Chapter ROYAL SECRET CHAPTER 13

TINAPAT ni Blossom ang camera ng phone niya sa hilera ng boungainvillea trees sa roadside ng Polaris Boulevard. Napangiti siya nang marinig ang impit na pagtili ni Nikita na kausap niya via video chat. Hinarap niya uli ang camera sa mukha niya para makita ang best friend niya na halatang patulog pa lang dahil nakasuot ito ng pink lingerie. “Na-miss mo ang mga puno dito sa Polaris, `no?”

“Yes,” sagot ni Nikita, naka-pout pa. “Just a few more days and I’ll be coming home na. Anyway, I’ve read your message yesterday. So what happened when the squad had lunch at the cafeteria?”

“The other students were quiet,” sagot niya habang iiling-iling. “Kahit no’ng nasa dorm na kami, wala namang strange na ginawa sina Brenda. No’ng naka-chat ko si Yuki, tahimik din daw sa Borealis. But I still feel uneasy. Wala sa character ng clique ni Chase ang tumahimik after ng nangyari.”

“Well, maybe they’re afraid of Prince Roarke,” positive na sabi naman ng best friend niya. “Kasi `di ba nga nand’yan ang prince to establish a partnership between Polaris and Magnolia? Siguro ayaw lang nilang gumawa ng reason para hindi matuloy ang partnership na `yon.”

Natawa naman siya. “Nikita, you are the Polaris’ princess. Your father owns the academy so kung may mag-wo-worry man because of that partnership, it should be you.” Kumunot ang noo niya nang may maalala. “Wait. Matagal nang dini-discuss ng Polaris at Magnolia ang partnership nila, ha? For sure, mas involved naman ang daddy mo do’n na board director ng school kesa kay Principal Veneracion. Hindi ba na-mention sa’yo ni Uncle Nick ang pag-enroll ng prinsipe dito?”

“Nope, never,” sagot nito. “Plus, you know I don’t talk to my dad that much since he filed an annulment with my mom. I think he was hurt when I moved out of our house to choose Mom over him.”

Tumango-tango na lang siya. Nitong nakaraang summer lang naghiwalay ang mga magulang ni Nikita kaya nga nagpunta ito sa Paris kasama ang mommy nitong si Aunt Tanya para mag-“unwind.” Pero ang sabi naman ng best friend niya, two years na raw cold ang marriage ng parents nito kaya hindi na raw ito nagulat sa hiwalayan ng mommy at daddy nito. “How are you and Aunt Tanya, Nikita?”

“Mom and I are doing good so don’t worry about us,” mabilis at cheerful na sagot nito. “`Di ba nga I already told you na I was expecting their annulment a long time ago pa? Even Mom. We’ve been both prepared for this so we’re coping up just fine. And Paris is a wonderful city– it helps.”

Napangiti at na-relieve siya dahil mukhang nagsasabi naman ng totoo ang best friend niya. Na-guilty siya na hanggang sa mga phone at video call lang niya ito na-ko-comfort noon dahil nasa magkaibang bansa sila no’ng bakasyon kung kailan nangyari ang hiwalayan ng mga magulang nito. Pero pinapatunayan sa kanya ng kaibigan niya na malakas na tao ito. “I’m proud of you, Nikita.”

Natawa ng mahina si Nikita pero halata namang natuwa ito sa sinabi niya. “You see how amazing of a person I am?” playful na tanong nito. “You should introduce me to your brother when I get home.”

“No, he’s not a good guy. Kaya nga ang sabi ko sa’yo, itigil mo na `yang petty crush mo sa kakambal ko,” nakasimangot na sabi ni Blossom na lalo namang ikinatawa ng best friend niya. “I’m hanging up na. I’m going to have lunch with Koji. Talk to you later, Nikita.”

Isang matunog na flying kiss lang ang isinagot sa kanya ng best friend niya.

Pagkatapos makipag-usap ni Blossom kay Nikita, lumapit sa kanya si Xia na bitbit ang tote bag na naglalaman ng lunch nila ni Koji. Kanina kasi, nagluto si Cassy ng kahalating supot ng mga fishball, squidball, kikiam, at tukneneng na nakuha raw nito sa fridge ng mga magulang nito no’ng umuwi ito no’ng nakaraang weekend. Gumawa rin ito sauce at suka na sawsawan na alam niyang masarap dahil natikman na niya `yon noon. Alam niyang gusto rin ni Koji ang mga `yon kaya nanghingi siya sa dalaga na generous share ang ibinigay sa kanya.

