani Kathryn.
Umiling siya.
“See?” anito sabay iling.
“Oh, dalhin mo na ‘to.” Iniabot ni Cassie sa kanya ang dress ngunit hindi siya kumilos. “Masyado n’yong pinalalaki ‘tong issue. Kailangan ko lang puntahan ang kapatid ko.
Ako-”
“We insist.” Pilit ni Cassie at inilapag ang dress sa harap niya. “Magpaganda ka bukas
ha.”
She snorted again. Hindi mapaniwalaan ang mga kaibigan niya. Naiinis siya dahil binigbigyan siya ng mga ito huwad na pag-asa.
“Goodluck.” Sabi pa ni Thia. Naramdaman naman niya ang pagyakap ni Cleo sa kanya. Hindi na siya umiwas. Dahil alam niya sa kaibuturan ng puso niya na nais lamang ng mga itong maging masaya siya.
May kalahating oras na marahil si Geri sa harap ng salamin sa restroom. Nasa El Grande Hotel siya kung saan gaganapin ang introduction party para kay EJ. Suot niya ang dress na ibinigay ni Cassie. Itinaas din niya ang kanyang buhok. She put up her make up to reveal a smokey look. Sinadya niyang magbihis para sa naturang party. Kilalang mga tao sa lipunan ang makakahalubilo niya kaya kailangan niyang gawing presentable ang sarili niya.
Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Gusto niyang manlumo. She may be physically a looker. Pero walang nagawa ang ganda niyang taglay upang makamtan ang pag-ibig ng nag- iisang lalaking nagpatibok ng puso niya. Ikinatuwa niyang nais din ng mga kaibigan niyang maging masaya siya at mabigyan ng pag-asa sila ni Jershian ngunit walang kasiguraduhan ang kung anumang nararamdaman niya para sa binata.
Maaaring pinakasalan siya nito. Ngunit hindi dahil sa mahal siya nito. Ni walang pundasyon ang relasyong namagitan sa kanila. He never said he loves her. Wala rin itong
ipinangko sa kanya. Siya ang mismong pumasok sa mundo nito. Siya ang kusang nagbigay ng sarili niya dito. Kaya anong karapatan niyang maghangad ng kung anu-ano?
Naglabas siya ng facial tissue at idinampi sa kanyang mukha. Itinapon niya ang tissue at naghuling tingin sa salamin. He looked gorgeous but she doesn’t feel beautiful. Dahil nasasaktan siya. At hindi niya alam kung haggang kailan niysaa bitbit ang sakit. O kung may pag-asa pang mawala iyon.
Lumabas siya ng restroom kipkip ang pouch niya at dumeretso ng sa garden ng hotel. Doon kasi ginaganap ang party. At parang gusto niyang malula sa pagkamangha. The event was so extravagant. Napakagarbo ng bawat dekorasyon at maraming tao. Hindi pa rin niya naiwasang maasiwa kahit na maganda na ang ayos niya. She still felt the unwelcome air for her. Sadyang hindi siya sa mundong kinaroroonan niya.
Kumalat ang tingin niya sa paligid. Nagbakasali siyang may mahagip ang mga mata niya na kakilala. Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya si Lyka. Lumapit siya dito.
“Lyka.” Tawag niya dito at ganoon na lang ang gulat nito nang makita siya .
“Ma’am Geri?” nanlaki ang mga mata nitong sabi. “OMG! Ang ganda-ganda mo naman, Ma’am. Kumusta na kayo?”
“Okay naman.” Tugon niya habang lumapit ito sa kanya. Hinawakan nito ang braso niya at iniikot siya. Napatawa siya.
“Ang ganda n’yo talaga.” Pahayag nito. Ngumiti siya.
“Si EJ?” tanong niya upang mawaglit ito sa kapupuri sa kanya. Naiilang na kasi siya. “Ay, nasa kwarto pa po. Pinakain ko muna. Bilin kasi ni Don Emman.” Tugon niya. “Pwede ko ba s’yang makita?”
Ngumiti ito. “Oo naman. Halika ka, Ma’am.”
