CAMERA flashed everywhere.
Of course.
Pinilit ni Roarke na kumalma habang naglalakad sila ni Nikita papunta sa back room ng grand ballrom. Napapaligiran sila ng mga invited media people na wala nang ibang ginawa kundi ang kuhanan sila ng picture pagkatapos ng ginawang paghalik sa kanya ng babae. Salamat sa mga Knight niya na humaharang sa mga reporter na sinusubukang i-ambush interview sila, nakalakad naman sila ng mabilis at maayos nang hindi kinakailangang sumagot sa tanong ng kahit sino.
Nang sumara ang ornate wooden door sa likuran nila, nagkaro’n na rin sila ng katahimikan.
“What was that for?” malamig na tanong ni Roarke kay Nikita na nakatayo lang sa harap niya, nakatingala sa kanya at mukhang hindi na-gi-guilty sa pagnakaw nito ng halik sa kanya.
“A kiss meant to wake you up,” sagot ni Nikita, nakatingin ng deretso sa mga mata niya. She was a lovely sight, yes, but he’d rather have a mini-staring contest with someone else. Preferably a reformed gangster in a vibrant red dress. “Sigurado akong nakabuo na ng rumor ang mga guest no’ng isayaw mo si Cassy kanina. Gusto kong burahin ang iniisip nila tungkol sa inyo. That kiss will probably be featured on different media platforms tomorrow. I can’t wait for it.”
“You’re crazy,” frustrated na sabi niya rito. “Kahit lumabas pa sa lahat ng broadsheets ng Pilipinas at Elestia ang tungkol sa paghalik mo sa’kin, hindi pa rin magbabago ang feelings ko.”
Halatang nasaktan ang ‘Polaris Princess’ sa mga sinabi niya pero wala siyang balak bawiin `yon. Bago pa siya nito halikan, nilinaw na niya rito na ibang babae ang gusto niya. Wala na siyang magagawa para rito kundi ang maging honest at panindigan `yon para hindi ito umasa sa wala.
Mabuti na lang at may sumira sa awkwardness na `yon– ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Cassiopeia sa kuwarto.
“I’m sorry if I interrupted something,” sabi ni Cassiopeia, saka ito lumapit kay Nikita at hinawakan ang mga kamay ng babae. “Beshie, let’s get some fresh air. Don’t worry, in-escort na palabas ang mga reporter. Hindi ka na nila kukulitin.”
Tumango lang si Nikita, saka yumuko.
Si Cassiopeia naman, inakbayan ang best friend nito at inakay palabas. Binigyan siya ng malungkot na ngiti ng kakambal niya at pinisil ang braso niya na para bang kino-console siya. Tumango naman siya bilag sagot, saka ito lumabas ng kuwarto.
Nakahinga na uli siya.
Buti na lang pala at wala na si Cassy sa party. Pero siguradong makakarating pa rin dito ang balita. Imposibleng hindi malagay sa diyaryo ang nangyari kanina. Mahaba-habang paliwanagan `yon.
Sa kabila ng sitwasyon niya, hindi niya napigilang mapangiti nang may ma-realize.
Para pala kaming may romantic relationship na.
“Roarke!”
Nabigla si Roarke nang bumukas ang pinto at pumasok si Koji na halatang natataranta. Kumunot ang noo niya, kabado na. “Hey. What’s wrong?”
Sinara nito ang pinto sa likuran at naglakad palapit sa kanya. “I think Cassy is in danger.”
“What?!”
“Talk to Yuki. Magkasama sila ni Chase ngayon,” sagot ni Koji, saka nito inangat ang phone nito na halatang naka-speaker mode. “Yuki, I’m with Roarke now.”
Mabilis siyang lumapit kay Koji na inabot sa kanya ang phone nito sa kanya. “Yuki, what happened? Nasa’n kayo?”
“Hinahabol namin ni Chase ang kotse kung saan sinakay ni Prince Brooklyn si Cassy. Kaso kailangan namin ng back-up kasi may isang van silang kasama na puno ng Knights.”
“What?” naguguluhang tanong niya. “Puwede bang i-explain mo ang nangyari from the start?”
