CHAPTER FOURTEEN

CHAPTER FOURTEEN

“What the hell are you doing?”

Narinig ni Amber ang tinig ni Hiro ngunit hindi niya ito pinansin bagkus ang itinuloy ang paglalagay niya ng mga weapon sa bag. Nagmamadali niyang ina-assemble ang mga iyon. Halos isang oras na siyang nasa ‘blue room’ nila kung saan naroon ang mga state of the art weapons at gadgets nila. Madalas din na doon nila pinag-uusapan ang kahit na anong may kinalaman sa House.

“Amber.” Ani Hiro at lumapit sa kanya. Inagaw nito ang isang RA rifle na dapat ay ilalagay dapat niya sa bag.

“Ano ba? Give that to me. Kailangan ko ‘yan.” Sita niya dito.

“No.” agap nito sabay kuha sa bag. “Sabihin mo sa’kin kung bakit narito ka at kinukuha mo ang mga ‘to. Pagagalitan ka ng kapatid mo.”

She snorted. “I got a call from Ah hiya. Ire-rescue na si Mama. I have to be there. I will show that Blaine what he really gotten to.”

“Nag-usap na kami ni Andrei. Sa Macau dinala ng grupo ni Blaine si Tita. Naabutan nila sa Hong Kong ang grupo pero nakalusot. But they got a track. Kailangan na lang nating hintayin ang update. But what’s-”

“I need to leave.” Aniya ngunit pinukol siya ni Hiro ng masamang tingin.

“Are you nuts?” Ani Hiro. “Tigilan mo nga ‘yang ginagawa mo. You’re not going anywhere.”

Sininghalan niya ito at padabog na inilapag ang hawak na baril. “Says who? Aalis ako at susundan ko sila. Give it back.”

Inihagis ni Hiro ang bag. Nairita siya kaya gigil siyang tumingin dito. “Ayoko ng paulit- ulit, Amber. Hindi ka aalis.”

Akma niyang lalapitan ang bag nang hagipin nito ang braso niya. “You’re brother told me to go here. Nag-aalala daw s’ya sa’yo. Kaya naman pala eh. You plan to do crazy things.”

“Wag mo nga ‘kong hawakan.” Mariin niyang sabi sabay piksi. “Hindi mo ‘ko mapipigilan. My mother is in great danger. Anong gusto mong gawin ko? Tumunganga dito at maghintay lang?”

“I understand your anger. But we have to stay. Kaya hindi na ako pinasama ng kapatid mo ay dahil kailangan kitang bantanyan. Alam n’yang ito ang gagawin mo.”

“My mother is not safe!” sigaw niya.

Hindi niya ito maintindihan kung bakit pinipigil siya nito na parang hindi niya magagawang ipagtanggol ang kanyang ina. They were brought up a soldier. Ready to kill or be killed. At sa ginawa ni Blaine Kasim sa kanyang pamilya ay binuhay nito ang galit sa kanya.

“Nothing is safe now!” pagganti nito ng sigaw. Natilihan siya. Marahas itong nagbuntong-hininga ito. “Our situation is serious. Hindi na basta away ang nangyayari. Lives are being sacrificed here. Hindi na mapigilan si Blaine sa masamang balak n’ya.”

“That’s why I can’t just stay here and wait.” Namuo ang luha niyang agap. “I…I’m losing patience. Nag-aalala na ‘ko kay Mama. She’s in danger. At dahil ‘yon sa’kin. This will not happen kung hindi naging matigas ang ulo ko. Naiintindihan mo ba ‘ko, huh?”

He sighed. “You don’t have to feel that way. Your brothers are already there. Hindi naman nila pababayaan ang mama mo. Alam mong makikipagpatayan ang dalawang ‘yon para sa mama mo. May mga tao pa rin si Blaine dito sa bansa at isang tawag lang ni Blaine at kikilos sila. Hindi na lang si Tita ang nasa panganib ngayon. It can be any of us now.”

Nanghina bigla ang tuhod ni Amber kaya napatuon siya sa steel long table. Saka napapikit. Ilang araw na siyang walang maayos na tulog. Lagi niyang naiisip ang kanyang ina. Hindi sapat ang mga upadates na nakakarating sa kanya. At lalo pang nagdagdagan ang pag- aalala niya nang biglang umalis si Andrei upang sundan si Atom sa Hong Kong. Tila kinailangan ni Atom ng tulong ng kapatid niya. At hindi magandang senyales iyon.