Dumeretso na siya sa classroom nila Koji. Alam naman niyang hinihintay siya nito dahil tinext niya ito kanina at sinabi niyang magdadala siya ng lunch. Pero pagdating niya sa klase nito, siya ang nagulat nang makitang tinatapik-tapik ni Tray Acosta ng workbook ang ulo ni Koji na nakaupo lang pero nagtatagis ang mga bagang sa inis habang nakakuyom ang mga kamay sa mesa. Samantalang si Vonn Chua naman, tinataktak ang laman ng backpack ni Koji sa sahig.

Marami-rami pa ring estudyante sa loob na halatang walang pakialam sa ginagawa kay Koji dahil tuloy lang ang kuwentuhan at tawanan ng mga ito. The sight was disgusting.

Sa pagka-shock niya, hindi agad siya nakapag-react at para lang siyang na-estatwa sa tabi ng doorframe ng classroom.

“We’ve been classmates since junior high, Takishima,” sabi ni Tray na wala pa ring tigil sa pagpukpok ng workbook sa ulo ni Koji. “Bakit ba hanggang ngayon, hindi mo pa rin kami pinapakopya ng homework mo, ha?”

Nakagat ni Blossom ang lower lip. How dare this dumb jerk treat Koji like this!

“We technically pay for your tuition fee since our parents donate a fortune at PSA,” dagdag naman ni Vonn na binitawan na ang backpack ni Koji sa sahig. Pagkatapos, nakapamulsang humarap ang demonyito kay Koji. “Ano naman `yong gawin mo `yong mga homework at project namin, `di ba?”

Ikinuyom ni Blossom ang mga kamay at pinigilan ang sarili niyang makialam dahil ayaw naman niyang magmukhang damsel-in-distress si Koji kapag ‘niligtas’ niya ito sa mga bully. Fight back, Koji.

Pero bumuga lang ng hangin si Koji, saka nito tinapik ang kamay ni Tray dahilan para tumigil ito sa pagpukpok sa ulo nito ng workbook. Pagkatapos ay tumayo ang binata at walang imik na pinulot ang mga gamit at libro nito sa sahig. Pero si Vonn, biglang inapakan ang kamay ni Koji!

Halata sa mukha ni Koji na nasasaktan ito pero pinagdikit lang nito ang mga labi na para bang wala itong plano na lumaban.

“Don’t get all high and mighty on us, Takishima,” angil ni Vonn habang halatang dinidiinan ang pag-apak sa kamay ni Koji. “You’re just a dethroned prince now.”

Hindi na nakatiis si Blossom na manood lang at hayaang sinasaktan ng mga bully si Koji kaya pumasok na siya sa classroom. Napansin niyang natahimik ang klase at napatingin sa kanya. Halatang curious ang mga estudyante sa mangyayari na para bang eksena `yon sa isang movie.

Dumeretso siya kay Vonn at itinulak ito para tigilan na nito ang pag-apak sa kamay ni Koji. Halatang nagulat ang Chinito at para ngang gagantihan pa siya pero nang makilala siya nito, bigla itong natigilan at halatang nagpigil.

“Stay out of this Blossom,” banta agad ni Tray. “Wala kaming pakialam kahit kapatid ka ni Chase.”

“Wala rin akong pakialam kahit kaibigan kayo ni Chase,” malamig na sagot naman ni Blossom habang nagpapalipat-lipat ng tingin kina Tray at Vonn. “Don’t you dare touch Koji again.”

Tumayo naman si Koji habang sinusukbit ang backpack sa balikat nito, saka ito kunot-noong tumingin pababa sa kanya, halatang sinasaway siya. Hinawakan siya nito sa braso na para bang may plano itong hilahin siya palabas ng classroom pero hindi siya pumayag. Nilagpasan niya lang ang lalaki para muling harapin sina Tray at Vonn na nasa kanya na ang atensiyon ngayon.

Humalukipkip si Blossom at tinaasan ng kilay ang dalawang bully, pero si Vonn muna ang tinitigan niya. “You technically pay for Koji’s tuition fee because of your parents’ donation? Kaya ba iniisip mo na puwede mo nang utus-utusan si Koji?” Tumaas ang sulok ng mga labi niya. She was usually warm and sweet but the Elestian blood also ran in her veins which meant she could be cold and cruel when she wanted to be. “But your family owes the Serranillas a fortune.”

Biglang namutla si Vonn.

