CHAPTER TWENTY

Inihimpil ni Lourd ang kanyang kotse sa parking lot ng simbahan kung saan gaganapin ang kasal nina Seoff at Thia. Hindi siya dapat dadalo dahil may hangover subali’t sigurado siyang magagalit ang dalawa sa kanya. They made him promise to come.

The wedding was private and simple. Iyon ang gusto ng mga ikakasal. Tanging pamilya at malalapit na kaibigan ang imbitato. Walang nagawa kahit pa Adriatico si Thia at Munez si Seoff. Ayaw ng mga ito na pagpiyestahan ang kasal ng mga ito. May ilang tagapress at iyon ay may mahahalagang papel lang na gagampanan sa sermonya. Walang partikular na motif ngunit bawal ang itim. Iyon ang suot niyang polo shirt. Nakalimutan niya na kasal ang pupuntahan niya. Nakangiwi siyang bumaba ng kotse. Saka pumunta sa likod ng kotse at naghanap ng maisusuot sa bag niya na nasa compartment. May ilang damit siya doon.

“Hindi naman libing ang pupuntahan mo.” Anang isang tinig at hindi na kailangang lumingon ni Lourd. Nakita na siya ni Thia.

“Bakit bumaba ka ng bridal car mo?” tanong niya dito habang panay ang halungkat sa bag niya.

“Dahil kailangan kong siguraduhin na darating ka. At nakaitim ka pa.” Tugon nito.

“Kaya nga naghahanap ng maisusuot.” Sagot niya at nakita ang isang cream na chinese colar na polo. Iniangat niya iyon.

“Pwede na ‘yan.” Sabi nito.

Tiningnan niya si Thia. He was stunned in a moment. Nakasuot ito ng isang long gown ngunit mas simple kaysa sa isang trahe de boda. Her hair was on a bun but her smoky eyes never ruined her look. Lalo pa nito iyong pinaganda ang dalaga.

“Pwede?” sabi niya nang akmang magtatanggal siya ng damit. Tumalikod ito.

“Kanina ka pang hinihintay ng bestfriend mo.” Sabi nito habang nakatalikod at siya ay nagbibihis.

“I’m here now. Okay na.” tugon niya.

Muli itong humarap sa kanya. “My God! Naligo ka ba? Ni hindi ka man lang nag-ahit. Magtatampo na ako sa’yo n’yan.”

Napangiti siya. “Ang mahalaga ay narito ako.”

“Ito ang pinakaimportanteng araw ng buhay ko, Lourd. Pagkatapos ganyan ang hitsura mo?” paghihimutok nito.

“Come here.” Sab niya at pinalapit ito. Sumunod naman ito. He reached her both hands.

“Congratulations. Masayang-masaya ako para sa’yo. Seoff is one hell of a lucky guy having you. At gano’n ka rin. Napakabuting tao ng kaibigan ko.” Taos-puso niyang saad.

“I know.” She replied. “Hindi ko ipagpapalit sa kahit na ano ang araw na ‘to. At gusto ko kasama ko kayo. Kayong lahat na naging bahagi ng buhay ko. Ang mga nakaramay ko. Ang mga tumulong. Lalo ka na. You were the biggest.”

“Tungkulin ko ‘yon bilang kaibigan n’yo. Mahalaga kayong lahat sa’kin.” Aniya.

“Mahalaga ka rin sa’min. Nasasaktan ako, actually, kapag nakikita kang ganyan. Kaya gusto ko maging masaya ka. You deserved the best thing in life.” Nangingilid na ang luha nitong sabi sa kanya. He was touched.

“Thanks.” He said then chuckled.

Pareho silang napalingon nang may papalapit na sasakyan. He recognized it right away. Ang mga magulang niya iyon.

“Oh, Thia. Mahahalikan kita. Dito pa sa kasal mo nagpakita ang anak ko.” Humihingal na sabi ng kanyang ina habang nagmamadaling lumalapit sa kanila. Kaagad itong yumakap sa kanya. Kasunod nito ang kanyang ama.

“Ma, lagi naman tayong nag-uusap sa phone.” Sagot niya habang yakap ito at nakatingin sa kanyang ama. Tumango lamang ito bilang bati.

“Well, you’re welcome, Tita.” Narinig niyang sabi ni Thia.

