Chapter ROYAL SECRET CHAPTER 12

“ANONG tinitingin-tingin mo d’yan?” nakahalukipkip na tanong ni Roarke sa picture ni Cassiopeia na nakadikit sa dingding ng dorm na pinaghahatian nila nina Koji at Yuki. French ang gamit niyang salita para hindi siya maintindihan ng roommates niya kung sakali mang nakikinig ang mga ito. Hindi niya mapigilang ‘kausapin’ ang kakambal niya kapag nakikita niya ang poster dahil naiinis talaga siya sa paghahabol nito sa kung sinong lalaki. “Pasalamat ka at mabait akong kapatid kaya hindi kita isusumbong kay Mommy. Pero hindi talaga tama `to, eh. Wala naman akong makitang special sa lalaking `yon. Ni hindi nga siya nagsasalita kapag hindi kinakausap.”

“Uhm, Roarke?”

Nalingunan ni Roarke si Yuki na napansin niyang may pag-aalala sa mukha habang binibigyan siya ng nagdududang tingin. Kumunot ang noo niya sa pagtataka. “What?”

“You should really stop doing that.”

“Doing what?”

“Talking to Blossom’s picture,” nanlalaki ang mga matang sabi nito, saka ito tumingin sa pinto ng banyo kung nasaan si Koji. Pagkatapos, saka siya nito muling hinarap. “Roarke, alam kong techinically, magpinsan kayo ni Blossom sa mother side pero hindi naman kayo blood-related. Na-ba-bother ako na masyado kang interested sa kanya.”

Bigla siyang nasamid. Iniisip ba ni Yuki na may gusto siya kay Cassiopeia? Nakakadiri, ha? Pero hindi naman niya ito masisi dahil hindi naman nito alam na kambal sila ng babae. “Yuki…” Pinatong niya ang mga kamay sa mga balikat nito. Napansin niyang biglang namula ang buong mukha ng lalaki at hindi rin ito makatingin ng deretso sa kanya. “`Wag kang masyadong umasa na magkakatuluyan sina Koji at Blossom para hindi ka masaktan sa huli.”

Sumimangot si Yuki. “Bakit mo naman sinasabi `yan?”

Binitawan na niya ito, saka siya nagkibit-balikat. “Kung gusto talaga ni Koji si Blossom, matagal na sanang naging sila.”

“Koji likes Blossom!” giit naman ni Yuki, naka-pout pa. “Believe me.”

May isasagot sana siya ro’n pero natigilan siya nang may kumatok sa pinto. Pinigilan siya ni Yuki na buksan `yon pero hindi siya nagpapigil. Malakas kasi ang pakiramdam niya na kilalang-kilala niya kung sino man ang kumakatok na `yon.

“Ohayou gozaima…” Biglang nawala ang ngiti ni Cassiopeia at nanlaki pa ang mga mata nang makilala siya. “Prince Roarke?”

Ngumisi si Roarke at ipinatong ang isang braso sa doorframe habang masama ang tingin sa kakambal niyang halatang natakot sa kanya. Kinausap niya ito sa French para hindi sila maintindihan ng iba. “Ginagalit mo ba talaga ako? Bakit ka nagpupunta ng ganito kaaga sa kuwarto ng lalaki, ha? Saka bakit pinapayagan ka ni Chase na pumasok sa dorm ng boys?”

Nag-pout ang kakambal niya, halatang walang planong sagutin ang mga tanong niya. Nang nagsalita ito, French din ang ginamit nito. “Akala ko, sa attic ka mag-i-stay? Binabantayan mo ba ang future boyfriend ko? I’m warning you, Prince Roarke. Huwag mong pag-iinitan si Koji.”

What? His little sister was warning him because of a boy who didn’t even like her back?!

Sa sobrang inis ni Roarke kay Cassiopeia, pinagsarhan niya ito ng pinto.

“What do you think you’re doing, Roarke St. Clair?”

Tumaas ang kilay niya nang bigla-bigla, nasa harap na niya si Koji na halata sa mukha ang matinding inis habang masama ang tingin sa kanya. Medyo nakakainis lang na mas matangkad ito ng kaunti kesa sa kanya. “What did I do?”

“Bakit pinagsarhan mo ng pinto si Blossom?”

“Bakit pinapayagan mo siyang magpunta sa dorm natin?” iritadong tanong naman niya. “Hindi mo ba nakikita kung pa’no siya tingnan ng mga lalaki, ha? Pa’no kung mabastos siya dito? At bakit ba pinapayagan mo siyang maghabol sa’yo kung hindi mo naman siya gusto?”

Nag-isang linya ang mga labi ni Koji, halatang napikon. “That’s none of your busine–”

“She’s my cousin.” Actually, she’s my twin sister, you scumbag. “Kung hindi mo siya gusto, sabihin mo na. Hindi `yong pinapaasa mo siya sa wala.”

