Chapter ROYAL ENGAGEMENT CHAPTER 9

“PRINCE Brooklyn is definitely a pyscho.”

Tumango si Blossom bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Nikita na nakaupo sa silya na nilagay nito sa harap ng mesa niya para makapag-usap sila ng face-to-face. “Psycho talaga siya para i-broadcast na nandito sa Polaris Academy ang prinsesa. At talagang nag-name drop pa siya.” Pasimple siyang lumingon sa mga kaklase nila na nahuli niyang nakatingin sa kanya pero mabilis ding nag-iwas ng tingin ang mga ito. Hinarap niya uli ang best friend niya. “See? I’m the center of attention now. I don’t like this at all.”

Nangalumbaba ang kaibigan niya at bumungisngis. “Our schoolmates probably regret spreading that stupid rumor about you being Mr. Martin Serranilla’s bastard child…” Unti-unti itong natigilan at marahang tinapik-tapik ang bibig. “Wait. Mag-Fi-Filipino na nga pala ako kapag nagsasalita kasi shina-sharpen ni Prince Roarke ang pagsasalita niya ng Filipino. Kailangan maging helpful ako sa kanya.”

Natawa siya ng mahina habang iiling-iling dahil halatang hirap mag-Filipino si Nikita kahit sa Pilipinas naman ito pinanganak at lumaki. Pero may lahing Chinese ang best friend niya kaya fluent din ito sa Mandarin. “Na-meet mo na si Prince Roarke at nakita mo na rin kung ga’no siya ka-cold pero gusto mo pa rin siya?”

Naalala niya na no’ng gabing nag-dinner sila, parang robot ang kakambal niya habang kumakain. Hiwa ng steak, subo at nguya at lunok, pagkatapos ay inom ng red wine– halatang ayaw kausapin si Nikita. Naiintindihan naman niya si Roarke. Ano ba ang in-e-expect niyang isasagot ng kapatid niya sa paulit-ulit na marriage proposal dito ng best friend niya? Mas okay nang tahimik ito kesa naman nagsalita pa ito ng masakit sa (makulit na) kaibigan niya.

“Childhood friend ko ang maikasal sa isang real life prince,” parang dreamy pa na sagot ng best friend niya. “Totoong prince si Roarke kaya I believe na siya ang lalaking meant for me.” Saglit itong huminto bago siya binigyan ng nagtatakang tingin. “Talaga bang nag-de-date sila ni Cassy, our roommate? `Yon kasi ang naabutan kong rumor pagbalik ko ng Polaris Academy.”

Nakagat niya ang ibabang labi. Mabuti na lang at hindi sa dorm natulog si Cassy kagabi dahil nagdesisyon si Roarke na pauwiin muna si Cassy sa bahay nito para mailayo kay Brooklyn pagkatapos ng mga nangyari kahapon. Kung nagkataon, baka si Cassy ang deretsong tinanong ni Nikita tungkol sa relasyon ng kaibigan nila sa kakambal niya. “Hindi ko alam ang real score nila, Nikita. Actually, recently ko lang din napansin na close na pala sila.”

Sobrang close, sa totoo lang.

“Oh, well,” nonchalant na komento nito. “Hindi naman important kung nag-de-date sila ngayon. I’m sure naman na hindi papayag si Tita Margarette na magkatuluyan sila since hindi pasado sa standards niya si Cassy kaya confident ako na in the end, ako pa rin ang magiging bride ni Prince Roarke.”

Napangiwi siya. Minsan talaga, nagiging cold at insensitive ang best friend niya. Pero mahal pa rin niya ito dahil lahat naman ng tao, may kanya-kanyang flaw at weakness.

“Enough about me,” mayamaya ay sabi ni Nikita, pagkatapos ay dumukwang ito at pabulong na nang muling nagsalita. “Anong gagawin mo kay Brooklyn?”