“Ganito kasi `yon, Prince Roarke,” pagsisimula nito. “Napansin namin kanina ni Chase na lumabas ng ballroom si Cassy kasama si Prince Brooklyn. Eh napansin naming reluctant si Cassy kaya sinundan namin sila hanggang sa parking lot. Pero hindi naman kami makalapit kasi ang daming Knights sa paligid nila. Hindi naman kami makaalis kasi baka bigla silang mawala sa paningin namin. Hindi rin kami makatawag agad kasi baka mahuli nila kami. Luckily, sa parehong parking space naka-park ang kotse ni Chase kaya no’ng nakita naming sumakay sa Lexus ng prince si Cassy at umalis ng hotel, sumunod agad kami. Tinawagan namin si Koji para mag-report at humingi ng tulong sa’yo.”
“Shit!” frustrated na sabi niya. Understatement kung sasabihing nag-aalala siya. Kapag nakita talaga niya ang Brooklyn na `yon, babalian niya ng buto ang lalaki. Mga buto, kung kinakailangan! “I-update niyo kami kung nasa’n kayo at susunod na kami d’yan.”
“Oo, Prince Roarke. Hindi ko i-ha-hang up ang call.”
“Prince Roarke!”
Dumoble ang kaba ni Roarke nang si Creed naman ang pumasok sa kuwarto. Madalas ay poker-faced ang Knight niya kaya nang makita niyang namumutla ito, alam agad niya na may masama na namang nangyari. “What happened, Creed?”
“Our Knights found Xia and Miss Nikita Lao unconscious inside the ladies’ room,” parang nanghihinang sagot ni Creed. “Princess Cassiopeia appears to be abducted.”
“PINADALA na sa’kin ni Yuki ang address ng hotel kung saan dinala ni Brooklyn si Cassy. Kasama na din daw nila ang mga Knight na pinasunod mo sa kanila. Sa ngayon daw, papasukin na nila ang suite kung saan daw nila nakitang pumunta si Cassy. Nakakapagtaka, pero mag-isa na lang daw si Cassy, eh. Pagbaba raw ni Cassy ng kotse, wala naman daw Brooklyn o Knight na sumunod sa kanya. Pero hindi raw muna nila nilapitan si Cassy dahil baka mamaya raw, trap lang `yon.”
Nakahinga ng maluwag si Roarke sa narinig niyang report ni Koji. Kahit na nakakapagtaka nga ang nangyari, ang mas mahalaga naman ay may back-up na sina Chase at Yuki para iligtas si Cassy sa kung ano mang ‘trap’ ni Brooklyn. “Sabihin mo sa kanila na tawagan agad tayo sa susunod na mangyayari. Hindi naman siguro iiwan ni Brooklyn si Cassy ng mag-isa.”
“I agree.”
Sumandal siya sa dingding at dumausdos pababa hanggang sa nakaupo na siya sa marmol na sahig ng hallway. Mukha lang siyang kalmado pero ang totoo, nagwawala na ang kalooban niya. Pa’no siya kakalma ngayong parehong nasa panganib sina Cassy at Cassiopeia?
I’m going to kill you, Brooklyn Sprouse!
Umupo sa tabi niya si Koji kaya ngayon, pareho na silang nakasalampak sa hallway at nakasandal sa dingding. Nasa tapat lang sila ng security and control room ng hotel. Nasa loob na si Creed at ang tatlong Knights na ang expertise ay surveillance. Chine-check ng mga ito kung nahagip ng CCTV ang naging pag-kidnap kay Cassiopeia. Naiwan sa ‘scene of the crime’ ang tracking device ng kakambal niya kaya sigurado silang si Brooklyn ang nagpadukot sa kapatid niya.
Ang mga royalty lang na tulad nila ang nakakaalam kung saan nakalagay ang tracking device nila na konektado sa mga personal Knight nila.
Kanina lang, kinausap na ng mommy niya ang owner ng hotel at napilitan ang kanyang ina na i-reveal ang totoong nangyari para makuha ang full cooperation nito. Sinabi ng mommy niya na nadukot si Cassiopeia at para matulungan silang mahanap ang kapatid niya, nilabas na nito na si Blossom Serranilla at totoong prinsesa ng Elestia.
