Chapter ROYAL ENGAGEMENT CHAPTER 14

“TOTOO ba ang mga sinabi mo, Prince Brooklyn?” galit na tanong ni Blossom sa prinsipe na ngumisi lang bago sinimsim ang red wine sa basong hawak nito habang nakaupo sa windowsill. French ang gamit niya na hindi niya napipigilan kapag nagagalit siya. “Pinagkasundo ako ni Daddy kay Uncle Romano na ipapakasal sa’yo kapag nasa eligible age na ko para magpakasal?”

Maingat na binaba ni Brooklyn ang baso sa pasamano ng nakabukas na bintana. Tinanggal na rin nito ang navy blue suit nito kaya white button-down shirt na lang na nakatiklop sa mga siko nito ang naiwang pang-itaas. “Nagsasabi ako ng totoo, Princess Cassiopeia,” sagot nito sa French. “Kung gusto mo, tanungin mo pa sina Margarette Serranilla at Prince Roarke. Alam nila ang tungkol sa engagement natin. Kung gusto mong mas masaktan, puwede mo ring i-confront si Prince Reynold mismo.”

Mabuti na lang at nakaupo na siya sa kama dahil kung hindi, baka napaupo siya dala ng panghihina ng mga tuhod niya.

Her father practically sold her off!

Ngayon naman, malalaman niyang alam din `yon ng mommy at kapatid niya.

“This is crazy,” iiling-iling na sabi niya habang nakahawak sa sentido. Masakit pa rin ang ulo niya dahil sa chemical na nalanghap niya kanina. Hindi nakatulong ang mga revelation ni Brooklyn nang magising siya na sinimulan nito sa ‘I am you fiance.’ “My head hurts.”

“I’m so sorry,” mukhang sincere naman na sabi ng prinsipe, saka ito nag-switch sa French. “Kailangan kitang patulugin gamit ang chemical para mas lalong takutin si Prince Roarke. Gusto kong mabaliw siya sa paghahanap sa’yo para mapilitan siyang i-reveal sa lahat kung sino ang totoong prinsesa. At nagtagumpay naman ako dahil ayon sa spy ko na isa sa mga manager sa hotel na `to, nilabas na raw ang picture mo sa security team dito para mahanap ka.”

Nang kausapin siya ni Brooklyn bago magsimula ang party kanina, dineklara nito na dudukutin siya nito para daw sa plano nito na ipakita sa kanya ang dahilan kung bakit nito hinahanap ang prinsesa. Kung hindi raw siya nito gagawan ng masama, habambuhay daw magsisinungaling sa kanya si Roarke at ang mga magulang niya. Kumbinsido daw ito na siya si Cassiopeia pero kailangan daw muna nitong makumpirma ang katotohanan.

Na-curious siya sa sinasabi nito kaya pumayag siya. Alam niyang delikado ang ginawa niya pero hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit malaki ang tiwala niya kay Brooklyn. Dahil ba ang naaalala pa rin niya rito ay ang sweet at innocent version nito no’ng mga bata pa sila?

“Sina Xia at Nikita, okay lang ba sila?” tanong ni Cassy, saka siya muling nag-angat ng tingin kay Brooklyn na napansin niyang nakatayo na pala. “Hindi mo naman sila sinaktan, `di ba?”

“Oo, hindi sila sinaktan ng mga tauhan ko. `Wag kang mag-alala sa kanila.”

Nakahinga siya ng maluwag. Hindi naman niya sinasadyang madamay sina Nikita at Xia dahil hindi naman niya alam kung kailan at sa paanong paraan siya dudukutin. Ang inasahan niya, gagawin `yon ng prinsipe kapag nakita nitong mag-isa lang siya. Kaya thankful siya na ligtas ang dalawa.

Nang nagising siya kanina, nando’n na siya sa penthouse na `yon at nakahiga sa kama. Siyempre, nataranta siya no’ng una pero in-assure naman ni Brooklyn na wala itong ginawang masama sa kanya. Naniwala siya dahil alam niyang hindi siya nito magagawang saktan sa kabila ng pangit at masamang ugali na pinapakita nito sa ibang tao.

“Princess Cassiopeia,” gentle na sabi ni Brooklyn, saka ito lumuhod sa harap niya at hinawakan ang mga kamay niya habang nakatingala sa kanya. Hindi niya alam kung siya lang ba o talaga kumikislap ang mga mata nito sa kasiyahan. “It’s really you. I knew it the moment I saw you.”