“Amber, you have to be strong. Things will get better. Nasa atin pa rin ang control.

Masyado lang tuso si Blaine. But I can assure you, Blaine will pay for this.” “I want this to end.” Aniyang pinahid ang luha.

“It will.” Sagot nito.

“No.” saad niya habang umiiling. “No.” Nilingon niya ito.

“I want to face that bastard. Kung kinakailangang ako mismo ang pumatay sa Blaine na ‘yon ay gagawin ko. Gusto kong pagsisihan niya ang panggugulo n’ya sa pamilyang ‘to.”

“We’re on the same side, Amber. But I have to protect you. Hindi kita mapapayagan. I’m so sorry.”

Sandali siyang hindi umimik. Hindi niya magawang kumbinsihin ang sarili. Hindi mawala-wala ang kagustuhan niyang mapuntahan ang kanyang ina. Alam niyang hindi magpapabaya kahit kailan ang mga kapatid niya ngunit ayaw niyang mawalang ng silbi sa gitna

ng pagsubok ng pamilya. She had to fight. She wanted their war to end. Dahil naghihintay ang kanyang kaligayahan sa dulo ng lahat ng kaguluhan.

“What if you were in my shoe?” Tanong niya.

Umismid ito. “Hindi mo ‘ko makukuha sa ganyan, Amber. Hindi ako pwedeng sumira sa plano. Hindi ka aalis at hindi ka makikialam sa gulo do’n.”

“Don’t try me.” Aniya at iglap itong tinalikuran. Patakbo siyang umakyat patungo sa main sala.

“Amber!” tawag nito sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin. Nagtuluy-tuloy siya hangang sa glass door ngunit naabutan siya nito. Nahawakan nito ang braso niya.

“Damn it, Amber! I told you to stop!” malakas ang tinig nitong sabi sabay harap sa kanya

dito.

“If you really want this to end, for once, Amber, listen to me. Kahit ngayon lang. Sundin mo ‘ko.”

Binawi niya ang braso mula dito. Saka tumalikod dito at namaywang. She felt she was losing her grip. It was as if she wanted to kill.

“I think what you need is to talk.” Anito. Mabigat ang katawan niyang nilingon ito. “Am I not already talking to you? Sawang-sawa na nga ako sa boses mo eh.” sabi niya.

“I didn’t mean myself. You need to talk to him. Bakit hindi mo s’ya puntahan? Simula nang dalhin s’ya sa hospital hindi na kayo nagkita. Why? Don’t you miss him?”

Nag-iwas ng tingin si Amber nang naninikip ang dibdib. Tumingala siya sabay mariing pumikit. Hindi na niya kailangang sagutin si Hiro. Hindi pa ba nito nakikita sa mga mata niya? Sa mga ikinikilos niya? Mismo sa kanya? Or she was just a great actress. Magaling siyang

maglihim. Tulad na lang ng ilang taon niyang pagtatago sa tunay niyang nararamdaman kay Jeuan.

“Amber-”

“I miss him so much, Hiro. Walang sandali na hindi ko s’ya naiisip. Wala sa pagitan ng hininga ko na hindi ko nahiling na sana kasama ko s’ya. I am dying, actually.” Aniya saka hinarap ito.

She saw how his face saddened. She knew right away that he felt her. Alan niyang alam nitong hindi madali para sa kanyang magpanggap na tila walang nangyari habang tinitimbang ang sarili kung hanggang saan niya kayang dalhin ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya.

She chose to stay away from him. Kahit na lubhang mahirap iyon para sa kanya. Unang araw pa lang nito sa ospital ay nais na niya itong puntahan. Gusto niyang masigurong maayos na ito. Kaya nagtungo siya doon subalit hindi naman siya tumuloy sa kwarto nito. Hindi niya alam kung paano ito haharapin at kung anong sasabihin.

Tinalo siya ng takot. Kaya bago pa siya mapansin ng kahit sinong doon ay umalis na siya dala ang malungkot na puso. She chose what she thought was right. Inisip niyang mas magiging mabuti ang buhay nito kung malayo ito sa kanya.

