CHAPTER FIFTEEN
But Jeuan never left her eyes. Nanatili itong nakatayo sa harap. Kitang-kita niyang ang deteminasyon at tila pangungulila sa mga mata nito.
“Jeuan…”
“Una, nag-aalala ako sa’yo. Huli akong nakabalita ng tungkol sa’yo no’ng mag-usap kami ng kapatid mo.”
“Nag-usap kayo ni Ah hiya? Kailan?” bigla nagtaka niyang tanong.
“Hindi na mahalaga ‘yon. I don’t want to talk about other people. We need to talk about us. At kung may patutunguhan ba ang pagkabugbog sa’kin.” Agap niya.
Hindi siya nakatugon. Napatingin siya sa saklay nito na tila noon lamang niya napansin. Tila nanikip ang dibdib niya nang maalala ang nangyari na naging dahilan upang magkaganoon ito. Muli siyang kinain ng guilt.
“I-I’m so sorry about what happened.” Mababa ang tinig niyang sabi.
“Hindi ako nagpunta dito para sa apology mo. I am here to see you. Gusto kong linawin ang lahat. I want an explanation.”
Nilingon niya ito. “About what? About us? Kung tayo pa ba? ‘Yon ang gusto mong nilawin?”
“Of course, Amber.” Mabilis nitong tugon. “Why? Ano bang inaasahan mo? Na pagkatapos ng nangyari ay bigla na lang mapuputol ang lahat? You expect to just turn my back? That I got chickened because they almost killed me? Na lalayuan na lang kita?”
“Honestly, that’s what I want you to do.” Hindi taos sa puso niyang sabi. Nag-iwas siya ng tingin dahil ayaw niyang makita nito ang pamumuo muli ng kanyang luha.
He groaned. “Wow. Ayos ka rin ah. Ano ‘to? Iwanan sa ere? Sumuko ka?” She chose not to answer.
“Kung gano’n. Bakit suot mo pa rin ang kwintas?”
Wala sa sarili siyang napahawak dibdib niya sabay salat sa kwintas. “Dahil sinabi mong ‘wag kong tatanggalin ‘to.”
“That’s mean you still holds.” Sabi nito at naramdaman niya ang pag-abot nito sa braso niya. Napilitan siyang harapin ito.
Mabilis na nangilid ang luha niya nang mapagmasdan itong muli. Kaagad siyang nakaramdam ng pananabik nang mahawakan nito. Napagtanto niyang lubha na niyang inasam na makita ito. But she kept on denying it.
“It’s just a gift, Jeuan.” Puno ng pagsisinungaling ang tinig niya. She made her decision.
Tatapusin na niya ang lahat.
Kumunot ang noo nito. “Don’t you…” His gritted his teeth. “Make sense, Amber. Please. Pareho lang tayong napapagod sa ginagawa mo. Narito ako para sa’yo. Gusto kong malaman mo na hindi kita iiwan dahil lang nangyari ‘to. Kahit ilang beses nila akong ipabugbog wala akong pakialam. Hangga’t hindi nila ako napapatay babalik at babalik ako sa’yo.”
“It could be worse. What happened was just a warning. Pwedeng may sumunod pa.” Halos paanas na lang niyang sabi. Tila may kibig sa kanyang lalamunan. Naninikip ang dibdib niya dahil nasasaktan siya.
“Hindi mo ba ‘ko narinig? Kasasabi ko lang. Wala akong pakialam. I will never ever let you go.”
“B-But I’m letting you go.” Agap niya sabay tulo ng luha. Mabilis niyang pinahid iyon.
She hated when she cries. Nasasalamin kasi ang totoo niyang damdamin.
“That easy?” tila puno ng panunumbat nitong tanong. Tumawa ito at umaktong hindi naintindihan ang sinabi niya.
“Jeuan, making ka sa’kin-” aniya at akma niyang lalapitan ito nang pigilan siya. Umangat ang isa nitong kamay sa harap niya. He really looked pissed off.
“Bullshit, Amber.” Hindi sigaw iyon. Ngunit pakiramdam niya ay nabutas ang puso niya sa sakit na bigla niyang naramdaman. Hindi siya nakakilos dahil parang bibigay ang timbang niya.
“Y-You need…to understand.” Nauutal niyang sabi.
