CHAPTER TWELVE

CHAPTER TWELVE

Nang magising si Amber ay nasa kwarto na niya siya. Napabaligwas siya ng bangon nang mabilis na nagbalik ang mga nangyari. Kasabay ng pagsukob sa kanya ng matinding kaba at galit. Saka malalaki ang mga hakbang na lumabas siya ng kwarto niya. Tinakbo niya ang unang palapag.

Nawalan ng malay si Jeuan matapos hambalusin ng baril sa batok nang nasa resort pa sila. Hindi naman niya nagawang daluhan ito dahil hinawakan siya ng lalaking naka-engkwentro niya. Hindi na niya napansin na may isa pang sasakyang dumating. Nakabawi sa kanyang pananakit ang mga lalaki at nagawa siyang pigilan hanggang sa nakita na lang niyang isinakay si Jeuan at inilayo sa kanya. Pinilit pa niyang makipagbuno ngunit nagawa na ng mga itong makatakas.

Dapat ay susundan niya ito ngunit may isa na namang dumating na sasakyan at tinangay siya. She tried fighting them but they were bigger. Kaya wala na siyang nagawa nang may idinikit sa kanyang ilong kaya nawalan na siya ng malay.

“Ma!” sigaw niya ngunit walang sumagot. “Ma!”

Lumabas siya sa may pool. Lumingon siya sa paligid. Tumakbo siya patungo sa garahe. Palakas-lakas nang palakas ang tahip ng dibdib niya. Nasa isip niya si Jeuan. Kailangan niya itong mahanap. Ngunit bigo siya pagdating sa garahe. Tanging ang sasakyan lamang ni Andrei ang naroon. Nanlumo siya.

Pinilit niyang kalmahin ang sarili upang makapag-isip. Hanggang mamataan niya ang isang lalaki. Kilala niya ito. Tauhan ito ni Hiro.

“Nasaan sila?” galit niyang tanong dito nguinit hindi ito nakatugon. Galit niyang nilapitan ito at bago pa siya makakilos ay iniharang na nito ang mga kamay upang pigilan siya. Halatang natakot ito sa kanya.

“N-nasa court po sila.”

Pagkasagot nito ay tinakbo niya ang tennis court. Parang unti-unti siyang naagawan ng hininga. He must find Jeuan.

“Oh my God…” Nahintakutan niyang sambit nang makita si Jeuan na hawak ng dalawang tauhan ni Andrei. Kahit sa malayo ay kitang-kita niyang duguan ang damit ni Jeuan. Parang mahihimatay siya sa kaba.

Hindi na niya gustong kontrolin ang sarili. Binalutan na siya ng matinding galit kaya nang makababa ay iglap niya hinagip ang isang Glock 17 na nakasusok sa tagiliran ng isang tauhan nila na nasa may huling palapag ng hagdan. Gulat na napalingon ang lalaki ngunit hindi na nakahuma dahil naitutok na niya ang baril.

“Put him down!” sigaw niya at wala na siyang sinayang na oras. Pinaputok niya ang baril at umalingangaw na lang ang ingay noon. Napaluhod ang may hawak kay Jeuan dahilan upang mabitawan nito ang binata. She targeted his leg.

“Damn it, Amber!” Gulat na gulat si Andrei at tumakbo palapit sa kanya. Tinangka nitong agawin ang baril ngunit nakaiwas siya. Bahagya siyang lumayo sa kapatid. Ngunit alerto siya. Nakatutok pa rin ang baril sa lalaking may hawak kay Jeuan nang tingnan niya nang masama si Andrei.

“Let him go, you asshole!” hiyaw niya at umikot ang mga mata niya patungo kay Andrei. “What did you do to him?”

Hindi tumugon si Andrei bagkus tumingin kay Hiro na nagulat din.

“Anong gagawin n’yo kay Jeuan?! Sinabi ko nang-”

“Nasisiraan ka na ba, Amber? Papatayin mo ba ang tao natin?!” ganti sigaw ni Andrei sa

kanya. Hindi niya ito nasagot dahil muli niyang pinaputukan ang lalaking may hawak kay Jeuan.

Doon nabitiwan nito si Jeuan. Saka siya tumakbo palapit kay Jeuan.

