CHAPTER ELEVEN
Nagpasya si Amber na sa maglangoy sa man made lagoon pool ng resort habang hinihintay si Jeuan. Nakasuot siya ng pulang two piece swim suit. Nagandahan siya sa lagoon kaya naenganyo siyang lumusong.
Nakakailangang pabalik-balik na siya nang maramdaman niyang may tila nakamasid sa kanya. Tumigil siya sa pagkampay at lumingon sa paligid. Hindi nga siya nagkamali dahil kaagad na nag-iba ang pagtibok ng puso niya nang makita si Jeuan na nakatingkayap sa gilid na pool at nakangiti siyang pinapanood.
“Kanina ka pa?” napapangiti niyang tanong. Pilit niyang umakto nang normal kahit na ilang na ilang siya. Naka-swim suit lang kasi siya.
“Medyo.” Tipid nitong sagot. He was smiling but his voice was like diminishing. Lumangoy siya palapit sa gilid. Sinabayan siya nito ng pagtayo upang salubungin.
Umangat siya sa tubig at hindi pa man siya lubos na nakakahon ay hinagilap na nito ang mukha niya at ipinaloob iyon sa kamay nito. Hindi na siya nakapalag nang halikan siya nito.
Tinitigan siya nito matapos ang halik na iyon. Siya naman ay nakatuon ang mga kamay sa gilid ng pool. Hinaplos nito ang gilid ng kanyang mukha saka muling lumapat ang labi nito sa kanya. His kiss was so damn sweet. Nais isigaw ni Amber.
“What’s wrong?” puno ng paglalambing niyang tanong.
“Wala naman. Napagod lang ako.” Tugon nito saka siya itinulak. Napasigaw siya nang bumagsak siya sa tubig. Pikon siya umahon at balak sitahin ito ngunit nakatayo na ito. Nakita niyang lumapit ito sa towel. Nagpasya siyang umahon na.
“You’re rude.” Humihingal niyang sabi dito habang lumalapit dito. Lumingon ito sa kanya hawak ang towel. Tumatawa pa ito. Ngunit tila nalusaw ang ngiti nito nang napatitig sa
kanya. She knew he was stunned. Maarte niyang sinuklay ng kamay niya ang basa niyang buhok patalikod.
Ibinalot nito ang tuwalya sa kanya. Smiling boyishly. Sadya niyang inilapit ang katawan niya ito. She felt a little tease. And his body reacted.
“Lagot ka sa’kin.” Tila nanunukso niyang tukoy ang pagtulak nito sa kanya. Umangat ang kilay nito. “Really?”
Napatawa siya saka niya naramdaman ang pagpulupot ng braso nito sa baywang habang hawak niya sa parteng dibdib niya ang tuwalya The water was dripping all over her face. Napakalapit nila sa isa’t-isa. Hindi naghihiwalay ang kanilang mga mata. Hindi nagsasawang pagmasdan ang isa’t-isa.
“Alam na ng mommy mo ang tungkol sa’tin.” Sabi niya dito habang hinalik-halikan nito ang balikat niya.
Umangat ulo nito at tumingin sa kanya. “How?” “Nakita n’ya ang necklace.” Sagot niya.
Nag-iwas ito ng tingin. Napansin niyang ayaw na nitong lumawig ang usapan. Alam niyang ang ina nito ang dahilan. Hindi lingid sa kaalaman niya na hindi pa rin maayos ang relasyon nito at ni Roxanne. Na hanggang sa sandaling iyon ay masama pa rin ang loob nito sa ina nito.
“Hanggang kailan ka ganyan sa mommy mo? Hindi ba kayo pwedeng mag-usap?” Aniya. Tumingin ito sa kanya. Hindi nito ikinatuwa ang tanong niya dahil kumalas ito sa kanya.
Lumapit ito sa mesang nasa gilid ng lagoon. Inabot nito ang isang baso ng four seasons juice at ininom iyon.
Nakasuot si Jeuan ang puting damit at faded jeans. Napakasimple noon kung tutuusin ngunit isang eleganteng binata ang nakikita nang mga oras na iyon. He still looked gorgeous kahit na pagod na. Nakaka-enganyo pa ring pagmasdan ang buhok nito kahit tila buong araw nang hindi nalalapatan ng suklay. He was naturally a physique of handsomeness. Ngunit tila sa likod ng kagwapuhan nito ay tila nakikita niya ang isang malungkot at galit na tao. Tila may kulang sa pagkatao nito at pakiramdam niya ay makakatulong siya upang mahanap nito kung anumang wala dito. O nawala.
Lumapit siya dito. “Galit ka pa rin sa kanya?”