Ngumisi naman siya. “Right. My family lent you a huge amount of money to save your hospital from going bankrupt. As far as I know, hindi pa kayo bayad sa pamilya namin. Does it mean I can treat you like how you treat Koji since you owe my family a huge debt?”

Namula naman ang mukha ni Vonn, halatang napahiya.

“You’re just an adopted Serranilla, Blossom,” angil naman ni Tray, halatang pinagtatanggol ang kaibigan kaya siya naman siguro ang plano nitong ipahiya dahil iniisip nitong ‘ampon’ lang siya ng mga Serranilla. “Who knows kung saang family ka nanggaling? For all we know, baka anak ka lang ng katulong ng mga Serranilla kaya wala kang karapatang magmalaki sa’min.”

“Tray Acosta,” mariing banta naman ni Koji sa lalaki. “Stop.”

“Why would I?” nakangising sagot naman ni Tray, nakahalukipkip pa habang binibigyan siya ng tinging puno ng disgusto. “Totoo naman, ha? Puwede ring anak ka lang sa labas ng daddy ni Chase. Maybe your biological mother is just a whore na nagpabuntis sa isang Serranilla.”

Koji growled at the back of his throat. Pagkatapos ay pasugod itong naglakad papunta kay Tray na para bang may plano itong suntukin ang lalaki. Nakakatuwa at nakakapagtaka na hindi ito lumaban kanina no’ng ito ang inaapi. Pero ngayong siya ang iniinsulto ng mga bully, ang bilis nitong napikon.

Hinawakan ni Blossom ang kamay ni Koji para pigilan ito sa pagsugod. Tumingin ang lalaki sa kanya pero nanatili siyang nakatingin kay Tray. Hindi naman siya nainsulto sa mga sinabi nito dahil matagal na niyang alam na ang ‘tsismis’ sa pagkatao niya ay baka raw anak siya sa labas ng daddy ni Chase kaya siya ‘inampon’ ng mga Serranilla. Hihintayin na lang niya kung ano ang magiging reaksyon ng bully na `to kapag nalaman nitong isa siyang prinsesa. “So what?”

Kumunot ang noo ni Tray, halatang nagulat sa reaksyon niya. “What?”

“What if I’m just adopted?” paglilinaw niya sa tanong niya. “The fact that I carry the Serranilla name doesn’t change. My family I belong to is still more superior than yours, Tray Acosta.” Binigyan niya ng pekeng matamis na ngiti ang lalaki. “Naka-attend ka na ba ng tea party ng mga mommy natin?” Nang hindi sumagot si Tray, nagpatuloy lang siya. “What a waste. Nakita mo sana kung ga’no kasipsip ang mommy mo sa mommy at Tita Margarette ko. Your mother tails my mom and aunt like a dog.”

“You bitch!” galit na sigaw ni Tray, saka sumugod sa kanya.

Humarang si Koji sa harap niya, halatang sasanggain ang pag-atake ni Tray.

Pero hindi na kailangan dahil sumulpot na si Xia sa likuran ng lalaki. Mabilis na hinawakan ng babae ang kamay ng binata na nasa ere dahil sa akmang pagsuntok, saka nito pinalipit ang brasong `yon sa likod ng schoolmate niya. The jerk screamed in pain.

“Don’t you dare bully Koji and his friends again,” banta ni Blossom habang nagpapalipat-lipat ng tingin kina Tray at Vonn na pareho nang hindi makasagot sa kanya. Nawala na rin ang yabang sa mukha ng mga ito. “They are under my wing so if you touch any of them, you’ll have to go against me.” Pinasadahan niya ng tingin ang iba pang estudyante sa classroom. “That goes for everyone. Ayaw niyo naman sigurong magka-conflict ang family niyo sa mga Serranilla, `di ba?”

Walang nakasagot sa kanya.

“Blossom, that’s enough,” pabulong na saway naman sa kanya ni Koji, saka nito hinawakan ang kamay niya at hinila siya palabas ng classroom.

Parang natauhan naman si Blossom nang makasagap na siya ng ‘fresh air’ hindi gaya no’ng nasa loob siya ng classroom. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya kanina. Nawala kasi siya sa sarili nang makita kung paano ma-bully si Koji. Alam naman niyang parati itong inaasar nila Chase pero hindi niya in-expect na umaabot na `yon sa pisikal na pananakit.

Sana pala, matagal na niyang ginamit ang pangalang Serranilla para protektahan si Koji at ang mga kaibigan nila. Ayaw niyang makialam noon dahil ayaw niya ng atensiyon. As a princess-in-hiding, she had to blend well with the crowd so she avoided conflict with children from other rich families.