Nagkibit-balikat siya. “Ang sabi ni Prince Roarke, mag-ingat daw ako kay Prince Brooklyn pero naisip ko na lalo lang mag-da-doubt si Prince Brooklyn kung iiwasan ko siya. So nag-decide ako na hayaan siyang lumapit sa’kin kung `yon ang gusto niya. I’ll find out on my own kung bakit niya hinahanap si ‘Princess Cassiopeia. I’ll play spy.” Napangiti siya. “Exciting, `di ba?”

“Besh, real talk. Dini-distract mo lang ang sarili mo kasi gusto mong kalimutan ang breakup niyo ni Koji Takishima.”

Sumimangot siya kasi masakit ang katotohanan. “Ano bang breakup ang sinasabi mo d’yan? Hindi naman naging kami officially.”

“Gano’n pa rin `yon, right?”

Bumuntong-hininga na lang siya at tumayo na habang binibitbit ang guitar case niya. “Nikita, ikaw na lang muna ang sumabay ng lunch kina Prince Roarke. Magsusulat lang muna ako ng song. Bigla akong na-inspire dahil sa pag-remind mo sa’kin ng heartbreak ko.”

Tinawanan lang `yon ni Nikita. “Gagawan kita ng magandang excuse kung bakit hindi ka makakasabay ng lunch sa’min para hindi naman isipin ni Koji na masyado kang affected sa breakup niyo.” Tinuro pa nito ang sarili. “Best friend duty.”

“Thankies, beshie,” nangingiti habang iiling-iling na sabi niya, saka siya umalis.

Hindi siya nagpunta sa music room kung saan sila madalas mag-hang out ni Koji noon dahil ayaw niyang maalala ang binata. Hindi naman porke naiintindihan niya ang desisyon nito ay hindi na siya nasasaktan. Hanggang ngayon nga, malungkot pa rin siya sa ‘breakup’ nila.

Nagpunta na lang siya sa Botanical Park. May pavilion do’n na natatabunan ng yellow bell vines ang bubungan. May bench sa loob niyon at pabilog na mesa sa harap. Umupo siya sa bench at nilabas ang gitara niya mula sa case na maingat naman niyang nilapag sa sahig at sinandal sa dingding.

Kinandong niya ang gitara, saka niya kinalabit ang strings hanggang sa na-produce niyon ang malungkot na melody ng self-composed song niya. Pero hindi niya makanta ang lyrics dahil pakiramdam niya, may nakabara sa lalamunan niya. Maiiyak na naman yata siya.

At ayun na nga, pumatak ang mga luha niya sa gitara niya.

“Just give me a name and I’ll kill the person who made you cry.”

Natigilan si Blossom sa pagkalabit sa strings ng gitara niya kasabay ng pag-angat niya ng tingin sa nagsalita. Sumalubong sa kanya si Brooklyn na nakasandal sa isa sa mga poste ng pavilion habang nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa kanya. Napansin din niya na tinanggal nito ang vest na parte ng uniform nila kaya ang button-down shirt na lang nito ang suot nito.

The first three buttons of his shirt was undone so he looked like a model instead of a student. With his sand-colored hair and blue eyes and good built, it wasn’t hard to mistake him for one.

“Not literally only because I don’t want you to hate me,” nakangising bawi naman ng prinsipe sa sinabi nito kanina. “But I’ll make sure that person will regret hurting you.”

Sinimangutan niya lang ito, saka niya maingat na binaba ang gitara niya. Pagkatapos, kinuha niya mula sa bulsa ng skirt niya ang panyo niya at marahang pinunasan ang basa niyang mga pisngi. “Pa’no mo nalamang nandito ako?” tanong niya sa French dahil ayaw niyang may ibang makaintindi sa pinag-uusapan nila kung sakali mang may nakikinig. Gusto niyang maging comfortable si Brooklyn sa pagsasalita para makuha niya ang mga information na kailangan niya dito. “Pumapasok ka ba sa klase mo o nandito ka lang sa Polaris Academy para mang-asar?”