Sa totoo lang, wala siyang pakialam kung na-expose na si Cassiopeia. Ang mahalaga sa kanya, mahanap na ang kakambal niya. Hindi niya alam ang gagawin kapag may masamang nangyari rito.
Sa ngayon, pinasara ang lahat ng exit ng buong hotel para walang makapasok at makalabas. Nagtulong na rin ang mga Knight at ang hotel security team sa paghahanap sa bawat suite dahil hindi nila inaalis ang posibilidad na hindi pa nakakaalis ang mga dumukot sa kapatid niya. Hindi pa sila tumatawag ng mga pulis dahil gusto nilang maging lowkey muna ang paghahanap sa prinsesa.
Mahirap na kasi kapag kumalat na nadukot si Cassiopeia. Baka may iba pang mag-interes na makuha ang prinsesa. Kaya sa ngayon, sila-sila muna ang kikilos.
“Na-gi-guilty ako na hindi ako makapunta ng personal kay Cassy para masigurong safe siya,” sabi ni Roarke. Hindi rin niya alam kung bakit bigla siyang nag-share kay Koji. Siguro, kailangan din niya ng kausap para hindi siya mabaliw sa pag-aalala. “I wanted to run to her, to be honest. Gusto kong ako mismo ang makakita at makasiguro na safe siya. Pero hindi ko rin magawang umalis dito lalo na’t wala pa tayong clue kung nasa’n si Princess Cassiopeia.” Sinabunutan niya ang sarili. “This is frustrating.”
“Maiintindihan ka ni Cassy.” Tinapik pa ni Koji ang balikat niya. “Masuwerte siya dahil nakita siya nina Chase at Yuki. Pero si Blossom, walang may ideya kung nasa’n siya. Mapanganib ang sitwasyon ng kakambal mo ngayon. Pero hindi ko sinasabing hindi mapanganib ang sitwasyon ni Cassy.”
Tumango siya dahil naiintindihan naman niya ang sinasabi nito at `yon nga rin ang dahilan niya kung bakit ang mga Knight na lang niya ang ipinadala niya kay Cassy. Mapanganib ang sitwasyon ng dalaga pero nando’n naman sina Chase at Yuki. May tiwala din siya sa mga Knight niya.
Pero si Cassiopeia, mag-isa lang. Walang proteksyon. Sana lang, ligtas ito.
“I’m going to kill Brooklyn,” halatang galit na bulong ni Koji na parang nabasa ang isipan niya.
Napangiti siya. “I’ll help you hide the body.” May sasabihin pa sana siyang snarky comment gaya ng kung paano nila itatago ang katawan ng ‘psycho prince’ pero natigilan siya ng tumunog ang phone niya. Sinagot agad niya ang tawag. “Mommy?”
“Xia and Nikita are awake,” pagbabalita ng kanyang ina sa relieved na boses. Ang huling text nito ay nasa clinic daw ito sa loob ng hotel kung saan dinala sina Xia at Nikita pagkatapos makitang walang malay ang mga ito sa loob ng ladies’ room. “Thankfully, they are both safe. According to the doctor who attended to them, may na-inhale silang chemical na pampatulog.”
“That’s a relief,” sincere na sabi niya. “Ano daw ba ang nangyari, Mommy?”
“According to Nikita, nasa ladies’ room daw sila ni Cassiopeia nang may dumating daw na tatlong Caucasian women. Bigla na lang daw naglabas ng baril ang mga ito at tinutukan sila. No’ng sumigaw raw siya, dumating daw si Xia.” Saglit itong huminto. “According naman kay Xia, pumasok agad siya sa ladies’ room nang marinig ang sigaw ni Nikita pero huli na. Ang kapal na raw ng usok sa buong banyo. Sinubukan daw niyang takpan ng panyo ang ilong niya para hindi siya makatulog pero inatake na raw siya mula sa likuran ng mga bagong dating na masked men. She was knocked out. Pero bago raw siya bumagsak, nagawa pa raw niyang mapindot ang button sa belt niya para makahingi ng SOS sa mga Knight na malapit sa kanya. Pero nang dumating ang mga Knight, wala na ang kakambal mo.”