“Siguro. At ‘wag mong hihilingin sa’kin na maging okay na kami dahil hindi ko susundin, Amber.” Seryoso nitong tugon.
“How ‘bout your father? Few months ago, umuwi sa Italy ang mommy mo. Bakit hindi ka sumama? Kailangan ka n’ya.”
Umismid ito. “Hindi ako gamot.” Tumingin ito sa kanya. “Hindi s’ya gagaling kung dumating man ako. Hindi na gano’n kadaling ibalik ang lahat. Nasanay na ‘ko sa ganito. We’re all fine. That’s it.”
“Jeuan.” Aniya at hinawakan niya ito sa braso. “Namatay si Papa na masama ang loob ko. Ni hindi na niya nagawang ipaliwanag sa’kin kung bakit niya nagawang ipagkasundo ako kay Hiro. Well, I know about our family ties pero…hindi niya naisip na hindi namin mahal ang isa’t-isa.”
“Mahal ka n’ya.” Agap nito. Taka siyang napalingon dito. “Lalaki rin ako, Mio amore.
Alam ko. Kaya sigurado akong hindi ka n’ya basta isusuko sa’kin.”
No.” aniya sabay iling. “We were never been close. That’s not true.”
“Eh bakit tayo? We’re not close either. Ni hindi nga tayo naging magkaibigan. Lagi mo pa ‘ko sinusungitan. But…look at us now.”
Ngumiti siya. “You’re changing topic.”
He groaned. “Are we going to talk about my life na lang? Akala ko ba kaya tayo nandito ay para mag-enjoy.”
Lumabi siya saka muling lumapit dito. Malambing niyang niyakap ito. “My sweet, importante sa’kin ang mommy mo. We’re friends. Mabait s’ya. At gusto n’yang magkaayos na rin kayo. Nalulungkot s’ya kasi sabay nga kayong umuwi dito pero hindi naman kayo nag-uusap. Until now. She’s still your mother. Don’t you miss her?”
Hindi naman ito tumugon bagkus umangat ang kamay nito at tinugon ang kanyang yakap. Saka hinalikan ang gilid ng kanyang ulo. Why she felt so happy and secure in his arms? Halos maitago na siya nito sa katawan nito.
“Let’s go to the hotel and get dress. Baka lamigin ka na.” saad nito at hinila na siya patungo sa hotel.
Pinakatitigan ni Jeuan si Amber habang nakatungo ito sa cellphone nito. At kahit na hindi niya nakikita ang mukha nito at alam niyang kunot na kunot ang noo nito. Nasa lobby sila at kasalukuyang naghahapunan at panay ang tunog ng cellphone nito. It was a text from someone. May pagkakataong may tumatawag dito ngunit kina-cancel nito. At kahit hindi sabihin ni Amber ay alam niyang may kinalaman sa kanya iyon.
“Hinahanap ka na nila?” tanong niya sabay subo ng pagkain. Umangat ang tingin nito patungo sa kanya saka umiling. Kumilos ito at inilapag ang cellphone sa mesa malapit dito.
“Nag-update lang ako sa page ng Roxy. Inilabas na kasi ng video teaser ng reality show.” Sagot nito.
He was half convinced. Maaaring totoo ito sinabi nito ngunit alam niyang may iba itong
nabasa.
“Can I see it?” aniya.
Napahinto ito sa pagsubo at tumingin sa kanya. “Open mo sa Ipad mo. May wifi naman
eh.”
Halatang may itinatago si Amber. “Tinatamad ako. Patingin na lang.”
She snorted lightly. “Tama nga sila. Napaka-low tech mo. You have your gadget with you pero ayaw mong gamitin.”
Napangiti siya saka nagkibit ng balikat. Mukhang inilalayo ni Amber ang usapan. Nais nitong hindi na niya ito mapansin.
Tumunog ang cellphone nito. Sinilip nito iyon at nitigilan. Saka tumingin sa kanya.
Muling bumaba ang tingin nito ngunit hindi sinasagot iyon.
“Si Hiro o Andrei?” hindi na niya napigilang tanong. Hindi kaagad ito nakahuma. “S-Si Ah hiya.”
Pagkasabi nito noon ay walang salita niyang kinuha ang aparatu. Saka tumayo.
“Hey! What are you doing?” biglang nataranta si Amber. Tumayo na rin ito at akmang aagawin sa kanya ang aparatu nang umilag siya. Saka malalaki ang hakbang lumayo dito. Siya ang kakausap kay Andrei.