“Oh my…” aniya sabay napaluha nang makita ang kinahinatnan ni Jeuan. Puno ng dugo ang mukha nito. Halos hindi na nito maimulat ang kaliwang mata sa pamamaga. Halos madurog ang puso niya sa nakikitang paghihirap nito. Alam niyang may malay ito dahil bahagya pa itong kumikilos.

“Get her! Tulungan n’yo si Nato at itayo n’yo si Roswell.” Narinig niyang utos ni Hiro. “Don’t!” pigil niya nang akmang lalapitan sila sabay tutok muli ng baril sa mga ito.

“Don’t…you dare touch him!”

She was crying like crazy. Nanginginig ang kamay niyang may hawaka sa baril. She greeted her teeth out of great rage and frustration. Never in her wildest dream had that such a scene apprehended in front of her. Parang gusto niya kumitil ng buhay.

“Amber, bitawan mo ang baril. Hayaan mong ayusin nila si Jeuan.” Ani Andrei ngunit matalim na tingin at itinugon niya.

“Kill me first.” Sagot niya saka maingat na inihiga si Jeuan bago tumayo. “Do it!” Mabigat na nagbuntong-hininga si Andrei at lumigon sa mga tauhan. “Get her.”

Walang kumilos ni isa man sa tauhan nila. Lalo siyang napikon kaya iniumang niya muli ang baril at isa-isang pinaputukan ang mga ito. She targeted the inch space on each men side. Sinadya niyang hindi patamaan ang mga ito. Nais lamang niyang takutin ang mga ito. Saka itinutok kay Hiro matapos ang limang putok.

“You ruthless beast. Akala mo makukuha mo ‘ko sa ganitong paraan. You’re too confident Kurasawa. Hindi ang isang tulad mo ang mamahalin at pakakasalan ko. You don’t deserve my trust and love, you heartless bastard!” She said angrily. “Nagkakamali ka. Lalo mo lang inilayo ang pagkakataon mong magtiwala ako sa’yo!”

Wala pa rin itong tugon. Nanatili lamang itong nakatayo sa harap niya at tila walang pagkabahalng mababakas dito. But when he looked at his eyes, she mirrored a sad stare. Ngunit kaagad din niyang pinalis iyon. Hindi totoo ang nakita niya.

“Stop it, Amber!” Ani Andrei na nagawang agawin sa kanya ang baril.

“How dare you!” Hinarap niya ang kapatid at pinagsasampal ito. “Wala kang isang salita. You told me Jeuan will not be harm. Ang sabi mo sa’kin sa kanina ay pipigilan mo. Now what!? Liar! Liar!”

Hindi siya nito sinaway. Hinayaan nitong ilang ulit na lumapat ang palad niya sa mukha nito pati na ang pagsuntok niya dibdib niya. Luhaan at buong lakas niyang ibinuhos ang lahat ng galit niya dito. Halos wala na siyang maisigaw.

“I hate you! I hate you!!” pilit niyang sigaw saka buong lakas niyang itinulak ito. Napaluhod siya sa semento. Napakalakas ng pag-iyak niya. Tila naubusan na siya nng hangin. Napatuon na siya sa sahig habang panay pa rin ang pagtangis.

“Come, mag-uusap tayo.” Saad ni Andrei at tila papel lamang siyang binuhat nito nang isang kamay. Hindi na siya pumalag dahil naubos na ng galit niya ang lakas niya. Ngunit kahit ganoon ay nagawa pa niyang lingunin si Jeuan at nakita niyang may dalawang tauhan nilang umalalay dito at tila may pagdadalhan dito.

Sinubukan niyang kumalas kay Andrei at habulin ang mga ito. Hindi niya alam kung saan dadalhin si Jeuan. Ngunit mas mahigpit ang hawak ni Andrei sa kanya.

“Stop fighting. He will be safe, I promise.” Ani Andrei habang binitbit na siya nito.

Wala nang pagsidlan ang luha ni Amber. Tuluy-tuloy pa rin ang pag-iyak niya at wala siyang balak na pahirin kung kumalat man iyon sa kanyang mukha. Nasasaktan siya at galit na galit pa.

Sa dining area siya dinala ni Andrei nang makapasok sa loob ng bahay. Nakaupo siya sa cushioned high stool sa may counter. Samantalang ito ay nakasandal sa may lababo paharap sa kanya.