“Pero hindi kita nakikita. Malay ko ba kung ikaw nga ang kausap ko. I thought you’re dead. Kagaya ng hitsura mo ngayon.” Agap na biro ng kanyang ina.

“You see me now. And I’m not dead.” Sagot niya.

“Mukhang napapabayaan mo na ang sarili mo, anak. Need help?” nag-aalalang puna sa kanya ng ginang.

“Alam n’yo ang gusto ko.” Tugon niya sabay tingin sa kanyang ama at kay Thia. Wala kaagad nagsalita.

“Alam n’yo kung gaano ko na siyang gustong makita. I want to know if she’s okay. But you don’t let me.” Patuloy niya.

“Kristof.” Sambit ng ginang st hinawakan ang umimpis niyang pisngi. Siya mismo ang nakapansin noon dahil dati rati ay hindi siya nahahawakan ng ginang na hanggang baba niya.

“Ahm, Lourd.” Ani Thia. Napatingin sila dito. “Alam mo naman siguro na hindi rin matutuloy ang kasal ko kung wala siya. Isa siya sa dahilan kung bakit atrasado ang kasal na ‘to.”

Nabuhayan ng loob si Lourd sa narinig. Bumitaw siya sa kanyang ina at hinarap ito. Hinawakan namang ng kanyang ama ang balikat niya.

“Mauna na kami sa loob.” Anito at inalalayan ang ginang.

“She’s at the side of the church. Inaayos niya ang mga bulaklak.” Pahabol pa na sabi ni Thia bago sumabay sa kanyang magulang papasok ng simbahan.

Naiwan siyang kinakabahan. Nilingon niya ang daan patungo sa gilid ng simbahan. He anticipated if she was really in there. Sana ay totoo ang sinasabi ni Thia.

Umangat ang kanyang kamay at pinunasan niya ang sariling bibig kahit wala naman iyong dumi. Nasalat niya ang kagaspangan noon. Saka sinuklay ang buhok. Saka nagbuga ng hangin.

He walked the distance because he cannot take it. Tama lamang ang lakad niya ngunit ang puso niya ay parang nakikipagkarera sa bilis ng tibok nito. Ilang buwan na ba niyang hindi nakikita si Cassie? Limang buwan? Anim? Hindi. Tila kay tagal nang panahon ng anim na buwan para sa kanya.

Napangiti si Cassie nang makita ang kinalabasan ng ayos niya sa mga bulaklak. Inayusan niya ang patio ng simbahan dahil may pictorial na gaganapin doon pagkatapos ng seremonya. Artistic si Thia kaya kailangang paganahin din ang art mind niya. Ayaw ni Thia na sa loob pa ng simbahan ganapin ang pictorial. Gusto naman daw nitong maiba.

Wala namang partikular na motif ang kasal ni Thia. Rainbow ang gusto kulay na makita nito dahil ganoon daw nito inilalarawan ang buhay nito ngayon kasama ni Seoff. Kaya isang laced dress na kulay dilaw na may design ng pula ang suot niya. Hinayaan lang niyang nakalugay ang kanyang maalon-alon na buhok. Naglagay lamang siya ng floral pin sa gilid ng ulo niya bilang accent. And for a change, hindi siya nagsuot ng gloves sa kamay. Wala na siyang dahilan upang itago ang pilat niya. She wanted to embrace her past like hoping for brighter days ahead.

“Beautiful.” Napalingon siya nang marinig ang tinig ni Amber. Lumapit ito kasama nina Cleo at si Geri.

“Salamat.” Nasisiyahan niyang tugon. Kumapit si Cleo sa baywang niya. Iba’t-ibang kulay at yari ang suot nilang dress ngunit malalapit at blending naman ang kulay. Silang apat ang bridesmaid.

“Kulang pa daw ang entourage.” Ani Amber habang inililibot ang buong patio.

“Sinong hinihintay?” tanong niya.

“Partner mo.” Si Geri ang sumagot. Tiningnan niya ito. Hindi siya nakasagot.

Si Lourd ang tinutukoy nito. Nang dumating ang invitation niya sa Bukidnon ay kaagad niya iyong binasa at nakitang nakatapat ang pangalan ni Lourd sa kanya. Kaagad na nag-iba ang tibok ng puso niya nang makita iyon. He had the same effect to her. Walang pinagbago. Tila lalo pa iyong tumitindi dahil sa tagal nilang hindi pagkikita.

