Chapter 65

“SAAN na po tayo, ma’am?”

Katatapos lamang ng go-see ni Sahara at kapapasok pa lamang niya sa loob ng kotse nang marinig niya ang tanong ni Marco. She put her sunglasses on and smiled at him. “May ipa-follow-up lang sana ako sa Buenaventura Ad Agency. Sa The Forum muna tayo,” tugon niya. Mula sa agency ay tutuloy na siya sa coffee shop, bahala na kung paano niya iyon gagawin nang hindi nakikita ni Marco. Siguro, magkukunwari siyang masakit ang tiyan at gagamit ng CR sa coffee shop ng gusali. Panalangin lang niya ay naroon na si Ace pagdating niya.

Tumangu-tango si Marco. “Yes, ma’am.” Sa rear-view mirror lamang siya nito tinitingnan at napansin niya ang manaka-naka nitong pagngiti sa kanya. “Pero ma’am, alam po ba ni Sir Ricky na dadaan tayo sa The Forum?”

Umiling siya. “Sandali lang naman tayo. He doesn’t really have to know.”

“Baka naman makikipagkita po kayo kay Ace, ha.”

Nanlaki ang mga mata niya, mabuti na lamang at natatakpan ang mga iyon ng malaki niyang sunglasses. Mula sa pagtingin sa mga tanawin sa labas ng bintana ay napatingin si Sahara sa rear-view mirror kung saan kitang-kita niya si Marco. Seryoso ang mga mata nito sa daan pero manaka-naka ang pagtingin nito sa kanya sa salamin. Kung kanina ay todo ang ngiti nito, ngayon ay diretso lamang ang ekspresyon ng mukha nito. Shit. How did he know about Ace?

“Naalala n’yo ‘nung isang araw, hiniram ninyo ‘yung cellphone ko? Nakalimutan n’yo yatang burahin ‘yung message ninyo.”

Napayuko siya at napapikit. This isn’t happening. Bakit kung kailan ayos na ang lahat, kung kailan na-plantsa na niya ang lahat, tsaka pa magkakaganito? Kung bakit ba naman kasi hindi siya nag-iingat?

“Huwag po kayong mag-alala ma’am, hindi po ako nagsumbong kay Sir Ricky.”

Medyo nakahinga siya ng maluwag sa narinig pero hindi iyon sapat. She couldn’t remember what was on that text message she sent to Ace or when it happened. It was probably one of those times when she was so tired and desperate that she just wanted out, no matter what it takes.

Ni hindi na niya naisip kung tama ba o mali ang pakikipagmabutihan niya kay Marco para lamang mapunta sa kanya ang loyalty nito. God, she’s even willing to give her body to him. If that’s what it takes to escape and be with Ace, she would be willing to do everything.

“Makikipagkita po ba kayo ‘dun sa Ace?” ulit nitong tanong.

Oo, gusto niyang sabihin. Tutulungan kaya siya nito kung sakali? “N-no, of course not.” Just to be safe.

“May relasyon po ba kayo do’n kay…Ace?”

“A-ano bang klaseng tanong ‘yan, Marco?” balik niyang tanong. Oo nga’t malapit na sila sa isa’t-isa pero hindi ibig sabihin ay may karapatan na itong magtanong ng mga personal na tanong at makialam sa personal niyang buhay.

“Ma’am, okay lang naman ‘yon. Alam ko naman ang istorya ninyo ni Sir. Tsaka may asawa naman si Sir hindi ba? Kaya kung ako ang tatanungin, normal lang naman siguro kung magkaroon kayo ng relasyon sa iba.”

Is he bluffing?

“’Yung Tatay ko, may ibang babae ‘yon. ‘Nung nalaman ni Nanay, ayun, nanlalaki rin. Sabi ni Nanay, kung kaya ni Tatay na mambabae, kaya rin niyang manlalaki. Pantay-pantay raw dapat. Kaya hayun, hindi rin nagtagal, naghiwalay sila. May point naman ang Nanay ko, diba?”

Oo, pero iba ang sitwasyon niya sa mga magulang ni Marco. Tumango na lang siya para hindi na humaba ang usapan.

