CHAPTER NINETEEN

Six months later…

Nahilot ni Lourd ang sariling sentido matapos tanggalin ang headset. Kakatapos lang niyang pakinggan ang sample demo ng isang composer na gusto ring pumasok sa LinkMusic bilang singer. Hindi niya dapat papansinin ito ngunit hanggang unit niya ay sinusundan siya nito. The guy was really serious.

He wanted to give him a chance. Ngunit paano niya gagawin iyon kung ganoong walang maganda sa material nito. Ni walang kantang pwedeng pumatok sa airwaves. Hindi niya malaman kung pop o emo ang musika nito. Kung minsan nga ay nariringgan pa niya ng novelty ang lyrics nito.

“Anong kukunin ko dito. These are all trash.” Inis niyang sabi kay Seoff. Dinalaw siya nito noong araw na iyon.

“Baka pwede natin siyang hingan ng ibang demo.” Tugon nito habang nakaupo. Siya ay pabalik-balik sa loob ng studio. Sa kamay ay isang basong may alak. Inisa niyang lagok iyon. He never drink at work. Ngunit iyon na ang naging habit niya nitong huling limang buwan.

“That is his best. Paano ko pa siya bibigyan ng gig sa club? Gusto mo bang ganyang kanta ang marinig ng tao sa Roxy? You want my club to be cheap?” pikon niyang tugon. Lumapit siya sa counter table at inabot ang bote ng alak. Muli niyang sinalinan ang baso niya.

“Nakakarami ka na. Take a break.” Malumanay na saway ni Seoff sa kanya. He winced. Ininom niya iyon.

“Patatawagan ko ‘yang Nelson Ben na ‘yan. I’m not interested.” Sabi niya.

“Pero kailangan mo ng talent para sa Roxy. Unless bumalik sina Amber.”

Hindi pa muling bumalik ang ‘Xquizit sa club. Dahil sa nangyari kay Cassie ay nagdesisyon ang mga ito na umalis muna. Hindi rin naman daw kaya ng mga ito. Hindi siya pumayag noong una. Kahit si Roxanne na nagmadaling bumalik galing Italy nang mabalitaan ang nangyari ay ayaw pakawalan ang grupo. Asset ang troupe sa club at halos kalahati ng market nila ang mawawala. Subalit sadyang basag ang performances ng mga ito simula ng maospital si Cassie. Kaya wala silang nagawa ni Roxanne kundi pagbigyan ang mga ito.

“Wala akong pakialam sa kanila!” angil niya dito. He breathed out. Muli siyang uminom. This time, hindi na niya binitawan ang bote at panay na ang salin ng alak sa baso niya. He was tipsy. Hindi. Lasing na siya.

“Paano ka makakahanap ng talent kung ganyan ka?” Anito.

“Ano ba ako?” lukot ang mukha niyang tanong dito.

“You’re shit.” agap nito. Hindi siya nakatugon. Tumayo ito at akmang aalis na. “Baka gusto mo ‘tong tingnan. Ayaw iabot ni Thia sa’yo. Wala ka raw sa sarili mo eh.”

Mula sa likod na bulsa ng pantalon nito ay inilapag nito ang wedding invitation nito. Tumingin siya dito matapos pasadahan ng tingin ang invitation.

Wala na itong sinabi at lumabas na. Nang maiwan ay galit na inihagis ang baso at nabasag iyon. Siya mismo ay hindi alam kung kailangan siya babalik sa dati. Kung hanggang kailan siya mangunuglila. Sa babaing tanging minahal niya nang matindi pa sa sarili niya.

Nagtagal pa na comatose si Cassie. At sa bawat araw ng buwang iyon ay walang kapaguran niyang inalagaan at binantayan ito. Gusto kasi niyang siya ang unang makita nito sa oras na magising ito.

Ang isang buwan ay naging dalawa. Inip na inip na siya ngunit hindi siya nawala ng pag-asa. Hanggang sa tugunin ang dasal niya. Cassie woke up. Walang pasidlan ang kaligayahan niya. Subalit sandali lamang iyon. Isang araw pagdating niya sa ospital ay nagulat na lang siya nang wala na ito. Nakalabas na daw ito.