Ang tanging gumugulo sa isip niya ay kung gusto pa ba siya nitong makita. Baka nga ayaw nitong makapareha siya kaya hanggang ngayon ay wala pa ito. Nalungkot siya sa isiping iyon.

“Sa tingin mo dadating siya?” tanong sa kanya ni Cleo. She was forced to smile.

“Oo naman.” Si Amber.

“Cassie?” Si Cleo na sa kanya nakatingin.

She searched for answer. “Ahm…ewan ko. Sana. Pero baka hindi rin.”

“Hinihintay mo ba siya?” Si Geri naman ang nagtanong hawak nito ang isang piraso ng tulips.

“Dapat ba hindi na?” patanong niyang sagot.

“Why not?”

She sighed. “Ano bang dapat kong asahan? Ako ang lumayo sa kanya. At hindi ko naman sigurado kung may nararamdaman siya sa’kin nang umalis ako. Bakit ako aasa?”

“Miserable siya nitong mga huling bawan. Sa tuwing dadalaw kami sa club palagi siyang lasing.” Si Cleo.

“Baka guilty lang.” salo niya sa sariling nararamdaman. Ayaw niyang paasahin ang sarili. Mas masakit kung hahayaan niyang masaktan pa muli ng binata. She better be happy loving him afar. Kaysa naman ipilit ang sarili niya dito gayong galit naman ito sa kanya.

“Mahal mo pa ba siya?” tanong ni Cleo.

Hindi siya tumugon. Nagpalitpat-lipat lamang ang tingin niya sa mga ito. They wait but she only looked down. Hindi na niya kailangang saguitn ang tanong na iyon. Actions spoke louder. Wala naman siyang inililihim sa mga ito.

“Okay. Hindi ka na namin pipilitin. Let’s go inside magsisimula na ang kasal.” Si Amber.

“Mauna na kayo. Tapusin ko lang ‘to.” Aniya at magkasabay na umalis ang dalawa.

Doon na muna siya habang hindi pa nagsisimula. Tatawagin naman siya marahil kung dumating man ang partner niya o kung sisimulan man nang wala ang binata. Gusto muna niyang abalahin ang sarili.

Muli siyang kumuha ng ilang piraso ng peach rose at gumilid sa patio. Nakulangan siya ng lagay doon kaya dadagdagan niya. She was always fascinated when arranging. Pakiramdam niya ay isa siyang diwata na napapaligiran ng bulaklak. She can do anything she wanted. Maaari niyang ilagay ang gusto niya at sa tingin niya ay dapat kinalalagyan ng bawat isa. Dito niya nararamdaman ang pagiging malaya. At nare-relax siya sa tuwing makakatapos ng isang arrangement. She felt she achieved something big.

Inabot niya ang isang tulips ngunit bigla siyang nakaramdam ng panlalamig nang biglang may brasong pumulupot mula sa kanyang likuran. It seized her like a cloth. And the warmth was very familiar.

“I missed you so much.” Anang nag-iisang tinig na kanyang pinahalagahan sa buong buhay niya. Kumalat sa mukha niya ang init na nagmumula sa labi nito. Wala sa sariling napapikit siya. Nabitawan niya ang hawak na bulaklak…

Then she felt him shaking. Hindi siya kumilos tulad din nitong hindi siya kinakalasan. Nakayakap ito sa kanya ng mahigpit. Nakasubsob ang mukha sa pagitan ng kanyang leeg. Kung saan nagkaroon siya ng sugat. And she can felt his lips from there.

Ilang sandaling tila tumigil ang oras nila. Walang nagsasalita o nagtatangkang kumilos man lang. Parehong ninanamnam ang sandali.

“Akala ko hindi ka na nila ipapakita sa’kin.” Anito sa basag na tinig. Umiiyak na pala ito.

She reached his arms seizing her. Pinisil niya iyon ng mahigpit. Nanatili siyang napapikit. Hindi na niya napigilang lumuha. Lalong humigpit ang yakap nito.

“Shhhh, I’m here.” Halos walang tinig niyang sambit. Saka siyang nagmulat ng mata. She wanted to faint. Pakiramdam niya ay nanghihina ang tuhod niya. Mabuti na lang at hawak siya ni Lourd.

“Cas.” He whispered in his tears. Umangat ang ulo nito at hinalikan ang sentido niya. Noon niya sinubukang humarap dito. Ngunit hawak pa rin siya nito sa balakang.