Nagtagis ang mga bagang ni Koji, pero hindi naman nakasagot ang loko.

Hindi naman siya nagpatalo dahil tinitigan niya rin ito ng masama.

“Hey, hey, hey,” saway naman sa kanila ni Yuki na literal na pumagitna sa kanila, pagkatapos ay marahan sila nitong tinulak palayo sa isa’t isa habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. “Stop it, guys. Ang aga-aga, nag-aaway kayo. Mas okay pa pala kapag hindi kayo nag-uusap.”

Si Koji ang unang nag-iwas ng tingin para harapin si Yuki. “I’ll go ahead,” sabi nito, saka siya muling hinarap. “I don’t care if you’re a prince. O kahit pinsan ka pa niya. I won’t let it slide if you act rudely to Blossom again.”

Binuksan na nito ang pinto at naunan nang lumabas bago pa man din siya makasagot.

“I can’t believe that dude,” hindi makapaniwalang sabi ni Roarke nang sumara ang pinto sa harap niya. Halatang sinadya ni Koji na isara ang pinto sa mukha niya gaya ng ginawa niya kay Cassiopeia kanina. “I don’t like him.”

“Don’t say that,” naka-pout na reklamo naman ni Yuki. “Roommates tayong tatlo kaya hindi dapat kayo nag-aaway ni Koji.”

Bumuga lang siya ng hangin para kalmahin ang sarili. “Pumasok na lang tayo.”

Paglabas nila ng dormitory, naabutan pa nila sina Koji at Cassiopeia sa roadside ng Botanical Park na sabay naglalakad sa harapan nila. Ang bagal maglakad ng dalawa, halatang sinusulit ang bawat segundo na magkasama ang mga ito. Kung hindi lang awkward, binilisan na niya ang lakad at inunahan na niya ang dalawang `to.

“Roarke, puwede ba kong magtanong?” parang nahihiyang tanong ni Yuki sa kanya na kasabay niyang naglalakad. “Medyo personal.”

“Sige lang,” distracted na sagot niya. Hindi niya gusto na nakayakap si Cassiopeia sa braso ni Koji. You’re a princess, for Pete’s sake!

“Hindi ka ba nahihiyang makitang kasama ako?”

Kunot-noong nilingon ni Roarke si Yuki. “Hindi. Bakit naman ako mahihiya?”

Namula ang mukha ni Yuki, pagkatapos ay yumuko ito na para bang nahihiyang humarap sa kanya. “I’m gay, Roarke.”

“I know. So what?”

“Hindi ka ba natatakot na baka matsismis kang bakla rin kasi dumidikit ka sa’kin? Worse, may chance na magaya ka kay Koji na natsitsismis na boyfriend ko. Parati kasi niya kong pinagtatanggol kapag binu-bully ako. Na-gi-guilty nga ako kasi best friend ko siya pero dahil sa’kin, lalong nadadagdagan ang mga pam-bu-bully sa kanya.”

Natahimik siya. Ah, ngayon ay napatunayan na niyang hindi bakla si Koji. Saka aminin man niya o hindi, natuwa siya sa mga narinig niya ngayon. Kung mabuting kaibigan ito kay Yuki, ibig sabihin lang ay disenteng tao ito. Medyo naliliwanagan na siya kung bakit ito nagustuhan ni Cassiopeia.

“You’re a prince and I really admire you, Roarke,” pagpapatuloy ni Yuki sa boses na parang hiyang-hiya. “Kaya ayokong masira ang image mo ng dahil lang sa’kin. Mas lalo namang ayokong may malicious rumor na kumalat tungkol sa’tin. So I’ll understand if you stop being friends with me.”

“I really don’t care, Yuki,” sabi naman niya habang tinatapik-tapik ang likod nito. “Dumb people can spread stupid rumors about me for all I care. That won’t stop me from doing what I want– including being friends with whoever I want. So what if you’re gay? Your sexual orientation doesn’t make you any less of a person, no matter what your bullies say about it.”

Nag-angat ng tingin sa kanya si Yuki. Kitang-kita niya ang pagiging emosyonal nito. Kung tingnan din siya nito, para itong nakakita ng savior nito. “Roarke… thank you. I’m touched.”

“I can see that,” medyo nakangisi at tumatango-tangong sabi naman ni Roarke. “Anyway, you should stop caring about what your bullies say, Yuki. Be kind to yourself, okay?”

Ngumiti ito at tumango. “I will.”

May sasabihin pa sana si Roarke pero natigilan siya nang makita si Cassy na tumatakbo papunta kina Koji at Blossom. Ngiting-ngiti pa ang babae at halatang masaya na makita si Koji.