“We have nothing to do with it. Naniwala ka, Amber.” Ani Andrei. “Nang mag-usap tayo sa phone at sinabi ko sa’yong may parating na panganib ay totoong babala ‘yon. I was worried for both of you.”

“Liar. Hindi pwedeng makaligtas ang kahit na anong hakbang ng House sa’yo. Kaya pa’nong nakagalaw sila dito sa Pilipinas kung haharangan mo sila?” Agap niya sa gitna ng pagluha.

“Tinawagan ako ni Hiro. Sinabi n’ya sa’kin na nag-report ang tao niya sa loob ng House. May plano na talaga kay Jeuan. Nang pasundan ka nila at masigurong may relasyon kayo ay hindi na sila nagdalawang-isip. Gagawin at gagawin nila ang ginawa nila.” Sabi nito.

Nanunuya siyang tumawa. “You really think I will buy it?”

Nakita niya ang pagbuga nito ng hangin saka itong lumapit sa kanya at tumingkayad sa harap niya.

“Where do you think is Mama now?” tanong nito.

Napaisip siya habang nakatitig dito. Wala nga ang kanilang ina nang magising siya. Wala rin ang mga kasambahay nila. Kahit si Atom. Hindi na niya napagtuunan ng pansin iyon dahil sobrang pag-aalala kay Jeuan.

“Where is she?” umaahon ang kaba niyang balik-tanong. “Hawak s’ya ng House.”

“What?! H-How?” kulang ang salitang gulat sa naging reaksyon niya.

Pumikit ito at muling nagbuga ng hangin. Her brother looked tired. Tumayo ito at tumalikod sa kanya.

“Tell me, Ah hiya.” Pamimilit niya.

“Do you remember Blaine Kasim?” tanong nito.

Ang tinukoy nitong si Blaine Kasim ay ang deputy leader ng House. Ito ang tumatayong over-all head na siyang nakakaalam ng lahat ng pasikut-sikot sa loob ng organisasyon at kinakailangang malapit sa pinakamataas sa samahan.

Isang beses pa lang nakita ni Amber si Blaine. Iyon ay noon magbakasyon sila sa Macau at binisita sila nito sa bahay na tinuluyan nila.

“Anong tungkol sa kanya?” tanong niya.

“S’ya ang negatibong imahe ng House. S’ya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nakadikit pa rin sa’tin ang hinalang isang triad ang House at gumagawa ng illegal activities.” Sago nito.

Tumingin ito sa kanya at naghila ng isa high stool. Naupo ito sa harap niya. She did not

move.

“Do you really believe na ganoong klaseng tao sina Papa kaya nabuo ang House?” tanong nito at hindi siya nakatugon. Dahil aminado siyang iyon ang nabuong imahe ng samahan sa kanya sa loob ng maraming taon. Na galing sa masama ang lahat ng kayamanan nila.

“Underground market ang pinagsimulan ng House bilang samahan. It was a bit on a rough road bilang pinagkakakitaan dahil iligal na negosyo ang pinopinondohan nina Papa no’n. Bukod pa sa naranasan rin nilang maging pushers. But it was only a short time. Pinilit nina Papa na samantalahin ang pagkakataon na ayusin ang lahat. Pinasok nila ang stock market at naging magaling na broker si tito Saite. Same as tita Laarni na naging shipper sa coal mining. And Papa became a lender.

“Lumaki ang organisasyon dahil maraming gustong mangarap na guminhawa ang buhay. At isa na si Blaine na itinuring nina Papa hindi lang bilang miyembro kundi bilang anak na rin. Pero tuso at gahaman si Blaine. Binalikan niya ang maruming gawain noon nina Papa at nagsimula ng iligal na gawain. At iyon ang kailangan naming pigilan ni Hiro.”

“Is Mama safe?” tumutulo pa rin ang luha niyang tanong.

Tumang ito. “It was only this morning. May mga lalaki daw na biglang nakalagpas sa security natin at nagawang makapasok hanggang dito sa loob. Noon ko rin nalaman na may balak na silang sundan kayo sa resort. I did try to stop them by my means. Pero naging mas mabilis sila. At nasa Hong Kong na sila.”

“Oh my God…”

“Don’t worry. Sinundan na s’ya ni Atom kasama ng team natin. Maiiuwi n’ya si Mama.” Agap nito.