“Nandito ako para hanapin ang prinsesa,” sagot nito sa French, saka ito naglakad palapit sa kanya at walang permiso na umupo sa tabi niya. “To answer your first question, I followed you here.” Nag-French uli ito nang nagpatuloy. “`Di ba sinabi ko namang susunduin kita ng lunch time? Nakita kitang lumabas ng classroom mo. Tinawag kita pero hindi mo ko napansin since mukhang ang lalim ng iniisip mo. Kaya sinundan na lang kita.”

Buti na lang at nag-iwan naman ito ng space sa pagitan nila dahil kung hindi, tatawagin talaga niya si Xia. Sinabihan niya ang Knight niya na huwag masyadong bumuntot sa kanya sa academy dahil ayaw niyang makahalata si Brooklyn na masyado siyang protektado. Saka sigurado siyang hindi siya sasaktan ng prinsipe kahit alam niyang may tendency itong maging violent.

`Yong Brooklyn na naaalala niya no’ng bata pa siya, hindi naman ganito ang ugali. Hindi rin niya alam kung bakit ang laki na ng ipinagbago nito ngayon. He used to be a sweet child, really.

Nilingon niya ang prinsipe na napansin niyang titig na titig sa mukha niya. Naiilang siya, pero hinayaan na lang niya basta hindi siya nito hahawakan o didikitan. “Bakit hinahanap mo ang prinsesa?”

Ngumisi ito. “Kung aaminin mong ikaw ang prinsesa, sasagutin ko ang tanong mong `yan.”

“Hindi ako ang prinsesa,” pagsisinungalingan niya. “Ngayon, titigilan mo na ba ko?”

Mabilis itong umiling. “Hindi. Hindi ko alam kung kaya pa kitang iwasan kahit gustuhin ko. Bakit may pakiramdam ako na kahit hindi ikaw ang prinsesa, hahabulin pa rin kita?”

“Baka nababaliw ka na.”

“Nakakabaliw naman kasi ang ganda mo, Blossom Serranilla.”

Bumuga lang siya ng hangin at umiling-iling. “Mauna na ko sa’yo, Prince Brooklyn,” sabi niya, saka siya tumayo. Kinuha niya ang gitara niya at ilalagay sana `yon sa guitar case pero inunahan siya ng prinsipe. Ito na ang naglagay ng gitara niya sa case at himbis na ibalik `yon sa kanya, sinukbit lang nito ang strap sa balikat nito. Kumunot ang noo niya. “Ibalik mo sa’kin ang gitara ko.”

“Ayoko,” nakangisi at iiling-iling na sagot nito. “Isosoli ko lang sa’yo ang gitara mo kung sasabayan mo kong mag-lunch ngayon. I heard masarap ang food sa cafeteria dito. I-tour mo naman ako.”

“Ayoko,” sagot niya, saka niya sinubukang agawin ang gitara niya mula sa prinsipe pero natatawang umatras lang ito. “Ano ba, Prince Brooklyn?”

“Bakit lalo kang gumaganda kapag nagagalit ka?”

Sumimangot lang siya dahil naiinis na talaga siya sa makulit na prinsipe. Susubukan sana uli niyang agawin ang gitara pero natigilan siya nang makita ang familiar figure na sumulpot sa likuran ni Brooklyn na nag-e-enjoy yata sa pang-aasar sa kanya kaya hindi napansin ang bagong dating.

Walang sabi-sabi na inagaw ni Koji ang gitara niya mula sa prinsipe.

Nawala ang ngisi ni Brooklyn at binigyan ng masamang tingin si Koji. Sa totoo lang, nakaka-intimidate tingnan ang prinsipe lalo na’t mas matangkad pa ito kay Koji. Pero infairness kay Koji, blangko pa rin ang mukha nito at halatang hindi natatakot sa kaharap na lalaki.