Why doesn’t she smile at me like that, huh?

“Yuki, I’ll go ahead,” nagmamadaling sabi niya rito habang naghahanda siya sa pagtakbo. “See you at class later.”

Bago pa makapag-react si Yuki, tumakbo na siya.

Roarke ran as fast as he could. Kung fourty meter sprint lang `yon, siguradong ilang segundo lang ang ma-re-record nang malagpasan niya sina Koji at Cassioepia para salubungin si Cassy na mabagal tumakbo kumpara sa kanya dahil maiiksi ang biyas ng babae.

Nanlaki ang mga mata ni Cassy, halatang nagulat at nagtataka kung bakit sinasalubong niya ito. Sa pagkagulat niya, bigla itong umatras ng takbo, saka siya tinalikuran. Pagkatapos, tumakbo ito ng mabilis na para bang tinatakasan siya.

“Hey!” sigaw niya sa babae nang mas binilisan niya ang takbo niya. “Bakit ka tumatakbo?”

“Eh kasi hinahabol mo ko!” sigaw naman nito. “Go away!”

Pumalataktak lang siya, saka niya mas binilisan ang takbo.

Mukhang naramdaman ng dalaga na wala siyang planong huminto kaya mas lalo rin nitong binilisan ang pagtakbo hanggang sa makalayo ito sa kanya. Nawala rin ito sa paningin niya nang lumiko ito sa isang corner, papunta sa eskinita sa pagitan ng dalawang malaking building.

Damn, she’s fast!

Narinig niya ang malakas na pagsigaw ni Cassy.

Shit! What happened?!

Mas binilisan ni Roarke ang pagtakbo hanggang sa makarating na rin siya sa eskinita kung saan nawala si Cassy. Bigla siyang napahinto at napamura sa French sa nakita niya. “Let go of her, Creed!” utos niya rito habang naglalakad palapit sa mga ito.

Nakatayo si Creed sa likuran ni Cassy habang hawak ang mga kamay ng babae sa likod nito. Halatang nasasaktan ang dalaga sa siguradong mahigpit na pagkakahawak ng Knight niya rito.

“Yes, Your Highness,” magalang na sagot pa ni Creed bago binitawan si Cassy.

Mabilis namang lumayo si Cassy sa Knight niya habang nakasimangot at nakatingin ang dalaga sa mga pulsuhan nitong namula agad. Gano’n kahigpit ang pagkakahawak ni Creed dito. “Tsk.”

Napangiwi si Roarke dala ng guilt. Nakalimutan niya na may mga Knight na nagbabantay sa kanya sa academy. Akala siguro ni Creed ay may kasalanan sa kanya si Cassy nang makita siyang hinahabol ang dalaga, kaya ito ‘hinuli’ ng Knight niya. “Creed, Cassy is innocent.”

Halata sa mukha ni Creed ang pagkapahiya pero mabilis naman itong nakabawi. Pinatong nito ang isang kamay sa dibdib, saka ito magalang na yumukod sa harap ni Cassy. “I’m sorry, Miss. Please excuse my rudeness. I thought you were a threat to the prince.”

“It’s fine,” sagot naman ni Cassy sa kaswal na boses. Binaba na rin nito ang mga kamay sa magkabilang-gilid. “At least you didn’t hit me.”

Lalong namula ang mukha ng Knight at mas lalo ring bumaba ang pagkakayuko nito.

“Joke lang,” mabilis namang bawi ni Cassy sa playful na boses. “I’m fine, sir. Naiintindihan ko naman kung bakit mo `yon nagawa.” Napasinghap ang dalaga, pagkatapos ay nilingon siya nito. “Nakakaintindi ba siya ng Filipino?”

“Konti lang,” sagot niya, saka niya nilingon ang Knight niyang nakayuko pa rin. “Creed, you’re dismissed. Miss Hart said you’re forgiven.”

Isang magalang na pagyukod uli ang ginawa ni Creed sa harap nila ni Cassy bago ito umalis.

“Nakakaloka naman `yong Knight mo,” komento ni Cassy no’ng silang dalawa na lang ang naiwan. “Nagulat ako no’ng bigla na lang siyang sumulpot sa harap ko kanina. Pagkatapos, inikot niya ko at hinawakan `yong mga kamay ko sa likod. Sa sobrang bilis, hindi na ko nakalaban.”

“Were you scared?” nag-aalalang tanong naman niya.

“Not really,” sagot naman nito at mukhang nagsasabi ng totoo ang dalaga dahil kalmado na ito ngayon. “Nagulat lang talaga ako kanina kaya ako napasigaw.”