But he only snorted. “Hindi nga. At hindi ko gustong intindihin. Bakit? Kasi mahal kita eh. At isa pa pwede kong sabihing ang minahal ko sa’yo ay ‘yong paninindigan mo. Kilala ko ang puso mo eh. But it was just what I thought. Mali pala ‘ko.”
‘Jeuan, give me time.” Aniya. “Please. Maraming nangyayari ngayon. I-”
“It’s okay. Kailangan kong intindihin di’ba?” Agap nito at kumilos palayo sa kanya. “No.” pigil niya nang talikuran siya nito. “Sandali. Magpapaliwanag ako. It is not what-” “Malinaw na nga. It’s over.” Sabi nito. “Tapos na.”
Itinuloy nito ang paglabas kaya sinundan niya ito ngunit hindi pa siya nakakatatlog hakbang ay muli siya nitong hinarap. His stare stopped her.
“Wag mo na ‘kong ihatid, Ms. Sih Chua. Kaya kong umuwi mag-isa.” Anito na tila humahati sa puso niya.
Kaya wala na siyang nagawa nang tuluyan na itong makalabas kundi tanawin ang paglayo nito. It was too painful to look at her forever running away. It was as if she wanted to end her life.
Tila kandilang biglang naupos siyang napaluhod habang hawak ang suot niyang kwintas.
Impit siyang napadaing sa sakit ng dibdib niya sabay hagulgol.
Nakita niyang pumasok si Hiro. Nilingon nito ang gawi ni Jeuan at takang lumapit sa kanya. Inalalayan siya nito dahil sa sobrang pag-iyak niya at napaluhod na siya.
“What happened?” tanong nito habang inalalayan siyang makaupo. Panay ang tulo ng luha niya at hindi na niya alam kung paano pipigilan iyon.
“I-It’s over.” She said sobbing.
“What?” tila hindi makapaniwala ito. “Amber, what did you do?”
“Masisisi mo ba ‘ko?” Aniya dito. “Kung isipin ko ang makakabuti sa kanya? Hiro, alam natin pareho kung anong meron sa pamilya natin. Habang buhay na nating dadalahin ang gulo sa House. Kasama natin palagi ang complications. How do I deal with that kung laging mapapahamak si Jeuan? P-Paano?”
“Amber.”
“H-Hiro.” Napahagulgol siya at yumakap dito. “Mahal na mahal ko s’ya. M-Mahal na…mahal.”
“Eh bakit mo s’ya ipinagtabuyan?” pagkastigo nito sabay layo sa kanya. Hinawakan nito ang balikat niya. “Sundan mo s’ya. Ayusin mo bago mahuli ang lahat. Nakita ko s’ya paglabas n’ya. Damn it, Amber. I’m a man. I told you I’m not emotional. Pero tinamaan ako nang makita ko s’yang naiiyak habang pasakay ng kotse n’ya. He was really hurt. Seriously hurt. And he doesn’t deserve it. He deserves your love.”
“G-Gusto ko lang naman ayusin muna ang lahat. I’m so confused. Nahihirapan din naman ako. Paano ‘ko susundin ang puso ko kung nanganganib ang buhay ni Mama? Our enemy is attacking us. How do you want me to take…this?”
Nagbuntong-hininga ito. “Si Andrei ang tumawag sa’kin. He gave updates. Tapos na ang operation. Nagkaroon ng contact at tinamaan ang isa nating agent. But he’s safe.”
“S-Si Mama?” puno ng kaba at antisipasyon niyang tanong.
Ngumiti ito. “She’s alright. Kasama na s’ya ng mga kapatid mo. We defeated Blaine. Nakarating na rin sa council ang buong katotohanan tungkol sa gawain ni Blaine. It’s over. Ayos na ang lahat. I told you. Maayos natin ‘to. At nangyari na.”
Napuno ng tuwa ang kalooban niya. Tila isang malaking tinig sa kanyang dibdib ang nawala.
“Now. Go after Jeuan. Talk to him” Anito at itinayo siya. “I want you to be happy.
Lumalayo na s’ya.”
“H-Hiro.”
“Go.” Anito at hindi na siya nag-aksaya ang oras. Iniwan niya at tila hanging lumabas upang sundan si Jeuan.