“What the fuck, man?” reklamo ni Brooklyn.

“Stop bothering Blossom,” kalmado pero mariing pagbabanta ni Koji habang sinusukbit ang strap ng gitara sa balikat nito. Then much to her surprise, he held her wrist and gently pulled her beside him without breaking eye contact with Brooklyn. “I don’t care if you’re a prince. If you harass Blossom again, I’ll make you bleed.”

Nagulat si Blossom dahil ngayon niya lang narinig magsalita ng ganito si Koji. Noon naman, kahit anong pam-bu-bully dito ay hindi ito nagbabanta sa kahit sino. And if she looked closely, she’d notice that he looked really, really pissed. But so was Brooklyn. “Let’s go, Koji,” malakas na deklara niya nang napansin niyang kumilos ang prinsipe na parang susugod kay Koji.

Natigilan si Brooklyn at lumingon sa kanya. Pero blangko ang tinging ibinibigay nito sa kanya kaya hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito.

Hindi na rin naman siya nagkaro’n ng pagkakataong ma-decipher ang emosyon sa mga mata ng prinsipe dahil marahan na siyang hinila ni Koji palabas ng pavilion. Tahimik lang ito at mabilis ang paglalakad kaya halos lakad-takbo na ang gawin niya para lang makasabay sa pace nito. Base sa direksyong pinupuntahan nila, mukhang sa cafeteria sila dederetso.

“Koji–”

“Narinig ko ang announcement ni Brooklyn kanina,” putol ni Koji sa sasabihin niya. Mukhang iritado ang boses nito at hindi rin siya nito tinitingnan. “Hindi ko alam kung bakit iniisip niyang ikaw ang prinsesang hinahanap niya. But it means he’s after you, Blossom. Kaya maging extra careful ka naman sana at `wag kang aalis nang nag-iisa. Hindi sa lahat ng oras eh mapapadaan ako kung nasa’n ka.”

Napasimangot siya dahil hindi niya nagustuhan ang tonong ginagamit nito sa kanya. “I’m sorry kung naistorbo kita o kung naging distraction na naman ako sa’yo. But just so you know, kaya ko namang protektahan ang sarili ko kahit hindi ka dumating kanina.”

“Hindi `yon ang nakita ko kanina. You look like you’re about to cry back there.”

“And what do you care? Mas mahalaga naman ang goal mo kesa sa’kin `di ba?”

Na-realize naman agad niya na hindi niya dapat sinabi `yon pero huli na ang lahat. Huminto na si Koji sa paglalakad dahilan para mapahinto rin siya. Pagkatapos ay humarap at tumingin ito pababa sa kanya. Nakikita niya sa mga mata nito na marami itong gustong sabihin pero base sa pagtatagis ng mga bagang nito, halatang nagpipigil itong magsalita.

Namalayan lang niyang nasa tapat pala sila ng cafeteria nang bumukas ang pinto at lumabas sina Roarke, Nikita, Cassy, at Yuki na sabay-sabay napahinto nang makita silang dalawa.

“Are you fighting?” pagbasag ni Nikita sa katahimikan.

Tumingin si Koji kay Roarke. “I saw Brooklyn harassing Blossom earlier. Bakit pumayag kang walang kasama ang pinsan mo eh alam mo namang target din siya ng prinsipe na `yon, ha? Si Cassy lang ba ang mahalaga sa’yo?”

Kumunot ang noo ni Roarke, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ni Koji pero wala naman itong na-retort. Dumaan pa nga ang guilt sa mukha nito.

“Bakit naman nadamay ako?” reklamo naman ni Cassy, saka nito tiningnan si Nikita. “Akala ko ba, kasama ng mga kaklase niyo si Blossom sa library?”

Ngumiti si Nikita pero halatang pilit `yon. “Uhm… I lied?”