“I’m really sorry about what happened,” sinserong sabi ni Roarke. “May Knights kasi na nagbabantay sa’kin dito at kabisado nila ang bawat sulok nitong academy kaya madali para sa kanila ang mapuntahan ako kapag kailangan. Akala siguro nila, may ginawa kang masama sa’kin kaya kita hinahabol.” Saglit siyang huminto bago nagpatuloy. “Si Creed nga pala `yong kanina. I’ll properly introduce you to each other next time. Hindi ko `yon ginawa kanina kasi ang awkward ng sitwasyon. Sorry about that, too.”

“Okay lang `yon pero…” Napaatras palayo sa kanya ang dalaga habang binibigyan siya ng kakaibang tingin. “Ngayon ko talaga naramdaman na prinsipe ka nga, Roarke.”

Ipinaikot niya lang ang mga mata. “Bakit ka nga pala tumakbo no’ng nakita mo ko?”

Bumuntong-hininga ito at napasandal sa pader. “Ayoko sanang makita ka ngayon, eh.”

Humalukipkip siya at tinaasan ito ng kilay. “At bakit naman?”

“Kasi ikaw ang gusto kong sisihin sa ginawa ko kanina,” frustrated na sagot nito. Napansin niyang hindi rin ito makatingin ng deretso sa kanya. “Roarke, may pinagtanggol akong junior kanina. Kinalaban ko `yong isa sa mga VVIP dito sa school para sa batang `yon. Sinabi ko kay Eloise na hayaan nang mag-CR `yong junior kahit nasa loob pa ng banyo si Brenda. Hindi na sumagot si Eloise pero alam ko, gagantihan nila ako ni Brenda. Mas nakakatakot sila kapag hindi sila nagsasalita, eh.”

Kung hindi lang niya napansing problemado ito, baka binati na niya ito dahil sa wakas, natuto na itong lumaban. “Do you regret standing up for that junior?”

“I don’t,” sagot nito, pero bumuga ito ng hangin. “Medyo natatakot lang ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong kinalaban ko sila. Natahimik `yong mundo ko no’ng nag-succumb ako sa kanila, eh. Pero nanlaban uli ako. Sigurado akong hindi nila `to palalagpasin.”

Nag-iisip pa lang siya ng sasabihin dito para mawala ang takot nito nang nagpatuloy ito. Napansin niyang kalmado na ang mukha nito at may kaunting sigla na rin sa boses, hindi gaya kanina na para bang nanlulumo talaga ito.

“Pero ang gaang pala sa feeling,” nakangiting sabi ni Cassy, saka ito tumingin sa kanya. “Roarke, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa’kin from now on. Pero sa ngayon, masaya ako.”

Ewan ba ni Roarke pero napatitig siya kay Cassy habang nakangiti ito sa kanya. May kung anong damdamin ang biglang tumubo sa dibdib niya dahil sa ngiting `yon. Ngayon niya lang nakita ang ngiti nito pero gusto na agad niya `yong protektahan. “I’ll protect you, Cassy,” deklara niya sa determinadong boses na halatang ikinagulat ng dalaga. “I won’t let anyone hurt you.”

LATE dumating si Cassy sa first class nila kanina kaya hindi nagkaro’n ng chance ang mga kaklase niya na i-confront siya. Pero ramdam niyang masama ang tingin ng mga ito sa kanya. Suwerte nga siya dahil sunod-sunod ang dating ng mga teacher nila sa bawat subject kaya hindi siya nagawang awayin agad-agad ng mga bully. `Yon nga lang, naubos agad ang suwerte niya.

Pagtunog ng bell na nagsasabing lunch break na ng mga senior high students, lumapit agad sa kanya sina Chase, Eloise, at Brenda. Ang mas masama pa, pinalabas ng tatlo ang iba nilang mga kaklase para maging ‘look out’ at siguraduhing walang darating na istorbo.

I’m so dead.

“So our dear Errand Girl…” pagsisimula ni Chase na nakapamulsa habang nakasandal sa isang mesa at pailalim ang tingin sa kanya. Mas nakakatakot pala ito kapag seryoso kesa kapag nakangisi ito. “Totoo ba `yong sinumbong nina Eloise at Brenda na ginawa mo kaninang umaga? Pinalabas mo sila ng ladies’ room para lang do’n sa junior na kinampihan mo?”

“Hindi ko naman sila pinalabas,” katwiran ni Cassy.

Sabay siyang binigyan ng matalim na tingin nina Brenda at Eloise na nakatayo sa magkabilang-gilid ni Chase. Nakahalukipkip pareho ang mga babae at halatang inis sa kanya.

“Naawa lang naman ako do’n sa bata,” pagpapatuloy niya habang nakatingin kay Chase. Pero na-realize agad niya na wala siyang dapat ipaliwanag nito. Pinatong niya ang mga kamay sa baywang at nagtaas-noo siya sa harap ng tatlo. “Bakit kailangan kong magpaliwanag sa inyo?”