“Jeuan! Don’t do it. Hindi nila alam na magkasama tayo! Give me back my phone.” Pigil naman nito sa kanya. Subalit palibhasa’y mas matangkad siya dito ay hindi nito nagawang
bawiin ang cellphone. Hinawakan niya ang kamay nito at iniiwas sa kanya. He was really getting bored with their set up. Hindi niya gustong itago siya ni Amber gaya ng ayaw niyang itago ito.
“Hello, Andrei. This is Jeuan.” Kaagad niyang saad nang pindutin ang answer button. Wala siyang narinig na tugon mula sa kabilang linya. Alam niyang nagulat ang dati niyang kaklase.
“God, Jeuan. Give it back to me.” Panay pa rin ang palag ni Amber. Hindi niya ito pinansin.
“Andrei.” ulit niya.
“Where’s my sister? I want to talk to her.” Ma-awtoridad nitong sabi.
“Talk to me first.” Tugon niya. Nilingon niya si Amber sa tabi niya. Madilim ang tingin nito at taas-baba ang dibdib marahil dahil sa galit sa kanya.
“Anong gusto mong sabihin?”
He sighed. “Alam kong alam mong kami na ng kapatid mo. I’m sorry for the short notice but I think I will not allow your sister to wed Hiro Kurasawa.”
“Jeuan.” Pagsaway naman ni Amber sa kanya.
“Hindi ikaw ang magdi-desisyon tungkol d’yan. Now. My sister.” Puno ang kaseryosohan ang tinig nito.
“Andrei, mahal ko ang kapatid mo.” agap niya sabay sulyap kay Amber. Wala na ang galit sa mga mata nito. Alam niyang narinig nito ang sinabi niya.
Wala siyang narinig na tugon mula kay Andrei. He must be absorbing his words. Nagulat ito, alam niya. Dahil naririnig niya ang tila marahas na paghinga nito.
“Jeuan, give me-” akmang aagawin ni Amber ang cellphone nang muli niyang iilag ang sarili. Tiim niyang tiningnan ang kasintahan. Ngunit nakipagsukatan ito ng tingin sa kanya. Her black eyes were bristling were tamed anger. But sorry for her. Hindi siya magpapatalo dito.
“Don’t be deceived by your emotions, Roswell. Kilala kita. Isa lang si Amber sa mga flings mo. Lilipas din ‘yan.” Sabi nito matapos marahil makabawi.
“I’m serious. At kung hindi mo seseryosohin ang sinabi ko ay hindi mo na makikita ang kapatid mo.”
Tumawa ito. “So, this is what? Tanan or kidnapping?” “Love, Andrei. Love.” agap niya.
Natigilan itong muli. Saka niya naramdaman ang pagpiglas ni Amber. Napatingin siya dito. Namumuo na ang luha nito saka tumalikod sa kanya.
Napabuntong-hininga siya. Muli niyang hinarap ang pakikipag-usap.
“I hate doing this to you. Ayoko na ring magkaroon pa tayo ng pagtatalo tungkol sa’min ni Amber. I want to talk to you about her. Man to man.”
“If you are really a man like what you said, you will give my sister back. Your so called love is not enough to stop the wedding. Kahit si Amber ay hindi ka kayang panindigan hanggang huli. I assure you that. I suggest that you give up.” Sagot nito.
“I’m sorry. I can’t.”
“I’m sorry too, Jeuan. A promise is a promise. And a Sih Chua doesn’t break promises. Dahil buhay ang itinataya sa bawat pangakong binibitawan namin.” Sandali itong huminto. “Let’s me talk to my sister. Importante ang sasabihin ko. We have our own time to talk. As I said, I kept my promise.”
Nilingon niya si Amber. Nakatalikod ito sa kanya at alam niyang umiiyak ito. Lumapit siya dito.
“He wants to talk to you-” hindi na niya natapos ang sasabihin dahil tila kidlat na inagaw ni Amber sa kanya ang cellphone. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng pansin.
Sinundan niya ito ng tingin habang nakikipag-usap ito sa kapatid. She was talking in straight Hokkien. Wala siyang maintindihan kundi ang pangalan niya na madalas banggitin nito. Amber’s voice was intense. Namumula ang mga mata nito marahil sa nagbabadyang luha. She was mad and upset.
“W-What?” tila nagulat ito. Napatitig siya dito. Lumingon ito sa kanya. “Ah hiya─shit-“ anito at ibinaba ang cellphone. “Let’s go.”
“What? Amber-” naguluhan siya nang nagmamadali itong lumakad at tinahak ang daan patungo sa cottage nila.
“We have to leave…now.” Mariin nitong saad. Nakasunod siya dito at gulung-gulo. “Amber! Sandali nga.” Naiirita niyang hinagip ang braso nito. “Tell me what’s going on.
Anong nangyari? What did your brother told you?”