“Sinasabi mo ba na sumuko ka na?”

Panay iling siya. “Honestly…hindi ko alam. Alam mo ‘yong feeling na ang sakit-sakit kasi alam mong may kasalanan ka eh. I’m the one who brought him in danger. Okay naman ang buhay n’ya no’ng hindi pa kami eh. Mas okay pa nga no’n eh. Mas comfortable pa ako na lagi kaming nag-aaway, nagsusungitan. Kasi mas madaling umiwas at tumakas eh. It is easy to deny rather than to fight.”

“Why don’t you try the harder part? No pain no gain. You had a glimpse to your forever.

Huwag mo nang hayaang makalayo.” Saad nito.

Napangiwi siya. “Hindi gano’n kadali ‘yon, Hiro. When he was beaten at the resort? I thought I was gonna die too. Hindi ako natakot para sa sarili ko. Mas natakot ako para sa kanya. Hindi ko s’ya nagawang ipagtanggol. It was my entire fault. This was all me. Sa’kin naman talaga nag-umpisa ang lahat. Kung hindi lang ako stubborn. Hindi ako mag-aalala nang ganito kay Mama. Hindi s’ya mapapahamak.”

Tuluyang nang tumulo ang luha ni Amber. She was starting to lose her confidence. She decided to stay away from Jeuan to punish herself. Pakiramdam niya ay hindi siya nararapat para kay Jeuan. Hindi niya maibibigay ang masayang buhay dito. Habang-buhay lamang itong hahabulin ng katotohanan ng pamilya niya.

“Sinabi na ba n’yang mahal ka n’ya?” tanong nito at luhaan niyang nilingon ito. Saka nakaiwas ang tingin siyang tumango kasunod ang isang hikbi.

“Yon lang naman ang kailangan mo para magbago ang isip mo. Panghawakan mo ang sinabi n’ya. You will never go wrong. Hindi mo ba naisip na baka nasasaktan mo s’ya dahil sa paglayo mo? Don’t be selfish, Amber.”

Lumapit ito sa kanya. Inabot nito ang mga kamay niya. “Stop thinking too much. Matatapos din ang problema natin. Kami nang bahala tungkol sa House. Ang kailangan mong intindihan ay ang sarili mo. I promise you. Hinding hindi kayo magugulo ni Blaine. You deserve the happiest. Kaya kung ako sa’yo, pupuntahan ko na s’ya. Kitang-kita na sa’yo oh. Miss na miss mo na s’ya.”

Kahit luhaan ay napangiti siya. Hiro became her best friend unexpectedly. Hindi niya alam kung paano nitong nagawang matanggap nang magaan ang lahat ng nangyari sa kanila.

Napakalawak ng pang-unawa nito. She felt so blessed to be treated special by him. Kung sana nga lamang ay ibang pagkakataon niya ito nakilala. Hindi magiging mahirap para sa kanyang magustuhan ito. Ngunit sa iisang lalaki lang tumibok ang pihikan niyang puso.

“I’m still worried about Mama.” Saad niya.

He snorted lightly. “Don’t worry. I’m fully confident na maililigtas s’ya. Nagkamali si Blaine na tayo ang kinalaban n’ya. Si Andrei pa. He can be a monster if he wants.”

“Pero-”

“Come on, Amber. Stop it.” Agap niya nang akmang magpupumiglas na naman siya.

Niyakap siya nito.

Nagulat man ay hinayaan na rin ang ginawa nito. Wala naman siyang naramdamang malisya sa yakap na iyon. Mas naramdaman niya ang sinserong pagdamay nito.

“Nice scene.”

Anang isang tinig at gulat silang napalingon. Pamilyar sa kanyang ang tinig na iyon kaya iglap na nag-iba ang tibok ng puso niya. Kaagad siyang lumayo kay Hiro sabay lingon sa paligid.

Pakiramdam ni Amber ay kinapos siya bigla ng hininga. Nakatayo malapit sa main door ay si Jeuan na nagbabadya ang tingin. Nakatayo ito ngunit may gamit itong saklay. He looked pale ngunit hindi noon nabawasan ang tapang na nasasalamin niya mula dito.

“J-Jeuan…” anas niya.

Hindi niya alam kung anong unang dapat maramdaman. She knew she felt excited. But she also felt frightened. Maybe it was the looked from his eyes. At alam niya ang dahilan noon. It was the awkward scene he saw.