Ngumisi si Chase– ngisi na halatang nabubuwisit ito sa kanya.

“You’re getting ahead of yourself, aren’t you?” tanong naman ni Eloise, nakataas ang kilay. “Dahil ba close na kayo ni Prince Roarke?”

“He won’t be in this academy for long, Errand Girl,” dugtong ni Brenda sa boses na halatang nang-aasar. “Pero dahil ikaw ang favorite naming errand girl, we’ll give you another chance to make it up to us. Kapag nagawa mo ang task na `to, we’ll forgive you.”

“Hindi ko naman hinihingi ang kapatawa–”

“Help us get close to the prince,” parang kinikilig na pagputol ni Eloise sa mga sinasabi niya, halatang hindi nakikinig sa kanya. “Kapag nagawa mo `yon, we’ll let this slide. You’ve been really helpful to us for the past year so sayang naman if pakakawalan ka namin.”

“`Wag kang umasa na nand’yan parati si Roarke,” nakangising sabi naman ni Chase. “Wala ka nang masusumbungan kapag umalis siya.” Iminuwestra nito ang dalawang babae sa tabi nito. “If I were you, I’d accept their compromise. Just do as you’re told and we’re all good again.” Saglit itong natigilan, pagkatapos ay nagpalipat-lipat ito ng tingin kina Eloise at Brenda. “Girls, you’ll pay her, right? Hindi niyo siya puwedeng bigyan ng task ng walang compensation, `di ba?”

Sabay na natawa at sumagot sina Eloise at Brenda. “Of course.”

Naikuyom ni Cassy ang mga kamay. Ito ang sinasabi sa kanya ni Roarke– maliit na ang tingin sa kanya ng schoolmates niya dahil siya mismo ang nagbigay ng ideyas a mga ito na handa siyang tapakan ang sarili niya para lang sa pera. O dahil lang gusto niyang mapunta sa good side ng mga bully. Sa unang pagkakataon, ngayon lang niya naramdaman ang pagkapahiya.

She was a fool to offer her service as an errand girl. Pero hindi pa naman huli para bumawi, `di ba? Hindi siya papayag na maging utusan lang sa Polaris Academy habang ang mga magulang niya, walang tigil sa pagtatrabaho para lang mabigyan siya ng magandang buhay.

“I quit,” deklara niya sa determinadong boses habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa tatlo. Lumuwag na ang mga kamay niya at higit sa lahat, wala siyang nararamdamang pagtutol sa dibdib. For the first time she step foot on that academy, she felt that she was doing the right thing. “Simula ngayon, hindi na ko ang Errand Girl na puwede niyong bayaran para maging utusan.”

Tumayo si Chase na hinampas pa ang mga kamay sa mesa sa harap nito habang masama ang tingin sa kanya. “You can’t quit! Are you crazy?!”

“We won’t let you quit, Cassy Hart!” giit naman ni Brenda. “You better take that back or else, we will make you regret stepping foot on this academy.”

“Matagal ko nang pinagsisisihan ang pagtapak ko dito sa school niyo,” sagot niya sa matapang na boses. “Pero ngayon, gusto ko nang tapusin ang pagkawawa sa sarili ko. Nandito na ko kaya bakit hindi ko i-enjoy ang perks ng Polaris Academy? Hindi `yong puro kayo lang. Hindi na ko papayag na maging utusan niyo. Alam kong hindi niyo ko pinilit na maging Errand Girl. Ako ang mismong nag-offer ng service ko para tigilan niyo na ang pam-bu-bully niyo sa’kin. Kaya ako lang din ang makakabawi ng desisyon na `yon.” Tinapik niya ang dibdib para i-emphasize ang mga sinasabi niya. “Ayoko nang maging Errand Girl. Ipagkalat niyo na rin ito sa iba tutal forte niyo naman ang pagkakalat ng tsismis.”

Napasinghap si Brenda samantalang nanlaki naman ang mga mata ni Eloise, halatang parehong nagulat pero pareho rin namang wala nang nasabi.

Nag-walk out na si Cassy. Pero nakakailang hakbang pa lang siya, may malaking kamay na ang humawak sa balikat niya para pigilan siya. Hindi na niya kailangang lumingon para malamang si Chase ang pumipigil sa kanya sa paglabas ng classroom.

“You’re not going anywhere until you say you’re not quitting anymore,” banta ni Chase sa kanya sa mapanganib na boses. “Kami lang ang magsasabi kung kelan ka pa may silbi sa’min o wala na and not the other way around, you beggar!”