“What?” hindi makapaniwalang tanong naman ni Roarke, binibigyan ng hindi makapaniwalang tingin si Nikita na namula ang mukha sa pagkapahiya.

Sorry, beshie.

“Guys, enough,” saway naman ni Yuki sa mga kaibigan nila. “And relax. Si Brooklyn ang villain dito so let’s not fight each other, okay?”

“Let’s go, Nikita,” pag-aaya naman ni Blossom sa best friend niya na mabilis namang tumango at lumapit sa kanya. “Let’s go back to our classroom.” Binigyan niya si Koji ng tinging puno ng hinanakit pero nanatiling blangko ang mukha ng lalaki. “I can’t breathe here anymore.”

“GINOONG Roarke, hindi mo kailangang mag-camping dito sa harap ng Aurora para masigurong hindi malalapitan ni Brooklyn si Blossom. Promise, babantayan ko siya. Rommates naman kami kaya kung sumugod man `yong psycho prince dito, sasabihin ko agad-agad sa’yo.”

“Hindi lang naman ako kay Blossom nag-aalala, Binibining Cassy,” sabi naman ni Roarke habang nakatingin kay Cassy na katabi niyang nakaupo sa border ng santan hedge sa harap ng Aurora Dormitory. “Target ka rin ni Prince Brooklyn. Hindi ko alam kung pa’no niya naisip na posibleng ikaw ang kapatid ko pero tingin ko, kasalanan ko `to.” Tiningnan niya ang bracelet na binigay niya rito. “Kung hindi ko binigay sa’yo ang simbolo ko, hindi siguro niya iisipin na ikaw si Princess Cassiopeia.” Nag-angat siya ng tingin sa dalaga na wala namang bakas ng paghihinanakit sa maganda nitong mukha. “I’m sorry kung nadamay ka dito, Cassy.”

“Hindi mo naman kasalanan kung twisted mag-isip ang psycho prince na `yon kaya hindi mo kailangang mag-sorry sa’kin.” Tinapik siya nito sa likod. “Chill ka lang, Roarke.”

Bumuga lang siya ng hangin. “Hindi gano’n kadaling gawin `yon, Cassy. Hinahanap ni Prince Brooklyn ang kapatid ko para sa kasal nila.”

“Ano?!”

Nilingon niya uli ang babae at nakita niyang nanlalaki ang mga mata nito sa gulat. “Apparently, Prince Brooklyn and Princess Cassiopeia are engaged. Pinagkasundo ng daddy namin ang kakambal ko nang hindi sinasabi sa’min. Na-discover `yon ni Mommy kaya sila naghiwalay.”

“Kaya ba inuwi ni Madam Serranilla ang prinsesa dito para itago?”

Tumango siya. Mabuti na lang at nand’yan si Cassy dahil hindi na niya kayang kimkimin ang lahat ng `yon. May tiwala siya sa dalaga kaya nagagawa niyang mag-open up at mag-share ng mga sekreto dito. “Ang sabi ni Mommy sa’kin, aksidente raw niyang narinig ang usapan noon nina Daddy at former Prince Romano tungkol sa kasal nina Princess Cassiopeia at Prince Brooklyn. Hindi siya pumayag dahil noon pa man, wala nang tiwala si Mommy sa malupit naming uncle. Natakot daw siya na baka madamay ang kakambal ko sa pinaplanong masama ni Romano kaya itinakas niya ang kapatid ko. Pero para hindi magduda si Romano, pinalabas ni Daddy na pinadala niya sa Paris si Princess Cassiopeia at nangako siyang ihaharap ang kakambal ko kay Prince Brooklyn kapag eighteen na ang prinsesa at eligible nang magpakasal. Ilang weeks na lang, malapit na kaming mag-birthday.”

“Pero bakit naman yata nagmamadali ang daddy mo na ipakasal ang prinsesa?”