Hind ito nagsalita. Wala rin siyang maibulas. Nilingon niya si Hiro sa tabi niya ngunit tahimik lang ito. Muli niyang nilingon si Jeuan. Tila lalong dumilim ang tingin nito. Lalo siyang kinabahan.

“How do you want me to react on this?” tila nanunusok ang mga salita nito. Hindi nga ito kumikilos ngunit ramdam na ramdam niya ang galit nito na humihilagpos sa kanyang balat.

“Hello, Roswell.” Ani Hiro na tila sinubukang tunawin ang malayelong ekpresyon ni

Jeuan.

“Don’t ‘hello’ me, Kurasawa. I’m not in the mood.” Masungit na tugon ni Jeuan.

Isang malakas na buga ng hangin ang ginawa niya. Pakiramdam niya ay kinakapos siya ng hininga.

Nakita niyang nagkibit lang balikat si Hiro. Ngumiti ito saka tumingin sa kanya. Sa kalituhan ay nahawakan niya ang sariling noo. She felt she was shaking.

Tunog ng cellphone ang sandaling umabala sa kanila. Kay Hiro iyon.

“Excuse me.” Anito at inilapit ang cellphone sa tainga nito. Nilampasan siya nito at nilakad ang pinto palabas habang sinagot ang tawag. Hindi niya alam kung sinadya ni Hiro na lumabas pa ito upang maiwan sila ni Jeuan.

Lihim na napapitlag si Amber nang muling bumalik ang mga mata ni Jeuan sa kanya matapos sundan ng tingin ang lumabas na si Hiro. Kung makikita lang ang galit nito ay masasabi niyang literal na umuusok ito.

“Masyado ka bang busy para hindi mo magawa kahit tawagan ako?” puno ng pagkakastigo nitong tanong.

Bumuka ang bibig niya upang sumagot nugnit walang lumapit na salita upang maibulas niya. Tila ayaw gumawa ng isip niya. Hindi kasi niya alam kung paano haharapin ito.

“Alright.” Saad nito. “I guess I’m not welcome.”

Pagkasabi noon ay hirap itong kumilos at tumalikod. Naalarma siya.

“W-Wait.” Pigil niya at nagtangkang lumapit dito. “Ahm…I was…was not expecting you kasi eh.”

Bigla itong humarap sa kanya. Napatras siya dahil sa intensidad sa mukha nito. “You really don’t expect anything from me now, huh? Why? Dahil may iba na. Si Hiro?”

“No.” mabilis ang pag-iling niyang sagot. “We were just talking.”

He smirked. “Masyado naman yata kayong malapit kung mag-usap. Kailangan magkayakap?”

She sighed. “Siguro mas okay kung m-maupo ka muna. Mag-”

“Maraming upuan sa bahay. I can sit all day if I want. Iba ang ipinunta ko dito.”

“Fine.” Umaahon na rin ang pagkairita niyang tugon. Dala ng kalituhan at kaba ay hindi niya naiwasang gantihan ang pagsusungit nito.

“Anong ibig sabihin ng nakita ko?” tanong nito.

Tiningnan niya ito. Para siyang matutunaw sa uri ng tingin nito. It must be the anger that made him furious.

“Anong nakita?”

“Answer me!” mataas ang tinig nitong putol sa kanya. Napamulagat siyang napatitig dito. Napapikit siya.

“Pumunta ka lang ba dito para sigawan ako?”

“Damn it, Amber. Don’t waste your breath with nonsense. You know very well why I’m here.” Tila ubos ang pasensya nitong sabi sa kanya.

“Then why?” pilit nilalabanan ang kaba niyang tanong dito. Hindi niya alam kung paano ito kakausapin kaya dinadaan niya ito sa pamimilosopo. It was as if she was scared for the reason.

Kitang-kita niya kung paano naggalawan ang facial masucles nito dahil sa sinabi niya. Alam niyang pikon ito sa kanya. Nahiling niya na sana kaya niyang maglaho na lang na parang bula. It was the confrontation she cannot contain. Tinangka niyang lingunin ito. Ngunit para lamang siyang natunaw dahil sa kakaibang tinging nakapukol sa kanya. She then gaped.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.