She wanted to break down when she saw him crying. Hindi niya inasahan na ang isang tulad ni Lourd Kristof Fortes ay luluha nang ganoon sa harap niya. It was as if he was in deep hardship and pain. Ipinalood niya ang sa mga kamay niya ang mukha nito. Her hands were small but it felt like she can carry him throughout. Bumulusok ang luha niya.

“Bakit ka umiiyak?” tanong niya sa gitna ng pagluha. Pinapahid niya ang luha nito.

“Dahil sa’yo.” Tugon nito. She smiled. Niyakap niya ito. Ganoon din ang ginawa nito. Halos maiangat na siya nito sa sobrang higpit ng yakap.

“I’m sorry.” Buong damdamin niyang saad. Tiningnan siya nito.

“I’m so sorry, Cassie. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na humingi ng tawad sa’yo. Nag-iisip ako ng hindi maganda tungkol sa inyo ng Papa. Dinala kita sa Tagaytay para lang mapahamak. I was blinded.” Paliwanag nito.

“It’s over.” Sabi niya.

“No.” agap nito at inabot ang mga kamay niya. Nakita nito ang pilat. Dinala nito ang mga iyon sa labi nito at hinalikan. Wala na siyang suot na gloves. Hindi na niya iyon kailangan. She gaped. Pigil hininga niyang pinagmasdan ito.

“It’s not over. It’s not. Dahil wala pa tayong nauumpisahan, Cassie. We never had the perfect chance to show what we really are. Naunahan ako ng galit, ng selos-”

“Selos?” she reprashed.

He stopped then he kissed her surprised lips. Hindi kaagad siya nakatugon doon. “Yeah. Akala ko, nagagalit ako dahil may kasalanan kayo pero ang totoo, I was so damn jealous to my father. Dahil nagyabang ako sa sarili ko na gusto mo ako. I thought tiny flirts will do then we’re done. Akala ko ganoon ka kadaling makuha. Then the restaurant, si Amanda, her dirty tactics. Binago ng lahat ng ‘yon ang pagtingin ko sa’yo. I even thought that you a whore. I’m so sorry. I’m really, really am.”

She sighed. “You wanted to know the truth? Pangarap ko ang mahalin mo, Lourd. Dahil ikaw lang minahal ko. Ikaw lang. Sa tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko. We seldom talk dahil madalas na sa iba ang atensyon mo, pero masaya na ‘ko na kaunting chances na paminsan-minsa. I’m happy hearing your voice. Iniisip ko kung gano’n ka din kaya? But I was wrong.”

“Cassie.” Anas nito sabay haplos sa pisngi niya.

“Hindi ko alam na anak ka ng abogadong tumulong sa’min. Na eventually, tunay ko palang ama. That was also the day that I’ve learned that you’re his son. Kaya umiwas ako sa’yo. Inakala kong hindi kita pwedeng mahalin. Okay lang sa’kin na masama ang isipin mo kahit nasasaktan ako. Dahil inakala kong tama ang ginagawa ko. Isa pa, si Dad ang nakiusap sa’kin na itago sa’yo ang tungkol sa pagkatao ko.” Patuloy niya.

“Sana lang hindi ka na lumayo sa’kin. Alam mo bang halos mamatay ako? I was so mad.” Sabi nito.

Luhaan pa rin siyang tumango. “Patawarin mo ‘ko. Sana maintindihan mo. Kailangan ko lang ayusin ang sarili ko. Kailangang ko rin patawarin ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Gusto kong tanggalin ang lahat ng alinlalangan sa puso ko.”

“Isinama mo sa paglayo mo ang kaligayahan ko.” Anito. Tinitigan niya ito.

“Narito na ‘ko. Nakita mo na ba ang magpapasaya sa’yo?” she asked as if she wanted to burst into tears.

“Yes. At kaharap ko siya ngayong oras na ‘to.” Tugon nito.

Mabilis na muling nangilid ang luha niya. “Paanong ako?”

“Dahil ikaw lang may kayang galitin ako pero ikaw lang din ang may kayang paligayahin ako. You are sunshine, Mara Cassandra. Patay-buhay ako nitong halos anim na buwas dahil wala ka. Hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na ipakita sa’yo kung gaano ka kahalaga sa’kin. I was drowning. Dahil mahal na mahal na mahal kita. You are my breath, Cassie. I love you so much.”

