CHAPTER TWENTY ONE
Wala sa sariling napahawak sa sariling dibdib si Geri nang makita si Jershian na umakyat ng stage. He was drop dead handsome in his tuxedo. Tila kay elegante nitong tinaggap nito ang mic.
“Here he comes.” Narinig niyang sabi ni Elbert ngunit hindi na niya ito nagawang lingunin. Her attention was too occupied.
“Good evening.” Anang baritong boses nito.
‘Damn, namiss ko pati boses n’ya.’
“I know this will sound awkward or corny but…since Lolo let me sasamantalahin ko na.” sabi nito habang nakangiti. Nakapamulsa ito at kahit na kinakabahan ay hindi ito mapapansin base na rin sa pagdadala nito ng sarili.
“I want to thank all of you for supporting our family for years. At sa mainit na pagtanggap ninyo sa aking pinsan. Our story of trials and struggles this past years was a private affair and was never been told in public. Maraming pinagdaanan ang aming pamilya dahilan na hindi namin kaagad nakasama si EJ pati na ang kanyang pamilya. All of you must be familiar with my uncle Randel. But…too much for the past.”
Sandali itong tumigil. Tila nag-iisip ng kung anong sunod na sasabihin. She gaped at him with so much admiration. Parang gusto niyang liparin ang distansya sa pagitan nila at yakapin ito. Ngunit anong karapatan niya?
“Rumors spread few months ago about me getting married.” Sabi nito at nilingon ang audience. “Yes po. Totoo po ‘yon. Nagpakasal po ako. It was very untimely at naging mabilis ang mga pangyayari. But I will not deny the truth that I got married. It was…more exciting that a
whirlwind. I cannot say it was romantic at first. But I never thought it would be the most exciting month of my life.
“I met this girl, she was…pretty. Witty and I thought she was greedy. At hindi ko inasahan babaguhin n’ya nang buong-buo ang buhay ko. I love to gamble. I gambled to her. Kasi naniwala ako na ako ang mananalo sa. But I was wrong. I lost her.”
Pagkatapos noon ay may hinugot ito sa bulsa nito. Isa iyong papel. Binuklat nito ang
papel.
“Please, spare me.” Aniya sa lahat ng naroon. “Kailangan ko lang po talaga itong gawin. I made this…” anito sabay tingin sa papel. “….stuff while missing her at night. Because I really miss my wife.”
“Diyos ko. Tama ba ang naririnig ko.” Nanginginig ang tinig niyang sambit.
“Relax. Baka mag-colapse ka d’yan.” Ani Elbert sa tabi niya. “Nagsisimula pa lang
s’ya.”
Nakita niyang nagbuntong-hininga ito at nagaya niya ito. Saka sinimulang basahin ang nasa papel.
‘Can I be selfish for love? To let you grief in tears
When you lost the one you love Can I be hypocrite to say…
“I’m ok”, that I see you alone and longing.
Can I be selfish for love?
To just hope that you turn you head And face the forever happiness Can I be really glad?
To let myself understand
That I am not worthy of your love.
Can I be selfish for love?
To let your time heal your pain Can I be strong enough to wait?
Until you smile back at me then say, “I’m ready again.”
Can I be selfish for love? That I try to be perfect
Can I be the right one for you?
And love you until my life is through?
Call me hopeless that I am selfish Leave me that I am unperfect
But I have no regret that I
Think and let my tears falling ‘til the end Cause I am selfish
That I let my whole senses Forget about myself.’
Muli nitong itinupi ang papel at tumunghay. His eyes searched for someone. Hindi niya alam kung talagang alam na nitong naroon siya katabi ni Elbert dahil lumipad ang tingin nito sa kanya.
“Geri.” Sambit nito sa pangalan niya.
Napasinghap siya at hindi napigil na dalhin ang kamay sa kanyang bibig. Mabilis na namuo ang luha niya. Siya ang tinutukoy nito sa tula nito.
Kumilos ito pababa ng stage at tila lalapit sa kinaroroonan niya. Hawak pa rin ang mic na naglakad. Tila hangin na kusang nahahawi ang mga tao sa dinadaanan nito. Saka nagsimula ang isang tugtog. Tila live band iyon. Nagawa niyang hanapin ang tugtog at nakita sa gild ng garden ang nagbukas ang kurtina at lumantad ang Skiptloosemonk. Jeuan on the drum and Jershian on the mic. Nagsigawan ang mga tao sa galak.
“Swaying room at the music starts…strangers making most of the dark…two by two their bodies become one…” nagsimulang umawit si Jershian. They definitely gave the most outrageously twist on that 80’s love song. Hindi niya napigilang mapangiti habang bumubulusok ang luha niya.