Kung hindi lang siya nasaktan sa nalaman niya ngayon, baka natawa na siya dahil sa innocence na nakikita niya sa mukha nito. `Yon ang dahilan kung bakit kahit ‘halimaw’ ito para sa ibang tao ay mananatili itong sweet at inosente sa paningin niya dahil `yon ang pagkakakilala niya rito no’ng mga bata pa sila. Saka may side ito na sigurado siyang sa kanya lang nito ipinapakita.

“Bakit kailangan mo pa kong kidnapin kung sigurado ka naman pala na ako nga ang prinsesang hinahanap mo?” masungit na tanong niya rito sa French. “Ang sakit kaya ng ulo ko dahil sa chemical na pampatulog na `yon.”

Gumuhit ang guilt sa mukha ng prinsipe. “Hindi ko gustong saktan ka. Gaya ng sinabi ko kanina, gusto kong i-reveal nina Prince Roarke ang identity mo. I’m so sorry.”

“Totoo bang wala kang ginawa sa’kin na masama habang natutulog ako?”

“Wala akong ginawa sa’yo na kahit ano,” seryoso at sincere na sagot nito habang nakatingin sa mga mata niya. “Pinanood lang kitang matulog. Hindi ko kasi napigilan.” Ngumiti ito at nagmukha itong bata na excited sa kung ano. “Mga bata pa lang tayo, ikaw na ang gusto kong maging prinsesa. Kahit nagkahiwalay tayo ng anim na taon, hindi pa rin nagbago ang feelings ko para sa’yo, Princess Cassiopeia. Marami na kong nakilala at nakasamang mga babae– royal man o hindi– pero lahat sila, walang-wala sa’yo. Kaya ngayon pa lang, sigurado na kong ikaw ang gusto kong maging asawa.”

“Masyado pang maaga para magdesisyon ka ng ganyan,” sermon niya rito. “Nineteen ka lang. Marami ka pang makilalang ibang babae.”

“Ikaw lang ang gusto ko.”

“Ayokong magpakasal sa’yo,” galit na sabi niya pero hindi naman talaga siya kay Brooklyn galit. “Hinding-hindi ko pakakasalan ang lalaking pinili ng daddy ko para sa’kin.”

She felt betrayed. Hindi siya makapaniwalang nagawa ng daddy niya na isakripisyo siya para lang magkaro’n sila ni Roarke ng titulo. Wala ba itong pakialam sa kanya dahil mas mahalaga para rito ang kapatid niyang prinsesa? Ang sakit malamang wala siyang halaga sa kanyang ama.

Pagkatapos, tinago pa `yon sa kanya ng mommy at kakambal niya.

“Aalis na ko,” deklara ni Blossom, saka niya binawi ang mga kamay niya mula sa prinsipe. Tumayo na siya habang pinupunasan ng mga kamay ang mga luha sa magkabila niyang pisngi. Kailangan niyang makahigop ng sariwang hangin dahil pakiramdam niya, mamamatay na siya sa sobrang paninikip ng dibdib niya. “Kailangan kong i-confront sina Mommy at Prince Roarke.”

Tumayo rin si Brooklyn at kunot-noong tumingin pababa sa kanya. Halata ang pag-aalala sa mukha nito. “Princess Cassiopeia, namumutla ka. Magpahinga ka muna. Ngayong nakuha ko na ang gusto kong malaman, ibabalik na kita kay Prince Roarke. Pero sa ngayon, magpahinga ka muna.”

Umiling lang siya at tinangkang lagpasan ang prinsipe pero nakakaisang hakbang pa lang siya, bumigay na ang mga tuhod niya. Nasalo naman siya ng binata nang ipalupot nito ang mga braso sa baywang niya pero nawalan din ito ng balanse kaya ang nangyari, napahiga siya sa malambot na kama sa likuran niya. Ang lalaki, nasa ibabaw niya.

Nag-init agad ang mga pisngi niya, saka niya mabilis na ipinatong ang mga kamay niya sa dibdib nito para magkaro’n ng distansiya sa pagitan nila. “Prince Brooklyn… get off me.”

“You’re blushing,” nakangiti at halatang naaaliw na komento nito. Himbis na umalis sa ibabaw niya ay itinukod nito ang mga kamay sa magkabila niyang gilid. “Princess Cassiopeia, alam kong nasaktan ka sa nalaman mong ginawa ni Prince Reynold. Pero sana, bigyan mo ko ng chance na patunayan sa’yong karapat-dapat akong maging asawa mo.”