“Paanong-”

Inabot nito ang mukha niya. “Please don’t ask anymore. Natatakot ako na hindi mo magustuhan ang isasagot ko at lumayo ka na naman sa’kin. I love you the moment you kissed me in Alabang. Nang halikan kita after ng pictorial ninyo. I don’t know. Siguro mahal na kita noon pa. Hindi ko lang alam. My God! Cassie. Please don’t ask. Basta mahal na mahal kita. At hindi na ako papayag na ilayo ka ng kahit sino. Damn it, I love you, Cassandra.”

“Okay, okay. Naniniwala ako.” Tanging naisagot niya. Napakaligaya niya nang mga oras na iyon. Nawalang lahat ng agam-agam niya. Nasagot ang kanyang maga tanong.

“Mahal mo pa ba ako?” tanong nito.

“Oo nga. Noon pa di’ba nga? I love you, Lourd. I love you so much.” Masayang masaya niyang tugon.

Smiled and reached her lips. Mabilis na tumugon ang puso niya sa halik na iyon. Tila napawi ang pangungulila nila sa isa’t-isa. It felt like she was kissing her groom. A promise to forever.

Isang tikhim ang umagaw sa tila paraiso nilang pagkakataon. Sabay silang lumingon. Si Cleo iyon.

“Mag-uumpisa na ang kasal, lovebirds.” Anito at muli nang tumalikod. Napapahiya ngunit magkahawak-kamay silang sumunod dito papasok ng simbahan.

“Unahan natin sina Seoff sa honeymoon, honey.” Bulong pa sa kanya ni Lourd. Napahalakhak sabay kurot niya sa tagiliran nito. Gumanti naman ito ng halik sa kanyang pisngi.

“Marry me first.” Sabi niya. Tumigil ito at hinarap siya.

“Tara.” Anito at nagulat siya nang hilahin siya nito at muling lumabas. Tinakbo niya ang gilid ng simbahan at pumasok sa kumbento.

Sandali siyang iniwan nito sa gitna ng pathway at nakita niya itong may kinuha sa patio. Saka iniabot sa kanya ang ilang piraso ng bulaklak. Saka siya muling hinila.

Nakita nilang bukas ang prayer room na kadikit ng kumbeto at hinila siya ng binata papasok doon. May maliit na altar doon. Tumayo sila sa harap.

“Lourd, nag-uumpisa na ang kasal.” Natatawa niyang paalala dito.

“Oo nga.” Anito saka tumingin sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niyang may hawak ng bulaklak at ipinagitna sa kanila. He looked at her full of love.

“Lourd, honey-”

“I, Lourd Kristof Alaban also a ‘Fortes,’ soulfuly and heartfully swear that I will love, cherish, and worship you, Mara Cassandra Sandejas Dillan. I promise to bring no more harm, pain and darkness or any drama into your life while we are together. I do blah, blah, blah, may death do us part, blah, blah, blah…I love you, Cas. Forever. Pwede na ‘yan. Ikaw naman.” Nakangiti nitong saad.

Hindi siya kaagad nakaimik dahil sa sobrang kaligayahan.

“Bilis na. May aatend-nan pa tayong kasal.” Inip nitong sabi.

Napatawa siya. “Mahal kita, Lourd. Ipinagkakatiwala ko sa’yo buhay ko. Ako-”

“Kiss the bride na.” hindi na siya nito pintapos at kaagad na siyang hinalikan. Malugod naman niya iyong tinugon. Buong pagmamahal pa.

“Bili tayo ng singsing mamaya.” Nagmamadaling sabi nito matapos ang halik saka sila nagtatawanang bumalik sa loob ng mismong simbahan.

Pagdating nila sa harap ng altar sa totoong kasalanan ay naroon na ang lahat. Naghiwalay sila ni Lourd upang pumunta sa magkabilang aisle. Naging masaya ang kasal. At kung gaano kasaya ang mga ikinasal ay ganoon din siya dahil kasama na niya ang lalaking tanging buhay niya. At mamaya lang ay ‘honeymoon’ naman ang destination nila.

***Wakas***

ROXY CITY SERIES 1&ROXY CITY SERIES 2 ay inilabas na sa Novelnow, maaari mong ipagpatuloy ang pagbabasa

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.