“Eh ang nanay ko nga, hindi naman kagandahan ‘yon ha, pero nakuha pa ring makahanap ng iba. Kayo pa na sobrang ganda? Sigurado akong ang daming lalaking nagkakandarapa sa inyo,” sabi pa nito, sabay tawa. “Kaya naiintindihan ko kayo kung gusto ninyong kumawala kay Sir Ricky. Aba, dalaga kayo at napaganda ninyong dalaga kaya ang dapat lang sa inyo, ‘yung lalaki na walang sabit.”

Tahimik lamang si Sahara habang nagsasalita si Marco at kunwari’y interesadong nakikinig rito. Tumingin siya sa labas – malapit na sila sa The Forum. Tumingin siya sa kanyang relong pambisig – alas tres y media na ng hapon. Naroon na kaya si Ace?

“Gusto n’yo po bang umalis sa poder ni Sir?”

Napatingin siya sa binata doon sa rearview mirror at nakita niyang nakatingin rin ito sa kanya.

“Kung gusto n’yo, p’wede ko kayong tulungan.”

Seryoso ba ito sa sinasabi? Ano ang dahilan nito at bakit bigla-bigla ay nag-desisyon ito ng ganoon?

“Payag ba kayong sumama sa akin kung sakali?”

Eksaktong nag-pula ang ilaw pantrapiko kaya nagawa nitong lumingon sa kanya. Seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa kanya, naghihintay ng sagot.

~~

EKSAKTONG alas-kuwatro ay naroon na si Ace siya sa paborito nilang coffee shop sa The Forum. He’s wearing his favorite white shirt and faded jeans. Wala siyang anupamang dala kundi isang pumpon ng pulang rosas para kay Sahara. His heart was beating so fast because of so many things. Sa matagal na panahon, ngayon na lang niya uli makikita si Sahara at sa pagkakataong iyon ay pangmatagalan na. She’ll run away with him, be with him every day and every night, forever.

Napailing siya sa naisip. He used to laugh at his friends every time they talk about falling in love and dreaming about forever but now, he’s already become one of them. Ganoon siguro talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao, naisip niya.

Oo, mahal niya si Sahara kahit ano’ng pigil niya sa sarili. He has loved her ever since he met her and he will still love her no matter what happens. Sa nakalipas na mga buwan, alam niyang kahit ano ang mangyari, sa oras na hilingin ni Sahara ang tulong niya ay gagawin niya ang lahat para rito at ngayon nga ay dumating na ang oras na iyon.

He looked at the time, it’s 4:15 pm. Luminga-linga siya, inayos ang pagkakasalansan ng mga rosas. Sahara will be here any minute and he just can’t contain his excitement. Kinuha niya ang cellphone sa likurang bulsa ng kanyang pantalon at akmang tatawagan si Sahara pero naalala niyang hindi nga pala niya nakuha ang numero nito dahil nagmamadali ito nang makausap niya sa telepono.

And he suddenly thought, what if something goes wrong? What if she’s in trouble?

Napatayo siya at muling napaupo, at muling tumayo. Nagpalakad-lakad siya sa loob ng coffee shop, iniisip ang mga maaaring mangyari o nangyari kay Sahara at bakit hindi pa ito dumarating. Paano kung hindi natuloy na makatakas si Sahara? Paano kung nahuli ito ng kanyang Tito Ricky at hindi na makakarating sa kanilang pinag-usapan?

Another hour has passed at wala pa rin si Sahara. Hanggang sa tuluyan nang lumubog ang araw ay naroon pa rin siya sa loob ng coffee shop, na parang naghihintay sa wala.

Gusto niya itong puntahan sa tinutuluyang condominium unit pero hindi niya alam kung saan iyon. Gusto niya itong tawagan, pero wala siyang numero nito. Gusto niyang magwala sa coffee shop na iyon, manuntok ng kahit na sino at ilabas ang lahat ng galit, inis at pagkabigo.

But he can’t do anything about it. He just sat down and drown himself in pain and disappointment. If Sahara won’t be able to come, this would be the second time that she’d let him down and he’s not sure how he’d handle a second heartache from her.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.