Natigilan lang siya sa pag-iisip nang dumating sila ni Koji sa ‘safe zone’ niya– ang old music room.

“Why did you do that, Blossom?” nakasimangot na sita sa kanya ni Koji nang bitawan siya nito para isara ang pinto. “`Di ba sinabi ko naman na sa’yo na `wag kang makikialam sa mga away ko?”

“You call that a fight?” frustrated na tanong naman ni Blossom, saka siya umupo sa teacher’s desk at humalukipkip. “Ni hindi ka nga sumagot, eh.”

Tumayo ang binata sa harap niya. Nakapatong ang isang kamay nito sa baywang habang nagkakamot ng kilay. She knew what that stance meant– he was pissed. “Hindi ako sumasagot kasi hindi sila worth it patulan.”

“Pero hindi sila titigil kapag hindi ka lumaban.”

“Kaya ginawa mo sa kanila `yong ginagawa nila sa’kin?”

Natigilan si Blossom. Hindi niya napansin na `yon nga ang ginawa niya kanina. Inaapi ng mga bully si Koji dahil sa family background nito. Pero kanina, minaliit din niya sina Tray at Vonn dahil sa pamilya ng mga ito. “I… I just made them taste their own medicine.”

“Nagpakain ka sa bulok ng sistema ng Polaris Academy,” paghihinanakit sa kanya ni Koji. “Alam mo na gumawa sila Chase ng caste system dito. Sa pagpapakita mo ng power at influence ng mga Serranilla kanina, para mo na ring in-announce sa lahat na sinusuportahan mo ang sistema na `yon.”

“I did it for you, Koji.”

“Exactly why I feel bad right now,” deklara nito. “Alam mo ba kung bakit hindi ko sila pinapatulan kahit anong pang-iinsulto o pananakit ang ginagawa nila sa’kin?” Nang hindi siya sumagot, nagpatuloy ito. “Kasi ayokong mag-alala ka. Ayokong makialam ka kasi alam kong gagamitin mo ang pagiging Serranilla mo para i-threaten ang mga nam-bu-bully sa’kin. `Yon nga ang ginawa mo kanina. Para ka na ring walang pinagkaiba sa kanila.”

“You’re disappointed?”

Hindi sumagot si Koji pero nag-iwas ito ng tingin habang nagtatagis ang mga bagang, halatang kinakalma ang sarili. Ah, hindi nga nito nagustuhan ang ginawa niya kanina.

Napayuko naman si Blossom. Gusto lang naman niyang ipagtanggol si Koji sa paraang alam niya. Pero obviously, hindi ito masaya sa ginawa niya. “I’m sorry I’m not Cassy.”

“Bakit naman napasok si Cassy sa usapan?”

Nag-angat siya ng tingin dito. Nakatingin na pala uli sa kanya ang binata pero nakakunot naman ang noo na parang naguguluhan sa mga sinabi niya. “Ayoko sanang i-acknowledge `to kasi friend ko si Cassy at ayoko siyang pagselosan. But the truth is I’ve always felt that you’re more comfortable with her. I can see you relax whenever you’re talking to her. Dahil ba pareho kayo ng sitwasyon?”

“Blosso–”

“Siguro mas comfortable ka sa kanya kasi alam mong naiintindihan ka niya,” pagputol niya sa kung anumang sasabihin nito. “Iniisip mo siguro na hindi kita maiintindihan kasi hindi naman na-e-experience ng mga sheltered kid like me ang na-e-experience niyo.” Bumuga siya ng hangin nang ma-frustrate siya. “You know what your problem is? You think I’m different from you because of our social statuses. You’re intimidated with my standing whether you admit it or not. But I know you really care for me. I also know that you like me too. But because you’re too afraid to take responsibility, we’re stuck in the middle. I don’t want this kind of relationship anymore so let’s decide now, Koji.”

Kumunot ang noo ni Koji, halatang nagtataka. “What do you mean by that, Blossom?”

“Are you going to date me or not?” deretsang tanong ni Blossom. “If not, then let’s just end this.”

“ANG TAWAG d’yan, fishball,” sabi ni Cassy kay Roarke na titig na titig sa mga nakahain na pagkain sa mesa. Isa-isa niyang tinuro ang iba pang pang-street food na nasa magkakahiwalay na Tupperware. “`Yon naman, squidball. Kikiam. At tukneneng.”