Alumpihit si Amber. Hindi niya alam kung tutuloy siya. Abut-abot ang kaba niya at tila pinanghihinaan siya ng loob. Nasa harap siya ng Roxy City at alam niyang nasa loob si Jeuan. Pero kailangan niyang tumuloy at kausapin si Jeuan. Wala na siyang ibang choice kundi sundin ang puso niya. Malaki ang kasalanan niya dito. Nasaktan niya ito. Hindi man iyon ang intensyon niya subalit nasaktan pa din niya ito.
Kailangan niyang magpaliwanag. Kailangang maipatindi dito ang motibo niya at kung bakit niya nagawang ipagtabuyan ito. Naging unfair siya kay Jeuan. Naging mahina siya. Na kung tutuusin ay kasama siyang nagsimula ng kung anong mayroon sila. Kaya hindi niya ito masisisi kung galit man ito sa kanya.
Kinakabahan siyang pumasok sa superclub. Nakita kaagad niya Lourd. Tinawagan niya si Roxanne upang alamin nakita nito ang anak. Ngunit wala raw ito sa unit nito si Jeuan. Sunod niyang tinawagan si Lourd at ito ang nagsabi na nasa Roxy ito kasama ng mga kaibigan nito.
“He’s upstairs. Sa suite.” Anito nang makalapit siya.
She also saw her friends. Kasama pala nito si Cassie at naroon ang pinsan ni Lourd na si Jared kasama naman ang kaibigan niyang si Kathryn. They were all looking at her with asking eyes. Ngunit hindi na muna siya lumapit sa mga ito. Saka na siya magpapaliwanag. Alam naman niyang maiintindihan siya ng mga ito.
Sinamahan siya ni Lourd paakyat. Saka siya iniwan nang buksan nito ang makapal at malapad na sound proof na pinto.
Tahimik ang buong paligid nang makapasok siya. Kaagad na kumalat ang paningin upang hanapin ang binata. At nakita niya itong pasalpak na nakaupo sa lounge sofa at umiinom.
Nilingon siya nito.
Gusto niya itong lapitan ngunit hindi niya magawa. Nanlilisik ang tingin nito na animo’y dudurugin siya. At tila hindi siya kilala nito kung tingnan. Kaagad niyang naramdaman iyon. Ganoon na ba kasakit ang nagawa niya dito? Lalo siyang nanlumo.
“J-Jeuan, let’s talk.”
Ngunit hindi ito umimik. He was just staring at her. Lakas-loob siyang lumapit dito. “Now you want us talk.” Hindi kumikilos nitong sagot.
Nag-ipon siya ng hininga. Kailangan niyang tapangan. She had to face his fire kung gusto niyang makasama ito at masabi ang lahat dito.
“A-About what happened. S-Sa bahay.”
“Bakit? Gusto mo pang ulitin dito?” masungit nitong agap.
“I…I’m sorry. Nagkamali ako. H-Hindi ko dapat g-ginawa sa’yo…’yon. I was really…fool…”
“And I’m fooled.” He hissed.
Tumagos haggang kaluluwa ni Amber ang uri ng tinging ibinigay nito sa kanya. Ngunit pinilit siyang salubungin iyon. “Please, Jeuan. I’m really sorry.”
Lumuhod siya sa harap nito ngunit pumiksi ito. Napaupo siya dahil doon. Napaluha na
siya.
“Alam mo kung anong masakit sa ginawa mo?” tanong nito sa kanya. Hindi siya tumugon ni tumingin dito.
“Ipinaramdam mo sa’kin na mahal mo ‘ko. Ginawa ko ang alam kong tama at ang kaya ko para panindigan ka. At handa akong harapin ang mga darating pa. Pero pilit mo ‘kong itinutulak palayo. You keep on telling me you are only protecting me. Pero hindi ‘yon ang kailangan ko. I have my own ways and power to protect myself. You must have forgotten kung
sino ako. You thought I’m just a nonsense vocalist of a band? A bummer? You think I am unworthy.”
“N-no.” panay iling niyang pagsalungat dito.
Tinitigan siya nito. Tila inaarok nito mula sa kanya ang damdaming nais nitong masalamin. At sa gitna ng pagtitig na iyon ay ang sakit nito.
“Why?”