Mariin siyang pumikit at humugot ng malalim na hininga habang kinakalma ang sarili. Hindi siya sigurado kung imagination niya lang ba o talagang may ingay siyang naririnig sa labas ng classroom na parang may nagkakagulo. Ang lalaki kasi sa likuran niya, hindi pa rin tumitigil sa pagsasalita.

“Know your place, Commoner,” angil ng binata sa galit na boses. “Hindi porke mabait sa’yo ang prinsipe eh may magagawa na siya para baguhin ang posisyon mo dito sa Polaris. Sa Elestia lang siya puwedeng magpaka-prinsipe. I am the king in this academy, you hear me?!”

Nagmulat siya ng mga mata pero naikuyom naman niya ang mga kamay. Kapag hindi pa siya binitawan ng lalaking `to, baka kung ano na ang magawa niya rito kaya nagbanta na siya. Napansin niya na nakasilip pala sa salamin sa itaas na bahagi ng dalawang pinto ng classroom ang mga kaklase nilang nasa labas. Kailangan na niyang tapusin ang eksenang `yon. “Bitawan mo ko, Chase.”

Narinig niyang tumawa si Chase, saka nito mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa balikat niya. “Paano kung ayoko?”

“I’ll make you regret it.”

“I’d love to see you try, midget.”

Hindi nagdalawang-isip si Cassy. Pumihit siya paharap dito, saka niya siniko ang mukha ng lalaki dahilan para mabitawan agad siya nito. Kahit mas matangkad ito sa kanya, tinamaan pa rin niya ito dahil lumundag siya.

“Chase!” sabay na nag-aalalang sigaw nina Brenda at Eloise.

Nakita niyang nakahawak si Chase sa dumudugo nitong ilong habang masama ang tingin sa kanya. Nang sumugod ito sa kanya, tumakbo rin siya para salubungin ito. Maliit at magaang siya kaya nakokontrol niya ang katawan niya sa mabilis na paraan.

Tumuntong siya sa nadaanan niyang silya, pagkatapos ay sa mesa. Nang umangat ang kamay ng binata na parang susuntukin siya, inunahan na niya ito sa pamamagitan ng pagsipa sa mukha nito. Spinning side kick ang ibinigay niya rito kaya sa panga ito tinamaan sa pagkakataong `yon.

“OMG!” sabay na bulalas uli nina Brenda at Eloise nang tumumba na si Chase sa sahig.

Sunud-sunod na nagmura naman si Chase habang nakahawak sa panga nito.

Nanatiling nakatayo si Cassy sa ibabaw ng mesa habang hinahabol ang hininga. Nag-wo-work out pa rin naman siya gaya ng pagtakbo sa paligid ng Polaris Field at pag-sha-shadow boxing sa rooftop ng Aurora Dormitory kapag may libreng oras, pero ngayon lang uli siya may nakalaban na totoong tao kaya siguro nabigla ang katawan niya na dahilan naman para hingalin siya.

Bumukas ang dalawang pinto ng classroom at nag-unahan sa pagpasok ang mga kaklase at schoolmate niya na mukhang nasilip sa salaming bintana ng mga pintuan ang nangyayari.

Isa sa mga unang pumasok si Roarke.

Napasinghap si Cassy nang magkatinginan sila ng prinsipe. No’ng una ay nakakunot lang ang noo nito habang nakatingala sa kanya. Napalunok naman siya dahil hindi niya sigurado kung ano ang iniisip nito tungkol sa nakita nito. Iniisip na kaya nitong basagulera siya at walang finesse sa katawan?

Well, wala naman talaga. But still…

“Wow,” parang natutuwang papuri sa kanya ni Roarke. Pagkatapos, ngumiti ito na parang proud sa ginawa niya. “You’re cool, Cassy.”

Napangiti siya. Hindi niya alam kung bakit na-relieve siya sa naging reaksyon ng prinsipe pero hindi na niya muna inisip `yon. Nag-curtsy na lang siya. “Thank you, Prince Roarke.”

The prince just smirked, then offered his hand to her. “Get down, Cassy. Alam kong nagutom ka sa ginawa mo kaya papakainin kita. Saan mo gustong kumain? My treat.”

Kinuha niya ang kamay nito. Tatalon sana siya para makababa pero sa pagkagulat niya, mabilis nitong ipinalupot ang isang braso sa baywang niya para maibaba siya mula sa mesa. Kulang ang sabihing nagulat siya pero bukod sa panlalaki ng mga mata, wala na siyang ibang pinakitang reaksyon.

And then Roarke smiled at her, the kind of smile that made his green eyes shine like bright emeralds. To simply say, he was gorgeous.

Nagkaro’n siya ng ibang reaksyon– ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso niya.

Mabuti na lang at binaba na siya ng prinsipe dahil natatakot siya na baka marinig nito ang hindi niya normal na heartbeat ng mga sandaling `yon. Pero wala yata itong balak na pagpahingain ang puso niya dahil hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya palabas ng classroom.