“The plan sounds so meticulous,” iiling-iling na komento niya. “Ngayon, mas sigurado na kong si Brooklyn ang may gawa nito. Hindi makakapasok ang armed men na `yon kung walang nagpapasok sa kanila from the inside.”
“Ma-re-relieve ako kung si Brooklyn nga ang nagpa-kidnap kay Cassiopeia kaysa sa mga terorista. Sigurado akong hindi sasaktan ni Brooklyn ang kapatid mo.”
Nagtagis ang mga bagang niya. “Sana nga, Mommy. Kasi kapag nakita kong nagasgasan man lang ang kakambal ko, talagang papatayin ko si Brooklyn.”
Narinig niyang bumuga ng hangin ang kanyang ina. “Ano na ang update d’yan?”
Sakto namang lumabas ng control room si Creed at sumenyas sa kanya.
“May nakita na silang footage,” sagot niya sa mommy niya. “I’m hanging up, Mom. Tatawagan uli kita kapag alam na namin kung nasaan si Cassiopeia.”
Tumayo na siya at akmang susunod na kay Creed nang pigilan siya ni Koji.
“Cassy is safe,” relieved na pagbabalita ni Koji habang hawak ang phone nito. “Nag-vi-video call si Yuki. Gusto mo bang ikaw ang sumagot?”
“No,” sagot niya. “Baka kasi bigla akong magka-urge na sumunod kay Cassy kapag nakita ko siya. Kaya ikaw na lang ang sumagot at magtanong kung ano ang nangyari.”
Gumuhit ang pang-unawa sa mukha ng lalaki at tumango ito. “Balitaan mo rin ako kung may lead na kung nasa’n si Blossom. Gusto ko ring sumama kapag pupuntahan niyo na siya.”
Tumango lang siya, saka niya tinapik ang balikat nito bago siya pumasok sa loob ng control room kung saan sumalubong sa kanya ang napakaraming screen na sabay-sabay nag-pe-play ng iba’t ibang footage sa bawat area ng hotel. Sa dami niyon, hindi nakakapagtakang hindi mapansin ng mga security personnel ang nangyayari sa isang area lang. Apparently, hindi nga inintindi ng mga bantay do’n ang mga nag-pe-play na footages kaya wala agad nakakita sa pagdukot sa kapatid niya.
Sabay-sabay yumukod sa kanya ang mga Knight, pagkatapos ay tumayo sa gilid ang mga ito para magbigay-daan sa kanya. Dumeretso siya kay Creed na tinuro agad ang isang screen na muntik na niyang ikabaliw– ang walang malay na si Cassiopeia, buhat ni Brooklyn!
“Nakita rin sa camera ang paglabas ng kotse kung saan sumakay sina Lady Hart at Prince Brooklyn,” sabi ni Creed sa French habang may isa pang screen na tinuturo pero hindi niya `yon tinitingnan. “Apparently, paglabas ng hotel ay posibleng bumaba si Prince Brooklyn at iniwan si Lady Hart para sumakay sa ibang sasakyan. Mayamaya kasi, may dumating na panibagong kotse at bumaba si Prince Brooklyn. Makikita sa CCTV na bumalik siya sa loob ng hotel. `Yong oras nito, ilang minuto lang ang pagitan sa oras kung saan nakuhanan ng camera ang pagbuhat niya sa prinsesa.”
“I don’t care about that,” malamig na sabi niya, saka siya nag-switch sa French. “Ang gusto kong malaman, nakuhanan ba ng CCTV kung saan dinala ni Prince Brooklyn si Princess Cassiopeia?”
“Oo, Kamahalan,” sagot ng Knight. “Nandito sila sa penthouse ng hotel, Prince Roarke.”
“Then let’s go,” nagtatagis ang mga bagang na deklara ni Roarke. “I’ll make Brooklyn Sprouse pay for abducting my twin sister.”