RAMDAM ni Roarke ang galit ni Cassy habang nakaupo ang dalaga sa santan flower hedge sa tapat ng Aurora Dormitory. Nakahalukipkip pa ang girlfriend niya at masama ang tingin sa kanya. Mukhang hindi lang ang pagiging late niya sa usapan nila ang ikinagagalit nito.
Alas-nuebe na ng gabi no’n kaya wala nang ibang estudyante sa labas. Buong araw nilang kinausap ni Blossom ang mommy nila para sa plano nilang magkapatid kaya ngayon lang siya nakabalik sa Polaris Academy. What did he miss?
“I brought food,” pang-uuto ni Roarke sa girlfriend niya, saka niya iangat ang dala niyang plastic bag mula sa paborito nitong fast food chain. Ngumiti pa siya para mas tumaas ang chance na patawarin siya nito. “Let’s eat?”
Nanatiling nakasimangot si Cassy. “Nagpunta dito si Prince Reynold at kinausap ako ng dad mo. About our relationship, of course.”
Dumeretso siya ng tayo at naging seryoso agad. Binaba niya muna ang dala niyang pagkain sa hedge dahil may pakiramdam siyang mahaba-habang usapan `yon. “Anong sinabi ni Daddy sa’yo?”
Tumayo na si Cassy pero hindi pa rin inaalis ang paghalukipkip. Huminto ito sa harap niya at tumingala sa kanya para bigyan siya ng matalim na tingin. “Bakit sinabi mo sa parents mo na hindi ka na papasok sa University of Elestia para lang makasama ako sa Pilipinas? Baliw ka ba?”
“Hindi ako baliw,” marahang kontra naman ni Roarke dahil ayaw niyang sabayan ang init ng ulo ng girlfriend niya. “Na-realize ko lang na buong buhay ko, naka-organize na dahil lang isa akong prinsipe. Tinanong ko ang sarili ko kung bakit wala akong option eh buhay ko naman `to? Dahil ba sinabi ni Daddy na lahat ng royalty ng Elestia eh sa University of Elestia nagtapos, kailangan ko na rin bang pumasok do’n? I just want to explore my options, Cassy. And be with you here longer, of course.”
“Baliw ka nga,” iiling-iling na sagot nito pero napansin niyang nag-soften na ang mukha nito. “Kilala kita kaya kung hindi mo gusto ang isang bagay na pinapagawa sa’yo, matagal mo na sanang tinutulan ang gusto ng daddy mo. Admit it, Roarke. Dream university mo ang University of Elestia.”
Napalunok siya at naikuyom ang mga kamay. Bakit ba kilalang-kilala agad siya ng girlfriend niya? Nakakainis na nababasa nito ang mga emosyon niya pero sa kabilang banda, masay siyang malaman na alam na nito ang ugali niya kahit maiksing panahon pa lang silang nagkakasama.
Fine, he would admit it. Gusto niyang mag-aral sa University of Elestia. Pero noon `yon.
“Gusto ko lang makasama ka ng mas matagal, Cassy,” paliwanag naman ni Roarke. “Nakausap ko na si Mommy at sinabi ko sa kanya na gusto kong kumuha ng kahit two-year course lang muna dito sa Pilipinas bago ako bumalik ng Elestia. Hindi pa siya pumapayag pero alam kong makukumbinsi ko siya lalo na’t sinusuportahan ako ni Princess Cassioepia.” Nang nanatiling nakasimangot ang girlfriend niya, hinawakan na niya ang mga kamay nito. “Baby, hindi ko sinabing hindi na ko papasok sa University of Elestia. I’m just stalling. Pero hindi ko naman sasayangin `yong dalawang taon na pag-extend dito sa Pilipinas. Bukod sa makakasama kita ng mas matagal, mag-aaral pa rin naman ako. Saka puwede akong maging representative ng Elestia para sa future transactions ng mga bansa natin, `di ba? I promise I won’t waste my time here. I’ll mature as much as I can before I go back to Elestia. I swear.”
“You don’t have to do that, Roarke.”
Nalaglag ang mga balikat niya pero hindi pa rin siya sumuko. Marahan niyang pinisil ang mga kamay ng dalaga. “Cassy, my baby, my princess. Alam kong nangako tayo sa isa’t isa na kahit alam nating seryoso na tayo sa relasyon natin eh hindi natin bibigyan ng reason ang mga magulang natin para mag-alala. Alam kong hindi okay ang pag-set back ko sa pagpasok sa University of Elestia na ikaw ang pinakamalaking reason ng pag-stay ko. But trust me when I say I’ve really fallen in love with your culture so I decided to extend my stay here and–”
“Maraming buwan ka pang makakapag-stay dito dahil naka-enroll ka dito sa Polaris hanggang sa graduation, `di ba?”
“Yes, but–”
“Let me experience your culture when we become university students.”