“Jeuan, I was wrong. Akala ko tama ang ginagawa ko. Pero mali eh. Hindi ko pala kaya. Natatakot kasi ako. Natatakot ako na baka isang araw mawala ka na lang sa’kin dahil hindi kita naprotekthan. Pero mas natatakot kung hindi ko ipaglalaban ang pagmamahal ko sa’yo. I don’t want to lose you. Iyon ang totoo. Hindi ko kaya nang wala ka. I’m…so sorry if I’ve been selfish and weak…”
Kumilos ito at hinawakan siya nito. Wala na siyang nakitang galit sa mukha nito. At alam niyang ngumiti ito.
“If you think I don’t know anything about your family, you’re wrong.” Sabi nito. “May sarili akong paraan para malaman at maintindihan kung bakit ganoon na lang ang paghihirap mo na hindi sundin ang kasunduan n’yo ni Hiro. It was obvious that it is not money. Paulit-ulit ko nang napatunayan ‘yon.
“May alam na ‘ko tungkol sa’yo bago pa man ako pumunta no’n sa resort. Kaya ako nahuli. I have to talk to someone to confirm. Alam ko ang tungkol sa organization. Hindi ko nakuha ang buong detalye but my source was good enough to give me enough. Naghihintay lang ako na sabihin mo sa’kin ang lahat bago ko aminin ang ginawa ko. But you keep on refusing. Hanggang sa nangyari na ang bugbugan.”
Nagulat siya sa rebelasyon nito.
“G-God knows how much I wanted to tell you. Pero ayokong idamay ka pa sa gulo ng pamilya ko. Gulung-gulo ako. Alam ko, sigurado ako sa sarili ko na mahal kita pero hindi ko kayang basta na lang bitawan ang kasunduan. Dahil masasaktan ka.”
“If you love someone, Amber, you’re being transparent.” Anito. “I never doubted my love for you. Nang malaman kong engaged ka kay Kurasawa. It was the day I feared of losing you. Kaya sabi ko sa sarili. Lalaban na ‘ko. Kahit pa hindi ako sigurado no’n na pareho ng nararamdaman.”
Akma itong tatayo nang pigilan niya. Naalala niya ang tuhod nito kaya siya na ang tumayo at naupo sa tabi nito. He grabbed her hands right away.
Hinaplos niya ang pisngi nito. But he grabbed her hands and brought it to his lips. She shivered.
“Walang araw na hindi kita inisip sa loob ng tatlong linggong nagpagaling ako. Akala ko ay susundan mo ang pagdalaw ni Andrei. Pero nagtaka ako. I even thought na baka pinipigilan ka ni Hiro. Kaya nang sa tingin ko kaya ko na pinuntahan na kita. I can’t wait any longer. Kailangan na kitang makita.
Sa pagkagulat niya at bigla siya niyang niyakap at iglap na ipinatong siya sa ibabaw nito paharap dito.
“Jeuan…!” napasinghap siya.
Isinubsob nito ang mukha nito sa pagitan ng kanyang balikat at leeg. He was so damn close she could smell his scent. “I want to hear it again, Mio amore.”
“A-Ah…ang alin?”
He kissed her ruggedly. At nagpaubayan naman siya. Ramdam na ramdam niya ang pananabik sa halik na iyon.
“The reason why you’re here.”
Hinaplos niya muli ang pisngi nito. “I love you, Jeuan. I never loved any man but you. At hindi na ‘ko makakapayag na maghiwalay pa tayo. I promise. You will be my forever.”
“And…did you know what that forever of yours asks from you?” he asked sweetly. “Ano?” nangigiti niyang tanong. She was playing with his shirt collar.
“To legally wife you and love you…and cherish you in his everyday life. Aalagaan ka
n’ya-”
“W-wait…wait.” Putol niya dito. “Did you say wife?” Nakangiti itong tumango. “Yeah. Mio amore. Bakit ayaw mo?”
Napamaang siya. What a kind of proposal? Hindi tuloy niya alam kung paano sasagutin
ito.
“Just say yes and we’re done.” Sabi nito. “Yes!” puno ng kaligayahan niyang tugon.
Tumawa ito at inabot ang batok niya saka siya hinalikan nang buong pagmamahal. What more can she asked? Whatever forever asks from her was only to be happy and in love.
****Wakas****