Ngayong lunch break, dinala niya ang prinsipe sa Botanical Park at in-occupy nila ang isa sa mga picnic table para kainin ang packed lunch na dala niya. Ang sabi kasi ni Blossom ay mag-de-date daw ito at si Koji. Si Yuki naman, masama raw ang pakiramdam kaya sa clinic daw muna magpapahinga. Kaya sila lang ng prinsipe ang magkasama ng mga sandaling `yon.

Tumango-tango naman si Roarke habang nakatingin sa hilera ng mga Tupperware sa harap nito. “Ah. Ito ang lunch natin?”

Tumango siya. “Oo. Naisip ko kasi na sanay ka na sa mga pagkain sa cafeteria kaya pinagluto kita ng mga pagkaing sure ako na hindi mo pa natitikman. Gumawa rin ako ng sauce at suka na sawsawan. Gusto mo i-try?”

“Oo. Pero nakalimutan mong magdala ng mga utensil. Should I ask my Knight to get them for us?”

Umiling siya. “Hindi natin kailangan ng plato or spoon and fork sa pagkain niyan.” Nang kumunot ang noo ng prinsipe, inabot niya rito ang isang plastic cup at barbecue stick. “Hawakan mo muna `yan, `tapos panuorin mo ang gagawin ko.” Tumusok siya ng ilang piraso ng fishball, squid ball, kikiam, at tukneneng na inilagay niya sa plastic cup. Saka niya nilagyan ng matamis na sauce at suka. Pagkatapos, tumusok siya ng tatlong piraso ng fishball at sabay-sabay sinubo ang mga `yon. Napaungol siya sa sarap at hinampas pa ang kamay sa mesa. “Ang sarap!” sabi niya nang malunok na niya ang kinakain. “Try mo, Roarke.”

“Okay,” sagot ng prinsipe, may excitement sa boses. Ginaya nito ang mga ginawa niya kanina, pagkatapos ay medyo nanlaki ang mga mata nito na parang nagulat. “Tama ka, Cassy. Masarap nga. Lalo na `yong sweet sauce na gawa mo.”

“Salamat, Mahal na Prinsipe.” Yumukod pa siya rito gaya ng nakikita niyang ginagawa ng Knight nito. “Anyway, next time, dadalhin kita sa totoong kainan ng street food.”

Kumunot ang noo nito. “Hindi ba `to ang tamang way ng pagkain ng fishball?”

Umiling siya. “Mas masarap ang fishball kapag sa mismong kawali mo tinutusok. `Yong tipong mapapaso pa ang kamay mo o kaya eh matatalsikan ka ng mantika. Exciting.”

“That sounds dangerous.”

Tinawanan niya lang `yon. Pero may na-realize siya kaya binigyan niya ng nagbabantang tingin ang prinsipe. “Nag-English ka na naman. Hindi porke hindi na kita sinisingil ng beinte d’yan eh puwede ka nang mag-straight English. Ibang parusa na ang ibibigay ko sa’yo.”

“At ano naman `yon?”

Tumayo si Cassy at dumukwang sa mesa hanggang sa magka-eye level na sila ni Roarke na halatang nabigla dahil nanlaki ang mga mata nito, pagkatapos ay napaliyad pa ito palayo sa kanya. Ngumisi naman siya, sabay pitik sa noo nito ng dalawang beses dahil naalala niyang dalawang beses itong nag-straight English kanina.

“Aray!” reklamo ng prinsipe habang hinihimas-himas ang nasaktang noo at binibigyan siya ng matalim na tingin. “Para saan `yon?”

Bumalik muna siya sa pagkakaupo bago siya sumagot. “`Yon na ang magiging parusa mo sa tuwing magsasalita ka ng straight English. Kaya kung ako sa’yo, seseryosohin ko na talaga ang pagsasalita ng Filipino.” Umarte siya na pipitik sa ere. Naging defensive naman agad ang prinsipe na mabilis pinagkrus ang mga braso na parang pinoprotektahan ang sarili. “Malakas akong pumitik.”

“Alam ko,” angil nito na ikinatawa niya. “Reformed gangster ka nga talaga.”

Tinawanan niya lang `yon kasi alam naman niyang hindi siya iniinsulto ng prinsipe. Isa pa, napansin niyang namumula ang gitna ng noo nito dahil sa pagpitik niya. Ang sensitive ng balat ng Kamahalan. “Binawasan ko pa ng 50% ang lakas ko niyan `no.”