“Noon kasi, nag-hesitate ang royal family na ibigay sa’min ni Princess Cassiopeia ang titulo ng pagiging prinsesa at prinsipe dahil hindi royal at hindi Elestian si Mommy,” paliwanag niya. “Si Uncle Romano, malaki ang tiwala sa kanya ng dating hari– ang tito at oldest brother ng daddy namin. Kapag sinabi niyang ibigay sa’min ang titulo, gagawin `yon ng hari.”

“Pero may kapalit… at si Princess Cassiopeia `yon?”

Nagtagis ang mga bagang niya, saka siya tumango. Sa totoo lang, masama ang loob niya sa daddy niya ngayon. “Hindi ko rin maintindihan kung bakit nakipagkasundo si Daddy kay Uncle Romano. Obvious naman na gusto lang ni Uncle Romano na maging totoong prinsipe ang adoptive son niya kapag naikasal sa kakambal kong prinsesa.”

“Ang greedy sa power ng uncle mo…”

Tumango siya bilang pagsang-ayon. “Sobrang sama niya talaga. Nabaliw na siya sa pagka-greedy sa kapangyarihan. Mabuti na nga lang, nakakulong na siya.” Umiling-iling siya. Ang pangit pakinggan ng kuwentong `yon pero parte na `yon ng kasaysayan ng Elestia na hindi na nila mababago o mabubura. “Dahil sa kasakiman ni Uncle Romano, ang pamilya niya ang nag-sa-suffer ngayon. Halos itakwil na ng society namin si Lady Beatrice– ang asawa niya. At nagbabanta ang royal family na bawiin ang pagiging prinsipe ni Prince Brooklyn. Kapag nangyari `yon, maaalis siya sa line of throne. Babawiin din ang lahat ng assets at privileges na meron siya bilang prinsipe. Meaning, babagsak ang social ranking nila ng mommy niya. Kaya desperado siyang maikasal kay Princess Cassiopeia.”

Bumuga ng hangin ang dalaga na parang na-stress sa mga nalaman nito. “Alam ba ni Princess Cassiopeia kung bakit siya hinahanap ni Prince Brooklyn?”

Umiling siya. “Hindi namin masabi ni Mommy ang totoo sa kanya. Ano sa tingin mo ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang ipinagkasundo siya ng daddy namin? Sa malupit pang prinsipe na anak din ng isang kriminal. Well, hindi pa naman gumagawa ng krimen si Uncle Romano no’ng time na gumawa sila ng kasunduan ni Daddy. But still…”

Dumaan ang pang-unawa sa mga mata ni Cassy habang tumatango ito.

Natahimik naman si Roarke at napatingin sa harapan. Orangey na ang kalangitan niyon dahil hapon na at papalubog na ang araw. Mag-a-ala sais pa lang ng gabi pero parang ang dami-dami nang nangyari simula kaninang umaga. Kasalanan ni Brooklyn ang lahat ng `yon.

“Roarke, tikman mo `to.”

Nilingon niya ang dalaga at nagulat siya nang makitang may hawak itong maliit na pulang santan flower. O orange ba `yon? Binigyan niya ito ng nagtatakang tingin. “Papakainin mo ko ng bulaklak?”

Natawa ito habang iiling-iling. “`Yong nectar nito ang gusto kong tikman mo. Watch this.” Inangat nito ang hawak na maliit na bulaklak. Pagkatapos, may manipis na parang sinulid itong hinila mula sa payat na stem ng santan flower. May likido na lumabas mula sa bulaklak at sinubo iyon ng dalaga, saka siya nito nilingon. “`Yon `yong nectar. Huwag mo kong tingnan na para bang poop ang kinain ko. Safe `yon, promise. Hindi naman kita lalasunin, eh.”

“Uh, sure.” Anything you say, my princess.

Kumuha uli ang dalaga ng isang santan flower at ginawa uli nito `yong kanina. Pero sa pagkakataong `yon, mabilis nitong nilapit sa bibig niya ang stem na pinagmumulan ng nectar. “Here.”