Kaagad niyang tinagawan ang ama niya upang sabihin dito ang nangyari. Ngunit ganoon na lang ang galit niya nang sabihin nitong alam nito ang tungkol sa paglabas ni Cassie.

Halos masiraan siya ng bait nang hindi na ito mahanap. Pinuntahan niya ito sa bahay nito ngunit wala ang mga Sandejas doon. Kasambahay ang nakausap niya. Umalis daw ang mga ito at hindi alam kung saan pupunta at kung kailan babalik.

Umuwi siya sa mansyon nila at kinumpronta ang kanyang ama. Dito lamang niya makukuha ang sagot na kailangan niya. Nagtalo sila. Hanggang sa mapilit niya itong aminin kung nasaan si Cassie.

“May vacation house sila sa Pampanga.” Pilit na pilit nitong tugon.

“Taka me there.” Saad niya.

“Kristof, wag na. Paalis na rin sila do’n. Kung saan sila pupunta ay hindi ko na alam.”

“Take me there!” sa kauna-unahang pagkakataon ay nagtaas siya ng boses sa kanyang ama. Matagal silang nagtitigan.

Wala itong nagawa kaya magkasama silang sumunod sa Pampanga. Ngunit bigo pa rin siya.

“F―k!” inis na gagad ni Lourd nang makitang lumulan na si Cassie at umalis kasama ng lolo’t lola nito. Hindi na niya ito napigilan. Paano’y halos yakapin na siya ng kanyang ama upang hindi na mapalipatan si Cassie. Naabutan nila ito ngunit eksakto namang paalis ang mga ito. Hindi niya alam kung saan papunta.

“Ano bang gusto mong mangyari, Papa?” galit niyang tanong. “Ito ba ang paraan mo para parusahan ako sa kasalanan? Ang ilayo siya sa’kin? I already beg for your forgiveness. I said sorry with all my heart. Pinagsisihan ko ang nagawa ko. So please Papa, not Cassie.”

“Kailangang mangyari ‘to Kristof. She need to heal herself. Isipin mo rin na isa ka sa dahilan kung bakit ito nangyaring lahat. Hindi sa sinisisi kita. We have our participation of blame. Kaya kailangan itong mangyari.” Tugon nito.

“Alam ko. Kaya mas dapat na makasama ko siya! She needs me. At gusto kong naroon ako para sa kanya. Bakit hindi mo maintindihan, Papa?”

Nagbuntong-hininga ito. “Hindi muna sa ngayon. Siya ang may kagustuhan nito. S’ya ang humiling sa’kin nito.”

“Hindi ako naniniwala!” sigaw niya. Galit na galit siya.

He groaned in madness. Hindi niya mapapayagang mangyari iyon. Hindi kayang tanggapin ng kalooban niyang mapalayo sa dalaga. Mas kailangan ni Cassie ang pagdamay niya pagkatapos ng nangyari. Mas dapat niyang ipadama ang pagmamahal niya para sa dalaga. Iyon ang gusto niyang gawin. Ngunit bakit hindi pa iyon pahintulutan ng pagkakataon? At bakit nagdesisyon nang ganoon si Cassie? Ni hindi man lang siya nito kinausap.

Nasapo niya ang ulo at wala nang magawang tumingkayad. He wanted to hurt himself. Naramdaman niya ang paglapit ng ama. Pinisil nito ang balikat niya.

“Trust me, son. Kung mahal mo si Cassandra. Susundin mo ang gusto niya.” Malumanay nitong saad sa kanya.

Hindi. Hindi niya maintindihan kung bakit. Ayaw tanggapin ng puso niya. Anim na buwan na. Mas lalong lumalala ang pangungulila niya. Hanggang kailan siya pahihirapan? Hanggang saan niya kakayaninng wala ito sa piling niya?

Tumayo siya at lumapit sa mini bar ng studio. Kumuha siya ng bagong alak. Binuksan at nagsalin. Subali’t dahil sa may tama na siya ay napuno iyon at umawas. Natapon iyon. Hinayaan niya lang iyon at uminom na lang. Out of control na siya. Natapunan ang damit niya. Doon siya nagalit. Simpleng pag-inom ay hindi niya magawa nang tama. Inihagis niya muli ang baso at nabasag iyon. Kasunod niyang binasag ang bote.