“Okay, sure…” Biglang nanlaki ang mga mata niya nang may ma-realize siya. Na-excited agad siya sa mga ideyang nabubuo sa isipan niya na sana, tama. “How? Plano mo bang magbakasyon sa Elestia after graduation? That would be epic!”
Binigyan siya ni Cassy ng pilyang ngiti. “Roarke, nagdesisyon na kong subukang mag-exam for University of Elestia.”
Understatement kung sasabihing nagulat siya kaya hindi agad siya nakapag-react.
“Habang nag-uusap kasi kami ng daddy mo kanina tungkol sa pag-ka-college mo, na-realize ko na wala pa kong university na gustong pasukan,” natatarantang paliwanag naman ng girlfriend niya/ “Hanggang sa naisip ko na bakit hindi ko subukan sa University niyo para naman ma-experience ko rin ang culture niyo?” Tumabingi ang ngiti nito. “Kaya sinabi ko sa daddy mo na `wag siyang mag-alala kasi hindi kita aagawin sa Elestia kung puwede naman kitang sundan. At wala namang mawawala sa’kin kung gagawin ko `yon. In fact, madadagdagan pa nga ang knowledge ko at matututo rin ako ng ibang culture.” Saglit itong huminto na parang nag-isip, nag-alinlangan. Pero mabilis din `yong nawala. “Well, matataas naman ang grades ko at masasabing matalino ako. Pero hindi ko sure kung abot ng utak ko ang level ng Elestia. Ang sabi naman ng daddy mo ay English ang ginagamit na langugae sa University of Elestia at hindi lang French para daw makapag-accommodate ang university ng English-speaking students kaya medyo possible na makapasok ako, `di ba?”
Napangiti si Roarke nang makabawi siya. Hindi nga siya nabingi kanina. Totoong nagdesisyon ang dalaga na subukan ang University of Elestia! “Yes, you’re correct. Fifty years ago, nag-decide ang university chairman na buksan sa English-speaking students ang University of Elestia tutal naman ay `yon ang second language namin. Ginawa `yon para pumantay sa mga Ivy League school sa mundo. Kaya kung sakaling makakapasa ka, hindi ka mahihirapang mag-adjust.”
Bumuga siya ng hangin. “`Yon nga ang pinag-aalala ko, Roarke. Mataas ang level ng University of Elestia. Makakaya kaya ng utak ko `yon?”
“May limang buwan pa bago ang entrance exam,” nakangiting sabi naman niya para ma-encourage ito. “Nag-decide si Princess Cassiopeia na mag-hire ng tutor mula sa review center sa Elestia para tulungan siyang makapasa sa exam. Puwede rin akong mag-hire ng tutor para sa’ting dalawa.” Natawa siya dala ng matinding kasiyahan. “Kaya natin `to, Cassy. Makakapasa tayo sa entrance exam ng University of Elestia. Magkakasama tayo sa buong college years natin.”
“I’ll do my best. Pero may isa pa kong problema.”
“Ano `yon?”
Naging playful ang ngiti ni Cassy. “Kailangan ko ng tutor for French language kasi gusto ko rin namang magkaro’n ng Elestian friends, if ever makapasa man ako sa exam. Preferably, `yong native speaker para mahasa rin niya ang conversational skills ko.”
“May kilala akong French tutor na willing i-dedicate ang oras niya para turuan ka ng French language,” natatawa at playful din na sagot ni Roarke. “Bonus pa kasi sobrang guwapo din niya kaya hindi ka ma-bo-bore sa mga lesson niyo.”
Pabirong umirap ang girlfriend niya. “May boyfriend na ko kaya wala akong pakialam kahit guwapo `yang French tutor na sinasabi mo.”
And that was all he needed to kiss her fully on the lips.
NAGLAGAY si Cassy ng tissue sa isang butas ng ilong niya dahil pakiramdam niya, mag-no-nosebleed na siya sa pag-aaral ng French. Kapag si Roarke ang nagsasalita ng French, ang sexy ng accent nito. Pero kapag siya na, napapalipit na ang dila niya kaya ang impis ng boses niya.
Ang sakit sa tainga ng accent niya, pramis.
“II va pleuvoir cet aprés-midi, donc apporte ton parapluie,” sabi ni Roarke sa sexy accent nito habang binibigyan siya ng seryosong tingin. Nakaupo ito sa tabi niya kaya nakadukwang ito na parang sinisilip ang mukha niya. “Anong sinabi ko, Cassy?”
“Parapluie…” pag-uulit niya sa nag-iisang French word na naintindihan niya sa mga sinabi ng boyfriend niya. “It means ‘umbrella,’ `di ba?” Tumingin siya sa labas ng bintana ng library kung saan sila nag-aaral. Napansin niyang makulimlim ang panahon at siguradong babagsak na ang ulan mamayang hapon kaya nagkaro’n siya ng idea sa sinabi nito. Nakangising nilingon niya ang prinsipe. “Uulan na mayamaya kaya pinagdadala mo ko ng payong?”