Sumimangot lang ito. “Anyway, may isang phrase pala ako na parating nababasa kapag chine-check ko ang comment section ng mga online article na sinusulat tungkol sa’kin. Sinubukan kong i-Google pero mukhang slang siya kaya walang lumabas na matinong result. Hindi ko naman matanong ang mommy ko o `yong ibang kaklase ko kasi baka mamaya, masama pala ang meaning.”

“Wait. Binabasa mo ang mga comment tungkol sa’yo?”

“Oo. Bakit?”

“Narcissist.”

“May image ako na kailangang protektahan `no,” katwiran nito, masyadong defensive. “Hindi puwedeng masira ang Elestia dahil lang sa’kin. Prince duty din `yon, okay?”

“Whatever. Ano nga pala `yong line na nababasa mo parati?”

“‘Anakan mo ko,’” sagot ni Roarke. “Anong meaning no’n?”

Hindi napigilan ni Cassy ang matawa ng malakas. As in napaliyad pa siya at napahawak sa tiyan habang tawa ng tawa. Nangilid pa nga ang mga luha niya sa kakatawa.

‘Anakan mo ko?’ Filipino nga naman. Mabuhay kayo!

“Bakit?” halatang curious na tanong naman ni Roarke. “Masama ba ang meaning no’n?”

Umiling-iling lang siya hanggang sa kumalma na siya. “Ang literal na meaning no’n, gusto nilang mabuntis mo sila or magkaro’n ng baby sa’yo.” Or they simply want to have sex with you but I don’t want you to think that Filipinas are perverts so I’m sparing you this piece of info.

Nanlaki ang mga mata ng prinsipe, kasabay ng pamumula ng mukha nito. Halatang may sasabihin ito pero wala namang lumabas na salita sa bibig nito. Laglag ang panga nito sa shock siguro.

“Pero expression lang naman `yon kaya `wag nating iliteral,” mabilis na bawi niya para protektahan naman ang dangal ng mga Filipina sa ibang lahi. “Ang meaning no’n, sobrang guwapo at sexy mo kaya sumasabog ang ovaries nila.”

Mas lalo yatang na-shock ang prinsipe sa gulat. “Sumasabog ang ovaries nila?”

“Again, expression lang `yon,” mabilis na paliwanag niya. “Meaning, kinikilig sila. Alam mo ba ang meaning ng kinikilig?”

“Naririnig ko `yon kay Blossom kapag mine-mention niya si Koji,” nakangiwing sagot nito. “Medyo gets ko naman ang meaning no’n.”

Napangiti siya habang iiling-iling. “Gusto talaga ni Blossom si Koji `no?”

“Nasasaktan ka ba?”

Umiling siya. “Siguro no’ng una, oo. Pero sabi ko nga sa’yo no’ng nakaraan, matagal ko nang tanggap na gusto nila ang isa’t isa. Saka friend ko si Blossom kaya no’ng na-realize kong crush ko si Koji, pinigilan ko agad. Thankfully, hanggang admiration lang naman talaga ang nararamdaman ko for him kaya hindi naman naging malalim ang feelings ko. I’m genuinely happy for them.”

Nangalumbaba ang prinsipe at tinitigan siya na parang pinag-aaralan ang mukha niya. “Pa’no kung naging deep ang feelings mo for Koji Takishima? Lalaban ka ba kay Blossom?”

“Hindi pa rin,” natatawang sagot niya. “Ano bang laban ko kay Blossom? Hindi naman sa minamaliit ko ang sarili ko. Alam ko lang na lamang talaga siya sa’kin. Ang diyosa kaya ni Blossom. Talented pa. Narinig mo na ba siyang kumanta at tumugtog ng gitara? Mas lalo siyang gumaganda.”

“Tu es belle, mademoiselle.”

Nabigla si Cassy sa pagsasalita ni Roarke ng French habang nakangiti. Hindi niya naintindihan kung ano ang sinasabi nito. Pero biglang nag-init ang mga pisngi niya nang na-realize niya kung ga’no ka-sexy ang boses ng prinsipe kapag gamit ang first language nito.

And then she noticed that his golden hair and green eyes looked extra gorgeous today. Was it because his lazy but sexy smile? Or perhaps it was because of his intense gaze?

“Anong meaning no’ng sinabi mo?” tanong niya at para hindi naman mahalata ng prinsipe na parang bigla itong lumiwanag sa paningin niya, nagbiro pa siya. “Minura mo ba ko?”

Si Roarke naman ang natawa ng mahina habang iiling-iling. “Kumain na lang tayo, Cassy.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.