“Wala.” Tugon nito at muling tumalikod. Narating nila ang cottage at para itong kidlat kung kumilos. Kaagad nitong nailipit ang gamit nila. Siya ay nalilitong pinapanood ito.
“Get your keys. Halika na.” anito at tinungo ang pinto.
“Damn it, Amber! Tell me what’s going on!” sigaw niya at hinila ito pabalik. Galit nitong binawi ang braso at humarap sa kanya.
“We have to go back to Manila. Sa sasakyan ko na sasabihin sa’yo. Tara na!” sabi nito at muli na namang siya tinalikuran. Mabilis nitong narating ang parking area ng hotel. Naroon ang gamit nilang sasakyan.
Ngunit bago pa man sila makalapit sa kotse niya ay may namataan silang dalawang sasakyan. Pareho silang natigilan ni Amber. Mabilis ang dating ng sasakyan.
“Holy crap…” ani Amber at bago pa sila makakilos ay kaagad nang nakababa ang sakay ng dalawang Fortuner. Bumaba ang tatlong lalaking lahat ay nakaitim sa unang sasakyan. Apat naman mula sa ikalawa. Nakaramdam ng kakaibang kaba si Jeuan. Tila sila ang puntirya ng mga kalalakihan. Nag-aalala siya para kay Amber. Mabilis siya kumilos at itinulak si Amber sa likod niya. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito.
“Sino sila?” tanong niya sa dalaga dahil malakas ang kutob niyang alam ni Amber ang nangyayari.
“I don’t know their names. Pero alam ko ang pakay nila.” Tugon nito at nagulat na lang sila nang kumilos ito palayo sa kanya at nilapitan ang mga lalaki. Na-alarma siya.
“Amber-” hindi na siya nakailag nang biglan dumapo ang kamao ng isa sa kanyang sikmura. Namilipit siya sa sakit.
“Jeuan!” narinig niyang sigaw ni Amber at akma siyang tatayo nang muli siya undayan ng suntok ng lalaki. Tumama ang upper cut nito sa kanyang mukha. Natumba siya at napahiga sa buhangin.
“You asshole, get off him!” galit na galit na hiyaw ni Amber.
Kailangan niyang tumayo. Hindi maganda ang dala ng mga lalaking ito at nanganganib si Amber. Kailangan niyang lumaban. Ngunit hindi na niya nagawang tumayo dahil ang lalaki na mismo ang nagtayo sa kanya. Hila-hila nito ang buhok niya. Muli siyang sinuntok nito. Sapul ang kanyang kanang pisngi. At nasundan pa ng isa pa. Sinubukan niyang salagin ang paparating na kamao nito ngunit tinadyakan siya ng kasama nito. Muli siyang natumba saka nito tinuunan
ang dibdib niya. Halos mamanhid ang tagiliran niya sa sakit. Nahirapan siyang huminga dahil sa pagtapak ng dalawang lalaki.
“Damn it! Tigilan n’yo s’ya!” narinig niya ang malakas na tinig ni Amber. Naramdaman niyang tumigil ang nananakit sa kanya kaya nagkaroon siya ng pagkakataon kumilos. Kahit hirap ay pinilit niyang tumayo at nang ilibot niya ang kanyang mga mata namataan niya si Amber.
“A-Amber?”
He was stunned when he saw Amber fight the bad guys. Isa-isa nitong inundayan ng suntok at sipa ang mga lalaki. Wala itong pakialam kahit na naka-dress ito. She was extending her fist with ease. Tila sanay na sanay makipaglaban. Ang mga lalaki naman ay tila wala nang nagawa kundi magpagulpi na lang.
He saw Amber strike the attacker with her finger held like knife. Kitang-kita niya kung paano nasaktan ang lalaki saka nito itinulak at isadsad sa gilid ng sasakyan. Itinuon ni Amber sng siko nito sa leeg ng kalaban.
“A-Amber…” tawag niya dito nang makatayo. Iginala niya ang paningin at nakitang nakahandusay na ang ibang kalaban. May isang nakaluhod ngunit halatang lubha rin itong nasaktan.
“Bumalik ka sa boss mo. Tell him go to hell. Dahil kung hindi…!” anito at lalo pang idiniin ang siko sa lalaki. Napasigaw ito. “Ako mismo ang magdadala sa kanya do’n!”
Akma siyang lalapit dito upang pigilan. Pakiramdam niya ay mapapatay nito ang lalaki. Humakbang siya ngunit naudlot lamang iyon nang biglang may pumukol na mabigat na bagay sa may parteng batok niya.
“Jeuan!”
Iyon ang narinig niya bago siya nalawan ng ulirat.