Noon bumukas ang pinto at pumasok si Thia. Kasunod sina Kathryn at Jared. Naroon din si Seoff na hindi pa rin pala umaalis.

“What? Magagalit kayo kasi binasag ko ‘yong baso?” pasuray-suray siya.

“Wala kaming pakialam kahit ilang baso ang basagin mo.” Si Kathryn. “Kung gusto mong sirain ang buhay mo, siguraduhin mo naman na walang nadadamy. Magpapadami ka ng kaibigang mag-aalala sa’yo ‘tapos magkakaganyan ka. Gago ka pala eh! Akala mo ikaw lang nahihirapan sa nangyayari sa inyo ni Cassandra! Bahala ka! Magpakamatay ka na kung gusto mo!”

Galit na lumabas si Kathryn. Sinundan ito ni Thia. Tiningnan niya ang dalawang lalaking naiwan.

“Hindi namin kayang ganito ka, Lourd.” Ani Jared habang tinitingnan ang nagkalat na bubog sa sahig.

“You love this place. Ikaw ang nagpundar nito. Don’t ruin it.” Si Seoff.

“Pabayaan n’yo na muna ako.” Walang buhay niyang tugon. “Hindi ko pa kayang maging okay. Bring me to her. Baka pasalamatan ko pa kayo sa concern n’yo.”

Nakita niyang nagkatinginan ang dalawa. Tinalikuran niya ang mga ito. Saka hinawi ang kurtina at tumanaw sa glass wall. Gabi na at madilim ang paligid. Kasing dilim ng buhay niya dahil wala ang nag-iisang liwanag na kailangan niya.

Tahimik ang kalooban ni Cassie habang pinagmamasdan ang malawak na garden mula sa ikalawang palapag ng cottage. Mag-aanim buwan na siya sa Bukidnon at nagiging maayos naman ang pagtigil niya doon. Wala na ang sugat niya sa may leeg. Ni hindi na niya iniida iyon. She was physically backed to herself.

Muli, natapos ang unos sa buhay niya. She again survived. Sadya nga yatang ipinanganak siya upang lampasan ang mga pagsubok sa buhay. At pinatibay na siya noon. Nakulong na si Amanda. At tulad ng kanyang ama, pinagbabayaran na nito ang kasalanan sa kanya.

She had a good stay in Bukidnon. She had more time contemplating. Upang isipin ang lahat at kung bakit kailangang mangyari sa kanya. Kung tama ba ang naging desisyon niya na pumunta doon at manahimik.

Dalawang buwan siyang comatose. Himalang walang masyadong naging damage ang ulo niya at nagawa pa niyang matandaan ang buong pangyayari. Mabilis naman ang naging recovery niya kaya nang pwede na siyang makauwi ay kaagad niyang sinabi sa kanyang lola ang nabuo niyang desisyon.

“Gusto kong umuwi ng Bukidnon, Granma.” Aniya. Palabas na sila noon ng ospital.

“Sige. Actually, naisip na din namin ‘yan ng lolo mo. Baka lang hindi ka pumayag dahil…dahil kay Lourd.” Tugon nito.

Saglit siyang natigilan. Hindi niya masabing ito mismo ang dahilan niya kung bakit gusto niyang umalis. Hindi pa niya kayang harapin si Lourd. Naguguluhan pa siya. At nasasaktan pa.

“Don’t tell him, Granma. Ayokong malaman n’ya kung saan ako pupunta.”

“Pero-”

“Please, Granma. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay daddy.” Pakiusap niya. Tumango na lang ito.

Lumawig pa ang kanyang tingin at napatingin siya sa greenhouse ilang metro mula sa pangalawang hanay ng taniman. Naroon ang espesyal na uri ng bulaklak na kailangan ng maselang pag-aalaga. Madalas siyang naroon nitong mga huling araw. Siya mismo ang tumitingin at nagdidilig sa mga halaman doon. Tinutulungan lang siya ng botanist nila. Nais niyang abalahin ang sarili upang maiwasan din ang sobrang mag-isip. Hindi rin iyon maganda para sa kanya.

“Ma’am Cassie.” Anang tinig ni Lea. Iniabot nito ang cellphone. “Kanina pa po ‘yan nagri-ring. Pinaabot na po sa inyo ni Sir Ruben.”

Ngumit siya. “Salamat. Hello?”