Napansin niya na biglang nahawi ang mga schoolmate nila sa hallway para magbigay-daan sa kanila. Nakagat na lang niya ang lower lip nang mapansin niyang may hawak na phone ang mga ito habang pinagbubulungan sila ng prinsipe. Sigurado siyang may nag-video o picture sa eksena kanina.

“Kaya mo naman palang labanan si Chase,” halatang natutuwang sabi ni Roarke no’ng nakalayo na sila sa earshot ng mga schoolmate nila. “Sana dati mo pa siya pinatumba.”

“I’m a reformed gangster,” pag-amin naman niya sa nahihiyang boses. “Hindi ako proud na dati akong basagulera kaya tinatago ko noon na marunong akong makipaglaban.” Ngayong bumaba na ang adrenaline rush niya, saka pa lang nag-sink in sa kanya ang nangyari. Hindi tuloy niya napigilang makaramdam ng matinding pagkapahiya. “I just exposed myself to everyone!”

Gusto sana niyang takpan ng mga kamay ang mukha niya pero na-realize niya na hawak ng prinsipe ang isang kamay niya. Kaya naman pala napapatingin sa kanila ang mga schoolmate na nakakasalubong nila sa hallway!

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ng prinsipe hanggang sa napalipit na `yon.

“Aw! Aw! Aw!” reklamo ni Roarke na mabilis binitawan ang kamay niya, pagkatapos ay binigyan siya nito ng iritadong tingin. “Masakit, ha.”

Ngumiti lang siya ng matamis, saka niya tinago ang mga kamay sa likuran niya. “Sino ba kasi nagsabi sa’yong mag-enjoy ka sa paghawak ng kamay ko?”

Sinimangutan lang siya ng prinsipe, saka nito hinawakan at hinipan ang nasaktan nitong kamay.

“Bakit mo hinihipan `yang kamay mo?” natatawang tanong niya. “Hindi ka naman nagkasugat, ha?”

“It’s a sign.”

“Anong sign?”

“Binibigyan ko ng sign ang Knight ko na hindi ko kailangan ng medical service,” sagot nito. “Sigurado akong nakita nila na pinalipit mo ang kamay ko kaya may pakiramdam ako na tatawagan nila ang royal physician ko na nandito rin sa academy.”

Natampal naman niya ang pisngi niya. Lumingon-lingon siya sa paligid pero hindi naman niya nakita ang Knight na naka-black suit na nakita niya kaninang umaga. “Sa’n ba sila nakatago?”

“Si Creed, sigurado akong nakasunod lang sa’tin pero hindi siya nagpapakita sa tabi ko para hindi ma-intimidate ang mga schoolmate natin,” sagot nito, saka ito namulsa. “`Yong iba naman, siguradong nasa control room ng security team ng Polaris Academy at pinapanood sa CCTV footage kung nasaan ako. Masyadong mahigpit ang security sa’kin dahil sa nangyari kay Prince Ross no’ng isang taon.”

Tumango-tango siya. Naiintindihan naman niya ang mahigpit na seguridad dito. “VIP ka talaga `no? Hindi `yong caste system dito sa Polaris, ha? Totoong VIP ka in real life. Nakaka-amaze.”

“Masasakal ka rin kung nandito ka sa sitwasyon ko,” iiling-iling na sabi nito, saka nito binago ang usapan. “Saan mo nga pala gustong kumain?”

Sasagot na sana si Cassy dahil nakapagdesisyon na siya kung saan niya gustong kumain, pero natigilan siya nang makita ang mga kaibigan niya paglabas nila ni Roarke ng building. Napangiti siya at kumaway sa mga ito. “Yuki! Blossom! Koji!”

Patakbong lumapit sa kanila ang tatlo.

“Are you okay, Cassy?” tanong agad sa kanya ni Blossom. “We heard what happened. Kinulong ka daw nila Chase sa classroom. Sinaktan ka ba ng adoptive brother ko?”

Tumabingi ang ngiti niya dahil bigla siyang na-guilty. “Hindi. Actually, ako `yong naka-injure sa kapatiod mo, Blossom. I’m sorry.”

Tinawanan lang `yon ng dalaga. “Chase deserves it.”

“Are you okay, Roarke?” nag-aalalang tanong naman ni Yuki sa prinsipe. “Bigla ka kasing umalis no’ng narinig mong kinulong si Cassy sa classroom. Tinulungan mo ba siyang bugbugin si Chase?”

Napatingin si Cassy kay Roarke dahil sa narinig niya. Talaga bang tumakbo agad ito para puntahan siya nang malaman nito ang nangyari sa kanya? Nakaka-touch naman.