“…That I’m crazy for you touch me once and you knew its true…I never wanted anyone like this Its all brand new… you feel it in my kiss…I’m crazy for you…” patuloy nito habang lumalapit sa kanya.
Hindi na namalayan ni Geri na nawala si Elbert sa tabi niya pati na ang ibang bisita. At sa kanila ni Jershian nakatutok ang spotlight. Pakiramdam niya ang matutunaw na siya. Walang kasing lagkit ang tingin ni Jershian sa kanya. Hindi niya magawa kumilos dahil sa panginginis ng kanyang tuhod. Ibang klase ang haranang ginawa ni Jershian sa kanya.
“…you feel it in my kiss…because I’m crazy for you…” pag-awit nito kasabay ng kakaibang arrangement ng banda. Tila lalo noong pinaganda ang kahulugan ng kantang iyon paara sa kanya.
Kilig na kilig na siya. She never expected that to happen to her coming at that party. Ang plano lamang niya ay makita ang kapatid niya.
“Its all brand new…And you know it’s true…I’m crazy for you…”
Walang pasidlan ang sigawan at palakpakan nang matapos ang pagtatanghal nito. Hindi magkamayaw ang mga kababaihang bisita dahil naroon din ang Skiptloosemonk.
“Geri.” Nakangiti ito.
“Jershian, ano ‘to?” panay pa rin ang iyak niyang tanong. She wanted to clear everything for once. Ayaw niyang umasa.
“Hinaharana ko ang asawa ko. Bawala ba?” tugon nito. Kumunot ang noo niya. “Asawa? Jershian…”
“I love you, Geraldine.” Agap nito at bumuka na lang ang bibig niya sa gulat. Inabot nito ang kamay niya at idinikit iyon sa dibdib nito.
“I’m sorry kung nagawa kong saktan ka. Kung nailagay kita sa alanganin. Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ‘ko kung nagkulang ako para ipaglaban ang tungkol sa’tin. Kung naging mabagal ako.”
“Jershian…”
“Asawa kita at hindi na magbabago ‘yon. I know this sounds ridiculous. But I have realized that I cannot live another dayt without you. Hindi na kaya ng puso kong mabuhay nang malayo sa’yo. I want to start a new `chapter`` of life with you, Geri. I love you so damn much. Please, go home, wife. Go home to me.”
“P-Pero…hindi legal ang kasal natin.” Saad niya. “It’s official. Ako mismo ang nag-file.” Tugon nito. “Huh.” Aniya at tumango ito.
“Wala nang hahadlang sa’tin. We could be spontaneous now. I am your husband and I am you’re my wife.” Sabi nito.
“Geri…pumapayag ka ba?” tila may insecurity nitong tanong.
Ngumiti siya. Puno ng galak ang puso niya. “Oo naman. Mahal kita. Hindi ko lang masabi sa’yo kasi natatakot ako pero…mahal na mahal kita.”
Kay lapad ng naging ngiti nito at mahigpit siyang niyakap. “Oh, thank God. Akala ko maba-busted ako.”
Napatawa siya. Kumalas siya dito at inabot ang pisngi nito. “Hindi mangyayari ‘yon.
Hindi ka naman kasi nanligaw. Nangharana ka lang. Pero okay lang. Asawa naman na kita.” Tumawa ito. “If you want araw-araw kitang liligawan.”
Pagkasabi noon ay may dinukot muli ito sa bulsa nito. What is it? Another poem? Ngunit ang cellpheno nito ang nasa kamay nito.
“Bin-luethoot ‘to sa’kin ni Jeuan. Take a look.” Sabi nito at may ipinakita sa kanya. “Oh my…” aniya sabay tutop sa sariling bibig.
It was the kiss on their wedding day! Hindi niya alam kung mapapahiya o matatawa na lang sa napanood.
“Tingnan mo ‘yong oras ng video.” Utos nito kaya tiningnan niya ang ibabang bahagi ng
screen.
“Twelve twenty one.” Aniya at sandaling nag-isip.
Hanggang sa may naalala siya. Napatingin siya kay Jershian. Nakangiti ito.
“Di’ba sabi ko sa’yo magiging importante ulit sa’kin ang oras na ‘yan. Now, I know.” “Jershian…” saad niya sabay abot nito ang mukha niya saka siya hinalikan. She
welcomed that wonderful kiss.
“I love you, love. I will be nothing without you.”
“Hindi naman ako mawawala sa’yo.” Sagot niya at muling hinalikan ito.