Bahagya niyang binuka ang bibig niya para isubo ang stem. Naramdaman niya ang malagkit na likido sa mga labi niya. Nang iparaan niya ang dila sa lower lip niya, tumama agad sa taste bud niya ang matamis na lasa. Ah, nectar nga `yon. “Sweet.”

Ngumiti si Cassy at sa pagkagulat niya, pinalaki nito ang mga mata na parang nagpapa-cute sa kanya. And damn, she really was adorable. “Parang ako?”

Natawa si Roarke. Biglang nawala `yong mabigat na bagay sa dibdib niya kanina. Pakiramdam niya, para siyang na-recharge. This girl was so refreshing indeed. “Thank you, Cassy.”

Mas lumuwang ang ngiti nito. “Anytime.”

May sasabihin pa sana siya pero natigilan siya nang mag-vibrate ang phone niya sa bulsa ng pantalon niya. Nilabas niya ang phone niya at nang makita niya ang pangalan ni Yuki sa caller ID, sinagot agad niya ang tawag. “Moshi-moshi,” bati niya rito gaya ng ginagawa ng lalaki kapag sinasagot nito ang tawag niya.

“Prince Roarke, we need you here in the dormitory!” natatarantang sabi ni Yuki. Naririnig niyang may nagkakagulo sa background. Nangingibabaw ang malakas at malutong na pagmumura ni Chase. “Si Prince Brooklyn kasi, pinag-iinitan si Koji!”

Shit. “I’ll be there in a minute,” sabi niya, saka niya pinutol ang tawag. Binulsa niya uli ang phone niya bago niya nilingon si Cassy. “Mag-stay ka sa kuwarto mo kasama si Blossom. Prince Brooklyn is staying in the dorm. Apparently.”

Tumango ang dalaga at tumayo na. “Okay. Ingat.”

Tumango lang din siya at pinanood muna itong makapasok sa Aurora bago siya tumakbo papasok ng Borealis. Sa entrance pa lang, dinig na dinig na ang away. Nang makarating siya sa common area, nakita niyang hawak ng Knight ni Brooklyn ang mga kamay ni Chase sa likuran kaya nagmumura ang pinsan niya. Pero kahit anong palag nito, hindi ito binibitawan ng Knight.

Ang mga male student ng dorm, walang gustong makialam pero natatakot kaya walang ibang magawa kundi ang manood na lang. Everyone looked as helpless as Yuki who was trying to pry the Knight’s arms off Chase but to no avail, of course.

Si Brooklyn naman, dinudutdot ng daliri ang dibdib ni Koji na masama ang tingin sa prinsipe. Ramdam niya na konti na lang, sasapakin na ni Koji si Brooklyn. It could be dangerous because the prince was not someone a normal high school student could fight.

“Stay away from Blossom Serranilla, you commoner,” banta ni Brooklyn kay Koji sa seryoso at mapanganib na boses. Hindi pa ito nakuntento dahil sa sentido naman nito dinutdot ang lalaki na nagtagis ang mga bagang. “Keep in mind that a princess like her doesn’t deserve a lowly person like you. Whether she’s Princess Cassiopeia or not, she’s mine. Remember that.”

Mukhang napikon na si Koji na biglang hinawakan ang pulsuhan ng prinsipe, sabay bitawan ng marahas sa brasong hawak nito dahilan para mapaatras si Brooklyn. “No one owns Blossom. She’s her own person. You keep that in mind.”

Si Brooklyn naman ang napikon dahil hinablot nito ang kuwelyo ni Koji at mabilis umangat ang kamao ng prinsipe sa ere.

“Prince Brooklyn!” galit na saway ni Roarke dito dahilan para huminto ang kamao nito sa ere. Nang muli siyang magsalita, French na ang gamit niya. “Tigilan mo si Koji Takishima kung ayaw mong mapabalis ang pag-de-dethrone sa’yo ng royal family. Kapag ni-report ko kay King Royale ang violence mo dito sa Polaris Academy, ano sa tingin mo ang gagawin ng hari?”