Hindi nagbago ang reaksyon ng prinsipe nang tapikin nito sa likod si Yuki. “Tapos na ang laban no’ng dumating ako. Anyway, I’m famished. Let’s go and eat somewhere nice. My treat, of course.” Nilingon uli siya nito. “Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko.”

“Ah, right,” pagsang-ayon naman niya. “Gusto kong kumain sa cafeteria ngayon.”

Biglang napatingin sa kanya ang mga kaibigan. Lahat, speechless.

“Are you sure?” paniniguro naman ni Koji na unang nakabawi sa pagkagulat. “Ang sabi mo before, hinding-hindi ka na uli tatapak sa cafeteria.”

“Binabawi ko na `yon ngayon,” sagot niya sa determinadong boses. “Gusto kong ma-experience na kumain sa loob ng cafeteria.” Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa mga kaibigan. “Who’s in? Don’t worry, wala namang pilitan `to.”

“I’m in,” mabilis na sagot ni Roarke. “Hindi pa ko nakakakain sa cafeteria, eh.”

“Then I’m going, too,” mabilis na sagot ni Yuki, titig na titig sa prinsipe habang may dreamy look. Ohh. “Gusto ko na rin namang ipakita sa bullies ko na hindi nila ko naaapektuhan.”

“Nice,” komento naman ni Roarke na tinapik uli si Yuki sa balikat dahilan para mamula ang buong mukha ni Yuki. “That’s a good mindset.”

Tumingin naman si Cassy kay Koji. Napansin niyang binigyan nito ng nagtatakang tingin si Yuki bago nito binalingan si Blossom na nakatayo sa tabi nito. Matagal na niya `tong alam pero ngayon niya lalong napatunayang mahalaga talaga kay Koji si Blossom.

Hindi naman siya nasasaktan pero nalulungkot siya sa mga ganitong reminder.

“Blossom, gusto mo bang sa cafeteria kumain?” tanong ni Koji dito. “O gusto mong tumuloy tayo sa fast food chain?”

“Will you be fine at the cafeteria?” nag-aalalang tanong naman ni Blossom sa binata.

Tumango si Koji. “Kahit saan mo gusto, okay lang sa’kin.”

Mag-iiwas na sana si Cassy ng tingin pero nagulat siya nang biglang literal na nagdilim ang paningin niya. Namalayan na lang niyang si Roarke ang nagtakip ng mga mata niya nang maamoy niya ang mabango nitong men’s perfume na hindi masakit sa ilong. Pagkatapos ay inakay na siya nito palayo sa mga kaibigan nila. Magsasalita sana siya pero naunahan siya nito.

“Let’s go,” deklara ni Roarke. “Baka matapos na ang lunch break sa tagal niyong mag-decide, eh.”

Inalis ni Cassy ang kamay ng prinsipe sa mga mata niya, saka siya tumingala para bigyan ito ng nagbabantang tingin. “Ano bang problema mo?”

Nagpaka-pokerfaced lang ito pero binitawan din siya. “`Ayan na `yong cafeteria, o.”

Nakagat niya ang ibabang labi nang makitang malapit na nga sila sa cafeteria. Pero tinatagan niya ang loob niya. Ramdam niyang nakasunod sa kanila ang mga kaibigan nila kaya hindi puwedeng ngayon pa siya maduwag. Kailangang malaman ng lahat na hindi na siya Errand Girl.

Hinawakan ni Roarke ang knob ng glass door na gaya ng mga pinto sa mga fast food chain. Then, he fixed her a hard stare. “You ready, Cassy?”

Humugot siya ng malalim na hininga, saka siya tumango. “I’m ready.”

Tinulak-pabukas ng prinsipe ang pinto at sumenyas na mauna na siyang pumasok.

Cassy entered the cafeteria with confidence, then she took everything in with her eyes.

Bukod sa malamig na hanging binubuga ng aircon, napansin din agad niya ang pagkagulat ng mga VVIP at VIP nang makita siyang pumasok, kasunod ang prinsipe at ang mga kaibigan nila. Mula sa mga estudyanteng okupado ang wooden chairs and tables hanggang do’n sa mga nagkakape sa isang side ng cafeteria na may mga couch at lovechair na gaya ng sa mga coffee shop, nakatingin sa kanila.

Pero nag-focus siya sa pang-restaurant na buffet na nakalatag sa pinakasentro ng cafeteria. Nasa pintuan pa lang siya pero maaamoy na niya ang masasarap na pagkaing nakahain.

Ah, ito ang mga na-miss ko dahil sa kaduwagan ko.

Nilingon ni Cassy ang mga kaibigan. Lahat ng mga ito, nakatingin sa kanya na para bang hinihintay ang magiging desisyon niya. Ngumiti siya sa squad niya. “Lamon na!”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.