“Cassandra, kailan ka ba babalik dito?” anang tinig ni Thia.

“Kumusta?” sagot niya.

“I need you in my wedding.” Anito. “Atrasado na ‘yon ng ilang buwan. And I wanted to be happy. Ayaw mo ba akong maging masaya?”

She smiled. “Kami pa rin naman ang florist mo.”

“No.” matigas nitong tugon. “Alam kong alam mo ang sinasabi ko. I want you to come. Ipinadala ko na ang invitation d’yan sa’yo. Kung kinakailangan na ipadala ko pati pamasahe mo pabalik sabihin mo lang. Hindi ako magdadalawang isip.”

“Anastacia!” nangingiti niyang saway. Binanggit pa niya ang buong pangalan nito.

“Gagawin ko talaga ‘yon.” Sabi nito.

“Alright.” Walang magawa niyang sabi. It left her with one choice. Kailangan na niyang bumalik sa Maynila.

“Hihintayin ko muna dumating ang invitation mo. Then, inform ko kayo kung kailan ako babalik.” Aniya.

“Sa wakas. Aasahan ko ‘yan. Alam mong hindi ko kayang magpakasal nang wala kayo.” May pagbabantang biro nito. Napatawa siya.

“Opo, alam ko.”

“Mabuti naman.” Tila nasisiyahan nitong tugon. “Kumusta ka na ba?”

“I’m better.” Sagot niya.

“That’s good to hear. Pero may kilala akong hindi okay dito. Kasi wala ka.” Anito. “Cassie, hindi ko alam kung tamang magtanong pero magtatanong ako. Bakit ka lumayo? Dahil ba sa kanya?”

Nag-isip muna si Cassie.

“Kasama s’ya sa dahilan. Pero ang talagang dahilan…gusto ko lang ihanda ang sarili ko sa bagong buhay. Ayokong makita n’yo kung pa’no ko lalampasan ang lahat-lahat. Ayokong maawa kayo sa’kin.”

“Cassie.”

“Thia, sa totoo lang sobrang nagpapasalamat ako sa inyo. Kasi mahal n’yo ‘ko. Na pinahahalagahan n’yo ko. Sa tingin ko nga kayo ang dahilan kung bakit ako matatag. Kayo nina Granpa at Granma. Kaya nahihiya ako sa inyo kung hindi ko kakayanin. Kung hindi ko aayusin ang sarili ko. Ayokong makita n’yo ang process kung pa’no ako gagaling kasi ang pangit tingnan. Para lang akong may cancer, Thia. Kailangan kong i-chemo ang sarili ko. Ginawa ko naman ‘to para sa inyo.” Naluluha niyang paliwanag.

“Sana lang din…hinayaan mo kaming samahan ka. Lalo na si Lourd. Oo nga’t kilala nating palikero ‘yon at charity ang turing sa relasyon pero ibang klase ding magpahalaga ‘yon. Nakikipagbugbugan nga para sa kaibigan. Para sa’yo pa kaya?” Ani Thia na tila nagbibigay pag-asa sa kanya.

“Pero hindi n’ya sinabing mahal n’ya ‘ko.” Agap niya. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon.

“Iyon ba ang dahilan mo kung bakit ka lumayo? Akala mo hindi ka n’ya mahal?” tanong nito.

She sighed. “Hindi naman sa…gano’n.”

“I think you guys really need to talk. Mahal ko kayo, ang ‘Xquizit at ang Roxy. Pero sa ginagawa ni Lourd nanganganib ang club. Baka isang araw magsara na tayo. Naiinis na rin si Rox.” Tila naiirita nito.

“Sige, luluwas na ‘ko.” Aniya.

“Good.” Anito. “Pagbalik mo na dito tayo magchikahan, okay? I gotta go.”

“Sige. Bye. Ingat kayo lagi d’yan.” Sabi naman niya.

“Sure. Ikaw din. We love you.” Sagot nito at nawalan na ito sa linya.

Muli siyang nagbuntong-hininga. Naroon na ang lahat ng dahilan upang bumalik siya. Life maybe was hard to her. Ngunit naniniwala naman siyang may masayang kapalit ang lahat ng iyon. If it takes to love Lourd again, hesitation would not be an option. Hindi naman nawala ang pagmamahal niya para dito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.