Naging emosyonal na naman siya nang maalala ang kanyang ama. “Huwag mo na ngang ipaalala sa’kin ang ginawa ng daddy ko.” Tinakpan niya ng mga kamay ang mukha niya nang tuluyan na siyang maiyak. “I hate Dad. I hate him. I hate him so much!”

“Shh,” pang-a-alo naman sa kanya ng prinsipe at naramdaman niya ang kamay nito sa balikat niya na parang kinakalma siya. “Don’t cry, my princess.”

Napuno na ng malakas niyang pag-iyak ang buong penthouse.

Kaya siguro hindi nila narinig o napansin ang pagbukas ng pinto.

“What the fuck are you doing to my sister, you scumbag?!”

Prince Roarke?

Nagmulat si Blossom ng mga mata nang nawala ang bigat ni Brooklyn sa ibabaw niya.

Napasinghap at napabangon siya nang makitang hawak ito ni Roarke sa kuwelyo si Brooklyn na hinagis nito sa sahig. Pagkatapos, kumubabaw ang kakambal niya sa lalaki para paulanan ng solidong mga suntok sa mukha. Nakita rin niyang pumasok na ang mga Knight nila– sa pangunguna nina Creed at Xia– at may hawak na mga baril ang mga ito na nakatutok kay Brooklyn.

Pero nawala sa mga ito ang atensiyon niya nang lumapit sa kanya ang isang taong hindi niya inaasahang makikita ro’n.

“Koji…” hindi makapaniwalang sabi ni Blossom habang nakatingin dito.

“Blossom,” sagot naman ni Koji, saka ito umupo sa gilid niya at hinawakan siya sa magkabilang-balikat. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala habang iniinspeksyon siya mula ulo hanggang paa hanggang sa matutok ang tingin nito sa mga mata niya. “Are you okay? Sinaktan ka ba ni Brooklyn?”

Umiling siya. “Hindi ako sinaktan ni Prince Brooklyn. Okay lang ako.”

Speaking of which…

Nilingon niya si Roarke na hanggang ngayon, pinagmumumura at pinagsasasapak pa rin si Brooklyn na hindi naman lumalaban. Maging ang mga Knight nila, halatang walang balak pigilan ang kakambal niya. “Tama na, Prince Roarke.”

Hindi nakinig sa kanya ang prinsipe.

“Blossom, Brooklyn deserves that,” kunot-noong sabi naman ni Koji. “`Wag mong pigilan si Roarke sa ginagawa niya.”

“He’s going to kill Prince Brooklyn and I won’t allow my brother to become a murderer!” katwiran naman niya, saka niya muling hinarap ang kakambal. “Kuya, I said stop it!”

Nagpatuloy pa rin ang kakambal niya.

“Kuya!” mas malakas at mas mariing sigaw niya. “Stop hurting my fiancé!”

Epektibo ang sinabi niya dahil huminto ang kamao ng prinsipe sa ere.

“Blossom…” Ramdam niyang tumingin sa kanya si Koji pero hindi niya ito nilingon. Hindi niya kaya. “You’re going to marry Brooklyn…?”

Tumayo naman si Roarke at humarap sa kanya para bigyan siya ng hindi makapaniwalang tingin. “What are you saying, Princess Cassiopeia?”

Binigyan ni Blossom ng malamig na tingin ang kakambal. “This is what Dad wants, right?”

BUMABA agad si Cassy ng hotel lobby nang itext siya ni Roarke at sinabi nitong naghihintay ito sa kanya. Iniwan niya muna ang mama at papa niya na ayaw pang umahon sa pool dahil nag-e-enjoy pa raw ang mga ito sa ‘night swimming.’

Suot pa rin niya ang vibrant off-shoulder dress niya pero kanina pa niya ipinagpalit sa comfortable room slippers ng suite ng parents niya ang suot niyang stilettos sa party. Wala naman siyang pamalit ng damit at isa pa, nawala na sa isip niya ang pagbibihis simula nang dumating siya sa hotel na `yon dahil inakala talaga niyang may masama nang nangyari sa mga magulang niya.

There he is.