“Anong plano ni Blaine?”

“He wants to rule the House. At gusto na niyang matanggal sa’tin ang lahat ng control at tuluyan nang maging illegal group ang House. May plano pa s’yang pasukin ang terrorism. At hindi niya magagawa ‘yon kung patuloy na nasa sa’tin ang faith ng halos ng lahat ng members.”

Napabuntong-hininga siya. “Anong kinalaman nito tungkol sa’min ni Hiro? Bakit gano’n na lang ang pagpilit mo sa’kin? From the very start I told you I don’t love him.”

“Dahil ang oath ni Papa ang ginawang dahilan ni Blaine para mapahina tayo. You know very well that the oath is sacred. At pinaniwalaan iyon ng buong council. Hindi maaaring hindi ‘yon matupad dahil isang kasiraan ‘yon sa pamilya natin. At kung makakarating sa lahat ang ginawa mong pagtanggi, magkakadahilan si Blaine na iboto tayo bilang kalaban. Madadamay pati si Hiro.

“May pangarap kami para sa House, Amber. Kami ni Hiro. Gusto naming linisin ang image nito at magsimula ng isang bagong organisasyon. I know this sounds imposible dahil sa dami ng exposure natin sa black market. Pati na sa mga assassinations. But like what you said, you want a changed life. At tutuparin ko ‘yon.”

“Ah hiya…” Aniya.

Hindi niya alam kung paano haharapin ang kapatid matapos marinig ang lahat. Nagkamali siya ng paghusga dito sa nangibabaw ang sama ng loob niya. Naging masama ang tingin niya sa kanyang pamilya dahil nagkulang siya ng paniniwala at tiwala.

“Mama’s abduction is a bargain. Si Blaine ang may pakana ng lahat ng ito. Alam kong alam niyang hindi mo gustong magpakasal ay Hiro. He will use Mama to negotiate regarding the arrangement. Gusto n’yang hindi ka nagpakasal para mailigtas si Mama. Pero dadalhin ni Blaine ang Call of Treason sa House. Mahahatulan tayo at mawawala ang lahat ng meron tayo ngayon.

Idadamay nila ang mga Kurasawa at Guidotti. You know what it means. But if you marry Hiro, Mama will die.”

Napaungol si Amber at muling napaluha. Kahit na anong options pala ay pareho silang talo. Magpakasal o hindi siya kay Hiro ay may mawawala sa kanilang lahat.

“I’m pushing you to marry Hiro because of the assurance. Kung hindi naghinala si Blaine na ayaw mo sa oath ay hindi niya maiisip na gamitin ito laban sa’tin. After that, mas magiging mabilis ang plano naming alamin ang lahat ng kagaguhan n’ya para ma-dispatsya namin s’ya. But it had gotten worse when they saw the picture. Idagdag pa ang grounds na sinuway mo ang isa sa pinakamahalagang oath: Thou shall not love the innocence of the House. It will burn the soul of it.”

“Hindi ko ginustong mahalin si Jeuan, Ah hiya.” Aniya. “God knows how I tried in my full strength not to love him and forget him. Kulang na lang isumpa ko s’ya mawala lang s’ya sa sistema ko. In years, Ah hiya, pinilit kong itago, itanggi, ibaling ang pagtingin ko sa iba. But nothing happened. Lagi rin akong bumabalik sa kanya.”

“I know.”

Pinahid niya ang luha sa kanyang mukha. “What will I do now, Ah hiya? Tell me.”

Tumingin ito sa kanya. His eyes were sad. “The oath has already broken. Your marriage is not an option for now. I’m sure nakarating na sa council ang lahat at alam kong kumikilos na si Blaine para masira tayo.

“But don’t worry. Nakaisip na kami ng plano ni Hiro. Alam namin na darating at darating sa sitwasyong ganito. This is war, Amber. My war against Blaine. Hindi ako makakapayag na sirain n’ya ang lahat ng pinaghirapan ni Papa. Ipaglalaban ko ang House. Babawiin natin si Mama.”

Tumayo siya at niyakap si Andrei. Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman sa mga narinig. Alam niyang isang bahagi ng bigat niya ay nawala na ngunit ang kapalit naman noon ay ang kaligtasan ng kanyang ina.

She uttered her prayer. Sana’y matapos na ang lahat.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.