Tumawa si Brooklyn ng mapait pero binitawan din naman nito si Koji. Pagkatapos, hinarap siya nito. French din ang ginamit nito sa pakikipag-usap sa kanya. “Prince Roarke, ano bang masama kung makikipaglaro ako sa mga commoner dito sa academy niyo?” Nakangising nilingon nito si Chase at English naman ang ginamit nito sa pakikipag-usap sa pinsan niya. “I heard there’s a caste system here in Polaris. The people on top of the pyramid get to play with the poor. I’m a prince so what’s wrong with toying with the commoners? This kind of game is supposed to be allowed, isn’t it?”

Namula ang mukha ni Chase, halatang napahiya. Ah, the former ‘bully king’ finally had the taste of his own medicine, huh? It must have tasted bitter.

“Enough,” mariing saway ni Roarke kay Brooklyn na nawala ang ngisi nang harapin siya. “What are you doing here?”

“I’m staying at this dorm,” sagot ni Brooklyn, saka nito tinuro ang mga maleta nito sa tabi ng Knight nito. “I’ll use the attic that was originally prepared for you. I hope you don’t mind, Prince Roarke.”

Tumango siya. “Not at all.”

Ngumisi lang ito, pagkatapos ay sinenyasan nito ang Knight. “Bring my things in the attic,” utos nito, saka ito umakyat ng hagdan dahilan para magsiatrasan ang mga estudyanteng nadadaanan nito.

Binitawan naman ng Knight si Chase bago nito binitbit sa magkabilang-kamay ang mga maleta at walang imik na sumunod kay Brooklyn sa attic.

“Puwede na kayong bumalik sa mga kuwarto niyo,” malakas na deklara ni Roarke dahilan para magsipasukan naman ang mga dormmate nila sa kanya-kanyang kuwarto hanggang sila nina Chase, Yuki, at Koji na lang ang naiwan sa common area. “Koji, you okay?”

Tumango si Koji kahit halatang mainit pa ang ulo nito. “Yeah. Thanks.”

Tumango lang siya, saka niya nilingon si Chase na halata ring mainit ang ulo. “Chase, `wag mo nang papatulan si Prince Brooklyn sa susunod. Hindi ka mananalo sa kanya. But that doesn’t make you a loser. Hindi lang talaga pinapatulan ang mga warfreak na tulad niya.”

Ma-pride na tao si Chase kaya inaasahan na niyang magagalit ito dahil sa sermon niya. Kaya nagulat siya nang tumango ito. Well, mukha itong tinutukan ng baril sa sobrang tigas ng pagtango nito pero ang point, sumang-ayon pa rin ito sa kanya. “Okay. I’ll try,” sabi nito, saka ito umakyat ng hagdan.

Understatement kung sasabihing nagulat siya. Kailan pa sumunod sa kanya ang pinsan niya?

“Wait, Chase!” pigil naman ni Yuki dito. “May pasa ka na naman, eh. We have to treat that!”

“We have first-aid kit in the room,” simpleng sagot lang ni Chase.

Mabilis namang tumakbo si Yuki paakyat ng hagdan para sundan si Chase. “Ako na ang maglilinis ng sugat mo. You suck at cleaning your wounds.”

“Whatever.”

And then the two were gone.

Okay. Kelan pa sila naging close?

“Roarke.”

Nilingon niya si Koji na seryoso ng mga sandaling `yon. “What?”

“Bakit hinahanap ni Brooklyn ang prinsesa?”

“What if I say Prince Brooklyn will force Princess Cassiopeia to marry him when he finds her?” nakataas ang kilay na tanong ni Roarke na halatang ikinagulat ni Koji dahil nanlaki ang singkit nitong mga mata. “What will you do, Koji Takishima?”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.