Nasapo ng prinsipe ang noo nito. “Mukhang kailangan ko nang doblehin ang atensiyon na ibibigay ko sa mga lesson natin.” Nag-angat ito ng tingin sa kanya at binigyan siya ng pilyong ngiti. “Cassy, my baby, my princess. What if sa tuwing weekend, sa bahay niyo ko matulog para mas matutukan ko ang pagtuturo sa’yo ng French?”
Ngumiti siya ng matamis, saka niya ito sinipa sa ilalim ng mesa dahilan para magreklamo ito. “Ano ka, sinusuwerte? Lalo mo lang i-fu-fuel ang advanced na imagination ng parents ko about us. Masayang-masaya nga sila no’ng i-announce ko na susubukan kong mag-aral sa University of Elestia. Handa raw silang ubusin ang kaunting yaman namin para maipadala lang ako sa Elestia at nang magkasama tayong dalawa.”
“No need for that,” sabi naman ng boyfriend niya sa maingat na boses. “Nangako si Mommy na kapag nakapasa ka sa entrance exam ng University of Elestia, susuportahan ng foundation niya ang pag-aaral mo bilang reward dahil ikaw ang magiging first Filipino student ng Elestia.”
Napabuntong-hininga siya. Alam naman niya na excuse lang `yon ni Madam Serranilla para mapag-aral ang girlfriend ng anak nitong prinsipe sa ibang bansa. Aaminin niya na no’ng una ay nag-aalangan siyang tanggapin `yon kahit hindi pa naman siya nag-te-take ng exam. Pero naalala niya ang sinabi niya sa mga magulang ng prinsipe na gagawin niya ang lahat para maging deserving dito.
Nag-soften up na sa kanya si Madam Serranilla at masasabi naman niyang maayos na ang relasyon nila dahil tuwing weekend, fixture na siya sa family lunch ng mga ito. Gano’n din naman si Roarke sa pamilya niya. Nagkakilala na rin ang parents niya at ang ginang kaya sobrang official na ng relasyon nila ng binata. Siyempre, wala na siyang naging problema kay Blossom.
“Nabasa mo ba `yong interview ni Nikita?” naalalang itanong ni Cassy sa prinsipe. “Tinanggi na niya ang tungkol sa engagement niyo at sinabi niyang siya lang ang may unrequiyed love for you. I feel sorry for her pero ang sabi naman niya sa’kin, okay na talaga siya.”
Tumango-tango ang prinsipe. “Nikita is a good girl. Makakakita rin siya ng tamang prince charming para sa kanya.”
Sa ngayon, si Prince Reynold na lang ang hindi pa totally approved sa relasyon nila. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa na matatanggap din siya nito dahil bago bumalik sa Elestia ang matandang prinsipe, sinabi nito na aabangan nito kung makakapasa ba siya sa University of Elestia.
May pakiramdam siya na kung maipapasa niya ang exam, baka lumaki ang posibilidad na matanggap na siya nito para sa anak nitong prinsipe.
“Sana matanggap na ko ng daddy mo,” mayamaya ay sabi niya. “And eventually, ng royal family na rin. Matagal pa naman `yon kaya marami pa kong oras para gawing deserving ang sarili ko for you.”
“They will love you,” confident na sabi naman ng prinsipe. “Mas open na rin ang royal family sa foreign bride ng pamilya. Filipina ang babaeng pinakasalan ni Prince Ross, `di ba?”
Pero si Miss Care, anak ng presidente ng Pilipinas. Hindi na lang niya sinabi `yon dahil babalik lang sila sa umpisa. “I will be successful and I will make a name for myself in the corporate world,” determinadong deklara ni Cassy. “Sisiguraduhin kong makakapasa ako sa University of Elestia at magiging sulit ang ipapaaral sa’kin ng foundation ni Tita Margarette. Matatanggap ako ni Prince Reynold at patutunayan ko sa royal family na bagay ako sa’yo kahit hindi naman ako prinsesa.” Nilingon niya ang boyfriend niya na nakangiti sa kanya, puno ng pagmamahal ang mga mata. “I deserve you, Prince Roarke.”
“It’s me who do not deserve a wonderful girl like you,” natatawang sabi ni Roarke pero masuyo naman nitong pinatong ang kamay sa pisngi niya. “But I’d like to think that we can make things work so we become deserving of each other, little by little everyday.” Napansin niyang bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. “Je t’aime, Cassy.”
“That, I understand,” nangingiting sagot ni Cassy. “Roarke, mahal din kita.” Pinatong niya ang kamay niya sa pisngi nito. “Baby, may isang bagay pa pala ako na gusto kong ituro mo sa’kin.”
“Anything, baby.”
“Please teach me how to French kiss.”
He laughed so loud but before she could even react, he already covered her mouth with his in a very sexy and very French way when it came to kissing.
--- THE END---