Maraming guests sa hotel lobby pero mabilis niyang nakita si Roarke dahil iba talaga ang aura nito. Kahit nakaupo lang ito sa isa sa mga nest-shaped lounge chair habang nakapatong ang siko sa armrest at nakadikit naman ang kamao sa sentido, mukha pa rin itong royalty na nakaupo sa trono– poised, elegante, at sobrang attractive. Napansin niyang hindi na nito suot ang maroon suit nito at ang naiwan na lang nitong top ay ang black dress shirt nito.

The shirt was tailored in a way that it hugged his body perfectly, has three buttons undone, and of course, the sleeves were rolled up his elbows to show those toned forearms. The prince looked stressed if the knot on his forehead was any indication, but he still looked gorgeous.

Life is unfair indeed.

Nginitian ni Cassy si Creed na napansin niyang nasa malapit na lounge chair lang at may hawak na magazine. Tumango naman sa kanya ang Knight bilang pagbati. Pagkatapos, tumayo na siya sa harap ng prinsipe. “Roarke.”

Nag-angat ng tingin sa kanya si Roarke at napansin niyang nagliwanag ang mukha nito. Mas maliwanag pa yata kaysa sa chandelier sa itaas nila. “Hi. May kasalanan ka sa’kin.” Tinapik nito ang maliit na space sa tabi nito. “Simulan mo nang magpaliwanag, Binibining Cassy.”

Kung ibang pagkakataon `yon, baka nagreklamo na siya pero dahil alam niyang may kasalanan talaga siya sa prinsipe, tahimik na sumunod na lang siya. Umupo siya sa tabi nito at na-realize niyang hindi naman pala masikip pero sobrang magkadikit na ang mga katawan nila ngayon. Mukhang `yon ang intensiyon nito dahil inakbayan siya nito at marahang pinisil sa balikat bago siya kinabig hanggang sa mapahiga na siya sa dibdib nito. Komportable ang posisyon na `yon kaya hindi na sya nagkomento.

Isa pa, narinig niyang bumuntong-hininga ang prinsipe na para bang sa unang pagkakataon sa gabing `yon ay nag-relax ito. Alam niyang pagod ito kaya hinayaan na lang niya. Saka hindi siya magsisinungaling– nakaramdam din siya ng peace and calm ngayong magkasama na sila.

“Pinagbantaan ako ni Brooklyn kanina,” pag-amin ni Cassy mayamaya. “`Yon ang dahilan kung bakit nilapitan niya ko.”

Bumuga ng hangin ang prinsipe, halatang naiinis. “Bakit hindi mo agad sinabi sa’kin?”

“Kasi ang sabi niya, hindi ko raw makikita ang parents ko kapag nagsumbong ako– lalo na sa’yo,” katwiran naman niya. “Inutusan niya ko na sumunod sa kanya pagkatapos nating magsayaw. Tinawag ka ni Madam Serranilla no’n para ipakilala sa kung sinong bisita kaya siguro hindi mo ko napansin. No’ng una, kasama ko si Brooklyn sa kotse pero paglabas namin ng hotel, bumaba rin siya at mabilis na lumipat sa ibang sasakyan. Mukhang wala talaga siyang plano na sumama sa’kin.” Saglit siyang huminto para sa reaksyon nito at nang wala siyang nakuha, nagpatuloy siya. “Pagdating ko sa hotel na `to, sinabi lang sa’kin no’ng Knight na nag-drive ng kotse ang room number ng parents ko. `Tapos iniwan na nila ako rito ng walang ibang instructions.”

“Anong sabi nina Tito at Tita?” curious at halatang nag-aalalang tanong nito. Saka na-touch siya na concerned talaga ito sa mga magulang niya. “Alam ba nila ang totoong nangyayari?”

Marahan siyang umiling, saka siya tumingala sa prinsipe na tumingin naman pababa sa kanya. “Ang alam nina Mama at Papa, regalo mo sa kanila ang staycation na `to. According to them, may Knight daw na dumating sa bahay kaninang umaga na may dalang sulat daw from you. Nabasa ko `yong letter. Nakasulat do’n ang pangalan at address nitong hotel. Nakasulat din do’n ang room number na naka-reserve for them. Nakapangalan `yon sa’yo kaya mabilis silang naniwala.”

“It was a trap,” deklara ng prinsipe sa frustrated na boses. “Sinadya ni Prince Brooklyn na paalisin ka ng hotel in secret para isipin kong may masama siyang gagawin sa’yo. At the same time, kinidnap naman niya si Princess Cassiopeia para mapilitan akong mamili kung sino ang personal kong ililigtas.”