Natigil si Jershian sa pagsasalita habang kausap ang ilang business associates nang makita niya ang pamilya na pigura. He saw her. Nakasuot ito ng silver dress na hapit sa alluring nitong katawan. Nakita niyang lumapit ito kay Lyka. Si Geri nga iyon.
“I could ask for an appointment. Right, Jershian?” ani Mr. Robles. “Jershian?”
“Yes?” tugon niya ngunit na kay Geri pa rin ang mga mata niya. He cannot afford to lose another sight of her. Baka tuluyan na siyang mabaliw.
“An appointment will do. Pwede ko na rin tawagan ang developer.” Sabi nito saka napipilitang ibinalik niya ang tingin dito.
“Yeah.” Sabi niya. “Please excuse me.”
Nagmamadali niyang tinalikuran ang mga kausap at nilakad ang distansya patungo sa dalaga. His heart was pumping hard. Kailangan niya itong makausap bago pa mahuli ang lahat.
“Jershian, apo.” Anang isang tinig ng lolo niya sabay hawak nito sa braso niya. She’s
here.”
“Yeah, nakita ko.” Puno ng antisipasyon niyang sagot. “I have to go to her.”
Subalit hindi siya binitiwan nito. Noon din lumapit si Elbert sa kanila. Nilingon niya muli ang kanyan lolo.
“Lolo-”
“Pinuntahan pa n’ya si EJ. Hayaan mo muna ang magkapatid. EJ really misses her.” He snorted. “At pa’no naman ako?”
Narinig niya ang pagtawa ni Elbert. “Wait for your turn, nephew.”
Inismiran niya ito. Walang ideya ang mga ito kung anong nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Hindi na niya kayang maghintay. Gustung-gusto na niya itong makausap at mahawakan.
“We talked about it, son. Masisira ang plano.” Sabi ng lolo niya. “Ano na naman ‘to, Lolo?” hindi natutuwa niyang tanong.
“Party ‘to ni EJ. Hayaan mo munang maging masaya ang pinsan mo. Then you can have her for all you want.” Ani Elbert.
“But-”
“Come on, hijo. I will give you the stage later. That is your chance.” Anang lolo niya saka siya inakbayan. Wala na siyang nagawa kundi magpahila sa mga ito.
Maluha-luha siya Geri habang pinapanood si EJ na umakyat ng stage matapos pormal na ipakilala ni Don Emmanuel bilang isang Lagdameo. Masigabong palakpakan tanda ng pagtanggap ang tinaggap nito mula sa laha ng bisitang naroroon.
Masayang-masaya siya para sa kapatid niya. Maayos na ang kalagaya nito dahil kasama na nito ang pamilya nito. Isang magandang kinabukasan na ang naghihintay para dito. At sigurado siyang kung nasaan man ang mga magulang nila ay masaya na ang mga ito.
“Ang ganda mo ngayon ah.” Anang isang tinig dahilan upang mapalingon siya. Si Elbert na tumabi sa kanya.
“Elbert.”
“Ako nga.” Nakangiti nitong sabi. “Kumusta? Nakita mo na ba asawa mo?”
Natigil ang pagpalakpak niya sabay ng pagsikdo ng dibdib niya. “H-hindi. At saka hindi ko s’ya asawa, remember?”
Tumawa. “Oo nga pala. Nasanay kasi ako eh.”
Umismid siya. “Tigilan mo ‘ko, Elbert. Aalis din ako kaagad.”
“Okay.” Sabi lang nito at taka siyang lumingon dito. Nang makita niyang wala sa kanya ang atensyon nito ay umiling na lang siya at ibinalik ang tingin sa stage.
“To my grandsons, EJ and Jershian. To my son, Elbert.” Ani Don Emman habang hawak ang mic. At ganoon na lang ang gulat niyang lumingon dito.
“No way.” Aniya.
“It’s a long story.” Sabi lang nito. Sa kawalang masabi kahit naguguluhan ay ibinalik na lang niya ang tingin sa stage.
“Oh, by the way. Someone wants to steal the show.” Sabi ni Don Emman at may hinanap ang mga mata. “Jershian? You want to say something?”