Tumango siya bilang pagsang-ayon. “Alam niya na uunahin mo ang kakambal mo. Dahil sa ginawa niya, nalaman na niya kung sino sa’min ni Blossom ang totoong prinsesa.”

“I’m sorry, Cassy,” halatang sincere at na-gi-guilty na sabi nito. “Gusto kong sundan ka nang nalaman ko `yong nangyari sa’yo. Pero hindi ako nakaalis dahil nawala rin ang kakambal ko.”

“Hindi mo kailangang mag-sorry, Roarke. Kapatid mo siya kaya natural lang na siya ang unahin mo. Isa pa, mas mapanganib ang naging sitwasyon niya. Nakita at sinundan naman ako nina Chase at Yuki. Eh si Blossom, mag-isa lang siya. Kaya `wag ka nang ma-guilty.” Hinaplos niya ang pisngi nito para i-comfort ito. “Naramdaman ko naman ang presence mo sa mga Knight na ipinadala mo para masigurong safe ako at ang family ko. For that, thank you.”

Ngumiti ito pero hindi pa rin tuluyang nawala ang pag-aalala sa mukha. “I’m sorry too that your parents got involved in this mess.”

“Si Brooklyn ang may gawa ng lahat ng `to kaya wala kang dapat ihingi ng sorry sa’kin o sa parents ko. Saka ang mahalaga naman, safe ang mama at papa ko. Masaya pa nga sila kasi iniisip nilang ikaw nga ang nagbigay sa kanila ng staycation na `to sa hotel. Bless their unawareness.”

Lumuwang ang ngiti ng prinsipe at tuluyan nang nawala ang pag-aalala sa mukha. Hinawakan nito ang kamay niya na nasa pisngi nito, pagkatapos ay binaba nito `yon sa flat at matigas nitong tiyan kaya ngayon, nakayakap na siya sa katawan nito. “Thank you for being so understanding, Cassy.”

Ngumiti lang siya dahil natural lang para sa kanya ang intindihin ito dahil sa kabila ng mga nangyari, alam niyang ginawa nito ang lahat para masigurong ligtas siya at ang mga magulang niya. “Bakit nga pala nandito ka? Okay na ba si Blossom? Anong nangyari kay Brooklyn? Dapat makulong ang psycho prince na `yon dahil sa ginawa niyang pag-kidnap sa prinsesa at sa paggamit niya ng pangalan mo para ma-lure ang parents ko dito sa hotel para naman ma-threaten niya ako.”

“Princess Cassiopeia is protecting that damned prince. Sinabi ng kakambal ko na kapag may ginawa kaming masama kay Prince Brooklyn, magpapakasal sila agad-agad,” iiling-iling na paliwanag nito. “Kaya kahit gusto naming ipakulong ang gagong `yon, hindi namin magawa. Ni hindi nga namin ma-report sa Elestia ang nangyari dahil sa pagbabanta ng prinsesa. Wala kaming magagawa kundi ang mag-pretend na hindi nangyari `to.”

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. “Anong nangyari kay Blossom?”

“Nagrerebelde siya,” iiling-iling na sagot nito. “Alam na niya ang tungkol sa arranged marriage nila ni Prince Brooklyn. Galit din siya sa’min ni Mommy dahil sa pagtatago namin ng katotohanan sa kanya at ayaw niya ring makinig sa explanation namin. She’s acting like a brat right now.”

“That sounds like a headache,” puno ng simpatyang sabi naman niya. “Roarke, bumalik ka na kay Blossom. Kailangan ka ng kakambal mo ngayon. Nagiging gano’n lang siya kasi nasaktan siya, eh. Pero `wag mo siyang sukuan hanggang sa bumalik siya sa dati.”

Tumango ang prinsipe. “I know. I just wanted to see you again before the night ends. Saka gusto kong makita at masiguro mismo na safe ka nga. You okay, Cassy?”

“I am,” sagot naman niya. “Kaya puwede ka nang umuwi.”

Bumuntong-hininga si Roarke, pagkatapos ay pumikit ito at humigpit ang yakap sa kanya. “Let’s snuggle for five more minutes before I leave.”

“Five minutes,” nakangiting pag-uulit naman ni Cassy, saka siya pumikit at muling humiga sa dibdib ng prinsipe. “Five minutes it is.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.